Usapang Budget Natin

Call Directions Website Contact the organization

Usapang Budget Natin Usapang Budget aims to inform the people of the latest information on the government budget

๐—ฃ๐Ÿญ๐Ÿฌ-๐—• ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—๐—˜๐—–๐—ง, ๐—ž๐—”๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก ๐—•๐—” ๐—ฃ๐Ÿญ๐Ÿฌ-๐—• ๐——๐—œ๐—ก ๐—”๐—š๐—”๐—— ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐——๐—š๐—˜๐—ง? ๐—ฆ๐—˜๐—–. ๐—ž๐—œ๐— , ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ช๐—”๐—ก๐—”๐—š ๐—ž๐—จ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ข ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฃ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—ข ๐—ก๐—š ๐—š๐—ข๐—•๐—ฌ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐— ...
03/10/2026

๐—ฃ๐Ÿญ๐Ÿฌ-๐—• ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—๐—˜๐—–๐—ง, ๐—ž๐—”๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก ๐—•๐—” ๐—ฃ๐Ÿญ๐Ÿฌ-๐—• ๐——๐—œ๐—ก ๐—”๐—š๐—”๐—— ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐——๐—š๐—˜๐—ง? ๐—ฆ๐—˜๐—–. ๐—ž๐—œ๐— , ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ช๐—”๐—ก๐—”๐—š ๐—ž๐—จ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ข ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฃ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—ข ๐—ก๐—š ๐—š๐—ข๐—•๐—ฌ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—ง๐—œ-๐—ฌ๐—˜๐—”๐—ฅ ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—๐—˜๐—–๐—ง
๐˜‹๐˜‰๐˜” ๐˜Š๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฆ๐˜ง, ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ต๐˜ช-๐˜บ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ณ ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ต๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜บ๐˜ฆ๐˜ฌ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ด ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ซ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ต ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ด๐˜ต

Kung nagkakahalaga ng P10 billion ang isang major bridge at tatlong taon itong matatapos, kailangan ba na ilagay na agad sa budget ang buong P10 billionโ€”at ilabas din ito nang sabay-sabay?

Hindi.

Ipinaliwanag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Kim Robert C. De Leon na bagamaโ€™t maaaring umabot ng ilang taon ang contractual commitments para sa malalaking infrastructure projects, ang funding requirements ng mga ito ay pino-program ayon sa implementation schedule at nananatiling subject sa annual budget process.

Sa Episode 12 ng A.S.K. โ€” Alamin kay Sec. Kim, inisa-isa ng Budget Secretary kung paano pinaplano ng gobyerno ang malalaking proyekto gaya ng mga tulay, railway, ospital, at flood control facilities na hindi realistically matatapos sa loob ng isang taon.

โ€œAng malalaking proyekto ng gobyernoโ€”tulay, railway, ospital, flood control projectโ€”hindi naman parang instant noodles,โ€ ayon kay Secretary De Leon.

โ€œHindi puwedeng: โ€˜Monday, groundbreaking.โ€™ Tapos Friday: โ€˜Sir, ribbon-cutting na po.โ€™ Sana ganoon kabilis. Pero hindi,โ€ dagdag pa niya.

Dahil dumadaan sa ibaโ€™t ibang stages ang mga ganitong proyekto at kadalasan ay inaabot ng ilang taon bago makumpleto, kailangang planuhin ng gobyerno hindi lang ang total project cost, kundi pati ang contract period, implementation schedule, at funding requirements para sa bawat taon.

Para sa mga eligible locally funded multi-year projects, dito pumapasok ang Multi-Year Contractual Authority (MYCA).

Pinapayagan ng MYCA ang isang government agency na pumasok sa isang contractual commitment na lalampas sa isang taon, alinsunod sa mga naaangkop na DBM rules at requirements.

โ€œKung three years ang trabaho, hindi puwedeng one year lang ang tanaw,โ€ pagbibigay-diin ni Secretary De Leon.

Ipinaliwanag niya na nagbibigay-daan ang MYCA para ang isang eligible multi-year project ay masakop ng isang multi-year contract, sa halip na ituring na parang hanggang isang taon lamang ang commitment ng gobyerno.

Nagbibigay ito ng mas maayos na continuity sa implementation ng proyekto at nagbibigay-daan sa mga ahensya na maplano ang proyekto hanggang sa makumpleto ito.

โ€œHindi puwedeng kalahati na ang tulay, tapos sabihin natin: โ€˜Okay, hanggang dito muna. Tingnan natin next year kung itutuloy.โ€™ Tulay ang ginagawa natin, Budget Peeps. Hindi cliffhanger,โ€ ayon kay Secretary Kim.

๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—ง๐—œ-๐—ฌ๐—˜๐—”๐—ฅ ๐—–๐—ข๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—”๐—–๐—ง, ๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ ๐—œ๐—•๐—œ๐—š ๐—ฆ๐—”๐—•๐—œ๐—›๐—œ๐—ก ๐—ข๐—ก๐—˜-๐—ง๐—œ๐— ๐—˜ ๐—ฅ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—”๐—ฆ๐—˜

Binigyang-diin ni Secretary De Leon, gayunman, na ang pagkakaroon ng MYCA ay hindi nangangahulugang matatanggap agad ng isang ahensya ang buong halaga ng proyekto.

Halimbawa, kung P10 billion ang halaga ng isang bridge project na ipatutupad sa loob ng tatlong taon, maaaring i-program ang funding requirements nito nang P3 billion sa unang taon, P4 billion sa ikalawang taon, at P3 billion sa ikatlong taon.

โ€œAng MYCA ay authority para sa multi-year contractual commitment. Hindi ito isang bagsakang P10-billion check,โ€ paliwanag niya.

โ€œIba ang kontrata. Iba rin ang taunang budget. Kaya kahit multi-year ang commitment, annual pa rin ang budget discipline,โ€ dagdag pa niya.

Ibig sabihin, kahit ilang taon ang saklaw ng kontrata, ang annual funding requirements ng proyekto ay mananatiling saklaw ng applicable annual appropriations, budgeting, accounting, auditing, at iba pang government safeguards.

๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ข ๐—ก๐—”๐— ๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—™๐—ข๐—ฅ๐—˜๐—œ๐—š๐—ก-๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—— ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—๐—˜๐—–๐—ง๐—ฆ?

Ipinaliwanag din ni Secretary De Leon na iba ang treatment para sa Foreign-Assisted Projects (FAPs) na pinopondohan sa pamamagitan ng foreign loans.

Sa ilalim ng applicable rules, hindi kailangan ng MYCA ang foreign loan-funded FAPs bago pumasok sa isang multi-year contract dahil iba ang kanilang financing arrangements at governing rules kumpara sa locally funded multi-year projects.

Gayunman, binigyang-diin ng Budget Chief na hindi ibig sabihin nito na exempted ang foreign-assisted projects sa maayos na pagpaplano at budget discipline.

Kailangan ding malinaw na naitatakda at napaplano ang project scope, financing arrangements, implementation schedules, at annual funding requirements ng mga ito.

โ€œLocal man o foreign-assisted, iisa ang expectation: planado ang proyekto mula umpisa hanggang matapos,โ€ ayon kay Secretary De Leon.

Para sa Budget Chief, mahalaga ang multi-year planning hindi lamang dahil sa authority o contract, kundi dahil kailangang mauwi sa aktuwal na resulta para sa mga Pilipino ang mga proyekto ng gobyerno.

โ€œPara sa Pilipinong tatawid sa tulay, sasakay sa tren, gagamit ng ospital, o makikinabang sa flood control project, hindi naman MYCA ang hinihintay nila. Ang hinihintay nila ay proyekto. Proyektong natapos. Proyektong gumagana. At proyektong talagang napapakinabangan,โ€ aniya.

Binigyang-diin ni Secretary De Leon na kapag bilyon-bilyong piso ng public funds at ilang taon ng implementation ang pinag-uusapan, kailangang higit pa sa pagsisimula ng isang proyekto ang saklaw ng government planningโ€”dapat ay hanggang sa makumpleto ito.

โ€œKapag bilyon-bilyong piso ng taumbayan at ilang taon ng trabaho ang pinag-uusapan, hindi puwedeng hanggang groundbreaking lang ang plano. Dapat hanggang completion. Hanggang resulta. Hanggang sa mamamayan,โ€ pagtatapos niya.

Ang A.S.K. โ€” Alamin kay Sec. Kim ay serye ng DBM tungkol sa pagbibigay-kaalaman sa publiko na nagpapaliwanag sa national budget, mga proseso nito, at mga konseptong madalas hindi nauunawaan sa simple at madaling maintindihan na paraanโ€”dahil hindi dapat nakalilito ang budget; dapat itong maunawaan ng bawat Pilipino.

Panoorin ang A.S.K. Episode 12 โ€” MYCA for Infrastructure and Foreign-Assisted Projects dito:

DBM: https://www.facebook.com/share/v/19udKxSGpY/?mibextid=wwXIfr

UBN: https://www.facebook.com/share/v/1EVUnGV7TM/?mibextid=wwXIfr

03/10/2026

๐—ž๐—จ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐Ÿญ๐Ÿฌ ๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—Ÿ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—š๐—” ๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—œ๐—ก๐—š ๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ฌ, ๐—ž๐—”๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก ๐—•๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐Ÿญ๐Ÿฌ ๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—Ÿ๐—œ๐—ข๐—ก ๐——๐—œ๐—ก ๐—”๐—š๐—”๐—— ๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—กโ€”๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—ž๐—”๐—ก? ๐Ÿค”

Parang logical, โ€™di ba? Pero hindi ganoon.

