ABANGAN PO NINYO ANG KAUNA-UNAHANG INTERVIEW NG ATING SUPER MAHRA C sa Darating na MARCH 28, 2026 Saturday 4pm here.
Para sa mga gusto magtanong ay maaari po kayong mag comment down below para si Super Mahra C Ang sasagot sa lahat ng inyong mga questions.
See you all!
Super Mahra Advocates
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Super Mahra Advocates, Public Service, San Andres Bukid, Manila.
Just call me SUPER MAHRA C.
22/04/2025
Hindi kailangan ng magarbong entablado o bayad na artista para marinig ang tinig ng masa.
Aanuhin mo ang engrandeng palabas kung sa huli, babawiin din 'yan sa pag-upo?
Ang tunay na lakas ng kampanya ay hindi nasusukat sa halaga ng produksiyon—kundi tunay na puso, tunay pagmamalasakit, tapang, talino, at tibay ng mamamayang Manileño na handang ipaglaban ang tunay na pagbabago.
Kasama niyo si Super Mahra, hindi para magpasikat—kundi para magsilbi.
16/04/2025
Mainit ang panahon, pero mas mainit ang pagtanggap!
Maraming salamat – District 3, sa taos-pusong pag-welcome kay Super Mahra!
Ang inyong suporta at pagmamahal ay inspirasyon sa patuloy na serbisyong may puso at malasakit. 💙
02/04/2025
Maraming salamat, Baseco District 5, sa inyong mainit na pagtanggap sa Super Mahra at kanyang Team! ❤️🙏
Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong suporta at pakikiisa, lalo na sa ating mga kapatid na Muslim na buong puso kaming sinalubong. Ang inyong mainit na pagtanggap ay nagbibigay sa amin ng inspirasyon upang mas lalong maglingkod at magbigay ng tulong sa komunidad.
Patuloy tayong magsama-sama para sa mas maliwanag at mas magandang kinabukasan! 💙✨
Sino si Mahra Tamondong?....
Haligi ng Kawanggawa at Bagong Mukha ng Politika sa Maynila
Si Mahra Tamondong, mas kilala bilang "Super Mahra", ay isang makabagong lider at mapagkawanggawang personalidad na nagmula sa San Andres Bukid, Maynila.
Siya ay kumakandidato bilang alkalde ng Maynila sa darating na 2025 midterm elections sa ilalim ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL)
Isang Haligi ng Kawanggawa
Bilang isang masigasig na lingkod-bayan, si Mahra ay nakilala hindi lamang sa larangan ng politika kundi sa kanyang walang sawang pagsusumikap na maglingkod sa mga kapus-palad at nangangailangan.
Sa kanyang pamumuno, naisakatuparan niya ang maraming proyekto na tunay na nagbigay ng pag-asa sa mga Manileño:
✨ Mga Outreach Program: Patuloy na nagsasagawa ng mga programa para sa agarang tulong sa mga senior citizens at mga komunidad na salat sa yaman.
💊 Medikal na Tulong: Nag-aalok ng libreng konsultasyon at serbisyong medikal upang masiguro ang kalusugan ng bawat residente.
🏠 Suporta sa Pabahay at Maliit na Negosyo: Nangunguna sa pagsulong proyekto ba pabahay at pag-unlad ng maliliit na negosyo upang bigyang pagkakataon ang mga Manileño na umangat sa buhay.
🎓 Edukasyon at Teknolohiya: Nangunguna sa pag suporta sa mga estudyante at magsusulong ng libreng Wi-Fi upang tiyakin ang makabagong edukasyon at komunikasyon sa bawat tahanan.
Bagong Mukha ng Politika
Si Mahra Tamondong ay isang simbolo ng pagbabago at pagkakaisa sa Maynila. Ang kanyang kampanya ay nakatuon sa pagtataguyod ng makabagong pamamahala na nakasentro sa pagpapaunlad ng kabuhayan at edukasyon ng bawat Manileño. Kasama ang kanyang adhikain ang malawakang reporma sa serbisyong pampubliko, na naglalayong magbigay ng pantay na oportunidad at kalidad na serbisyo sa lahat ng sektor ng lipunan.
Isang Inspirasyon sa Bagong Henerasyon
Ang hindi matatawarang dedikasyon ni Mahra sa kawanggawa at paglilingkod ay nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataan at mamamayan ng Maynila.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, layunin niyang itayo ang isang lungsod na may pagkakaisa, kaunlaran, at makabagong pananaw.
Super Mahra: Kasama Mo sa Pag-angat ng Maynila!
Si SUPER MAHRA TAMONDONG Lamang ang NAKIPAGLABAN para sa BENEPISYO at KARAPATAN ng mga Seniors Citizens.
DISCLAIMER: Ang page na ito ay ginawa ng mga masugid na TRUE Supporters ni Ms. Mahra Tamondong, Naniniwala kami sa kabutihang kalooban niya at taus-pusong pagtulong sa mga taong nangagailangan na mga nasa laylayan ng ating bayan. 🥰🥰🥰
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Address
San Andres Bukid
Manila
1017
