29/12/2020
𝐖𝐡𝐞𝐧 𝐲𝐨𝐮 𝐬𝐚𝐯𝐞 𝐰𝐚𝐭𝐞𝐫,
𝐈𝐭 𝐬𝐚𝐯𝐞𝐬 𝐲𝐨𝐮 𝐛𝐚𝐜𝐤
𝐖𝐡𝐞𝐧 𝐲𝐨𝐮 𝐫𝐞𝐟𝐮𝐬𝐞 𝐭𝐨 𝐫𝐞𝐮𝐬𝐞
𝐢𝐭'𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐄𝐚𝐫𝐭𝐡 𝐲𝐨𝐮 𝐚𝐛𝐮𝐬𝐞.
𝐒𝐚𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐄𝐚𝐫𝐭𝐡.
𝐖𝐞 𝐡𝐚𝐯𝐞 𝐧𝐨𝐰𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐞𝐥𝐬𝐞 𝐭𝐨 𝐠𝐨
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ating Ingatan ang Kalikasan, Nature Preserve, Manila.
Magandang Araw po sa inyong lahat!Ang page na ito ay ginawa upang magpakita ng adbokasiya sa pangangalaga at paglutas sa suliraning pangkapaligiran.Maraming Salamat po!
29/12/2020
𝐖𝐡𝐞𝐧 𝐲𝐨𝐮 𝐬𝐚𝐯𝐞 𝐰𝐚𝐭𝐞𝐫,
𝐈𝐭 𝐬𝐚𝐯𝐞𝐬 𝐲𝐨𝐮 𝐛𝐚𝐜𝐤
𝐖𝐡𝐞𝐧 𝐲𝐨𝐮 𝐫𝐞𝐟𝐮𝐬𝐞 𝐭𝐨 𝐫𝐞𝐮𝐬𝐞
𝐢𝐭'𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐄𝐚𝐫𝐭𝐡 𝐲𝐨𝐮 𝐚𝐛𝐮𝐬𝐞.
𝐒𝐚𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐄𝐚𝐫𝐭𝐡.
𝐖𝐞 𝐡𝐚𝐯𝐞 𝐧𝐨𝐰𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐞𝐥𝐬𝐞 𝐭𝐨 𝐠𝐨
29/12/2020
"𝐁𝐞𝐭𝐭𝐞𝐫 𝐄𝐧𝐯𝐢𝐫𝐨𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭,
𝐁𝐞𝐭𝐭𝐞𝐫 𝐭𝐨𝐦𝐨𝐫𝐫𝐨𝐰"
29/12/2020
"𝐈 𝐝𝐨𝐧'𝐭 𝐰𝐚𝐧𝐭 𝐭𝐨 𝐏𝐑𝐎𝐓𝐄𝐂𝐓 𝐓𝐡𝐞 𝐄𝐧𝐯𝐢𝐫𝐨𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐈 𝐰𝐚𝐧𝐭 𝐭𝐨 𝐜𝐫𝐞𝐚𝐭𝐞 𝐚 𝐖𝐨𝐫𝐥𝐝 𝐰𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐄𝐧𝐯𝐢𝐫𝐨𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐝𝐨𝐞𝐬𝐧'𝐭 𝐧𝐞𝐞𝐝 𝐏𝐑𝐎𝐓𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍"
Hinihikayat po namin kayo na makiisa sa aming layunin na Pangalagaan at Protektahan ang Kalikasan at gumawa ng mga paraan na makalulutas sa iba't ibang Suliraning Pangkapaligiran dahil malaki po itong tulong sa mamamayan,sa ating Bansa maging sa Buong Mundo. Ang pagsali sa mga programa na tumutulong sa kalikasan ay isa sa mga magandang desisyon na inyong magagawa dahil marami kang mapapasaya at matutulungan.
Ilan sa mga Importansya ng pagsali sa mga ganito ay...
•Makakatulong ka sa maraming tao.
•Makakabawas ka ng problemang pangkapaligiran sa inyong lugar/bansa.
•Maaaring ipakasaya mo ito.
•Mabawasan ang mga hayop na namamatay dahil sa mga suliranin sa kapaligiran.
•Makakapag bigay ka ng ligaya sa mga tao.
•Nababawasan ang mga taong naghihirap.
•Nakatutulong kang bawasan ang posibilidad o pagdami ng mga nagkakasakit.
•Unti-unting nababawasan ang polusyon sa Mundo.
•Magkakaroon ng mas malinis at ligtas na Kapaligiran.
•Nakatutulong sa iba't ibang species na hindi masira ang kanilang mga tirahan.
•Mapapasaya mo ang Panginoon dahil Siya ang gumawa ng ating Kalikasan.
Maraming Salamat po!
29/12/2020
Mga paraan upang malutas ang mga Suliraning Pangkapaligiran:
Pagkawala ng Biodiversity
Ang pangangalaga ng Biodiversity, ang kasanayan sa pagprotekta at pagpapanatili ng yaman at pagkakaiba-iba ng mga species, tirahan, ecosystem, at pagkakaiba-iba ng genetiko sa planeta, ay mahalaga para sa ating kalusugan, kayamanan, pagkain, gasolina, at mga serbisyo na kung saan tayo ay dumedepende. Ang pag-iingat ng Biodiversity ay mahalaga para sa paglago ng ekonomiya at pagbawas ng kahirapan.
Mga paraan:
•Alamin ang limitasyon sa paggamit at pag kuha sa mga likas na yaman.