Ang malalaking proyekto ng gobyernoโ€”tulay, railway, ospital, flood controlโ€”ay hindi naman parang instant noodles.

Hindi puwedeng: โ€œMonday, groundbreaking.โ€

Tapos Friday: โ€œSir, ribbon-cutting na po.โ€ ๐Ÿ˜…

Kadalasan, inaabot ng ilang taon bago matapos ang malalaking infrastructure projects. Kaya kung multi-year ang trabaho, paano ang kontrata? At paano ang budget?

Diyan pumapasok ang Multi-Year Contractual Authority o MYCA.

Sa Episode 12 ng A.S.K. โ€” Alamin Kay Sec. Kim, ipapaliwanag ni DBM Secretary Kim De Leon kung paano nakatutulong ang MYCA para makapasok ang isang government agency sa kontratang lalampas sa isang taon para sa eligible locally funded multi-year projectsโ€”nang hindi nangangahulugang hawak na agad ng ahensya ang buong budget para sa lahat ng taon.

Iba ang kontrata. Iba rin ang taunang budget.

At may twist pa.

Paano naman kung Foreign-Assisted Project o FAP na may financing support mula sa foreign sources, gaya ng foreign loans? Kailangan pa rin ba ng MYCA?

๐ŸŽฅ Panoorin ang Episode 12 ng A.S.K. โ€” Alamin Kay Sec. Kim at alamin kung paano pinaplano ang kontrata at taunang pondo para sa malalaking proyektong hindi kayang tapusin sa loob lamang ng isang taon.

Dahil kapag bilyon-bilyong piso ng taumbayan at ilang taon ng trabaho ang pinag-uusapan, hindi puwedeng hanggang groundbreaking lang ang plano.

Dapat hanggang completion. Hanggang resulta. Hanggang sa mamamayan. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐Ÿ’ฌ Anong budget concept pa ang gusto ninyong ipa-A.S.K. kay Sec. Kim? I-comment na โ€™yan, Budget Peeps!

02/10/2026

Budget Peeps! Ngayong Biyernes, dito sa , babalikan natin ang mga kuwentuhan, kaalaman, at tips na siguradong mapapakinabangan n'yo!

Muli nating tunghayan ang naging talakayan kasama si Deputy Privacy Commissioner Atty. Jose Amelito S. Belarmino II ng National Privacy Commission (NPC) tungkol sa kahalagahan ng data privacy, at ang mga hakbang ng pamahalaan para maprotektahan ang ating personal data.

Samahan din natin si Content Creator Jax Reyes sa pagtalakay ng mga tungkol sa pag-iwas sa hindi kinakailangang utang, pagsisimula ng pag-iipon, at pagbuo ng money habits na makatutulong para mas mapalapit tayo sa ating financial goals.

Kaya tara, tutok na, budget peeps!

02/10/2026

๐—•๐—”๐—ช๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ข, ๐— ๐—”๐—ฆ ๐— ๐—”๐——๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฆ๐—จ๐—ฆ๐—จ๐—ก๐——๐—”๐—ก. ๐—”๐—–๐—–๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—จ๐——๐—š๐—˜๐—ง, ๐— ๐—”๐—ฆ ๐— ๐—”๐—•๐—จ๐—•๐—จ๐—ž๐—ฆ๐—”๐—ก. ๐Ÿ”Ž

Pormal nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang government-wide transparency system ang Centralized Open Monitoring Platform for Appropriations and Spending Statistics (COMPASS) ng Department of Budget and Management (DBM).

Sa bisa ng Executive Order (EO) No. 126, required nang magsumite at regular na mag-update ang mga ahensya ng pamahalaan at government-owned or -controlled corporations (GOCCs) ng kanilang latest budget information para mailathala sa DBM COMPASS.

Sa iisang platform, mas madaling masusundan ng publiko kung magkano ang inilaan, magkano ang nailabas, paano ito dumadaan sa procurement, saan ginagamit ang pondo, at ano ang progreso at resulta ng mga programa at proyekto.

Mula sa transparency initiative na inilunsad ng DBM sa ilalim ng pamumuno ni Acting Budget Secretary Kim Robert C. De Leon, ang COMPASS ay itinatakda na ngayon bilang government-wide system upang gawing mas accessible at mas madaling masuri ng publiko ang mahahalagang impormasyon tungkol sa budget at government spending.

Layunin din nitong pag-ugnayin ang mahahalagang financial information systems ng gobyerno upang magkaroon ng mas malinaw na larawan ng daloy at paggamit ng pondo ng bayanโ€”mula paglalaan hanggang resulta.

