13/05/2026
Tama na ang taguan, tama na ang takbuhan! Bato, panagutin! Bato, pasukuin!
Sara Panagutin! Sara patalsikin!
Tiyak na mas lumalala ang krisis sa bansa. Bukod sa nagtataasang bilihin at krisis sa langis bunsod ng internasyunal na sigalot na dulot ng imperyalistang US, nariyan ang senado na protektor ng isang pugante at mamamatay tao na si Bato Dela Rosa. Hindi na ito bago dahil sa pamumuno ng bagong luklok na si Alan Cayetano bilang senate president ay isa lang ang kaniyang layunin, ang protektahan ang mga nasa kampo ng Duterte, at hindi pagsilbihan ang interes ng sambayanan!
Habang nagkakagulo, tahimik si Marcos. Hindi pa ba sapat ang naging ingay para maramdaman ang presidente? Mas lalong nakagagalit pa na sa mismong Senado nangyari ang lantaran na pagtatakip at pagprotekta sa mga dapat managot.
Kapag ordinaryong Pilipino ang inaakusahan, mabilis ang pagdakip at walang pag-aatubiling ikulong. Ngunit kapag makapangyarihang personalidad tulad ni Bato Dela Rosa ang pinapanagot, tila buong sistema pa ang kumakalinga at nagtatanggol. Maliwanag kung kanino kumikiling ang hustisya.
Habang nasa protektado ng puder ng senado ang berdugong si Bato Dela Rosa, nananatiling ligtas naman sa pananagutan ang Reyna ng Korapsyon na ai Sara Duterte habang pinapabagal at palagiang inaantala ang paglilitis nito.
Huwag tayong pumayag na gawing normal ang ganitong uri ng proteksyon para sa mga nasa poder. Masyado ng lipas ang panahon ng paglilitis para sa mga buhay na inutang ng pasismong estadong ito!
Tama na, sobra na! Taumbayan, kumilos na! Oras na ng paglilitis!
Magkita-kita tayo sa lansangan para ipanawagan, Sara Panagutin, Bato Arestuhin!
25/04/2026
Kasalukuyang nangyayari ang production work ngayon, April 25, sa Liwasang Bonufacio ang iba’t ibang progresibong organisayon para sa March for Peace sa April 28.
Matatandaang sa petsa mismong iyon, April 28, pinirmahan ni Former President Benigno Aquino ang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA, isang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Hanggang ngayon, ramdam pa rin ang presensya ng US troops sa ating bansa na nagdudulot ng mas matinding tensyon sa pagitan natin at ng China sa West Philippine Sea. Layunin ng March for Peace na ipanawagan ang pagbasura sa di makatarungang kasunduan na ito.
Kaya mga artista ng bayan, tumindig at lumaban! Sumama sa production work sa mga susunod na araw, 10am onwards, sa Liwasang Bonifacio.
US TROOPS OUT NOW!
23/04/2026
Ipagtanggol ang kabuhayan, wakasan ang agresyong gyera ng US!
Sa darating na Mayo Uno, lilikha ang Ugatlahi Artist Collective, kasama ang iba’t ibang organisasyon ng mga manggagawa, ng isang mural-effigy upang ipanawagan ang pagwawakas sa agresyong digmaan ng US na patuloy na nagpapahirap sa uring manggagawa.
Inaanyayahan namin ang lahat na lumahok sa paglikha nito, na magsisilbing representasyon ng karanasan at pakikibaka ng mamamayang Pilipino sa kasalukuyang panahon sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.
Para sa mga katanungan at iba pang detalye, maaari ninyo kaming kontakin sa aming page.
13/04/2026
ALERT | Habang kasalukuyang pinapasok ng demolition team ang Panday Creek upang wasakin ang mga tahanan, namataan ang dalawang SWAT sa likod na umaakyat sa crane ng Monocrete, bitbit ang assault rifle na may scope. Isa sa kanila ay nakadapa na at nakatutok ang baril sa mga residente.
May mga residente na ring nasaktan ilang minuto lang ang nakalipas. Ayon sa mga residente, kasalukuyan silang tinataniman ng mga kapulisan habang tuloy tuloy ang pag-demolish sa kabahayan.
12/04/2026
Matapos ang ilang taong pang-uusig, ngayon ay isasagawa na ang iligal na demolisyon sa Panday Creek, Taguig City. Batay sa Writ of Ex*****on (8390-A), sampung kabahayan lamang ang dapat na maapektuhan, ngunit sa pangangamkam ng korporasyong Monocrete ay aabot na sa 200 na pamilya ang mawawalan ng tirahan dahil sa pagpapalawak nito na umabot na sa humigit-kumulang na 17,000 sqm na lupain, lagpas sa itinakda ng korte.
Sa kabila nito ay inalok ang mga residente ng ₱30,000 - ₱41,000 na compensation na hindi naman makatarungan at lalong hindi sapat para sa realokasyon at sa pagsisimulang muli ng mga pamilyang apektado. Kasama nito ang intimidasyong ginagawa sa komunidad kung saan may mga pulis na nag-iikot upang manakot at palikasin ang mga maralitang residente dito.
