13/04/2026
Libreng Gamot sa Botika ni Cong. Ernix Program.
Magandang araw mga ka-
barangay ! Nais naming ipabatid na maaring makakuha ng mga libreng gamot tulad ng Losartan, Amlodipine at Metformin ang mga residente ng ating barangay bukas (April 14,2025 . 10:45 am hanggang 12 ng tanghali.
Magdala lamang po ng photocopy ng inyong valid ID at reseta (kahit luma).
Maraming salamat po.
05/04/2026
Siya ay Nabuhay!
Ngayong Linggo ng Pagkabuhay, sama-sama tayong magdiwang bilang isang komunidad—puno ng pag-asa, bagong simula, at pananampalataya. Nawa’y mapuno ang ating mga puso ng kapayapaan, pagmamahal, at kagalakan.
Maligayang Pasko ng Pagkabuhay mga kabarangay !
27/02/2026
💖 PAANYAYA PARA SA ATING
MGA BARANGAY132 SENIOR CITIZEN! 💖
Mahal naming mga Lolo at Lola ng Barangay 132,
Buong puso kayong iniimbitahan ng Punong Barangay at Sangguniang Barangay 132 sa isang espesyal na pagtitipon na inihanda para sa inyo. Isang gabi ng kasiyahan, pagmamahalan, at pasasalamat bilang pagkilala sa inyong mahalagang papel sa ating komunidad.
Halina at makiisa! Ang inyong presensya ang magbibigay-liwanag at inspirasyon sa aming selebrasyon.
Nagpapasalamat at nagmamahal,
Brgy. 132 Chairman at Council
💝
Kita-kits bukas Feb.28,2026
(Sabado) 5:PM sa A.H. Lacson
Younger St.
21/02/2026
02/21/2026 Cleanup Drive
Ngayong araw ay muli tayong kumilos para sa ating Clean-Up Drive bilang bahagi ng ating patuloy na pakikiisa sa adhikain para sa mas maayos, mas ligtas, at mas malinis na komunidad. 💪🧹
Ang kalinisan ay responsibilidad ng bawat isa. Maliit man o malaking ambag, basta sama-sama — kayang-kaya natin!
Maraming salamat sa lahat ng volunteers, Tanod , Lupon, at opisyal na nakiisa at naglaan ng oras para sa ating barangay. 👏
Tuluy-tuloy lang po tayo!
21/02/2026
📢 PAANYAYA SA MGA DOG OWNERS! 🐶💉
Inaanyayahan po ang lahat ng may-ari ng a*o na samantalahin ang Libreng Anti-Rabies Vaccine para sa inyong mga alagang a*o!
📍 Lugar: Barangay 126
📅 Petsa: Sabado, Pebrero 21, 2026
⏰ Oras: Hanggang 12:00 ng tanghali lamang
Mahalagang mapabakunahan ang ating mga alaga upang maprotektahan sila at ang ating komunidad laban sa rabies.
Magdala lamang ng tali (leash) at siguraduhing kontrolado ang inyong a*o habang nasa lugar ng pagbabakuna.
Makilahok at maging responsableng pet owner! 🐾
16/02/2026
🎊 Maligayang Chinese New Year 2026! 🧧🐎
Ang Pamahalaang Barangay132 ay taos-pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng Chinese New Year 2026 kasama ang ating mga kapatid na Filipino-Chinese at ang buong komunidad.
Nawa’y ang bagong taon ay maghatid ng kasaganaan, kapayapaan, mabuting kalusugan, at pagkakaisa. Hinihikayat natin na pagyamanin ang paggalang sa kultura at tradisyon na may malasakit sa kapwa.
Gong Xi Fa Cai!
Maligayang Bagong Taon! 🎆
14/02/2026
💖 Happy Valentine’s Day, mga ka-Barangay! 💖
Sa araw ng mga puso, iparamdam natin ang pagmamahal—hindi lang sa ating mahal sa buhay, kundi pati sa ating komunidad. 🌹
Isang pusong nagkakaisa, mas masaya at mas matatag na barangay. ❤️✨