Barangay 788 Zone 86 Official

Barangay 788 Zone 86 Official

Share

A Local Government Unit, aim to help, assist, reach out and give services that is due to a small fra

16/11/2023

Inaanyayahan ang lahat sa isang MEGA JOB FAIR, na gaganapin ngayong araw, FRIDAY, NOV 17 sa may ARROCEROS FOREST PARK Ermita Manila na magsisimula ng 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

22/09/2023

Mga Mahal na ka BRGY

MAG FACE MASK PO TAYO!

KUng inyong napapansin ang panahon ay parang makulimlim at kulay madilaw ang paligid. Ito po ay dahil sa SMOG/VOG na dulot ng malakas na usok mula sa bulkan ng Taal.

Masama po ito sa atin, sa ating baga, balat, mata at maaring lumala kung tayo ay may problema sa baga.

Kung maari pong iwasan muna lumabas ng bahay, at bagamat mainit ang panahon ay magsara ng bintana.

P**i basa po ang anunsyo o paalala mula sa Manila Health Department.

MAG INGAT PO TAYONG LAHAT. GOD BLESS PO SA ATIN.

Ang inyong lingkod,

PB RYAN G. NACIONAL and COUNCIL

08/09/2023

Mga mahal na Ka Brgy:

Isang mahalagang announcement po mula sa ating Icasiano Health Center. P**I BASA NA LAMANG PO at ito po ay para sa lahat at lalo na sa mga NAIS MAGPA COVID VACCINE at KABABAIHAN. WAG LAMANG PONG KALIMUTANG MAGPA REGISTER AT APPOINTMENT online. Sa mga hindi pa Registered at gustong magpa APPOINTMENT, magsabi lng po kayo at pumunta sa Brgy Secretary para po ma online register/appointment po kayo.

Magandang Araw Po sa lahat....

Mayroon na lang po tayong (2) Sinovac na COVID vaccine po para sa Wala pang bakuna at kanilang 2nd dose edad 5yrs old pataas po

May 12 HPV vaccines for cervical cancer prevention para po sa ating mga dalaga,edad 10-14 yrs old at mangyaring paannounce po para sa magulang ng iba na nabakunahan na sa center para sa kanilang 2nd dose makalipas Ang 6 na buwang pagitan . Maraming salamat po

Dr M.Icasiano Health Center

05/09/2023

Mahal na mga Kababaihan na nagpa FAMILY PLANNING at may mga PROBLEMA SA MENSTRUATION

May LIBRE pong pagpapa PAP SMEAR sa ating Icasiano Health Center ngayong araw. On going na po ito ngayon kayat pumunta na po kayo agad sa Center.

Siguruhin lamang po na kayo ay naka ONLINE REGISTERED at may appointment. Kayo po ay tutulungan ng mga kawani sa Center kung hindi agad makakapagpa online.

Samantalahin po natin ang pagkakataong ito. Maraming salamat po at God bless sa ating lahat.

Ang i yong lingkod

PB Ryan G. Nacional and Council

25/08/2023

FOR YOUR INFORMATION po mga mahal naming ka BRGY 788…

Paalala po.

Mula sa MANILA WATER Sir John Demafelix at ng inyong mga lingkod, PB RYAN G. NACIONAL and COUNCIL

23/08/2023

Mga Mahal na SENIOR CITIZEN ng Brgy 788

Ayon po sa nasa picture na memo galing sa office of the mayor. Makikita pong ngayong araw August 23, Miyerkules makukuha ng ating barangay ang LISTAHAN at CASH ALLOWANCE nyo. WALA PA PO KAY CHAIRMAN ang PERA NYO. Para po sa ikaka ayos ng lahat, BUKAS po ng umaga ang payout dahil yon din po ang schedule ng LGU Representative mula City Hall na syang mag babantay sa payout. Lubos po kaming humihingi ng i yong paunawa at malawak na pag iisip sa MEMO.

Sa ngayon p**i handa nyo na po ang mga requirements na kakailanganin para bukas.

Ipagpaumanhin din po dahil hindi namin pwedeng i post dto ang mga pangalan ng SENIORS na may payout, dahil na din po sa DATA PRIVACY ACT.

MARAMING SALAMA PO.

Ang inyong lingkod,

PB RYAN G. NACIONAL and COUNCIL

ANUNSIYO

PARA SA AGARAN AT MALAWAKANG PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON

PETSA: AGOSTO 15, 2023

PARA: LAHAT NG PUNONG BARANGAY AT INGAT-YAMAN NG MAYNILA

PAKSA: BAGONG SCHEDULE NG CASH OUT, PAYOUT AT LIQUIDATION NG SENIOR CITIZENS ALLOWANCE PARA SA MGA BUWAN NG MAYO HANGGANG AGOSTO
2023

16/08/2023

Mga Mahal na SENIOR CITIZEN . P**i basa po tungkol sa pagbabago ng PAYOUT ninyo.

