28/08/2026
🎓💙 MAGANDANG BALITA PARA SA MGA ESTUDYANTE NG DISTRITO SAIS!
May 650 ulit na APPLICATION SLOTS para sa CHED Tulong Dunong Program (TDP) para sa First Semester, A.Y. 2026–2027!
BASAHIN ANG MGA DETALYE MAIGI:
Sa ilalim ng programa, ang mga kwalipikado at maaaprubahang aplikante ay makatatanggap ng:
💰 ₱7,500 EDUCATIONAL ASSISTANCE
📌 One-time payment lamang
📌 Para sa isang semester lamang
🎓 SINO ANG MAAARING MAG-APPLY?
✅ College students sa kahit anong year level
✅ Kasalukuyang enrolled para sa First Semester, A.Y. 2026–2027
✅ Residente ng Ika-6 na Distrito ng Maynila
✅ Hindi pa nakatanggap o nakapasok sa alinmang scholarship grant o program ng CHED
📲 PAANO MAG-APPLY?
ONLINE APPLICATION ONLY. WALANG WALK-IN APPLICATION.
👉 I-SCAN ANG QR CODE NA NASA PUBMAT para ma-access ang online application form.
💬 Maaari ring gamitin ang ONLINE APPLICATION LINK na nasa PINNED COMMENT ng post na ito.
Sagutan ang online application form at i-upload ang malinaw at kumpletong kopya ng documentary requirements.
📋 MGA KAILANGANG I-UPLOAD:
1️⃣ Certified True Copy of Enrollment para sa First Semester, A.Y. 2026–2027, na nakasaad ang subjects at bilang ng units na naka-enroll
2️⃣ Certificate of Indigency na pirmado ng Punong Barangay at nakasaad ang purpose na “CHED Scholarship”
3️⃣ 2x2 ID Picture
4️⃣ Government-Issued ID, School ID, o National ID
⚠️ Siguraduhing kumpleto, malinaw at readable ang lahat ng dokumentong inyong ia-upload.
📌 PAGKATAPOS MAKAPAG-SUBMIT ONLINE
Kapag successfully nakapagsumite ng online application, mangyaring hintayin ang tawag o abiso mula sa staff ng Office of Congressman Benny Abante para sa schedule ng pagsusumite ng printed copies ng inyong documentary requirements sa District Office.
Ang CHED-TDP Application Forms ay ibibigay sa mga successful online applicants kapag sila ay natawagan at pumunta sa District Office sa kanilang scheduled submission.
🚫 Huwag munang pumunta sa District Office hangga’t hindi pa nakatatanggap ng tawag o abiso mula sa aming staff.
❗ 650 APPLICATION SLOTS ONLY — FIRST COME, FIRST SERVED
Ang 650 application slots ay para sa buong Distrito Sais at tatanggapin ang online applications on a FIRST COME, FIRST SERVED basis.
⚠️ Kapag naabot na ang 650 applications, automatic na magsasara ang online application form at hindi na maa-access ang QR code/link.
Kaya ihanda muna ang inyong documentary requirements bago mag-apply online.
❗ NAKAPAG-ONLINE APPLICATION NA NOONG UNANG BATCH?
HUWAG NANG MAG-APPLY ULIT.
Kung successfully nakapagsumite na kayo ng online application noong nakaraang pagbubukas, nasa records na ng aming opisina ang inyong application. Hintayin na lamang ang tawag o abiso mula sa aming staff para sa susunod na hakbang.
⚠️ PAALALA: Ang mga estudyanteng naka-enroll sa Universidad de Manila (UDM) ay hindi kwalipikado sa programang ito dahil ang UDM ay hindi accredited sa ilalim ng CHED-UniFAST Program para sa nasabing assistance.
❗ MAHALAGANG PAALALA: Ang matagumpay na pagsusumite ng online application ay hindi pa nangangahulugan na aprubado na ang aplikante o garantisadong makatatanggap ng ₱7,500 educational assistance.
Ang CHED ang magsasagawa ng final evaluation at approval ng lahat ng aplikante, alinsunod sa kanilang guidelines, qualifications, verification ng documentary requirements, at available program slots.
📲 I-SCAN ANG QR CODE SA PUBMAT O GAMITIN ANG APPLICATION LINK SA PINNED COMMENT.
650 application slots lamang — FIRST COME, FIRST SERVED!
Ihanda ang inyong requirements at mag-apply online habang bukas pa ang application form! 🎓💙
Tuloy ang Serbisyo. Tuloy ang Pag-ABANTE! 💙