Sa isang press conference, binigyang-diin ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire A. Castro ang mensahe ng Pangulo: walang dapat itago pagdating sa paggamit ng pera ng taumbayan, at dapat itong bukas sa pagsusuri ng publiko.

Dahil pera ng bayan ang pinag-uusapan, karapatan ng bayan na malaman kung saan ito napupunta at ano ang naibabalik nitong resulta.

๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—›๐—”๐—ฌ, ๐— ๐—”๐—ฆ ๐—ž๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—•๐—จ๐—ง๐—œ๐—ก.Para sa maraming Pilipino, pangarap ang magkaroon ng sariling tahanan. Pero kadalasan,...
02/10/2026

๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—›๐—”๐—ฌ, ๐— ๐—”๐—ฆ ๐—ž๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—•๐—จ๐—ง๐—œ๐—ก.

Para sa maraming Pilipino, pangarap ang magkaroon ng sariling tahanan. Pero kadalasan, ang pinakamalaking tanong ay: Kaya ba ng buwanang kita?

Kaya sa proposed 2027 National Budget, P1.12 bilyon ang inilaan para sa Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program upang makatulong na gawing mas abot-kaya ang pabahay para sa mas maraming pamilyang Pilipino.

Sa halagang ito, P1.085 bilyon ang nakalaan para sa interest at non-interest subsidies na target makinabang ang 125,667 Pilipino, habang P33 milyon naman ang para sa administrative requirements ng programa.

Ibig sabihin, ang suporta ng gobyerno ay hindi lamang nakatuon sa pagpapatayo ng mga bahay. Mahalaga ring mapababa ang financial burden upang mas maraming kwalipikadong Pilipino ang magkaroon ng pagkakataong makamit ang sariling tahanan.

Malaking hakbang din ito mula sa P35 milyon na pondo sa FY 2026 GAA. Ang proposed P1.12 bilyon para sa 2027 ay 60 percent higher din kumpara sa P700 milyon na orihinal na panukala sa FY 2026 NEP.

Sa 2026 SONA, iniulat ni Pangulong Bongbong Marcos na mahigit 500,000 bahay na ang naitayo at napondohan sa ilalim ng housing programs ng pamahalaan, kabilang ang mahigit 100,000 na naidagdag sa loob lamang ng isang taon sa ilalim ng Expanded 4PH Program.

Dahil ang sariling bahay ay hindi dapat manatiling pangarap lamang. Ang layunin: gawing mas abot-kaya ang daan patungo rito. ๐Ÿ ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐Ÿ‘‰ Swipe sa mga susunod na cards para malaman kung paano planong palakasin ang suporta sa affordable housing sa 2027.

๐—œ๐—ก๐—™๐—ข๐—ฅ๐— ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—ฆ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐——๐—ข๐—ข๐—ฅ. ๐—˜๐—ฉ๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—–๐—˜ ๐——๐—ฅ๐—œ๐—ฉ๐—˜๐—ฆ ๐—”๐—–๐—–๐—ข๐—จ๐—ก๐—ง๐—”๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—ฌ.Sa usapin ng accountability, mahalaga ang mabilis na access s...
01/10/2026

๐—œ๐—ก๐—™๐—ข๐—ฅ๐— ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—ฆ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐——๐—ข๐—ข๐—ฅ. ๐—˜๐—ฉ๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—–๐—˜ ๐——๐—ฅ๐—œ๐—ฉ๐—˜๐—ฆ ๐—”๐—–๐—–๐—ข๐—จ๐—ก๐—ง๐—”๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—ฌ.

Sa usapin ng accountability, mahalaga ang mabilis na access sa tamang impormasyon. Pero hindi sapat na may impormasyon lang. Kailangang suportado ito ng mga record at ebidensiyang puwedeng tingnan, suriin, at gamiting basehan para sa susunod na hakbang.

Ito ang binigyang-diin ni Department of Budget and Management (DBM) Acting Secretary Kim Robert C. De Leon sa paglagda ng Data Sharing Agreement sa pagitan ng Procurement Service-DBM at Office of the Ombudsman Philippines.

Binigyang-diin din ni Secretary Kim na ang mabilis na access sa impormasyon ay bahagi lamang ng accountability. Para maging kapaki-pakinabang, dapat ito ay reliable, verifiable, at may mga record na magsisilbing basehan para sa mga susunod na aksyon.

"Kailangang may resibo. Kailangang may basehan."

Sa ilalim ng kasunduan, magkakaroon ang mga awtorisadong tauhan ng Ombudsman ng direkta, role-based, at read-only access sa mga relevant na procurement information sa PhilGEPS. Sa pamamagitan nito, maaari nilang ma-access, masuri, at mapag-ugnay ang mga record para sa mga awtorisadong opisyal na layunin.

Dahil hindi nagtatapos ang accountability sa pagkakaroon lamang ng impormasyon. Kailangang makarating ang tamang impormasyon sa tamang institusyon na may mandatong umaksyon, kasama ang mga record at ebidensiyang kinakailangan upang suportahan ang susunod na hakbang.

