Barangay 585 Zone 57

Barangay 585 Zone 57

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay 585 Zone 57, Government Organization, Santol Street, Manila.

Photos from Barangay 585 Zone 57's post 23/03/2026

March 21, 2026: Barangay Clean Up Drive.

Sulong sa kalinisan sa barangayan!
Makiisa, makilahok, at maki-alam para sa mas maayos, mas malinis at mas progresibong kumunidad!

Maraming salamat po!

Photos from Barangay 585 Zone 57's post 15/03/2026

March 14, 2026: Barangay Clean Up Drive.

Isa na naman pong araw ng paglilinis sa ating barangay!
Sa pag papanatili ng kalinisan ay katuwang natin ang isa't-isa, maging responsableng mamamayan tayo upang maging progresibo ang ating barangay.

Maraming salamat po!

Photos from Barangay 585 Zone 57's post 09/03/2026

March 7, 2026: Barangay Clean Up Drive.

Ang Marso ay Buwan ng Pag-iwas sa sunog. May mga pagkakataon na ang pagsusunog ng basura ang pinagmumulan ng nga insidente na kaugnay ng sunog.

Patuloy tayong maglinis ng ating kapaligiran, huwag mag sunog ng basura, ito po ay ipinagbabawal.

Maraming salamat po!

Photos from Barangay 585 Zone 57's post 02/03/2026

March 1, 2026: Buwan ng Pag-iwas sa sunog.

Ang buwan ng Marso taon-taon ay buwan ng pag-iwas sa sunog o fire prevention month. Ayon sa datos, tuwing buwan ng Marso naitatala ang pinaka marami at malalaking insidente ng sunog, dahil narin sa pagtaas ng lebel ng init sa ating kapaligiran.

Sama-sama tayong maging handa at mag-ingat sa pagiging pabaya natin na maaring magdulot ng mapinsalang sunig sa ating kumunidad.

Patuloy tayong maging aktibo sa paglahok at makiisa sa mga programa na naglalayong maging ligtas laban sa sunog na batid ng ating lokal na pamahalaan.

" Sa pag-iwas sa sunog, hindi ka nagiisa", tayong lahat ay magtulungan upang mapanatiling ligtas ang ating pamayanan.

Photos from Barangay 585 Zone 57's post 01/03/2026

February 28, 2026: Barangay Clean Up Drive.

And huling araw ng buwan ng Pebrero ay hindi nangangahulugan ng huling araw ng paglilinis sa ating barangay. Ito ay patuloy na gampanin ng bawat isa sa atin, tuwing Sabado ng buwan. Patuloy nawa nating piliin na maging adbokasiya ang kalinisan at kaayusan. Disiplina sa mga basura at pagmamahal sa ating nasasakupan.

Maraming salamat po!

Photos from Barangay 585 Zone 57's post 25/02/2026

February 21, 2026: Barangay Clean Up Drive.

Panibagong araw ng paglilinis sa ating kapaligiran. Paalala sa ating mga residente at sa publiko na panatilihin ang kalinisan upang sakit ay maiwasan. Patuloy na makiiisa sa ganitong mga gawain, para sa ikagaganda, ikaka-ayos at ikali-ligtas ng ating pamayanan.

Maraming salamat po!

18/02/2026

February 18, 2026: Ash Wednesday.

As a community, we observe Ash Wednesday as the start of our Catholic faith in the Lenten Season.

Let us all be reminded through the intercession of our patron saint, Our Lady of Mediatrix of all Grace, that as one family, in our daily life in the community, let us all be humbled to repent and believe in the gospel, as we all came from dust, and we'll be returning to dust.

Keep safe and God bless us all, always.

Photos from Barangay 585 Zone 57's post 17/02/2026

February 17, 2026: Flushing Operation.

Tayo po ay nagsagawa ng flushing operation sa tulong ng ating barangay firetruck na kinabibilangan ng ating mga boluntaryong bumbero na Baracom Sampaloc 585 Fire and Rescue Volunteer , sa ilang bahagi ng ating barangay na may hindi kaayang amoy na maaring magdulot ng panganib sa ating kalusugan.

Pinapaalalahanan ang publiko na ang pag ihi o pagdudumi sa mga pampublikong lugar ay may kaakibat na kaparusahan sa ilalim ng Manila City Ordinance Number 8572 o mas kilala bilang "Tapat Ko Linis Ko", isang ordinansa para sa mga nagsasawalang bahala ng kalinisan at kaayusan. Ito ay nagbibigay ng mandato sa lahat ng residente o may negosyo na responsibilidad ng may-ari ang tapat ng kanyang tirahan o establishimento na mapanatili ang kalinisan at kaayusan, gayun din na mabantayan mula sa mga illegal na pagtatapon ng basura o pag-ihi dito. Ito rin ay may karampatang multa o pagkakabilanggo ng 3 araw o pagsasagawa ng community service , depende sa hatol ng korte.

Magtulong-tulong po tayong lahat sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng ating barangay, ito po ay hindi magagawa ng iilang tao lamang, kailangan po nating makiisa at maging disiplinado at responsableng mamamayan.

Maraming salamat po at kaawaan nawa tayo ng Poong Maykapal.

Photos from Barangay 585 Zone 57's post 15/02/2026

February 14, 2026: Barangay Clean Up Drive.

Happy Valentines Day mga ka-barangay!

Sa ngalan ng pag-ibig sa ating pamayanan, patuloy ang ating paglilinis. Nawa ngayung araw ng mga puso, maging instrumento nawa ang pagmamahal natin sa isang tao , bilang pagmamahal rin sa ating kapaligiran.

Maraming salamat po!

Photos from Barangay 585 Zone 57's post 08/02/2026

February 07, 2026: Barangay Clean Up Drive.

Kalinisan ang pangunahing pamamaraan upang maiwasan ang mga sakit na maaaring makuha ng ating katawan mula sa ating kapaligiran.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa. nawa maging magandang ehemplo tayo sa mga tao, upang patuloy tayong dumami na katuwang ng ating pamahalaan sa pagpapanatili ng kalinisan sa ating barangay.

Maraming salamat po!

Photos from Barangay 585 Zone 57's post 01/02/2026

January 31, 2026: Barangay Clean Up Drive.

Katapusan ng buwan ng Enero ngunit hindi katapusan ng pagpapanatili ng kalinisan sa ating barangay.

Maraming salamat po!

Photos from Barangay 585 Zone 57's post 01/02/2026

January 25, 2026: Scaffolding

A newly acquired scaffolding for additional resources is part of our 2026 project, for us to have equipments such as this for the betterment of our services in our community.

Want your business to be the top-listed Government Service in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Santol Street
Manila
1008