Barangay 297 Zone 29 District III

Barangay 297 Zone 29 District III

Share

Official page of Barangay 297 Zone 29 District, Manila.

Chairman:
Johnny Sy

Kagawad:
Ian Kristoffer Pasion
Jocson Caruz
Aida Trencio
Edgardo Soriano
Magdangal Trencio
Ronald Sy
Zenaida Chua

Photos from Barangay 297 Zone 29 District III's post 22/03/2026

A successful and meaningful General Assembly was held with the leadership and presence of our dedicated Punong Barangay Johnny Seepee and council, together with Councilors Konsehala Maile Atienza, Konsehala Fa Fugoso, and Konsi Jeff Lau.

We extend our heartfelt gratitude to our active constituents for their participation and support—your voices and involvement continue to strengthen our community. Special thanks as well to our resource speakers, Jennifer Macahia of DPS and PMSg Nicdao of Meisic precinct for sharing valuable knowledge and insights for the safety, order, and development of our barangay.

Together with our council, we remain committed to transparency, service, and progress for Barangay 297.

Sama-sama po tayo sa tuloy-tuloy na pag-unlad! 🇵🇭

18/03/2026

📢 BARANGAY ANNOUNCEMENT

Magandang araw po sa lahat!

Ipinapaalam po sa lahat na magkakaroon ng payout ng allowance para sa mga sumusunod na benepisyaryo:

👵 Senior Citizens
👩‍👧 Solo Parents
♿ Persons with Disabilities (PWDs) - minor and adult

💰 Ang payout ay bahagi ng tulong pinansyal ng lungsod na sumasaklaw sa buwan ng Enero hanggang Marso.

Schedule: March 18, 2026 - March20, 2026
Oras: 2:00pm / 8:00am - 6:00pm
Lugar: Barangay Hall / itinalagang payout area

🪪 Dalhin:
Valid OSCA/PWD/Solo Parent ID
3 photocopy of ID with 3 signature

⚠️ Paalala:
Sumunod sa oras at schedule upang maiwasan ang siksikan
Panatilihin ang kaayusan at sundin ang mga patakaran sa payout

Maraming salamat po!

Photos from Barangay 297 Zone 29 District III's post 29/01/2026

Magandang hapon mga mahal na senior, PWD at Solo parent.

Ngayon po ay nag-umpisa na ang pamimigay ng allowance sa ating barangay hall. Ito po ang masterlist na ibinaba ng OSCA para sa senior citizen.

Maraming salamat po!

28/01/2026

Magandang gabi mga kabarangay!

Bukas po, January 29, 2026, ay magkakaroon po ng bigayan ng senior allowance sa ating barangay hall. Dalhin lamang po ang mga sumusunod;

- 4 photocopies of Senior Citizen ID with 3 signature (bawal po ang paymaya)
- Original Senior ID
- Senior beneficiary kung kaya pang maglakad at kung bedridden naman ay kami ang maghahatid

Sa mga regular na may payout na pakihanda na ang kailangan para tuloy-tuloy ang ating proseso at walang aberya. Sa mga new applicant naman at reconsider na senior mangyari lamang na maghintay na lamang ng final list na ibababa ng OSCA sa ating barangay upang makumpirma. Once po na maibigay sa amin ang masterlist na ibinaba ng OSCA ay ipopost po kaagad namin dito bukas.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.


20/01/2026

PAALALA SA MGA KABARANGAY

Magandang araw po!
Ipinapaalam po sa lahat na magkakaroon ng Satellite Registration ang COMELEC.

📅 Petsa: January 12, 2026 - May 18, 2026
📍 Lugar: SM Manila 4th floor (beside Gerry’s Grill)

Inaanyayahan po ang mga hindi pa rehistradong botante, pati na rin ang mga nais magpa-reactivate, magpa-transfer, o magpa-correct ng records, na samantalahin ang pagkakataong ito.

Magdala lamang po ng valid ID, barangay certificate at sundin ang mga alituntunin ng COMELEC.

Maraming salamat po at makiisa tayo para sa isang maayos at responsableng halalan. 🗳️


13/01/2026

PAALALA SA MGA NEGOSYANTE

Ipinapaalala po sa lahat ng mga negosyanteng nasasakupan ng ating barangay na magbayad nang mas maaga ng kaukulang buwis at bayarin upang makinabang sa 10% na discount na ipinagkakaloob ng Lokal na Pamahalaan

Ang maagang pagbabayad ay hindi lamang nagbibigay ng diskwento kundi nakatutulong din sa maayos at tuluy-tuloy na serbisyo ng pamahalaan sa ating komunidad.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon!

18/12/2025

Magandang gabi po sa lahat!

Inaanyayahan po namin kayong mga kabarangay bukas December 19, Byernes, na umattend ng anticipated mass na gaganapin sa ika-8 ng gabi sa Sta. Cruz Parish. Bilang sponsor sa nasabing misa ay inaasahan namin ang inyong pagdalo.

Maraming salamat po sa lahat!

