23/05/2026
Magandang araw po sa inyong lahat.
š¢ OFFICIAL STATEMENT NG BARANGAY 775 PATUNGKOL SA PAGKAWALA NG ILAW SA MGA STREETLIGHTS SA MAHIGIT TATLONG LINGGO
Nais po naming ipaalam sa lahat na noong malaman natin na nawalan ng supply ng kuryente ang poste ng streetlights noong May 3, agad po tayong nagtungo sa MERALCO upang ireport at ipakiusap na maibalik ang electric supply.
Mula May 4 hanggang sa kasalukuyan, araw-araw po tayong nagfa-follow up sa MERALCO sa pamamagitan ng tawag at regular na pagpunta sa kanilang tanggapan sa Escoda upang alamin ang update sa ating reklamo. Mahigit 20 araw na po ang lumipas ngunit wala pa ring personnel mula sa MERALCO ang dumarating upang inspeksyunin at ayusin ang ating mga poste.
Humihingi po kami ng inyong lubos na pang-unawa sa sitwasyong ito. Nais po naming tiyakin sa lahat na hindi titigil ang pamunuan ng Barangay 775 sa pag-follow up at paghahanap ng agarang solusyon sa problemang ito.
Samantala, pinaaalalahanan po ang lahat na maging maingat at mapagmatyag, lalo na sa mga madidilim na bahagi ng ating lugar. May mga ulat po tayong natatanggap tungkol sa mga kahina-hinalang indibidwal na umanoāy nagsasamantala sa kakulangan ng ilaw sa ilang looban.
Maari po kayong agad na magreport sa barangay upang tayo ay makaresponde kaagad. Maaari rin po kayong tumawag sa 911 o sa pinakamalapit na police hotline para sa agarang aksyon.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pag-unawa, suporta, at pakikiisa.
08/05/2026
Congratulations! š
Maligayang bati sa limang nabunot sa raffle draw bilang Presidential Scholars ng Barangay 775:
1. Glysel C. Goles
2. Inreco L. Libaton Jr.
3. Christian Jer Y. Ormoc
4. Hi-R June O. Martin
5. Divine Mariella A. Antioquia
Inaanyayahan po kayong magtungo bukas, May 9, 2026, ganap na 11:00 AM sa ating Barangay Hall upang maipaliwanag nang mas mabuti ang Presidential Scholars Program ng ating Pangulong Bongbong Marcos, gayundin ang mga karagdagang requirements na kinakailangan.
Maraming salamat po at muli, pagbati sa ating mga scholars!
08/05/2026
Inaanyayahan po namin lahat ng nagpalista na INCOMING 4TH YEAR COLLEGE na dumalo po sa ating gaganaping raffle draw dito sa Barangay hall.
Magsisimula po ito ng 10AM maging ang ating FACEBOOK LIVE.
At kinakailangan po ang inyong COR o COE na dalahin dito.
Maraming Salamat po!
07/05/2026
PAGLILINAW PATUNGKOL SA PRESIDENTIAL SCHOLARS
Nais lamang po naming linawin na prayoridad po sa programang ito ang mga INCOMING 4TH YEAR COLLEGE STUDENT.
Kung sakali pong walang incoming 4th year college student na magsusumite, saka lamang po kami tatanggap ng mga ibang level o sa ibang hanay.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikiisa.
Paalala lang po na hanggang 9AM lang po bukas tatanggap.
07/05/2026
PRESIDENTIAL SCHOLARS
Magandang araw mga kabarangay!
Sa lahat po ng incoming 4th year, 5th year, at 6th year COLLEGE students para sa SY 2026ā2027, inaanyayahan po kayong pumunta sa Barangay Hall upang magpalista para sa Presidential Scholars.
Mga kailangang dalhin para sa validation:
⢠COR (Certificate of Registration)
⢠COE (Certificate of Enrollment)
Sino po ang eligible na maging scholar?