IN PHOTOS: Dalawang parangal ang iginawad kay Department of Budget and Management (DBM) Acting Secretary Kim Robert C. D...
01/10/2026

IN PHOTOS: Dalawang parangal ang iginawad kay Department of Budget and Management (DBM) Acting Secretary Kim Robert C. De Leon bilang pagkilala sa kanyang natatanging ambag sa serbisyo publiko, mabuting pamamahala, at paghubog ng mga lider sa public safety.

Iginawad kay Secretary Kim De Leon ang mga titulong Eminent Fellow at Distinguished Alumnus ng Philippine Public Safety College (PPSC) sa 33rd Anniversary Commemoration nito noong Oktubre 1, 2026.

Bilang alumnus ng Master in Public Safety Administration program ng PPSC, pinagsasama ni Secretary Kim ang dalawang larangang mahalaga sa mahusay na paglilingkod sa bayanโ€”ang public financial management at public safety governance. Pareho itong nangangailangan ng matatag na mga institusyon, responsableng pamumuno, at mga desisyong nagdudulot ng konkretong resulta para sa mga Pilipino.

Kinikilala rin ng parangal ang ambag ni Secretary Kim sa paglikha ng learning environment na humuhubog sa mga lider sa public safety na may character at kakayahan-mga lider na hindi lamang mahusay sa pamamahala ng mga institusyon, kundi may kakayahang palakasin ang tiwala ng publiko sa mga ito.

Para kay Secretary Kim, mahalagang bahagi ng paglilingkod ang patuloy na pagkatuto. Ang mas mahuhusay na mga lider ay humuhubog ng mas mahuhusay na mga institusyon; at ang mas mahuhusay na mga institusyon ay nagbubunga ng mas mahuhusay na serbisyo ng pamahalaan.

Higit pa sa personal na pagkilala, binibigyang-diin din ng mga parangal na mahalagang mamuhunan sa mga tao, kaalaman, at institusyon sa likod ng mahusay na pamamahala. Pinagtitibay din nito ang patuloy na pagsusulong ng DBM ng isang pamahalaang tumutugon, may pananagitan, at results-drivenโ€”dahil ang mabuting pamamahala ay dapat nakikita, nararanasan, at nararamdaman ng mga Pilipino.

Dumalo rin sa aktibidad sina DILG Secretary Jonvic C. Remulla at PPSC President PBGEN Ferdinando G. Sevilla, kasama ang iba pang mga pinarangalan.

๐—ฃ๐—จ๐—›๐—จ๐—ก๐—”๐—ก, ๐—š๐—”๐— ๐—œ๐—ง, ๐—š๐—”๐—•๐—”๐—ฌ, ๐— ๐—˜๐—ฅ๐—ž๐—”๐——๐—ข: ๐— ๐—”๐—›๐—œ๐—š๐—œ๐—ง ๐Ÿฑ๐Ÿฌ๐Ÿฌ,๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐— ๐—ฆ๐— ๐—˜, ๐—ง๐—”๐—ฅ๐—š๐—˜๐—ง ๐—ก๐—” ๐— ๐—”๐—ž๐—”๐—ง๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—ฃ ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—” ๐—ก๐—š ๐—š๐—ข๐—•๐—ฌ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿณ๐˜—2.41-๐˜‰ ๐˜‹๐˜›๐˜ ๐˜ฑ๐˜ณ...
01/10/2026

๐—ฃ๐—จ๐—›๐—จ๐—ก๐—”๐—ก, ๐—š๐—”๐— ๐—œ๐—ง, ๐—š๐—”๐—•๐—”๐—ฌ, ๐— ๐—˜๐—ฅ๐—ž๐—”๐——๐—ข: ๐— ๐—”๐—›๐—œ๐—š๐—œ๐—ง ๐Ÿฑ๐Ÿฌ๐Ÿฌ,๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐— ๐—ฆ๐— ๐—˜, ๐—ง๐—”๐—ฅ๐—š๐—˜๐—ง ๐—ก๐—” ๐— ๐—”๐—ž๐—”๐—ง๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—ฃ ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—” ๐—ก๐—š ๐—š๐—ข๐—•๐—ฌ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿณ
๐˜—2.41-๐˜‰ ๐˜‹๐˜›๐˜ ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜จ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ค๐˜ค๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด ๐˜ด๐˜ข ๐˜•๐˜ฆ๐˜จ๐˜ฐ๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ ๐˜Š๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด, ๐˜ด๐˜ฉ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ง๐˜ข๐˜ค๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฆ๐˜ด, ๐˜ง๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฐ

Mula sa pagkuha ng payo kung paano magsimula o palawakin ang negosyo hanggang sa pagkakaroon ng access sa makinarya, financing, at mas malalaking merkado, mahigit kalahating milyong Pilipinong micro, small, and medium enterprises (MSMEs) ang target na makatanggap ng suporta ng gobyerno sa ilalim ng panukalang Fiscal Year (FY) 2027 National Budget.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), P2.412 bilyon ang panukalang pondo para sa MSME Development Program ng Department of Trade and Industry (DTI Philippines) upang matulungan ang 501,253 MSME sa buong bansa na mapahusay ang pagiging produktibo, mapatatag ang kanilang mga negosyo, at makipagsabayan sa lokal at pandaigdigang merkado.