ANUNSIYO

PARA SA AGARAN AT MALAWAKANG PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON

PETSA: AGOSTO 15, 2023

PARA: LAHAT NG PUNONG BARANGAY AT INGAT-YAMAN NG MAYNILA

PAKSA: BAGONG SCHEDULE NG CASH OUT, PAYOUT AT LIQUIDATION NG SENIOR CITIZENS ALLOWANCE PARA SA MGA BUWAN NG MAYO HANGGANG AGOSTO
2023

02/08/2023

Mga Mahal Naming Ka-Brgy 788

Para po sa inyong kaalaman, simula po sa AUGUST 15, 2023, ang lahat ng nagnanais magpa CHECK UP sa lahat ng serbisyong medikal sa ating ICASIANO HEALTH CENTER ay dapat na pong magpa APPOINTMENT muna sa pamamagitan ng ON-LINE REGISTRATION na nasa LINK sa larawang nandito. WALA NA PONG WALK-IN na lamang sa pagpunta doon sa Center.

Ang wala pong appointment ay hindi po ma-aasikaso o hindi mailalagay sa priority list.

Mag REGISTER na rin po kayo ng inyong impormasyon sa nasabing LINK upang may RECORD na po kayo doon at madali na ang magpa APPOINTMENT kung sakaling kayo ay mangangailangan ng serbisyong medikal mula sa CENTER.

Maraming salamat po at mag iingat po tayong lahat. God bless us all po.

Ang inyong lingkod,

PB RYAN G. NACIONAL and COUNCIL

11/07/2023

Mga mahal naming SOLO PARENTS ng ating Brgy.

Ang inyong allowance mula sa ating butihing Mayora Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo Nieto ay inyo nang makukuha sa JULY 17, 2023 Lunes sa ganap na ika 9:00am to 12:00pm sa MSDW SAGAT, PACO.

Gaya pa din ng dati ang mga requirements na inyong dapat dalhin
gaya ng Original at photo copy ng SP ID at barangay certification for solo parent na manggagaling sa inyong barangay.

Dahil sa DATA PRIVACY ACT/LAW ay hindi po namin maipo post ang inyong mga pangalan, paumanhin po. Kung may katanungan, ay pumunta o mag message po kay Kag Annie o kay Sec Raquel.

Pumunta lamang po sa Sagat sa takdang araw at oras ng ating brgy schedule.

Maraming Salamat po, mag iingat po kayong palagi and God bless sa ating lahat.

Ang inyong lingkod,

PB RYAN G. NACIONAL and COUNCIL

05/07/2023

Magandang araw po!

Bukas, Huwebes July 6, 2023 sa ganap na 9:30 am ay may PAYOUT ang DSWD SOCIAL PENSION sa mga Senior Citizens na kanilang pinili. Wala pa po sa amin ang listahan ng mga payees kayat hindi pa po namin matukoy kung sino sino ang may pension. Antabayanan po ninyo ang announcement ng inyong pangalan.

Sa mga dati nang nakakatanggap ng SOCIAL PENSION, p**i XEROX ng TATLONG KOPYA (3) ang inyong OSCA ID at pirmahan/ thumb mark ito ng tig 3 beses din. Gayun din sa mga bagong kasama sa listahan.

Maraming salamat po! God bless sa ating lahat!

PB RYAN G. NACIONAL and COUNCIL

01/07/2023

Mga Ka-Brgy na PWD

Payout po ng allowance nyo mula sa City of Manila at ng ating butihing Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo sa darating na JULY 4, 2023 sa ganap na 1-4 PM sa Sagat, Paco Manila.

Gaya pa din po ng dati ang mga requirements sa pag claim ng inyong allowance.

Maraming Salamat po.

Paalala mula sa inyong lingkod:

RYAN G, NACIONAL and COUNCIL

17/06/2023

Mga Mahal Naming KaBarangay:

Bilang pag aalala sa mahalagang Araw ng mga Ama, Tatay, Papa Daddy o “Father’s Day”. Ang lahat ay inaanyayahan para sa isang munting salu-salo, konting merienda at selebrasyon bilang pag aala-ala sa ating mga mahal na Padre De Familia. Mula sa ama ng ating brgy, PB RYAN G. NACIONAL and Council, inaasahan po namin ang inyong pag dalo.

Bukas, LINGGO, JUNE 18, 2023 sa ganap na ika- 3:00 ng hapon sa atin pong Barangay Hall sa Road 9 Cor Road 14.

Umaasa po kami sa inyong pagdalo at nawa’y patuloy tayong pagpalain ng ating Diyos.

Ang inyong mga lingkod,

PB Ryan Nacional and Council

Want your business to be the top-listed Government Service in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Road 9 Fabie Estate
Manila
1009