15/04/2026
MATAGUMPAY ANG PROTESTANG BAYAN NG MAMAMAYAN AT ISKOLAR NG BAYAN LABAN SA PAGSIRIT NG PRESYO NG LANGIS AT PAGTAPAK NG SOBERANYA!
TIGNAN | Nakiisa ang mga Konsensya ng Bayan sa kilos protesta ng mga Iskolar ng Bayan sa matagumpay na pagkilos upang kalampagin ang rehimeng Marcos Jr. sa gitna ng sunod-sunod na krisis sa ekonomiya. Mariing ipinapanawagan ng mga Konsensya ng Bayan ang kagyat na pagpapatigil sa Oil Price Hike, pag-alis sa pahirap na VAT at Excise Tax, at ang makatarungang pagtataas ng sahod para sa mga manggagawa. Habang patuloy na nagpapakasasa sa tubo ang mga dambuhalang korporasyon ng langis gaya ng Petron, Caltex, at Shell, ang sambayanang Pilipino ang pumapasan sa bigat ng nagmamahalang bilihin at kumakalam na sikmura.
Kasabay nito, mariing tinututulan ng mga kabataan ang pagbebenta sa soberanya ng Pilipinas sa pamamagitan ng Balikatan Exercises at iba pang kasunduang militar sa imperyalistang Estados Unidos. Habang ginagawang pain ang ating bansa sa mga dayuhang interes at agresyong giyera sa Kanlurang Asya, patuloy naman ang pambobomba at intimidasyon sa mga komunidad ng mga magsasaka at pambansang minorya sa sarili nating lupa. Bilyon-bilyon ang ibinubuhos sa NTF-ELCAC at confidential funds, ngunit nananatiling barat ang pondo para sa edukasyon at pasilidad sa loob ng Sintang Paaralan.
Hanggang kailan magtitiis ang masa sa kakarampot na tira habang ang mga nasa kapangyarihan ay nagpapasasa sa pawis at dugo ng bayan? Ang bawat pagtataas ng presyo at pagkaltas sa serbisyo ay malinaw na pag-atake sa karapatan ng bawat Pilipino. Hindi hihinto ang mga Iskolar ng Bayan sa pakikibaka hanggaโt hindi natutuldukan ang mga krisis ito. Iskolar ng bayan, maninindigan, at lumaban para sa tunay na demokrasya, kabuhayan, at kalayaan!
07/04/2026
KONSENSYA NG BAYAN, MAGSURI AT LABANAN ANG PASISMONG ATAKE NG ESTADO! BAGUHIN ANG LIPUNAN!
TIGNAN | Nakiisa ang mga Konsensya ng Bayan sa isinagawang kilos-protesta ngayong araw para sa kagyat na paglaya ni Ceeka Garzon, isang cultural worker sa Mindoro, at ang pagbabasura sa mga gawa-gawang kasong "sedition" laban kina Tiffany Brillante at Jacob Baluyot. Ang mga atakeng ito ay malinaw na pagtatangka ng estado na busalan ang mga lider-estudyanteng tumitindig laban sa katiwalian.
Bilang mga konsensya ng bayan, kinakailangang tuloy-tuloy na magsuri at magsalita sa mga mapanirang polisiya at panggigipit ng estado na naglalayong patahimikin ang mga boses na mga kabataang kritikal. Imbis tugunan ng mga sosyo at ekonomikong krisis, inuuna ng gobyerno ni Marcos Jr. ang pagsupil sa karaatang pantao ng mamamayan. Habang ang bilyon-bilyong pondo ay inilalaan sa NTF-ELCAC at sa mga operasyong militar gaya ng pambobomba sa Mindoro, nananatiling bingi ang gobyernong Marcos-Duterte sa hinaing ng mga manggagawa at magsasaka. Sa harap ng giyerang agresyon ng US sa Iran, tuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng langis at pangunahing bilihin.
Habang patuloy na nagbubulag-bulagan at nagbibingihan ang Pamahalaan ni Marcos Jr. at Sara Duterte, higit lalong kailangang ilantad ng mga konsensya ng bayan ang bulok na sistema. Sa darating na April 9, Araw ng Kagitingan, muling magtitipon ang mga kabataang konsensya ng bayan sa lansangan upang itulak ang tunay na pagbabago at katarungan para sa lahat ng biktima ng pasismo ng estado.
