09/11/2025
๐๐๐๐๐ ๐๐๐ก๐: ๐๐ฟ๐ฒ๐ด๐ผ๐ฟ๐ถ๐ฎ ๐ฑ๐ฒ ๐๐ฒ๐๐๐ ๐๐น๐ผ๐ฐ๐ธ ๐ฆ๐ฐ๐ฟ๐ฒ๐ฒ๐ป๐ถ๐ป๐ด
Ngayong Nobyembre, muling sumisigla ang diwa ng rebolusyon at kabayanihan sa pamamagitan ng pelikulang LAKAMBINI โ isang meta docu-fiction na magbubukas ng ating mga mata sa hindi madalas marinig na kwento ni Gregoria de Jesus, ang Lakambini ng Katipunan.
Hindi lamang ito simpleng pelikula โ ito ay isang paanyaya na balikan ang kasaysayan at kilalanin ang kababaihang lumaban para sa bayan. Sa bawat eksena, mararamdaman ang alab ng kanyang pag-ibig, tapang, at paninindigan para sa kalayaan.
๐ฅ LAKAMBINI: Gregoria de Jesus Block Screening
๐
Nobyembre 15, 6:00 PM
๐ Gateway Cineplex 4, Araneta City
๐๏ธ โฑ350 (Regular) | โฑ250 (Student)
๐ณ Cash o GCash Accepted
๐ซ Ticket Claiming:
๐ PUP Lagoon - November 12
๐ Gateway Cineplex 4 Lobby โ November 15
Ang proyektong ito ay hindi lang para sa sining, ito rin ay pagtindig para sa katarungan. Ang lahat ng malilikom na pondo ay mapupunta sa Kawasaki Labor Union, bilang suporta sa kanilang laban para sa makatarungang sahod, benepisyo, at karapatan. Sa panahong tila pinipigil ang boses ng mga manggagawa, ang LAKAMBINI ay paalala na ang lakas ng kababaihan at ng masa ay hindi kailanman dapat maliitin. Tulad ni Gregoria de Jesus, patuloy tayong lalaban, sa larangan man ng pelikula o sa lansangan, para sa hustisya at pagkakapantay-pantay.
๐ฃ Itaas ang tinig para sa mga manggagawa ng Kawasaki!
๐ฃ Ibalik ang kanilang karapatan at itigil ang panggigipit!
๐ฃ Ang laban para sa kabuhayan ay laban din para sa dangal!
Patuloy tayong makialam, lumabas, at makibuklod! Tara na sa Bukluran!
๐ https://tinyurl.com/PREREGBUKLURAN
๐ https://tinyurl.com/PREREGBUKLURAN
๐ https://tinyurl.com/PREREGBUKLURAN
๐๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐จ๐ฉ๐ช๐๐ฎ๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐๐ฉ ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ, ๐จ๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ค๐ง๐๐๐ฃ๐๐ง๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐ข๐๐ข๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ. โจ
23/10/2025
๐ง๐๐๐ก๐๐ก | '๐๐๐บ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ฏ๐๐ธ๐น๐ผ๐ฑ' ๐ฃ๐ต๐ผ๐๐ผ๐ ๐ธโจ
Noong unang araw ng pagdiriwang ng 121๐จ๐ฉ ๐๐ค๐ช๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐ผ๐ฃ๐ฃ๐๐ซ๐๐ง๐จ๐๐ง๐ฎ ng Sintang Paaralan, nagsagawa ang Bukluran ng Progresibong Mag-aaral ng isang photobooth na may layuning hamunin ang mga estudyante na lumabas sa kanilang mga komportableng espasyo at makibuklod sa kanilang kapwa mag-aaral.
Naging daan ang photobooth upang maipahayag ng mga estudyante ang kanilang pagkadismaya sa patuloy na pagpapabaya sa sektor ng edukasyon, habang mas pinagtutuunan ng pansin at pondo ang mga programang nagsisilbing pugad ng korapsyon.
Sa bawat kuhang larawan, bitbit ng mga estudyante ang kanilang panawagan at paninindigan mula sa mga isyung direktang nakaaapekto sa ating lokal na unibersidad hanggang sa mga malalaking usaping pambansa. Kaya mga iskolar ng bayan, lumabas, makibuklod, at kumilos para sa edukasyong tunay na para sa sambayanan!
Patuloy tayong makialam, lumabas, at makibuklod! Tara na sa Bukluran!