•Mag tanim ng mga puno at halaman.
•Iwasan ang pagkakalat sa Kapaligiran.
•Iwasan ang illegal na pagpuputol ng mga puno.
•Huwag abusuhin ang mga anyong lupa.
•Magtipid ng enerhiya.
•Gumamit ng mga produktong eco-friendly.
• Recycle at Reuse.
29/12/2020
Mga paraan ng pangangalaga at paglutas sa mga Suliraning Pangkapaligiran:
Pagkasira ng Lupa
•Paggamit ng mga pataba na hindi makasisira sa lupa tulad ng mga organikong pataba mula sa mga nabubulok na bagay.
•Magtanim ng mga puno sa mga bundok maging sa mga bakanteng lote.
•Gamitin sa wastong paraan ang mga yamang lupa.
•Alamin ang limitasyon sa paggamit at pag kuha ng mga yamang lupa.
•Iwasang mag kalat sa Kapaligiran.
•Makilahok sa mga programa ng pamahalaan na kasangkot ang pangangalaga at pagprotekta sa mga anyong lupa.
29/12/2020
Mga maaring gawin upang malutas ang mga sumusunod na sulirarin:
Polusyon sa Hangin at Tubig:
•Pagtigil ng mga pabrika sa pag poprodus ng mga kemikal na nakakasira sa ozone layer.
•Iwasan ang pagsunog ng mga papel at plastik.
•Itigil ang pagtatapon ng mga kemikal sa katubigan.
•Iwasan ang pagtatapon ng mga basura sa katubigan.
•Sumunod sa mga patakarang pangkapaligiran at dumalo sa mga programa nito.
•Magtipid ng tubig.
29/12/2020
Mga dapat gawin upang maiwasang mangyari ang mga sumusunod na suliranin:
Pagkasira ng Kagubatan:
•Iwasan ang pagpuputol ng puno.
•Siguraduhing taniman ng bago kung sakaling magpuputol man ng puno.
•Makiisa sa mga gawain o programa ng pamahalaan sa pagpaparami ng mga puno.
•Iwasan ang pagkakalat sa kagubatan.
•Huwag magsunog sa kagubatan dahil maari itong magdulot ng forest fire.
•Huwag magsayang ng mga produktong gawa sa mga puno tulad ng papel.
•Magkaroon ng disiplina sa sarili,gawin ang tama at ang nakabubuti sa ating kalikasan maging para sa lahat.
•Magkaisa ang mga mamamayan sa paglutas ng suliraning ito.
29/12/2020
Suliraning Pangkapaligiran
Pagkasira ng Kagubatan
•Deforestation- tahasang pagkawasak ng Kagubatan ay isang napaka praktikal na problemang pangkapaligiran.
Sanhi:
•Komersyal na pagtotroso
•Pagkakaingin
•Pagpuputol ng puno
•Pagkasunog ng gubat
Epekto:
•Masama ang dulot nito sa Natural Ecosystem.
•Maraming mga species ng halaman at hayop ang nanganganib dahil nawawalan sila ng Natural Habitat.
29/12/2020
Suliraning Pangkapaligiran
Polusyon sa Hangin at Tubig
•Ito ay ang pinakamalaking suliraning pangkapaligiran sa Asya.
•Ang kontaminasyon sa hangin na dulot ng paggamit ng petrolyo na nagreresulta sa sulfur dioxide na nagreresulta sa acid rain,ozone depletion,at climate change.
•Ang acid rain ay bunga ng pagsusunog sa fossil fuel sa mga pabrika at mga sasakyan na napupunta sa mga katubigan at maaaring maapektuhan din ang mga gusali,pananim, at imprastruktura.
•Nakaninipis ng ozone layer ang mga kemikal na nsa hangin.
29/12/2020
Suliraning Pangkapaligiran
Pagkawala ng Biodiversity
Kasama sa pagkawala ng biodiversity ang pag extinct ng mga species sa buong mundo, pati na rin ang lokal na pagbawas o pagkawala ng mga species sa isang tiyak na tirahan, na nagreresulta sa pagkawala ng biological diversity.
Mga Dahilan ng Pagkawala ng Biodiversity:
•Paglaki ng populasyon
•Walang habas na pagkuha at paggamit ng likas na yaman.
•Pag-aabuso ng lupa.
•Pagkasira at pagkakalbo ng kagubatan.
•Polusyon sa Kapaligiran.
•Introduksyon ng mga species na hindi likas sa isang partikular na rehiyon.
29/12/2020
Ang mga Suliraning sumusunod ay nagdudulot ng Pagkasira ng mga Anyong Lupa:
•Salinization- pagkakaroon o panunuot ng asin sa lupa na inaanod ng tubig sa lupa.
•Alkalinization- pagkakaroon ng alkaline sa lupa.
•Desertification- ang lupa ay nawawalan na ng kapakinabangan bunga ng pagkatuyo.
•Overgrazing- ito ay nagaganap dulot ng labis na pagpapastol o higit na presyur sa mga damuhan.
Reference:
SALINIZATION: https://images.app.goo.gl/DmQ31i1bkZvBSp9m6
ALKALINIZATION: https://images.app.goo.gl/wzxDvCyZrGxwwvqF7
DESERTIFICATION: https://images.app.goo.gl/szatbc1yavcKaeKZ9
OVERGRAZING: https://images.app.goo.gl/NbyVuvHbDX2Rw5QH9