SAMASA PUP COC

Directions Website Contact the organization

SAMASA PUP COC Partido-Alyansa ng mga Komunikador ng Bayan na Kaisa ang Multi-Sektoral na Komunidad Tungo sa Tagumpay ng Kampanyang Edukasyon!

TINGNAN | Nakiisa ang Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan (SAMASA) College of Communication sa isinagawang kilos-pr...
12/09/2026

TINGNAN | Nakiisa ang Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan (SAMASA) College of Communication sa isinagawang kilos-protesta upang patambulin ang panawagan hinggil sa paggamit ng lived names ng mga estudyanteng magtatapos at pagtaas ng graduation fees sa taong panuruan 2026-2027.

Binigyang diin ng mga tagapagsalita sa naganap na pagkilos ang mga panawagan sa administrasyon ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas hinggil sa inklusibong espasyo sa loob ng pamantasan.

Magaganap ang pagkilos matapos magtungo ng PUP Student Regent na si JP Azusano at mga student council leaders sa Office of the Vice President for Student Affairs upang magpasa ng petition letter hinggil sa mga nasabing usapin.

Mga kabataang alagad ng midya, sama-samang manawagan para sa isang ligtas at inklusibong espasyo!

PUP SAY OUR NAMES NOW!

06/09/2026

THE BADDEST BI***ES ARE AGAINST CORRUPTION ๐Ÿ’…โค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ

TINGNAN | Paanyaya mula kay Illest Morena kahapon, Setyembre 05 sa naganap na COC Freshmen Fest sa pagdalo para sa paparating na Martial Law Commemoration sa Setyembre 21.

Mga kabataang alagad ng midya, maging tunay, palaban, at makabayang lider-estudyante! Sumali sa SAMASA PUP College of Communication! โœŠ

http://tinyurl.com/JoinSAMASAPUPNow

27/07/2026

TINGNAN | Kahapon, ika-28 ng Hulyo, nakiisa ang SAMASA COC sa protesta sa SONA ng Bayan upang ipanawagan ang pananagutan ng estado sa lumalalang krisis na kinahaharap ng mamamayan.

Naninindigan ang taumbayan na wala sa loob ng House of Representatives ang tunay na State of the Nation Address. Bagkus, ito'y nasa lansangan, kung saan sama-samang isinisigaw ng mga manggagawa, magsasaka, kabataan, maralita, iskolar ng bayan, mga alagad ng midya, at iba pang demokratikong sektor ang tunay na kalagayan ng bayan.

Habang ipinagmamalaki ng rehimeng Marcos ang huwad nitong mga programa gaya ng Pax Silica at iba pang mapanlinlang na proyekto, lalong lumalalim ang krisis sa kabuhayan, tumataas ang presyo ng mga bilihin, nananatiling mababa ang sahod, at patuloy na ipinagkakait ang tunay na reporma sa lupa.

Hindi mabubura ng isang talumpati ang katotohanan. Ang tunay na SONA ay nasa bawat sigaw ng sambayanan. Wala sa rehimeng Marcos, sa mga Duterte, at sa mga imperyalistang Estados Unidos at China na patuloy na nakikinabang sa pagsasamantala sa mamamayang Pilipino. Hangga't may pagsasamantala, mananatiling sa lansangan ang tunay na bulwagan ng bayan!

TINGNAN | Kahapon, ika-5 ng Mayo, nagsumite ang PUP College of Communication Student Council ng sensing form report hing...
07/05/2026

TINGNAN | Kahapon, ika-5 ng Mayo, nagsumite ang PUP College of Communication Student Council ng sensing form report hinggil sa planong relokasyon at pansamantalang paglipat sa online classes dulot ng konstruksyon ng bagong Mass Communication Building. Agad namang humiling ng dayalogo sa administrasyon sina COC SC President Alvinson Aligam at Student Rights and Welfare Councilor Haizel Mariano upang igiit ang hinaing at paninindigan ng mga estudyante.