Ang mga panukalang pamumuhunan ay direktang tumutugon sa mga hamon na naunang tinukoy ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang mga hadlang sa paglago ng maliliit na negosyo.

โ€œMaraming MSME ang nahaharap sa ibaโ€™t ibang hamon: Kakulangan ng puhunan, limitadong access sa mamimili, access to market, mabilis na pagbabago ng ekonomiya at ng teknolohiya,โ€ sinabi ni Pangulong Marcos sa paglulunsad ng Trabaho at Negosyo initiative noong Marso 2026.

Binigyang-diin ng Pangulo na kailangang mabigyan ng pamahalaan ang mga MSME ng โ€œinspirasyon, suporta, at pagkakataon,โ€ habang nagsisikap ang administrasyon na mailapit sa mga Pilipino ang mga trabaho at economic opportunities.

Pinagtibay kamakailan ang direksyong ito nang mangako si Pangulong Marcos na palalawakin ang suporta ng pamahalaan para sa mga lokal na manufacturer, partikular ang mga MSME, upang mapatatag ang value chains ng bansa at makalikha ng mas maraming oportunidad sa produksyon at trabaho.

Para naman kay DBM Acting Secretary Kim Robert C. De Leon, ang pagsuporta sa mga MSME ay mahalagang bahagi ng pagsuporta sa mga tao at komunidad na umaasa sa mga ito. Kinikilala ng mga panukalang pamumuhunan na sa likod ng bawat maliit na negosyo ay isang Pilipinong nagsisikap na magkaroon ng kabuhayan, lumikha ng trabaho, suportahan ang pamilya, at mag-ambag sa lokal na ekonomiya.

Sa ilalim ng panukalang FY 2027 National Budget, P937.397 milyon ang ilalaan sa mga locally funded project na direktang tumutulong sa mga entrepreneur.

Sa halagang ito, P472.468 milyon ang panukala para sa pagtatatag at operasyon ng Negosyo Centers, na nagbibigay sa mga entrepreneur ng tulong sa pagpaparehistro ng negosyo, mga serbisyong pagpapayo, impormasyon tungkol sa negosyo at adbokasiya, product development, trade promotion, at pagpapadali ng access sa financing.

Samantala, P464.929 milyon ang panukala para sa Shared Service Facilities Project, na nagbibigay sa mga MSME ng shared access sa teknolohiya, makinarya, kagamitan, kasangkapan, at iba pang pasilidad sa produksyon na maaaring hindi kayang bilhin ng maraming maliliit na negosyo nang mag-isa.

Sa pamamagitan ng access sa mas mahusay na kagamitan at teknolohiya, layunin ng programa na tulungan ang mga negosyo na maging mas episyente sa produksyon, mapahusay ang kalidad ng mga produkto, mabawasan ang mga hadlang sa produksyon, at makipagsabayan sa mas malalaking merkado.

Kasama rin sa panukalang budget ang P288.520 milyon para sa Rural Agro-Enterprise Partnership for Inclusive Development and Growth Project, isang foreign-assisted initiative na sumusuporta sa mga negosyong nasa kanayunan at nag-uugnay sa maliliit na producer sa mas matatag at mas inklusibong value chains.

๐— ๐—”๐—ฆ ๐—”๐—•๐—ข๐—ง-๐—ž๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—–๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ง๐—”๐—Ÿ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—œ๐—ง ๐—ก๐—” ๐—ก๐—˜๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ฌ๐—ข

Bilang nananatiling isa sa pinakamalaking hamon para sa mga Pilipinong entrepreneur ang access sa capital, naglalaan ang panukalang FY 2027 budget ng P840.170 milyon para sa Pondo sa Pagbabago at Pag-Asenso Program ng Small Business Corporation.

Inaasahang magbibigay ang programa ng abot-kayang financing support sa hindi bababa sa 40,000 MSME borrower, upang mas maraming maliliit na entrepreneur ang magkaroon ng access sa lehitimong financing na makatutulong sa pagpapatuloy o pagpapalawak ng kanilang negosyo.