๐ https://tinyurl.com/PREREGBUKLURAN
๐ https://tinyurl.com/PREREGBUKLURAN
๐ https://tinyurl.com/PREREGBUKLURAN
๐๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐จ๐ฉ๐ช๐๐ฎ๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐๐ฉ ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ, ๐จ๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ค๐ง๐๐๐ฃ๐๐ง๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐ข๐๐ข๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ. โจ
19/10/2025
๐๐๐ธ๐ผ๐น๐ฎ๐ฟ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐น๐๐บ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ฏ๐๐ธ๐น๐ผ๐ฑ!
Nakikiisa ang Bukluran ng Progresibong Mag-aaral sa pagdiriwang ng 121๐จ๐ฉ ๐๐ค๐ช๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐ผ๐ฃ๐ฃ๐๐ซ๐๐ง๐จ๐๐ง๐ฎ ng ating Sintang Paaralan! ๐
Sa loob ng mahigit isang siglo, patuloy na naghuhubog ang pamantasan ng mga lider-estudyante na hindi lamang mahusay sa larangan ng akademya, kundi may paninindigan para sa uring-manggagawa at sambayanan. Sa bawat silid-aralan, lansangan, at samahan, naroon ang diwa ng pagkamulat, ang panawagang lumabas at makibuklod, at makibaka para sa makatarungang lipunan.
Sa paggunita ng makasaysayang anibersaryong ito, ating alalahanin at parangalan ang mga g**o, kawani, at mag-aaral na patuloy na nagsisilbing haligi ng ating pamantasan at tanglaw ng ating bayan! Patuloy tayong maging tagapagtaguyod ng edukasyong tunay na para sa masa!
Kaya hamon namin sa mga iskolar ng bayan, tara na't lumabas at makibuklod!
๐ https://tinyurl.com/PREREGBUKLURAN
๐ https://tinyurl.com/PREREGBUKLURAN
๐ https://tinyurl.com/PREREGBUKLURAN
๐๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐จ๐ฉ๐ช๐๐ฎ๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐๐ฉ ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ, ๐จ๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ค๐ง๐๐๐ฃ๐๐ง๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐ข๐๐ข๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ. โจ
25/09/2025
๐๐๐๐ ๐๐! ๐๐๐๐ ๐๐! ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐! ๐ฅโ
Ngayong araw, isang mahalagang yugto ang ating nasaksihan ang ๐ฉ๐๐ง๐ฎ๐ง๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐ ๐ง๐ ๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฅ๐ข๐๐๐ซ ๐๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐๐ง๐ญ๐ ng Bukluran ng Progresibong Mag-aaral. Kasabay nito, pormal na rin nating naitatag at naipa-accredit ang ating organisasyon bilang isang socio-political organization sa loob ng ating pamantasan.
Ang panunumpang ito ay hindi lamang simpleng seremonya. Isa itong ๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐ ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ง๐ข๐ง๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐๐ง, tungkulin para sa interes ng kapwa estudyante, at paglilingkod para sa mas malawak na lipunan. Sa bawat lagda at pangakong binitiwan, pinagtitibay natin ang ating tungkulin, ๐ฆ๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐ญ๐ข๐ง๐ข๐ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐๐ง๐ญ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ญ๐๐ ๐๐ฅ ๐ง๐๐ง๐ ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐๐ฌ๐ฉ๐๐ฌ๐ฒ๐จ, at maging ๐ค๐๐ญ๐ฎ๐ฐ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐๐ฌ ๐ฆ๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ค ๐ง๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐๐ค๐๐ญ๐๐ซ๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ค๐๐๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ก๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐จ.
Mula sa silid-aralan hanggang sa lansangan, dalhin natin ang apoy ng pagkakaisa. Hindi tayo mananatiling nakapako sa katahimikanโsapagkat sa panahong laganap ang kawalang katarungan, ang ๐ฉ๐๐ ๐ข๐ ๐ข๐ง๐ ๐จ๐ซ๐ ๐๐ง๐ข๐ฌ๐๐๐จ ๐๐ญ ๐ค๐จ๐ฅ๐๐ค๐ญ๐ข๐๐จ ang tanging sagot.
Ito ang simula ng Bukluran RTU chapter. Ito ang simula ng isang panibagong lakas ng kabataang progresibo.
PAGBATI, BUKLURAN RTU!
