20/03/2026
Eid Mubarak! ๐
Kullu โam wa antum bi khair.
Maligayang pagbati sa lahat sa pagdiriwang ng Eid. Nawaโy patuloy na ipagkaloob ni Allah ang Kanyang awa, kapayapaan, at walang hanggang biyaya sa bawat pamilya. Nawaโy magsilbi itong paalala ng pagkakaisa, pananampalataya, at malasakit sa isaโt isa.
Eid Mubarak po sa ating lahat.
- Kap Shafdar Mastura
Barangay Limbo, Sultan Kudarat Maguindanao
15/03/2026
Alhamdulillah ๐คฒ๐
Bilang Punong Barangay, ako ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng ating Barangay Officials at Staff sa kanilang patuloy na dedikasyon at serbisyo sa ating komunidad. Bilang maliit na pasasalamat ngayong buwan ng Ramadhan, tayo ay nagbigay ng Ramadhan Bonus at bigas para sa ating mga kasamahan sa barangay.
Nawaโy magsilbi itong munting tulong at inspirasyon upang lalo pa nating pagbutihin ang ating paglilingkod sa mamamayan.
Ramadhan Mubarak sa ating lahat. โจ
โ Hon. Datu Shafdar Mastura
Punong Barangay
27/12/2025
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ 2026
๐๐ข๐ธ๐ขโ๐บ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฅ๐ข๐ญ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ข๐ฉ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ช๐ต๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐บ๐ข๐ฑ๐ข๐ข๐ฏ, ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ช๐ด๐ข, ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐ต๐ถ๐ญ๐ฐ๐บ ๐ฏ๐ข ๐ฌ๐ข๐ถ๐ฏ๐ญ๐ข๐ณ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฃ๐ข๐ธ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐บ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐ข๐ฆ๐๐จ, ๐๐ฎ๐ฅ๐ญ๐๐ง ๐๐ฎ๐๐๐ซ๐๐ญ, ๐๐๐ ๐ฎ๐ข๐ง๐๐๐ง๐๐จ ๐๐๐ฅ ๐๐จ๐ซ๐ญ๐.
07/11/2025
๐ข OPISYAL NA BABALA SA PUBLIKO
๐ Tungkol sa Paparating na Super Typhoon โUwanโ
Ayon sa ulat ng PAGASA, inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon Uwan sa mga susunod na araw. Ang nasabing bagyo ay magdadala ng matinding pag-ulan, malalakas na hangin, at posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang lugar.
Sa ganitong kadahilanan, ang Barangay Limbo ay mahigpit na nagpaaalala sa lahat ng residente na:
โ
I-secure ang kani-kanilang tahanan at alagang hayop.
โ
Maghanda ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, inuming tubig, flashlight, kandila, at first aid kit.
โ
I-charge ang mga cellphone at power banks para sa komunikasyon.
โ
Iwasang lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan.
โ
Makinig sa mga opisyal na anunsyo mula sa PAGASA, LGU, at sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE (MDRRMO).
Ang ating Barangay ay patuloy na magbabantay at magbibigay ng abiso para sa kaligtasan ng lahat.
Magtulungan po tayo at manatiling alerto. Ang kaligtasan ng bawat isa ay ating prayoridad.
Mula sa tanggapan ng Barangay Limbo, sa pangunguna ni
Hon. Datu Jackson Shafdar Mastura
Barangay Captain
04/08/2025
Masayang Lunes sa lahat! Gawin nating produktibo at positibo ang linggong ito. ๐ผโจ
18/07/2025
Sa anong oras man ng sakuna at kalamidad ay pangako namin sa mga mamamayan nang Barangay Limbo na mananatiling ligtas ang bawat residente sa abot nang aming makakaya. Nais kong mag pasalamat sa aking kuya, Mayor Datu Shameem Biruar Mastura sa walang sawang pag alaga at pag suporta sa bawat residente ng Brgy. Limbo sultan Kudarat. Nais ko ring mag pasalamat sa ating Municipal Disaster Risk Reduction Management Team at sa ating RHU. Tandaan po natin na sa lahat ng pag subok ay siguraduhin natin na ipagpatuloy natin ang pagkakaisa at pagtutulungan upang makamit ang ating pangarap para sa ating barangay. Maraming salamat!