24/09/2024
Public Advisory po mga Ka- Barangay from MAYNILAD....
Possible Water Interruption from September 24 to 25, 2024 with an estimated time of 11:00PM to 4:00AM...
Please store enough water for consumption.
23/09/2024
PAMPUBLIKONG PANAWAGAN
Mula po sa Alpha Phi Omega Philippines Incorporated ( Eta Kappa Chapter) ay inihahandog po ang Mega Services bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika 50 taon ng Alpha Phi Omega sa Colegio de San Juan de Letran at Ika-39 taon ng Eta Kappa Chapter sa Pakikiisa ng Komunidad ng Barangay 655 Zone-69,,,
Ang mga nabanggit po na gawain ay ang mga sumusunod:
- MEDICAL SERVICES
- DENTAL SERVICES
- FREE HAIR CUT
- FREE SLIPPERS
- ANTI- RABIES VACCINATION
- SOUP KITCHEN
- CYBER CRIME EDUCATION
- FREE WELLNESS SERVICES
- FREE SCHOOL SUPPLIES ( para sa mga Daycare Students}
- FREE LEGAL CONSULTATION
- FREE ICE CREAM
Ito po ay magaganap sa:
- SETYEMBRE 28, 2024
- ARAW NG SABADO
- MULA ALAS 8:00 NG UMAGA HANGGANG ALAS 12:00 NG TANGHALI
- SA LOOB AT HARAPAN NG BARANGAY HALL
( ITO PO AY FIRST COME FIRST SERVE BASIS )
Sa Lahat po ng mga may nais na maka avail ng mga nabanggit na serbisyo ay maaari na pong magpalista sa ating tanggapan at hanapin lamang si Secretary Rio Basa.
21/09/2024
PANAWAGAN PO PARA SA ATING MINAMAHAL NA SENIOR CITIZENS NG ATING BARANGAY ....
Magkakaroon po tayo ng Pay Out ng inyong Social Pension mula sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila at Pamamahagi ng munting regalo mula sa ating butihing Congressman Irwin Tieng, Bukas, araw ng Linggo, Setyembre 22, 2024, sa ganap na alas 9:00 ng Umaga,,,
Para po sa ating mga pensioner, Dalhin lamang po ang orihinal na OSCA ID, Kasama ng xerox copy nito na may 3 lagda at kopya
Kalakip po nito ang listahan ng mga tatanggap at mangyari lamang po na i-tag ang mga ito para sa malawakang kaalaman,,,,
Maraming Salamat Po.
07/09/2024
Happy Birthday Mama Mary,,,
06/09/2024
ITO PO AY PANAWAGAN PO SA LAHAT NG RESIDENTE AT MGA NAGMAMAY-ARI NG MGA SASAKYAN KAUGNAY SA UNANG KAPISTAHAN NG INTRAMUROS......
Basahin po ng Mabuti ang inilathalang anunsyo mula sa Intramuros Administration. Magkakaroon po ng Clearing Operations ngayong araw ng Sabado, Alas 3 ng Hapon lalo na po ang dadaanan ng prusisyon sa araw ng Pista sa Setyembre 8, 2024, Linggo.
Kalakip ang Paalala at Mapa ng Ruta para sa inyong gabay at pagsunod.
Maraming Salamat Po.
28/08/2024
Happy Feast Day,, Saint Augustine of Hippo!
27/08/2024
Happy Feast Day Santa Monica,,
One of the prominent patroness of Mothers,,,,
23/08/2024
TO BE EXACT 8 DAYS FROM NOW,,,
Actually ayaw ng mga Pinoy ang Mahabang Deadline ang gusto nila yung mismong Last Day yung may dunggulan, siksikan atsaka balyahan with matching dialogue na " ...Ano bayan Wala Bang Extension????" MGA PESTE KAYO HALOS ISANG TAON KAYONG HININTAY PARA MAGPAREHISTRO TAPOS NGAYON ANGAL ANGAL TO THE MAX?
Kaya habang di pa nangyayari, Beat the Deadkine,,, Magparehistro na! Sa mga walang requirements open ang Barangay para sa Certification with Biometrics,,, Magmadali na kayo at magparehistro, wag umasa sa mga kandidato, gawin nyo ito para sa mga sarili nyo!