07/05/2025
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | ๐ ๐ฎ๐๐ผ ๐จ๐ป๐ผ ๐ ๐ผ๐ฏ๐ถ๐น๐ถ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป
Mabuhay ang Uring Manggagawa! Tuwing ika-1 ng Mayo ay taunang ipinagdiriwang ang Araw ng Paggawaโisang araw ng pagkilala sa hindi matatawarang ambag ng mga manggagawa sa pagpapatakbo ng ating lipunan. Ngunit higit pa sa pagdiriwang, ito ay araw ng protesta, paninindigan, at sama-samang pagkilos upang ipaglaban ang karapatan at kapakanan ng uring manggagawa.
Kasama ang ๐๐๐ข๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ฉ๐ฎ๐ก๐๐จ๐ฉ, sigaw ng ating hanay ay ang pagbuwag ng provincial rate at pagpapatupad ng nakabubuhay na sahod. Hindi makatarungan ang sistemang nagpapataw ng magkaibang minimum wage depende sa lokasyonโdahil iisa lang ang halaga ng bigas, kuryente, matrikula, at pamasahe saan ka man naroroon. Panahon na upang itaguyod ang sahod na tunay na sapat para sa mga manggagawa at kanilang pamilya. Ang laban para sa disenteng sahod ay laban para sa dignidad!
At ang laban ng manggagawa ay laban ng buong sambayananโlalo na ng mga estudyante't kabataang nangangarap ng isang progresibong lipunan. Kaya tara naโt makibuklod, makiisa, at lumaban! Sama-sama nating ipaglaban ang karapatan ng uring manggagawa!
๐ https://tinyurl.com/TaraNaSaBUKLURAN
๐ https://tinyurl.com/TaraNaSaBUKLURAN
๐ https://tinyurl.com/TaraNaSaBUKLURAN
๐๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐จ๐ฉ๐ช๐๐ฎ๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐๐ฉ ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ, ๐จ๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ข๐๐ข๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐จ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐๐๐๐๐ผ๐. โจ
03/04/2025
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | ๐๐๐ธ๐น๐๐ฟ๐ฎ๐ป, ๐ฅ๐๐ฉ๐๐๐๐๐๐ง๐๐! ๐๐งก
Ngayong araw, pormal nang kinilala ang ๐ฝ๐ช๐ ๐ก๐ช๐ง๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐ง๐ค๐๐ง๐๐จ๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐-๐๐๐ง๐๐ก bilang isa sa mga akreditadong organisasyon sa Sintang Paaralan. Ang SYNCAIR 2025 Recognition Day ay dinaluhan ni Incumbent Chairperson Dion Rainier Sta. Rosa at ni Kyla Escabas, Bukluran Education Coordinator, bilang mga kinatawan ng organisasyon. Ang pagkilalang ito ay tanda ng ating pagpapatuloy ng ating layunin bilang isang kilusang pampulitika.
Sa muling pagpapatibay ng ating organisasyon, patuloy nating ipaglalaban ang isang demokratikong espasyo sa loob ng ating pamantasanโisang espasyo kung saan ang bawat mag-aaral ay may boses, may puwang para sa diskurso, at may kalayaang ipahayag ang kanilang paninindigan. Hindi ito simpleng pagkilala lamang, kundi isang panibagong hamon upang lalo pang palakasin ang ating hanay sa pagsusulong ng makabuluhang pagbabago.
Mula sa mga silid-aralan hanggang sa lansangan, mananatili tayong tinig ng progresibong pagkilos. Hindi lamang ito tagumpay ng Bukluran kundi ng bawat estudyanteng naniniwala sa lakas ng sama-samang pagkilos para sa isang makatarungan at progresibong lipunan.
Kaya tara naโt makibuklod, makiisa, at lumaban! Sama-sama nating ipaglaban ang karapatan ng mga estudyante at itaguyod ang isang edukasyong tunay na para sa lahat!
๐ https://tinyurl.com/BePartofBUKLURAN
๐ https://tinyurl.com/BePartofBUKLURAN
๐ https://tinyurl.com/BePartofBUKLURAN
๐๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐จ๐ฉ๐ช๐๐ฎ๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐๐ฉ ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ, ๐จ๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ข๐๐ข๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐จ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐๐๐๐๐ผ๐. โจ
01/03/2025
๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฒ, ๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐๐ด๐ฎ๐ฟ ๐บ๐ผ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ธ๐ฎ!
Ngayong Buwan ng Marso, hindi lang natin ipinagdiriwang ang mga kababaihanโ gugunitain natin ang lahat ng mga babaeng nakibaka sa bawat hakbang ng kasaysayan. Lumaban, nagtaguyod, at nagbukas ng daan tungo sa mas makatarungan at pantay na lipunan.
๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฒ, ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ธ๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฒ ๐น๐ฎ๐ป๐ด, ๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฒ ๐ธ๐ฎ
โisang inspirasyon, isang mandirigma, at isang pagbabago. Nakikibaka para sa sarili, sa kapwa, at sa isang lipunang may tunay na pagkakapantay-pantay.
๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฒ, ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ธ๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ต๐ถ๐บ๐ถ๐ธ๐ฎ๐ปโikaw ay sigaw ng pagbabago. Paulit-ulit na pinatunayan na hindi ka lamang ilaw ng tahanan kundi pati na rin ng lansangan.
๐ผ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐ถ๐๐ฎ. Sa paaralan, sa tahanan, sa lipunanโipagpatuloy natin ang pagsusulong ng karapatan at kapakanan ng kababaihan. Dahil ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa sama-samang pagkilos.
๐ ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป, ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ธ๐ฎ๐๐ผ ๐ป๐ฎ๐ด-๐ถ๐ถ๐๐ฎ. โ๐
๐๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐จ๐ฉ๐ช๐๐ฎ๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐๐ฉ ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ, ๐จ๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ข๐๐ข๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐จ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐๐๐๐๐ผ๐. โจ
25/02/2025
๐๐๐-๐ฏ๐ต ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐จ๐ก๐๐ง๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ฆ๐!
Nakikiisa ang Bukluran ng Progresibong Mag-aaral sa paggunita ng ika-39 na Anibersaryo ng EDSA People Power Revolutionโisang makasaysayang pangyayari na nagpatunay sa lakas ng nagkakaisang mamamayan sa pagtatanggol ng demokrasya at kalayaan. Isang mahalagang kabanata sa ating kasaysayan na nagbigay-daan sa pagbagsak ng isang diktadurya at nagbigay inspirasyon sa iba pang kilusan para sa katarungan at karapatan.
Ngunit sa kabila ng mga aral na iniwan ng EDSA, patuloy ang pagtatangkang burahin at baluktutin ang katotohanan ng kasaysayan. Pilit binubulag ang masa sa pamamagitan ng maling impormasyon, propaganda, at sistematikong pagbura sa mga aral ng nakaraan. Sa harap ng ganitong hamon, tungkulin nating patuloy na magmulat, magpalawak ng kaalaman, at ipaglaban ang tunay na diwa ng EDSAโhindi lamang sa sarili nating pang-unawa kundi sa pagbabahagi nito sa iba.
Sa panahong tila naglalaho ang diwa ng sama-samang pagkilos at paglaban para sa karapatan, nananatiling mahalaga ang tanong naming mga progresibong kabataan:
"๐๐ฎ๐ง๐ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฎ๐ฆ๐๐ฅ๐ฌ๐ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฌ๐, ๐ฆ๐๐ฒ ๐ค๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐๐ง ๐ค๐ ๐ค๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ญ๐๐ญ๐๐ฆ๐๐ฌ๐?"
๐๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐จ๐ฉ๐ช๐๐ฎ๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐๐ฉ ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ, ๐จ๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ข๐๐ข๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐จ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐๐๐๐๐ผ๐.โจ
25/02/2025
๐ง๐๐๐ก๐๐ก | ๐ ๐ผ๐ฏ๐ถ๐น๐ถ๐๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐ฒ๐ท๐๐ป ๐๐ฒ๐น๐ฎ ๐๐ฟ๐๐ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐๐น๐ถ๐๐ถ๐ธ๐ฎ๐น
Nagtipon ang iba't ibang organisasyon at nagmartsa mula sa DAR papuntang Commission on Human Rights, bitbit ang panawagang itigil ang kriminalisasyon sa mga progresibong lider at aktibista. Kasama sa ating panawagan ang agarang pagpapalaya kay ๐๐ ๐๐๐๐ช๐ฃ ๐ฟ๐๐ก๐ ๐พ๐ง๐ช๐ฏ at sa lahat ng bilanggong pulitikal na biktima ng mga gawa-gawang kaso. Sa harap ng patuloy na panggigipit at panunupil, nananatiling matatag ang mga nakikibaka para sa hustisya at karapatan.
Ngayong araw, ika-25 ng Pebrero, ay ginugunita rin ang ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolutionโisang makasaysayang tagumpay ng sambayanang Pilipino laban sa diktadura. Tulad ng ipinaglaban ng ating mga kababayan noon, ang panawagan para sa hustisya, kalayaan, at karapatan ay mananatiling buhay, lalo na para sa mga lider at aktibistang inaapi, tulad ni ka Lejun at iba pang bilanggong pulitikal.