Ang programang ito ay para sa mga vulnerable students:
⢠Incoming 4th year college student para sa SY 2026ā2027
⢠Mula sa vulnerable household o mga estudyanteng nanganganib na huminto sa pag-aaral
⢠Priority ang mga pamilyang wala pang miyembrong nakapagtapos ng kolehiyo
⢠Kailangang residente ng Barangay ang estudyante
(Note: Eligible pa rin ang mga nag-aaral sa unibersidad sa labas ng lungsod basta residente ng Barangay.)
Ito po ay patungkol sa limang (5) mapipiling Presidential Scholars na ibinaba sa ating Barangay sa pamamagitan ng programa ng ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Hanggang bukas, 9:00 AM lamang po tatanggapin ang pagpapalista.
Ang raffle draw ay gaganapin bukas, May 8, 2026, 10:00 AM sa Barangay Hall at mapapanood din via Facebook Live.
Ps. Magiwan po ng photocopy ng kailangan dalhin patunay na pasok o eligible maging scholar.
Maraming salamat po!
25/04/2026
Nakisaya, nakiisa, at nakinood ang Barangay 775 sa Manila Summer Pride 2026 š
Isang makulay at masayang araw na puno ng saya, suporta, at pagkakaisa. Hindi lang ito simpleng pagdalo, ito ay pagpapakita ng tunay na pakikiisa sa adbokasiya ng respeto, pagtanggap, at pantay na karapatan para sa lahat.
Patuloy nating iparamdam na sa ating lugar, bawat isa ay may puwang, may boses, at tanggap kung sino man sila. Sama-sama, mas nagiging matatag at makulay ang ating samahan.
Lubos din ang aming pasasalamat sa ating butihing Yorme Isko Moreno Domagoso sa patuloy na suporta sa mga ganitong makabuluhang gawain para sa lungsod at sa bawat ManileƱo.
24/04/2026
Manila Summer Pride 2026 is officially hitting the streets on April 25!
Itās time to celebrate and shine with pride! The city is ready to welcome you with open arms. Letās make the streets of Manila a canvas of love and advocacy!
Pride is always better when weāre together. Letās fill every corner of the route with laughter, community spirit, and a whole lot of color.
Grab your flags and bring your friends!
21/04/2026
š„ GRADE 11 STEM 3, EMILIO AGUINALDO COLLEGEāMANILA STUDENTS CONDUCTS FIRE SAFETY AND PREVENTION SEMINAR IN BARANGAY 775 š„
Isang kisapmata lang ang sunogāhanda ka ba?
Samahan niyo kami ngayong Miyerkules, Abril 22, 2026! Ang mga mag-aaral mula sa Emilio Aguinaldo CollegeāManila, Grade 11 STEM 3, A.K.A. ang Iwas-Siklab Team, ay mangunguna sa isang seminar ng barangay tungkol sa kamalayan at kaligtasan sa pag-iwas sa sunog na pinamagatang āStaying Alert, Extinguishing the Flame: Evaluating Fire Hazard Vulnerability and Proposing Mitigation Strategies in Barangay 775, Zone 84, Santa Ana, Manila,ā sa tulong ni Punong Barangay Allan Pacheco at ng Bureau of Fire Protection, kasama ang mga opisyal ng barangay at mga miyembro ng komunidad.
Layunin ng aktibidad na paalalahanan ang mga residente tungkol sa kahalagahan ng pagiging mapagmatyag at handa sa pag-iwas sa sunog. Ang seminar na ito ay magbibigay ng mahalagang kaalaman ukol sa pag-iwas sa sunog, mga wastong hakbang sa kaligtasan, at tamang pagtugon sa oras ng emerhensiya.
š
Petsa: Abril 22, 2026
ā° Oras: 10:00 AM pataas
š Lugar: Barangay 775 Zone 84, Onyx, Sta. Ana, Maynila
Inaanyayahan namin ang lahat ng residente na dumalo at makiisa sa mahalagang gawaing ito. Sama-sama nating gawing mas ligtas ang Barangay 775! Sa pag-iwas sa sunog, sama-sama tayong kumikilos para sa kaligtasan ng bawat isa.
-SiklabTeam