Sa dayalogo, kinumpirma na hindi na maaaring gamitin ang kasalukuyang gusali kung matutuloy ang relokasyon sa PUP Main. Ngunit sa kasalukuyan pa lamang, lantad na ang matinding kakulangan sa espasyo at pasilidad sa Main. Paano pagkakasyahin ang mahigit 2,900 estudyante mula sa apat na programa ng COC sa isang kampus na siksikan na? Sa loob mismo ng kolehiyo, 13 classrooms lamang ang pinag-aagawan ng mga estudyante habang tinitiis ang matinding init at kakulangan sa bentilasyon.

Hindi rin malinaw ang timeline ng konstruksyon. Kahit sinasabing maaaring makabalik kapag natapos ang ground floor, mananatili pa rin ang panganib ng alikabok, debris, at ingay mula sa konstruksyonโ€” malinaw na banta sa kalusugan at kaligtasan ng mga Iskolar ng Bayan. Maging ang AVR ay planong gawing classroom, bagay na higit pang magkakait ng espasyo para sa mga organisasyon at demokratikong gawain ng mga estudyante.

Mariing kinokondena ng SAMASA COC ang patuloy na pagpapabaya sa edukasyon. Habang pinagtitiyagaan ng mga estudyante ang siksikan, init, at kulang na pasilidad, bilyon-bilyong pondo naman ang ibinubuhos sa AFP-PNP at NTF-ELCAC. Malinaw: hindi kakulangan sa pondo ang problema kundi maling prayoridad ng estado.

Iginigiit natin ang agarang paglalaan ng sapat na badyet para sa edukasyon, mabilis at ligtas na pagpapatayo ng mga pasilidad, at makataong kundisyon sa pag-aaral. Ang ligtas, maayos, at dekalidad na edukasyon ay karapatanโ€” hindi pribilehiyo.

WALANG ESPASYO ANG PASISMO SA PAMANTASAN NAMIN! Sa halip na kaalaman, disimpormasyon ang inihatid sa mga estudyante kaha...
16/03/2026

WALANG ESPASYO ANG PASISMO SA PAMANTASAN NAMIN!

Sa halip na kaalaman, disimpormasyon ang inihatid sa mga estudyante kahapon, Marso 15, nang magsalita ang mga kinatawan ng NTF-ELCAC sa ROTC Orientation sa PUP Grandstand. Sa kanilang walang kwentang pagbabahagi, inakusahan nilang โ€œfrontโ€ umano ng CPP-NPA-NDF ang mga progresibong organisasyon at pinalalabas na laganap ang recruitment sa loob ng unibersidadโ€”mga alegasyong walang malinaw na batayan.

Mariing tinututulan ng Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan PUP COC ang ganitong uri ng terror-tagging. Wala itong ambag kundi pananakot at pagtatangkang patahimikin ang mga estudyanteng nag-oorganisa at naninindigan para sa kanilang demokratikong karapatan at ilihis ang mga estudyante mula sa pagkamulat nito sa tunay na lagay ng lipunang mapagsamantala.

Isang malaking tanong kung bakit pinahintulutan ng PUP Administration na makapagsalita ang NTF-ELCAC sa isang programang walang malinaw na kinalaman sa kanila. Dapat magpaliwanag ang administrasyon ng PUP at ang ROTC Unit kung bakit nabigyan ng espasyo ang ganitong uri ng panghihimasok sa loob ng pamantasan.

Kahit na lagpas pa sa daliri ng mga tao sa likod ng ahensyang ito ang plano nilang magpabalik-balik sa pamantasan, mananatili ang tindig ng mga Iskolar ng Bayan na walang espasyo ang pasismo sa loob ng unibersidad. Ang pamantasan ay para sa malayang pag-aaral, kritikal na pag-iisip, at kolektibong pagkilos ng mga Iskolar ng Bayan, hindi para sa pananakot at madilim na propaganda ng administrasyong Marcos-Duterte.