Si Ka Lejun ay naging biktima ng tangkang pagpatay na isinagawa ng estado. Sa kabila ng kanyang ipinaglalaban, siya'y pinatawan ng mga gawa-gawang kaso at nananatiling nakakulong hanggang ngayon. Ang mga ganitong pangyayari ay hindi lamang patunay ng nagpapatuloy na pang-aapi,kundi paalala rin ng kalupitan na minsan na nating naranasan sa ilalim ng Martial Law.
Kung hahayaan natin ang ganitong mga paglabag sa karapatang pantao na magpatuloy, hindi malayong bumalik ang madilim na kabanata ng ating kasaysayanโisang panahon ng takot, pananahimik, at pagkakait ng kalayaan sa bawat mamamayan. Panahon na upang tayoโy muling magkaisa at ipagpatuloy ang laban para sa tunay na kalayaan at hustisya para sa lahat.
๐๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐จ๐ฉ๐ช๐๐ฎ๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐๐ฉ ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ, ๐จ๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ข๐๐ข๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐จ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐๐๐๐๐ผ๐.
-SponsoredViolenceAndPersecution
23/02/2025
๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ๐ต๐ถ๐ป๐ด ๐๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐๐ฆ๐!
Sa darating na ika-25 ng Pebrero, gaganapin ang ika-39 na anibersaryo ng ๐๐ฟ๐๐ผ ๐๐๐ค๐ฅ๐ก๐ ๐๐ค๐ฌ๐๐ง ๐๐๐ซ๐ค๐ก๐ช๐ฉ๐๐ค๐ฃ. Taun-taon itong ginugunita at dati nang kinikilala bilang isang non-working holiday. Gayunpaman, sa kasalukuyang kalendaryo ng administrasyong Marcos Jr., ito ay binago at itinakda bilang isang ๐จ๐ฅ๐๐๐๐๐ก ๐ฌ๐ค๐ง๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ก๐๐๐๐ฎ, na maaaring magdulot ng paglimot o pagbalewala sa makasaysayang pangyayari sa EDSA, na nagpatalsik sa dating diktador na si Marcos Sr.
Sa kabila ng pagtatangkang burahin ang alaala ng makasaysayang rebolusyon, hindi matitinag ang diwa ng mga Pilipinong patuloy na ipinaglalaban ang demokrasya at kalayaan. Maraming mga eskuwelahan at institusyon ang hindi nagpadala sa naturang hakbang. Patuloy nilang kinikilala ang kahalagahan ng EDSA, bilang isang simbolo ng pagkakaisa ng sambayanan laban sa pang-aabuso ng kapangyarihan.
Kaya sa pamahalaan ng Sintang Paaralan, nakakalimot na rin ba tayo sa kasaysayan? Isa ang ๐๐ค๐ก๐ฎ๐ฉ๐๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ซ๐๐ง๐จ๐๐ฉ๐ฎ ๐ค๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐๐ก๐๐ฅ๐ฅ๐๐ฃ๐๐จ sa mga unibersidad na nagpatigil ng klase at nagpadala ng mga estudyante, kaguruan, at tauhan, tulad nina Charlie Del Rosario at Dr. Nemesio Prudente, upang mag-organisa at makiisa sa EDSA Revolution. Mula noon, kilala ang Sintang Paaralan bilang isang institusyong palaban at matatag sa paninindigan para sa demokrasya at karapatan ng mamamayan. Ngayon, tila ang dating maalab na diwa ng pakikibaka ay nagiging malamlam. Ang mga aksyon o kawalan ng aksyon, tulad ng hindi pagsuspinde ng klase ngayong 39th Commemoration ng EDSA, ay maaaring magdulot ng katanungan: Ano na ang nangyari sa mga pinaglaban ng mga naunang henerasyon?
Dugo't pawis ang dumanak upang patalsikin ang diktadura. Boses ng mga mamamayang nag-aalab sa galit ang umalingawngaw para sa progresibong pagbabago. Buhay ang isinakripisyo at naging kabayaran para sa kalayaang ating tinatamasa.
Kaya naman nanawagan kami sa administrayon ng unibersidad na muling isaalang-alang ang kanilang desisyon. Bilang isang institusyong may malalim na kasaysayan ng pakikibaka para sa karapatan at demokrasya, mahalaga para sa PUP na kilalanin ang kahalagahan ng araw na ito.
๐๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐จ๐ฉ๐ช๐๐ฎ๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐๐ฉ ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ, ๐จ๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ข๐๐ข๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐จ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐๐๐๐๐ผ๐.