06/01/2024
ATTENTION | PUP OSR Memorandum Order No. 1, S. 2024
The athletes/athletic formations and 2024 Philippine University Games (UNIGAMES) participants are invited to a physical consultation, headed by the PUP OSR Studentsβ Rights and Welfare Committee (STRAWC), to be held on January 10, 2023, 1:30 PM, at 1/F Charlie Del Rosario Building, PUP Main Campus.
The presence of the PUP College of Human Kinetics Student Council (CHK SC) is also expected.
Please register through the link provided in the comment section.
Thank you.
27/10/2023
| IPANALO ANG TUNAY NA BOSES NG MGA TOMASINONG ISKOLAR NG BAYAN!
Matapos idiskwalipika sina Reynaldo "Rey" Saranate, Jr. at Irish Nichole Lapid, ang mga tunay na nanalong presidente at bise presidente ng PUP Sto. Tomas, Batangas Central Student Council, dahil sa mga malabnaw at hindi matibay na basehan, kahapon ay pormal nang iprinoklama ng Commission on Elections PUP STB ang mga kalaban nito.
Matibay ang paninindigan ng Komisyon sa kanilang desisyon dahil sa pangingialam ng direktor ng PUP Sto. Tomas na nagbaba pa direktiba na dapat ay "firm" ito sa desisyon hinggil sa kaso ni Rey at Irish.
Ito ay malinaw na pagtapak at direktang pag-atake sa kalayaang pang-akademiko ng mga Tomasinong Iskolar ng Bayan dahil walang pagkilala ang COMELEC PUP STB sa boses ng mayorya ng mga estudyante, hindi nito kinikilala ang tunay na binoto ng mga PUPian. Ito rin ay matingkad na admin intervention dahil unang-una ay hindi dapat nangingialam ang kahit na sinong parte ng administrasyon sa lahat ng bagay na konektado sa eleksyon na mga estudyante.
Ang panawagan ng buong komunidad ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ay ibasura ang gawa-gawang kaso ng diskwalipikasyon ng COMELEC PUP STB laban kina Rey at Irish! Itigil ang interbensyon ng administrasyon! Iproklama ang tunay na nanalo sa PUP STB CSC! Paupuin sa Central Student Council ang mga tunay, palaban, at makabayang lider-estudyante!
08/08/2023
Lumaban nang buong lakas, magkaisang angkinin ang ating bukas!
Sa pagsisimula ng Hybrid Learning Modality, lalong nagbunga ang isang komersyalisado, kolonyal at anti-demokratikong sistema ng edukasyon. Habang, patuloy na nilalako sa mga estudyante ang Mandatory ROTC na siyang papatay sa diwang makabayan ng mga kabataan at ang iskemang magpapalala ng militarisasyon sa pamantasan. Sa mga ganitong kondisyon, mas nagiging hinog ang batayan upang patuloy na makibaka nang sama-sama.
Narito ang ating susunod na PUP Sentral na Konseho ng Mag-aaral. Magkaisa upang masaklaw nating maisulong ang nasimulan nating tunay, palaban, makabayan, at kolektibong paglilingkod kasama ang sambayanan.
MISS KIM MODELO for SKM PRESIDENT
ABBYGAIL ALFORQUE for SKM Vice President
SKM COUNCILORS:
Councilor ADRIAN ABELLIGOS for Mass Media and the Arts
Councilor VINCE BINGAYAN for Gender DIversity, Inclusivity, and Safe Spaces
Councilor KIM BOMBALES for Performance Evaluation, Management, and Development
Councilor JOHNSON DANILA for Volunteer Corps and general Secretariat
Councilor REI DOMANAIS for Academic Affairs and Developmental Studies
Councilor HYACINTH JOVEN for Community and Peopleβs Struggles
Councilor JAM LACAP for Studentsβ Rights and Services Support
Councilor MARYGOLD LAZARO for Linkages and External Communications
Councilor QP MAYOR for Student Organizations and Press Relations
Councilor JOHN REGGIE REYES, John Reggie for Holistic Wellness and the Environment
Councilor TERRENCE TAMAYOSA, Terrence for Finance, Ways, and Means
Councilor PATRICIA VILLABER for Legal, Administrative, Technicals, and Ethics
Para sa dalisay na pagsulong at paninidigan, tuloy-tuloy na magpalakas at kamtin ang malayang bukas! Iskolar ng Bayan, paglingkuran ang sabayanan bilang !