TINGNAN | Masiglang sinalubong ng mga Iskolar ng Bayan ang huling batch ng mga PUPCET takers matapos ang matagumpay na m...
09/03/2026

TINGNAN | Masiglang sinalubong ng mga Iskolar ng Bayan ang huling batch ng mga PUPCET takers matapos ang matagumpay na mobilisasyon sa Liwasang Bonifacio bilang bahagi ng paggunita sa International Working Womenโ€™s Day. ๐Ÿ’œ

Binigyang-diin sa mga diskusyon ang mga isyung kinahaharap ng kababaihan, kabilang ang patuloy na karahasan laban sa kanila, gayundin ang panawagang ibasura ang 12% VAT sa mga produktong pangunahing ginagamit ng kababaihan tulad ng sanitary napkins, mga gamot, at iba pang pangangailangan.

Ang dagdag na buwis ay lalong nagpapataas ng presyo ng mga produktong ito habang hindi naman sapat na naipapamahagi sa mga batayang serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon, healthcare, at seguridad.

Inaasahan din ang mga (future) Iskolar ng Bayan ng ating Sintang Paaralan na ipagpatuloy ang mga panawagang ito upang sama-sama nating makamit ang pananagutan at ang pagsusulong ng pambansang demokrasya. โœŠ๐Ÿป

๐ˆ๐’๐Š๐Ž๐‹๐€๐‘ ๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐: ๐‘๐ˆ๐’๐„ ๐€๐†๐€๐ˆ๐๐’๐“ ๐•๐€๐“ ๐€๐๐ƒ ๐‚๐Ž๐‘๐‘๐”๐๐“๐ˆ๐Ž๐!๐˜”๐˜ฆ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข ๐˜บ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ง๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข๐˜ด๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ ๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜ช๐˜ด ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฆ๐˜ง??Ngayong buwan ng Mar...
03/03/2026

๐ˆ๐’๐Š๐Ž๐‹๐€๐‘ ๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐: ๐‘๐ˆ๐’๐„ ๐€๐†๐€๐ˆ๐๐’๐“ ๐•๐€๐“ ๐€๐๐ƒ ๐‚๐Ž๐‘๐‘๐”๐๐“๐ˆ๐Ž๐!

๐˜”๐˜ฆ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข ๐˜บ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ง๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข๐˜ด๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ ๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜ช๐˜ด ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฆ๐˜ง??

Ngayong buwan ng Marso, patuloy nating ipinaglalaban ang karapatan ng kababaihan sa ibaโ€™t ibang aspetoโ€”panlipunan man o pang-ekonomiya.

Ipinapanawagan natin ang pagbabasura ng Value Added Tax (VAT) upang tunay na maranasan ng masa ang agarang ginhawa. Ang VAT ay pabigat sa araw-araw na gastusinโ€”lalo na sa mga nanay at pamilyang hirap pagkasyahin ang limitadong kita.

Sa kabilang banda, patuloy at laganap ang korapsyon at ang pagbibigay ng sobra-sobrang pondo sa militarisasyon, kabilang ang mga pribilehiyong hindi naman napapakinabangan ng karaniwang mamamayan. Habang tayo bilang mga estudyante ay nagbabayad ng buwis sa bawat bilihin at serbisyo, hindi natin lubos na nararamdaman ang makabuluhang balik nito sa edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan.

Bilang mga Iskolar ng Bayan, tungkulin nating manindigan para sa kababaihan at sa masang Pilipino.

๐Ÿ“ข Tayo na, bumoses at umindak para sa masa at kababaihan!

Sumama sa pagkilos:
๐— ๐—”๐—ฅ๐—–๐—› ๐Ÿฑ, ๐—ข๐—ก๐—˜ ๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—Ÿ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—š: ๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—˜ ๐—”๐—š๐—”๐—œ๐—ก๐—ฆ๐—ง ๐—ฉ๐—”๐—ง ๐—”๐—ก๐—— ๐—–๐—ข๐—ฅ๐—ฅ๐—จ๐—ฃ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก!

