07/04/2026
Hindi tayo sikat diyan kaya itigil na natin ang panaginip na yan. Mag-isip tayo ng sariling kultura na ipagmamalaki natin, hindi yung kopya-kopya lamang tayo sa Marinduque. Sa totoo lang, nakakatawang isipin na tayo dito sa Mindoro ay nakikigaya lamang sa Marinduque. Hindi natin yan tradisyon at kultura. Dahil sikat lamang ang Marinduque sa Moriones Festival nila, ginagaya lamang natin dito sa Mindoro. Dapat ang ipagmamalaki mo ay sariling kultura at hindi yung ginaya lamang.
Nagsimula yan sa Marinduque taong 1807 pa. Noon pa sikat na ang Moriones Festival ng Marinduque, kaya nga hanggang ngayon tanging Marinduque lamang ang kinikilala pagdating sa Moriones Festival dito sa bansa at maging sa ibang panig ng mundo. Kahit mag-research ka, pinagtatawanan lamang tayo nila sapagkat tayo dito sa Mindoro ay nakikigaya lamang sa kanila. Wala tayong maipagmamalaking sariling kultura. Nakakahiya.
Alam mo ba na sa lalabas na barya dito sa Pilipinas ay kasama ang Moriones Festival ng Marinduque? Commemorative coins yun ang tawag. Kung nag-aaral ka siguro malalaman mo yan. Napakadaming turista sa Marinduque kapag Moriones Festival. Kahit sa libro, Google, at kung saan pa, Marinduque lamang ang Moriones Festival. Nakatatak na sa pangalan ng Marinduque yan.
Kung ang Cebu ay may Sinulog, ang Aklan ay Ati-Atihan, ang Marinduque ay Moriones. Mag-aral ka para madami kang nalalaman. Saka sa kanila sa Marinduque, kapag nagdiriwang doon, walang-wala itong panggagaya natin. Wala man lamang sa kalingkingan ng original. Kahit panoorin mo sa social media, tinitingnan din ng mga turista at ng mga tao diyan ang history. Eh ang history ng Moriones ay tanging sa Marinduque lamang. Kaya kahit anong gawin natin dito sa Mindoro, di uubra sa Marinduque dahil sila ang original niyan. Kahit ano pang gawin nyo sa mga costume nyo, di uubra, dahil wala tayong history at hindi tayo original. Nakikigaya lamang tayo sa kanila.

07/04/2026
04/04/2026
26/10/2024