06/08/2023
Sino ang ?
Malinaw sa atin na ang kapangyarihan ng Mga Iskolar ng Bayan ay magmumula sa ating pagsandig sa ibaβt ibang sektor ng ating pamantasan. Ang pagtatagumpay ng primarya nating laban bilang mga Kabataang Estudyante para sa karapatan sa edukasyon at akademikong kalayaan ay susi sa pagtatagumpay din ng laban ng mas maalwak na mamamayan. At tanging sa pagsanib lamang ng ating lakas at talino sa batayang sektor ng mga manggagawa at magsasaka magiging ganap ang ating militanteng paglaban at tunay na makakamit ang pangmatagalang pagbabago para sa ikabubuti ng lipunan at sambayanan.
Sa kasalukuyang yugto ng paghaharing US-Marcos II kung saan makikita natin ang mas pinasahol na pananamantala at krsisis na nararanasan ng bawat mamamayan ay mas nagpapahinog ng batayan kung bakit natin kailangan sama-samang lumaban bilang nagkakaisang komunidad.
Kasabay ng pagkaltas ng badyet sa PUP ay ang kawalan ng klasrum at maayos na pasilidad, understaffing at mababang pasahod sa hanay ng mga kaguruan, manggagawa, at kawani ng pamantasan. Habang sa kabilang banda, tuloy ang pagpapaigting ng atake ng estado sa ating kalayaang pang-akademiko sa pagpapatuloy ng paniniktik at pang-uusig sa ating mga kabataan.
Inaagawan tayo ng kinabukasan ng kasalukuyang rehimen at tayo ngayon ay muling kumakaharap ng iisang kaaway na dapat rating tapatan ng makapal na hangin ng militanteng paglaban. Tayo ang nagkakaisang pamantasan na muling haharap sa kasalukuyang hamon ng panahon
Bakit ?
1. Hindi pa tapos ang deklarasyon natin na . Sa halip, tayo ngayon ay nasa yugto kung saan higit ang hamon sa atin na palaparin ang ating mga hanay bilang pagpapatibay ng paninindigan na tayo pa rin ang may hawak at papanday ng sarili nating kinabukasan.
2. Bitbit ang ating mga lokal na laban patungong pambansang entablado ay ipagsisilbi natin ang ating mga tagumpay sa loob ng pamantasan sa pakikibaka ng malawak na hanay ng mamamayan.
3. Kakapusin ng hangin ang ating paglaban kung tayo ay buhaghag kaya sandigan natin ang bawat isa.
Mula eskwelahan hanggang sa mga komunidad, iisa ang hamon sa ating lahatβ
Tuloy-tuloy na magpalakas at kamtin ang malayang bukas! Iskolar ng Bayan, paglingkuran ang sambayanan bilang !
06/08/2023
Sa harap ng mga sigalot na ating nararanasan, ang kilusang kabataan na iniluwal ng nabubulok na katangian ng lipunan at ang militanteng tradisyon ng mga Iskolar ng Bayan ay mananatiling totoo sa tungkulin nitong pagsilbihan ang interes hindi lamang ng kapwa nito kabataan, ngunit higit lalo ang interes ng mga magbubukid, manggagawa, at maralita upang ipaglaban kung ano ang nararapat para sa lahat.
Ano ang kalagayan ng sektor ng edukasyon?
Sa kasalukuyan, ang βHybrid Learning Modalityβ na ipinataw ng Commission on Higher Education (CHED) ay bagong mukha lamang ng sumisidhing kolonyal, komersyalisado, at anti-demokratikong katangian ng edukasyon sa bansa, na nagpapanatili ng mga krisis na nagpapahirap sa karaniwang estudyante at kaguruan, na nagpapaliit at nagpapakipot ng oportunidad sa pagtamasa ng edukasyon.