Photos from Barangay 297 Zone 29 District III's post 14/12/2025

Isang simpleng regalo, hatid ay kasiyahan sa bawat-isa. Pormal na tayong namahagi ng ating pamaskong handog sa pangunguna ng ating Punong Barangay Johnny Seepee kasama ang buong council ngayong araw.

Bawat pamilya at indibidwal ay binigyan natin ng grocery pack para sa maliit na kaparaanan ay may simpleng pagsasaluhan sa kapaskuhan.

Maraming salamat sa tumulong at sumuporta upang maging posible ang proyektong ito. Nawa’y nabigyan namin ng kulay at saya ang inyong pasko. Sama-sama tayo para sa mas masayang pasko at manibagong taon!

MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR MGA KABARANGAY!



Photos from Barangay 297 Zone 29 District III's post 09/12/2025

Maulang gabi sa inyong lahat, inumpisahan na natin ang pamimigay ng food boxes sa bawat pamilya sa ating barangay. Pinangunahan ito ng ating butihing Punong Barangay Johnny Seepee kasama ang mga Barangay officials.

Ito ang simpleng regalo ng ating Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa bawat pamilyang Manileño upang may panghanda sa nararating na kapaskuhan.

In behalf of Barangay 297, kami po ay nagpapasalamat sa ating butihing Mayor Isko Moreno Domagoso at bumubuo ng pamahalaang Lungsod sa pagbibigay ng simpleng regalo sa bawat pamilya ng aming barangay.

Merry Christmas and Happy New Year to everyone!

Photos from Barangay 297 Zone 29 District III's post 12/10/2025

Isang makabuluhang araw para sa ating Barangay matapos ang matagumpay na pagdaraos ng General Assembly na dinaluhan ng mga opisyal ng barangay, mga lider ng komunidad, at masigasig na mga residente. Tinalakay sa pagpupulong ang mga pangunahing isyu ukol sa kalinisan at waste management sa ating barangay — kabilang na ang tamang pagtatapon ng basura, iskedyul ng koleksyon, mga alituntunin sa segregation, at ang mga hakbangin upang mapanatiling maayos at malinis ang kapaligiran.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng disiplina at kooperasyon ng bawat isa upang makamit ang layuning magkaroon ng isang ligtas, malusog, at kaaya-ayang komunidad. Ipinahayag ng mga opisyal ang kanilang patuloy na suporta at plano para sa mas istriktong pagpapatupad ng mga patakaran ukol sa kalinisan, habang hinikayat ang bawat mamamayan na maging aktibong katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan.

Sa pagtatapos ng assembly, napagkaisahan ng lahat na ang pagbabago ay nagsisimula sa sarili, at sa pagtutulungan, tiyak na mararating ang isang mas maayos at malinis na Barangay. Sama-sama nating pangalagaan ang ating kapaligiran — para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon.

Maraming salamat sa mga opisyal na dumalo, MANILA DPS sa pangunguna ni Mam Thynee at ng ating mga nasasakupan sa pakikinig sa mga plano at mga planong natapos na para sa ikauunlad ng ating barangay. Patuloy lang po tayo sa ating hangarin sa mas maganda at maayos na barangay para sa lahat.

Photos from Barangay 297 Zone 29 District III's post 09/10/2025

A T T E N T I O N:

What: Senior Citizen Payout
When: October 9, 2025 - October 11, 2025
Where: Barangay 297 Hall

Magandang umaga po sa mga minamahal naming kabarangay, simula ngayong araw Hwebes hanggang Sabado po ay gaganapin ang Senior Citizen payout sa ating barangay. Lahat ng rehistradong Senior Citizen na nasa listahan ng tatanggap ay maaaring magtungo o gabayan ang ating mga Lolo't Lola sa pagkuha ng kanilang allowance. Pinapaalalahanan din na dalhin ang mga sumusunod upang hindi magkaroon ng aberya sa pagkuha;

1. Original Senior Citizen ID
2. 3 Photocopies of Senior Citizen ID with 3 signatures or thumbmark
3. Kung bedridden naman po ay ihahatid namin kapag natapos na namin ang pagbibigay sa mga nakakalakad pang Senior Citizen

Pakipasa nalang po sa ibang hindi nakakaalam, maraming salamat po!

Photos from Barangay 297 Zone 29 District III's post 21/08/2025

Para po sa kaalaman ng lahat ng Senior Citizen ito po ang aming paliwanag kung bakit may mga ilang senior tayong nawala sa listahan ng mabibigyan ng ensure at may matatanggal pa sa susunod na mga payout dahil ito ay hindi kagustuhan namin kundi instruction ito mula sa MANILA BARANGAY BUREAU at OSCA-MANILA.

Ito po ang kauubuang listahan na ipinasa ng aming barangay sa email na may tag na “non-resident but voters of this barangay” ngunit ayon sa kanila kapag hindi residente ay hindi na mabibigyan.

Sana po ay naliwanagan ang lahat na wala kaming balak kayong tanggalin ngunit ito ay direktiba na ang non resident kahit botante ng barangay ay hindi na mabibigyan.

Want your business to be the top-listed Government Service in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


812 Tetuan Street Sta. Cruz
Manila
1003