๐Ÿ“Œ10:30am - Assembly @ PUP Lagoon
๐Ÿ“Œ11am - Start of Program
๐Ÿ“Œ11:30am - March to PUP Gate
๐Ÿ“Œ12nn - End of Program

Sumama sa Coordinating GC Link:
https://m.me/j/AbZUhOvZNi_RnpOO/




MULING BABAHA SA LUNETA! โœŠIlang buwan na ang dumaan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin napapanagot ang lahat ng sang...
29/11/2025

MULING BABAHA SA LUNETA! โœŠ

Ilang buwan na ang dumaan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin napapanagot ang lahat ng sangkot sa ginawang pagnanakaw ng administrasyong US-Marcos-Duterte kasama ang mga kroni niya sa gobyerno. Hanggang ngayon ay malaya pa rin ang mga politikong gahaman na kumamal ng pondo ng taumbayan.

Sa loob ng ilang taong paghihirap ng mga Iskolar ng Bayan sa loob ng pamantasan dahil sa kulang-kulang na pondo sa sektor ng edukasyon ay malalaman na lamang nila na ang pondong sana ay sasapat sa pangangailangan nila ay binubulsa na pala ng gobyerno. Ano na lamang ang kinabukasan na kakaharapin ng mga Kabataan sa kamay ng mapaniil at magnanakaw na gobyerno.

Hinding-hindi na papalampasin ng mga Kabataan higit lalo ng mga Kabataang Alagad ng Midya ang pagsasawalang bahala sa kasong pagnanakaw ng gobyerno. Hindi hahayaan ng mga ito na hindi managot ang lahat ng sangkot at mapatalsik ang lahat ng mga nakaupong walang ibang nais gawin kundi ang unahin ang mga pansariling interes nito.

Bukas, muli nating babahain ang Luneta at muling magkakaisa upang litisin sa lansangan ang mga korap. Muli nating ibabalik ang kapangyarihan sa kamay ng taumbayan. Sumama sa isasagawang malakihang pagkilos sa Kalaw Avenue hanggang sa Luneta. Ipakita ang lakas ng laksa-laksang kabataang lumalaban.

KONDUKTA:
7:00 AM - Kalaw Ave
9:00 AM - Luneta Park

Dumalo at magpadalo.



TINGNAN | Nagkasa ng pagkilos ang mga Kabataang Alagad ng Midya kaisa ang mga organisasyon ng Kolehiyo ng Komunikasyon s...
29/11/2025

TINGNAN | Nagkasa ng pagkilos ang mga Kabataang Alagad ng Midya kaisa ang mga organisasyon ng Kolehiyo ng Komunikasyon sa tarangkahan ng PUP College of Communication Building.

Mababalitaan na ang National Spokesperson ng Alyansa ng mga Kabataang Mamamahayag PUP (AKM-PUP) at Associate Editor ng The Catalyst na si Jacob Baluyot ay patuloy na nakakaranas ng pasistant atake mula sa gobyerno sa pamamagitan ng pagbibigay subpoena at court order.

Malinaw na banta ito sa karapatan hindi lamang ni Jacob Baluyot kundi ng malawak na hanay ng mga alagad ng midya. Ano na lamang ang kakaharapin na kinabukasan ng mga Kabataang Alagad ng Midya paglabas ng pamantasan kung ngayon pa lamang na nagpapakadalubhasa itong maglingkod sa taumbayan ay nakakatanggap na ng intimidasyon at atake mula sa estado.

Isinabit at pinirmahan sa tarangkahan ng kolehiyo ang ginawang COMManifesto. Kasama sa mga pumirma at nagsalita rito ay ang kasalukuyang tagapangulo ng SAMASA-COC na si Deniel Tolentino. Malinaw at maalab na ipinahatid ng komunidad ng COC ang paninindigan at pagkakaisa nito laban sa malawakang korapsyon at atakeng ginagawa ng gobyerno sa mga alagad ng midya.

Sama-sama nating muling bahain ang Luneta bukas, Nobyembre 30, at ipakita ang lakas ng mga kabataang alagad ng midya

Photos by Omar Lacsamana



Address

Polytechnic University Of The Philippines, Mabini Campus, College Of Communication Bldg. , Anonas Street , NDC Compound, Sta. Mesa
Manila
1016

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SAMASA PUP COC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to SAMASA PUP COC:

Shortcuts

Share