Habang ganito ang sitwasyon sa mga paaralan ay walang sinasayang na oras ang estado sa pagratsda ng mga anti-estudyanteng polisiya na sumusupil sa kalayaang pang-akademiko ng mga kabataan. Tuloy ang pagsalya ng mga mambabatas sa panunumbalik ng Mandatory ROTC upang gawing lehitimo ang presensya ng militar sa loob ng mga paaralan.
Hitik na hitik ang 4-10% tuition and other fee increase (TOFI) sa mga pribadong paaralan habang ang mga state universities and colleges (SUCs) ay kumakaharap sa taunang kaltas-badyet na nagreresulta sa kawalan ng sapat na mga klasrum, lumang mga pasilidad, kakulangan sa g**o at mga empleyadoβhabang nakasilip na rin sa bintana ang muling panunumbalik ng matrikula sa mga SUCs sa mukha ng socialized tuition system at pagpataw ng mga income-generating scheme.
Paano ito tumatagos sa kongkretong kalagayan ng PUP?
Sa ilalim ng 2024 NEP, ang P2.9 Billion na proposed budget ng pamahalaan sa PUP ay kakapusin ng P3.9 Billion mula sa isinumiteng kabuuang 2024 budget proposal ng ating pamantasan na P6.9B. Sa ganitong balangkas, imposible pa rin na maisakatuparan ang 100% face-to-face classes na ligtas, aksesable, at dekalidad.
Madilim ang kinaharap ng mga Iskolar sa dalawang buwan na power outage sa Mabini Campus. Kakasimula pa lamang ng mga pisikal na klase nang puwersahan na namang pinabalik sa online ang mga estudyante. Maraming mga magulang at mga anak ang nadismaya at nanghinayang sakanilang rekurso at panahon.
Sa ngayon, malayo pa rin tayo sa linawag na ating tinatanaw dahil kagaya kung gaano tayo ka-salat sa pondo upang makabili ng krudo sa pagpapagana ng mga generator ay hindi rin natin maibigay ang mga batayang pangangailangan ng mga Iskolar ng Bayan para sa pagkatuto. Halimbawa, tila nanlilimos na ang ating mga kabataang alagad ng midya mapondohan lamang ang kanilang mga produksyon; naliligaw na sa sarili nilang mga kampus ang ating mga inhinyero at arkitekto kakahanap ng espasyo para makapag-aral; at ang ating mga siyentista at teknolohista ay walang magamit na kompyuter at laboratoryo. Samantala, libo-libong kabataan ang pinagsasaraduhan na ng pinto dahil sa pagkalusaw ng Senior High School sa main at accountancy program sa ibang mga branches at campuses.
Tiyak din ang epekto ng kakulangan ng badyet sa kaguruan at manggagawa ng ating pamantasan. Higit na hindi maisasakatuparan ang panawagan ng mga kaguruan para sa pagpapataas ng entry-level pay para sa mga g**o. Magiging bara ito sa laban ng mga janitor at iba pang manggagawa sa PUP para sa nakabubuhay na umento sa sahod at pagkontra sa kontraktwalisasyon.
Sa kabila ng lahat ng ito, tuloy ang mulat na pagtapak ng estado sa ating kalayaang pang akademiko at demokratikong karapatan. Inaasahan natin ang mas mainit pa sa kape na presensya ng mga militar at iba pang pwersa ng estado sa loob ng pamantasan dahil sa abrogation ng PUP-DND accord na higit na maglalagay sa panganib sa lahat ng miyembro ng ating komunidad.
Bakit ito nangyayari?
Ang sistema ng edukasyon sa bansa ay higit na hindi maabot-abot ng karaniwang mamamayan, bagsak ang kalidad, at pasista na ang tanging hangarin ay tulungang makakubra ng kapital ang mga pinakamayayamang negosyante, pagsilbihan ang interes ng mga dayuhan, at pagsamantalahan ang talino at lakas-paggawa ng mga kabataanβhigit sa panahong sila ay maging mga manggagawa na rin na sasalubungin ng mababang sahod at hindi makataong kondisyon ng paggawa.