Sa kabuuan, target ng DTI na matulungan ang 501,253 MSME sa FY 2027, katumbas ng 41 porsiyento ng mga MSME sa manufacturing, retail trade, construction, at services sectors. Layunin din nitong makapaglingkod sa 1.065 milyong kliyente sa pamamagitan ng mga Negosyo Center sa buong bansa.

Para sa DBM, ipinapakita ng mga pamumuhunang ito ang pagtutulak ng administrasyon na maabot ng paglago ng ekonomiya ang mga Pilipino hindi lamang sa pamamagitan ng malalaking imprastraktura at malalaking pamumuhunan, kundi maging sa pamamagitan ng maliliit na negosyong lumilikha ng trabaho, kabuhayan, at nagpapatuloy sa pag-ikot ng lokal na ekonomiya.

Ang panukalang P7.200-trilyong FY 2027 National Budget, na nakaangkla sa temang โ€œPeople-Centered Growth for an Inclusive and Resilient Future,โ€ ay nagbibigay-prayoridad sa mga pamumuhunan na nagpapalawak ng mga oportunidad pang-ekonomiya, nagpapatatag sa mga negosyo, at nagsasalin ng paglago sa mas magandang kabuhayan at mas matatag na mga komunidad.

๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—ง๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—•๐—”๐—›๐—ข: ๐—ฃ๐Ÿญ๐Ÿญ.๐Ÿฌ๐Ÿฏ-๐—• ๐—ฃ๐—ข๐—ก๐——๐—ข ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ง๐—จ๐—ฃ๐—”๐——, ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ก๐—จ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—›๐—œ๐—š๐—œ๐—ง ๐Ÿฒ๐Ÿณ๐Ÿฎ,๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐—ฆ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿณ ...
01/10/2026

๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—ง๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—•๐—”๐—›๐—ข: ๐—ฃ๐Ÿญ๐Ÿญ.๐Ÿฌ๐Ÿฏ-๐—• ๐—ฃ๐—ข๐—ก๐——๐—ข ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ง๐—จ๐—ฃ๐—”๐——, ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ก๐—จ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—›๐—œ๐—š๐—œ๐—ง ๐Ÿฒ๐Ÿณ๐Ÿฎ,๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐—ฆ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿณ
๐˜‹๐˜‰๐˜”: ๐˜”๐˜ข๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ง๐˜ฆ๐˜ต๐˜บ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ด๐˜ฑ๐˜ญ๐˜ข๐˜ค๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฅ๐˜ท๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ธ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฌ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด๐˜ต๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ

Kapag biglang nawalan ng pagkakakitaan ang isang manggagawa, hindi puwedeng hintayin ng pamilya ang susunod na trabaho bago matugunan ang kanilang araw-araw na pangangailangan.

Ito ang safety net na nais ipagpatuloy ng pamahalaan sa pamamagitan ng panukalang P11.03-billion alokasyon para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment - DOLE sa 2027. Target nitong magbigay ng pansamantalang employment at income support sa 672,776 disadvantaged at displaced workers sa buong bansa.

Pero sa mas pinalakas na approach ng pamahalaan, hindi lang dapat mauwi sa pansamantalang trabaho ang TUPAD. Dapat itong magsilbing tulay patungo sa susunod at mas sustainable na pagkakakitaan ng isang manggagawa.

Sa ilalim ng TUPAD, binibigyan ng community-based emergency employment ang disadvantaged at displaced workers. Sa pamamagitan nito, kumikita sila mula sa temporary public at community work habang naghahanap o naghihintay ng panibagong regular na pagkakakitaan.

Bagamaโ€™t mananatili sa P11.03 billion ang proposed funding para sa 2027โ€”kapantay ng FY 2026 National Expenditure Program (NEP) levelโ€”mas mahaba ang suportang matatanggap ng kwalipikadong long-term beneficiaries. Mula 20 araw, magiging 45 araw ang prescribed work period. Tataas din mula P350 tungo sa P400 kada beneficiary ang suporta para sa personal protective equipment (PPE).

Ibig sabihin, mas matagal na makakakuha ng income support ang qualified beneficiaries sa ilalim ng long-term component, habang mas pinapalakas din ang kanilang kaligtasan sa trabaho.

Binigyang-diin ni President Ferdinand R. Marcos Jr., sa kanyang FY 2027 Budget Message, ang mahalagang papel ng emergency at community-based employment sa pagtulong sa mga pamilyang harapin ang biglaang economic shocks.

โ€œ๐˜›๐˜ฉ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜จ๐˜ฉ ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜จ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ค๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜บ-๐˜ฃ๐˜ข๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜บ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต, ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜จ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฑ๐˜ด ๐˜๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ง๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜ฆ ๐˜ธ๐˜ช๐˜ต๐˜ฉ ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ค ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ด๐˜ณ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด, ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ง๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฎ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ด๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฅ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฆ๐˜ฏ ๐˜ค๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ธ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข ๐˜ฅ๐˜ช๐˜จ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ง๐˜ช๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ค๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ญ๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฅ,โ€ ayon kay President Marcos.