Wala ring naibigay na due process, kabilang ang hindi pagdinig sa panig ng mga residente at ang last minute na pagbasura sa TRO na hahadlang sana sa demolisyon. Imbis na tulong at serbisyong panlipunan, demolisyon ang pinipilit sa mga maralitang Taguigeño. At imbis na ipagtanggol ang karapatan ng mamamayan ay tila pumapanig pa ang gobyerno at mga ahensya sa interes ng mga dambuhalang korporasyon gaya ng Monocrete.
Mula sa aktibong pagpapalayas sa mga residente bago ang itinakdang petsa ng demolisyon, kahapon ay may ulat na humigit-kumulang 1,000 demolition team na ang nakapasok sa lugar at may 15 backhoe na ang Monocrete. Tinataya ring 300 na kabayahan ang maaapektuhan. Tunay na ganid at mapanamantala ang mandarambong na Monocrete!
Mariing kinokondena ng Liga ng Kabataang Propagandista ang ilegal na demolisyong isasagawa ngayong araw ng Monocrete Construction Philippines Inc. Ang tanging sagot sa isyung ito ay ang agarang pagpapatigil sa demolisyon! Marapat lamang na igiit natin, lalo ng mga residente, ang kanilang karapatan sa tahanan at disenteng pamumuhay na pilit na inaagaw sa kanila.
15/03/2026
ALERT | Ngayong araw, March 15, nakatanggap ng ulat hinggil sa pagpasok ng National Task Force to End Local Communist Conflict (NTF-ELCAC) sa loob ng pamantasan upang magsagawa ng terror-tagging forum sa mga ROTC students.
Mariing kinukundena ng LKP-PUP ang pagpapapasok ng PUP Admin sa NTF-ELCAC sa loob mismo ng pamantasan. Ito ay isang malaking banta sa academic freedom, seguridad, at buhay hindi lamang ng mga aktibista at organisador, ito ay banta sa lahat ng iskolar ng bayan.
Sa nangyaring forum kanina lamang ay nagkaroon ng tahasang red-tagging sa mga mass organization sa loob ng PUP. Ayon sa kanilang pekeng naratibo, ang mga mass organization umano ay “front organizations” ng CPP-NPA-NDF. Ibinahagi rin sa forum ng tagapagsalita nila ang personal niyang karanasan sa recruitment sa kaniya ng isang organisasyon upang maging miyembro umano ng NPA. Lantaran nitong siraan ang mga lehitimong youth organizations at upang takutin at pigilan ang mga estudyanteng mag-organisa at magpa-organisa.
Ang insidenteng ito kung saan ang pamantasan ay ginamit para sa pagpapakalat ng maling impormasyon at red-tagging ay isang malinaw na pangitain sa kung ano ang totoong mandato ng NTF-ELCAC.
Ang NTF-ELCAC ay isa sa mga galamay ng pasistang estado na ginagamit na instrumento upang ipalaganap ang black propaganda, red-tagging sa mga indibidwal, grupo, at mga organisasyong kumukuwestyon sa bulok na sistema at pamamalakad ng gobyerno. Hindi ito isang government body lamang, isa itong sandata na kanilang ginagamit para supilin ang sinumang magsasalita laban sa korapsyon, pang aabuso, at pananamantala, at para protektahan ang interes ng mga dayuhan at naghaharing uri.
Naninindigan tayong mga iskolar ng bayan para sa kalayaang pang-akademiko at kalayaan sa pamamahayag. Hindi ito ang una sa napakaraming taktika ng estado na supilin at punuin ng takot ang mga iskolar ng bayan. Matatandaan natin sina Jacob Baluyot at Tiffany Brillante, at iba pang mga mag-aaral-aktibista na sinubukan nang patahimikin ng estado. Subalit hindi nananaig ang kanilang mga paratang at paninira sa militansya at diwang palaban ng mga iskolar ng bayan!
Hindi mga organisasyon ang umuudyok sa bawat estudyante na lumaban dahil habang nananatiling bukok ang sistema ng lipunan, hindi lamang kabataan, kundi ang malawak na hanay ng mga napagsasamantalahang Pilipino ang pipiliin tumindig laban sa pasismo at tutang estado!
DEFEND ACADEMIC FREEDOM AGAINST STATE FASCISM!
DEPLATFORM RED-TAGGERS!
05/03/2026
ALERT: Ilang residente mula sa SPD Compound, Western Bicutan Taguig ay nasugatan dulot ng tensyon sa pagitan ng mga state forces at mga residente nito nang subukin na pasukin ng kapulisan, Navy, mga barangay personnel, at iba pang armadong tauhan ang nasabing Compound.
Ang mga residente sa SDP Compound ay may umaandar na laban kontra demolisyon na may posibilidad na magdulot ng kawalan ng tahanan ng daan-daang pamilya at libu-libong residente nito.
Kaisa ang Liga ng Kabataang Propagandista ng mga residente ng SDP Compound na naninindigan para sa karapatan sa paninirahan. Ating mariing kinukundena ang laganap na pamamasista at ang militarisasyon sa mga komunidad!