04/10/2026
π’ PAALALA SA KALIGTASAN NG ATING MGA KA-BARANGAY 170! β οΈ
MAGING ALERTO. MAGING MAPAGMATYAG. UNAHIN ANG SARILING KALIGTASAN.
Sa ating paglalakad pauwi, pagpasok sa trabaho o paaralan, at maging sa simpleng paglabas upang bumili ng pagkain, mahalagang manatiling alerto sa ating kapaligiran.
Narito ang ilang paalala upang mapangalagaan ang ating sarili:
β
Maging mapagmatyag. Iwasang maging kampante sa pakikipag-usap o pagsama sa mga taong hindi natin lubos na kilala.
β
Magtiwala sa iyong kutob. Kung may kilos o sitwasyong nagpaparamdam sa iyo ng panganib o hindi pagiging komportable, huwag mag-atubiling lumayo.
β
Humingi ng tulong. Kung may taong sumusunod, nanggugulo, o nagpaparamdam ng banta, agad na pumunta sa matao at ligtas na lugar. Tumawag sa kapamilya, kaibigan, o humingi ng tulong sa mga awtoridad.
β
Huwag matakot magsumbong. Ipaalam agad sa barangay o sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang anumang kahina-hinalang kilos o insidente.
β
Magmalasakit sa kapwa. Kung may makita tayong taong nangangailangan ng tulong, lalo na kung may nararanasang pangha-harass, maging handang tumulong sa ligtas na paraan.
π Tandaan: Hindi lahat ng nakikilala natin sa daan ay mapagkakatiwalaan agad. Maging magalang, ngunit manatiling maingat. Huwag balewalain ang mga senyales ng panganib.
Ang layunin ng paalalang ito ay hindi maghasik ng takot, kundi palawakin ang kamalayan at hikayatin ang bawat isa na maging responsable sa sariling kaligtasan at kaligtasan ng kapwa.
Ang kaligtasan ay responsibilidad nating lahat! Sama-sama tayong bumuo ng isang komunidad na mapagmatyag, nagmamalasakit, at handang umalalay sa isa't isa.
π BRGY. 170 β Ligtas na Pamayanan, Sama-sama, Tulong-tulong!