Para naman kay Department of Budget and Management (DBM) Acting Secretary Kim Robert C. De Leon, hindi lang dapat masukat ang TUPAD sa dami ng temporary jobs na naibibigay nito. Mas mahalaga kung nagiging daan ang mga oportunidad na ito para makahanap ang mga manggagawa ng mas sustainable na trabaho o kabuhayan.

โ€œ๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜›๐˜œ๐˜—๐˜ˆ๐˜‹. ๐˜‹๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ฐ ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜จ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ด, ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ด, ๐˜ด๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ๐˜ด ๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜บ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ท๐˜ช๐˜ค๐˜ฆ๐˜ด,โ€ pagbibigay-diin ni Secretary De Leon.

Kaugnay ito ng pinalakas na TUPAD framework ng DOLE, kung saan iniuugnay ang beneficiaries sa skills training, employment facilitation, livelihood assistance, at iba pang oportunidad na makatutulong sa kanilang paglipat tungo sa mas sustainable na pagkukunan ng kabuhayan.

โ€œ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜›๐˜œ๐˜—๐˜ˆ๐˜‹ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ต๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜บ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฅ. ๐˜›๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ข๐˜ณ๐˜บ ๐˜ธ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฌ ๐˜ด๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฅ ๐˜ฃ๐˜ฆ ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฅ๐˜จ๐˜ฆโ€”๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ข ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฅ,โ€ dagdag ni Secretary De Leon.

Sa proposed FY 2027 funding, layunin ng pamahalaan na mabigyan ng agarang suporta sa kabuhayan ang mga manggagawa sa panahong pinaka kailangan nila ito, habang binibigyan sila ng mas malinaw na daan mula sa temporary employment tungo sa skills, livelihood, at mas sustainable na trabaho.

๐—ง๐—ฅ๐—”๐—ก๐—ฆ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—ง ๐——๐—”๐—ง๐—” ๐—Ÿ๐—˜๐—”๐—ฉ๐—˜๐—ฆ ๐—™๐—˜๐—ช๐—˜๐—ฅ ๐—ฃ๐—Ÿ๐—”๐—–๐—˜๐—ฆ ๐—ง๐—ข ๐—›๐—œ๐——๐—˜.Kapag magkakahiwalay ang procurement records, mas mahirap makita ang mga ko...
01/10/2026

๐—ง๐—ฅ๐—”๐—ก๐—ฆ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—ง ๐——๐—”๐—ง๐—” ๐—Ÿ๐—˜๐—”๐—ฉ๐—˜๐—ฆ ๐—™๐—˜๐—ช๐—˜๐—ฅ ๐—ฃ๐—Ÿ๐—”๐—–๐—˜๐—ฆ ๐—ง๐—ข ๐—›๐—œ๐——๐—˜.

Kapag magkakahiwalay ang procurement records, mas mahirap makita ang mga koneksyon sa pagitan ng mga transaksyon. Pero kapag kita ang buong procurement trail, mas lumilitaw ang mga pattern na maaaring mahalaga sa pagsusuri ng procurement activities, gaya ng pangalan, address, at kumpanya.

Binigyang-diin ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na kapag kalat ang impormasyon, maaaring hindi agad makita ang mga ugnayan na dapat masuriโ€”mula sa mga pare-parehong pangalan at address hanggang sa mga paulit-ulit na bidding patterns, at mga kumpanya na maaaring may koneksyon sa mga parehong tao.

Sa ilalim ng Data Sharing Agreement ng Office of the Ombudsman Philippines at Procurement Service-DBM, magkakaroon ng secure, role-based, at read-only access sa mga kaugnay na procurement records sa PhilGEPS ang mga awtorisadong tauhan ng Ombudsman. Makatutulong ito para mas madaling mapag-ugnay ang mga record, masundan ang daloy ng mga transaksyon, at matukoy ang mga pattern na maaaring mangailangan ng masusing pagsusuri, alinsunod sa mga itinakdang privacy at security safeguards.

Gaya ng sinabi ni Ombudsman Remulla, โ€œPinaiikli ng kasunduang ito ang distansyang iyan.โ€

Kapag magkakaugnay ang mga record, mas madaling makita ang mga ugnayan. Kapag lumilitaw ang mga patterns, mas mahirap itong itago.

Ito ang halaga ng paglapit ng tamang impormasyon sa mga institusyong may mandato na umaksyon: mas kaunting blindspot, mas malinaw na pagbabantay, at mas kaunting puwang para sa maling gawain.

Address

DBM Central Office, San Miguel
Manila
1001

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63286573300

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Usapang Budget Natin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Usapang Budget Natin:

Shortcuts

Share