Hindi natin maikukubli na pinapatay sa gutom ang milyon-milyong mamamayan dahil sa pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin at pampublikong serbisyo, habang tinataga pa rin ng mababang umento sa sahod ang karaniwang manggagawang Pilipino. Sa kabilang banda, sinamantala ni Marcos, Jr. ang panahon sa pagsasabatas ng pinakamalaking pambubudol ng administrasyon na Maharlika Investment Fund at pagpasok ng Pilipinas sa mga hindi pantay na pampulitika at pang-ekonomiyang tratado sa US at pag asa nito sa pag-aangkat at dayuhang pangungutang na magpapanatili ng mga krisis na tagos sa sikmura ng mga mamamayan.
Ang kasalukuyang anyo ng paghaharing US-Marcos II ay sumasalamin sa katayuan ng Pilipinas na higit na mag-aanak ng ibaβt iba pang mga krisis na mararanasan ng mga kabataan at mamamayan na siya ring mangangahulugan ng pag-ahon ng mas malalaki pang laban na tatanganan ng sambayanan.
Ano ang hamon sa atin?
Ang Student Council Elections (SCE) ay hindi panahon ng pagbubuhat ng sarili nating mga bangko o pagpapasikat ng ating mga kandidato, ito ay isang aktibidad na tuwirang ekspresyon ng partisipasyon ng lahat ng miyembro ng ating komunidad sa mga pulitikal na usapin sa loob at labas ng pamantasan.
Hamon sa atin na mamaksimisa ang panahong ito upang pamunuan at bigyan ng direksyon ang ating mga labanβmula sa mga diskusyon, talastasan, hanggang sa pagboto ng ating mga tunay, palaban, at makabayang kandidato.
Sa panahong higit na aktibo sa pulitika ang buong komunidad, malaki ang ating tungkuling ipagsilbi ito sa higit pang pagpapalakas ng kampanya at pakikibakang masa. Walang patlang tayong susuong sa hamon ng tunay at ganap na representasyon sa bawat antas ng pamumuno sa ating pamantasan lalo naβt kasunod ng SCE ang muling pagpili ng rehente ng mga mag-aaral na tatagos pa sa nalalapit na PUP Presidential Elections.
Hindi pa tapos ang deklarasyon natin na . Sa halip, tayo ngayon ay nasa yugto kung saan higit ang hamon sa atin na palaparin ang ating mga hanay bilang pagpapatibay ng paninindigan na tayo pa rin ang may hawak at papanday ng sarili nating kinabukasan.
Bitbit ang ating mga lokal na laban patungong pambansang entablado ay ipagsisilbi natin ang ating mga tagumpay sa loob ng pamantasan sa pakikibaka ng malawak na hanay ng mamamayan. Mula eskwelahan hanggang sa mga komunidad, iisa ang hamon sa ating lahat---
Tuloy-tuloy na magpalakas at kamtin ang malayang bukas! Iskolar ng Bayan, paglingkuran ang sambayanan bilang !
06/08/2023
BAKIT TUNAY, PALABAN, MAKABAYAN? π£οΈβ€οΈ
Alamin ang dahilan kung bakit hindi dapat mamatay ang tunay, palaban, at makabayang tradisyon ng mga kabataan sa loob ng isang pamantasang pinagkakaitan ng pondo, inaatake ng estado, at tinatanggalan ng karapatan sa edukasyon.
Takits sa All Leaders' Convention at General Assembly SOON! π«’
Sumali na sa SAMASA PUP: bit.ly/JoinSAMASAToday
Layout by Marygold Lazaro
02/08/2023
BUKAS NA π₯³ I Magkita-kita tayo bukas sa general assembly at all leaders' convention sa ITECH AVR, 9:00 AM, kasama ang mga sumusunod na organisasyon at mga lokal na balangay ng SAMASA.
Sama-sama nating tunghayan ang pagkakaisa ng mga indibidwal at mga organisasyong tinatanganan ang prinsipyong karapatan ang edukasyon!
Sumali sa SAMASA PUP: bit.ly/JoinSAMASAToday
Layout by Katebelle Ladlad