Team Lala Delos Santos

Team Lala Delos Santos

Share

Serbisyo at Malasakit para sa Barangay 340

Photos from Team Lala Delos Santos's post 24/12/2025

Ngayon diwa ng Pasko, tayo po ay namahagi ng 3 kilo ng bigas para sa ating mga kabarangay. Isang munting handog bilang pasasalamat at malasakit sa bawat pamilya.

Maligayang Pasko po sa ating lahat!
Ako po ay taus-pusong bumabati ng isang masaya, payapa at makabuluhang Pasko sa bawat pamilya. 💕🎄

Photos from Team Lala Delos Santos's post 06/12/2025

Magandang araw po, mga Kabarangay. Ipinababatid po namin na muli tayong magkakaroon ng pamamahagi ng libreng maintenance medicine bilang bahagi ng patuloy na serbisyong pangkalusugan sa ating barangay.

Para sa mga nagnanais makatanggap, hinihiling po namin i-komento ang kumpletong listahan ng inyong kailangan na gamot at ang inyong kumpletong address upang maihatid nang maayos ang inyong gamot.

Narito po ang listahan ng gamot na magagamit.👇🏻

SIMVASTATIN 10mg
AMLODIPINE 5mg
ALLOPURINOL 100mg
ASPIRIN 80mg
METFORMIN 500mg
METOPROLOL 50mg
LOSARTAN 50mg
VITAMINS B1 B6 B12

06/08/2025

Cheers to another year of growth and blessings!
Thank you, lord!🙏🏻
🎊🎉🥳

25/07/2025

Magandang Umaga mga Ka-Barangay!

Available na po ang gamot na ito sa atin, para sa mga may kailangan mag message lamang po o comment at pwede nyo na pong kunin.
Mag su-supply po tayo hanggat tuloy tuloy ang ulan.

Mag ingat po tayong lahat at huwag kalimutan magdala lagi ng payong at uminom ng sapat na tubig.

‼️ PAALALA ‼️

Ang Doxycycline ang antibiotics na binibigay bilang prophylaxis sa mga lumusong sa baha upang maiwasan ang sakit na Leptospirosis. Tandaan na BAWAL ang Doxycyline sa mga sumusunod:
❌buntis
❌breastfeeding
❌mga bata below 8 years old (for older kids, ang reseta ay base sa timbang at edad)
❌may allergy sa gamot na ito

⭕️Abisuhan ang inyong doktor
- kung ikaw ay may sakit sa kidney, atay, lupus, myesthenia, etc
- umiinom ng gamot tulad ng para sa seizure, isotretinoin, at walfarin

⭕️ Kung ikaw ay umiinom ng mga sumusunod na gamot, huwag isabay ang Doxycycline:
- Antacids
- Calcium supplements
- Iron supplements
- Multivitamins
** Pwedeng maghintay ng 2 hours pagitan pagkainom ng Doxycycline

‼️ Gabay sa pag inom ‼️

Pag isang beses lang lumusong sa baha mag take ng 2 capsule sa loob ng 3 araw.

Kapag may sugat at lumusong sa baha 2 capsule a day sa loob ng 5 araw.

Pag patuloy na lumulusong sa baha. Tuloy tuloy lang ang pag inom 2 capsule sa isang araw.

Sa batang edad 8 pababa mas mainam magpa konsultansa doktor.

Photos from Team Lala Delos Santos's post 01/07/2025

Isang taos-pusong pasasalamat ang aking ipinaaabot sa pagkilalang iginawad sa atin para sa Labing tatlong taon ng tapat na paglilingkod kasama ang tanggapan ng Bise Alkalde ng Maynila

Ang karangalang ito ay hindi lamang para sa amin, kundi para sa lahat ng kasamahan naming nagsusumikap araw-araw upang mapagsilbihan ang mga mamamayan ng Maynila nang may malasakit, katapatan at dedikasyon.

Sa loob ng 13 taon, kami ay naging saksi sa maraming pagbabago, hamon, at tagumpay. At sa bawat hakbang ng paglilingkod ay naging karangalan naming maging bahagi ng makabuluhang adbokasiya at mga programang tunay na may puso para sa lungsod.

Lubos ang aking pasasalamat sa aming Boss Vice Mayor Yul Servo Nieto sa patuloy na pagtitiwala, paggabay at inspirasyong nagpalakas sa amin upang ipagpatuloy ang makataong serbisyo.

Ang parangal na ito ay magsisilbing paalala na sa bawat taon ng pagseserbisyo bawat pawis at sakripisyo ay may kahulugan at kinikilalang may halaga.

Maraming Salamat po muli Sir Vice Mayor Yul Servo Nieto❤️🫡

01/07/2025

Sainyo nagmula ang sigla at saya ng pista.
Maraming Salamat sa lahat ng manlalarong naging bahagi ng Barangay 340 Fiesta.

June 8, 2025

Photos from Team Lala Delos Santos's post 01/07/2025

Sainyo nagmula ang sigla at saya ng pista.
Maraming Salamat sa lahat ng manlalarong naging bahagi ng Barangay 340 Fiesta.

June 8, 2025

15/06/2025

Happy Father’s Day!
Sa ating mga magigiting at haligi ng tahanan.

Want your business to be the top-listed Government Service in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Barangay 340
Manila