20/09/2026
pero tuloy ang aral! 😉
Mga Batang Maynila, bukas po, Setyembre 21, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Maynila.
Base sa rekomendasyon ng Manila Police District, inaasahan ang iba’t ibang pagtitipon, martsa at mga aktibidad sa iba’t ibang bahagi ng lungsod bilang paggunita ng ika-54 Anibersaryo ng Martial Law kaya minabuti nating unahin ang kaligtasan ng ating mga estudyante.
Mag-ingat po tayong lahat, mga Batang Maynila!