President BBM-Vice President SARA Administration

President BBM-Vice President SARA Administration

Share

JOIN President BBM-Vice President SARA for government updates.

Photos from Inday Sara Duterte's post 13/03/2023
13/03/2023

Laging nakaalalay sina Pangulong Bongbong Marcos at VP Inday Sara Duterte para sa mga Pilipinong nangangailangan. Kamakailan ay nabigay ng tulong ang Office of the Vice President of the Philippines Disaster Operations Center (OVP-DOC) sa mga biktima ng pagbaha na dulot ng Low Pressure Area sa Caraga Region.

Nagpamahagi ng bigas at relief boxes ang OVP Surigao Satellite Office at Quick Response Teams sa tinatayang 13,488 pamilya o 57,276 indibidwal na naapektuhan ng pagbaha.

Talagang ramdam ang "unity" sa ating gobyerno patungo sa bagong Pilipinas! ❤️ 💚

13/03/2023

Todo talaga ang pagsisikap ng administrasyong Marcos-Duterte na mabigyan ng maginhawa at masaganang bagong Pilipinas ang bawat Pilipino, dahil sa programang hatid ng MSME Development Plan, mabibigyan ng pondo ang iba't ibang programa ng pamahalaan para palakasin ang micro, small and medium enterprise (MSMEs) sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA).

Kasama dito ang iba pang inisyatiba ng DTI Philippines para sa pagsulong ng paglago ng MSMEs, pagtatag ng Negosyo Centers; Isang Bayan Isang Produkto (OTOP) Next Gen; at Shared Service Facilities (SSF).

13/03/2023

Pangulong Bongbong Marcos malugod na binati si Carlos Yulo sa pagkapanalo nito ng gintong medalya sa katatapos lamang na 2023 FIG Artistic Gymnastics World Cup Series sa Baku, Azerbaijan.

Photos from Bagong Pilipinas Community's post 13/03/2023
11/03/2023

Build Better More! Mas maraming proyekto, mas maunlad na Pilipinas!

Nasa 194 high-impact priority projects, sa ilalim ng Infrastructure Flagship Projects (IFPs), ang inaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos kanina sa kanyang pulong kasama ang National Economic and Development Authority (NEDA).

May kinalaman ang mga proyekto sa digital connectivity, health, power, and energy, agriculture at iba pang imprastraktura na siyang inaasahan na makatutulong sa Pilipinas upang maging prime investment destination.

11/03/2023

Paninindigan sa transparency at pag-iwas sa katiwalian ang naging panawagan ng ating Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang talumpati sa Philippine Councilors League National Convention 2023 na ginanap sa World Trade Center sa Pasay City noong Huwebes, Marso 9.

11/03/2023

Nakiisa si Pangulong Bongbong Marcos at ang mga empleyado ng Palasyo sa 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na ginanap noong ika-9 ng Marso sa Malacañan Palace grounds.

Prayoridad ng gobyerno ang kaligtasan ng bawat Pilipino kaya't taun-taon ay nagsasagawa ang mga ahensya ng pamahalaan ng mga drill upang mas mapabuti pa ang kahandaan ng lahat sa mga posibleng lindol sa bansa.

11/03/2023

Pinangunahan ng Office of the Vice President - Disaster Operations Center at Davao Satellite Office ang paghahatid ng mga relief boxes para sa mga residenteng naapektuhan ng lindol sa mga bayan ng Maragusan at New Bataan sa probinsya ng Davao de Oro.

Sa tulong ng administrasyong Marcos-Duterte, napamahagi ang 424 relief boxes sa Maragusan at 628 boxes naman sa New Bataan na naglalaman ng mosquito net, hygiene and dental kits, mga tsinelas, masks at disinfectant alcohol.

Want your business to be the top-listed Government Service in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Manila