โ
24/02/2026
๐ฃ๐จ๐ฃ ๐๐ข๐ ๐ ๐จ๐ก๐๐ง๐ฌ, ๐ช๐๐๐๐ข๐จ๐ง ๐ก๐! ๐๐ฆ๐๐๐จ๐๐๐ฌ ๐๐ก๐ ๐๐๐ช๐ ๐ก๐ ๐๐๐ฆ๐! ๐ ๐๐ฅ๐๐ข๐ฆ-๐๐จ๐ง๐๐ฅ๐ง๐, ๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐-๐๐๐! ๐ฃ๐๐ฅ๐๐๐ข๐ก๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ฃ, ๐๐๐ฃ๐๐ง ๐๐๐๐๐ก๐๐ก! โ๐ฝ
Hindi klase ang mapagpasiya kung makikiisa tayo sa laban o hindi. Ang patuloy na paghihirap ng sambayanang Pilipino ang nagtutulak sa mamamayan para lumaban. Kaya may pasok man o wala, lalabas tayo ng PUP upang makipag-aralan at magbitbit ng mga panawagang tumatagos sa sikmura ng bawat Iskolar ng Bayan sa loob man o labas ng pamantasan.
Ang ika-40 na anibersaryo ng EDSA People Power ay hindi lamang para alalahanin ang mga aral, kundi patuloy na isabuhay ang diwa nito. Sa patuloy na paglala ng ibaโt ibang krisis sa lipunan, marapat lamang na bitbitin natin sa pang-araw-araw ang tunay na pagkamakabayan.
Sa patuloy na girian ng pwersa ng kadiliman at kasamaan, walang ibang tunguhin ang ika-40 na anibersaryo ng EDSA People Power kundi ang pagpapanagot sa lahat ng sangkot sa korapsyon sa gobyerno nila Marcos at Duterte. Ang EDSA ay protesta upang singilin si Marcos Jr. sa lalong pagpapahirap niya sa sambayanang Pilipino: patuloy ang pagtaas ng mga bilihin, kagaya ng bigas, tubig, at langis. Tumataas din ang bayarin sa mga basekong serbisyo, labas pa ang patuloy na panggigipit sa mga batayang sektor sa lipunan, kagaya ng edukasyon at kalusugan. Ito rin ay panawagan para sa tuluyang pagpapanagot kay Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa lahat ng buhay na kinitil niya at inhustisyang idinulot ng kaniyang pekeng giyera kontra droga. Ang EDSA ay protesta rin upang paingayin pa ang ating kampanyang litisin si Sara Duterte sa pagnanakaw niya ng โฑ612.5 milyong confidential and intelligence funds. Sa huli, hindi ang mga Marcos at hindi rin ang mga Duterte ang magliligtas sa atin. Tayo ang mapagpasiya sa paglikha ng ating kasaysayan!
Sa PUP, marami na tayong napagtagumpayan sa sama-samang pagkilos: pagtutol sa dress code policy noong 2019, pagbabasura ng 200% increase sa tuition fee noong 2010, at iba pang pagkilos noong panahon ng Martial Law. At sa muling pagsasabuhay ng ating militansya, kayang-kaya nating magpanalo ng mga laban hanggang sa pambansang entablado.
Mula noon hanggang ngayon, tahanan tayo ng mga makabayang lider, kagaya ng dating propesor at punong kalihim ng Kabataang Makabayan (KM) na si Charlie Del Rosario na siyang kauna-unahang desaparecido sa ilalim ng Martial Law ni Marcos Sr., at dating presidente ng PUP na si Nemesio Prudente na kilala sa paglaban sa rehimeng Marcos Sr., at ipagpapatuloy pa natin ang diwang palaban ng mga PUPian.
๐๐ฎ๐๐ฎ ๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐, ๐ฎ๐ฑ ๐๐ฒ๐ฏ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ, ๐บ๐ฎ๐ด๐ธ๐ถ๐๐ฎ-๐ธ๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ถ๐น๐ผ๐!
๐ฌ๐ต:๐ฌ๐ฌ ๐๐ | ๐ฃ๐จ๐ฃ ๐ ๐ฎ๐ถ๐ป ๐๐ฎ๐บ๐ฝ๐๐ ๐ ๐ฎ๐ถ๐ป ๐๐๐ถ๐น๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐ฒ๐๐ต ๐๐น๐ผ๐ผ๐ฟ
๐ญ๐ฎ:๐ฌ๐ฌ ๐ฃ๐ | ๐๐ฟ๐ผ๐ป๐ ๐ผ๐ณ ๐๐๐ ๐ ๐๐๐ถ๐ฐ ๐ฆ๐๐ผ๐ฟ๐ฒ ๐๐๐ฆ๐
๐ฌ๐ญ:๐ฌ๐ฌ ๐ฃ๐ | ๐๐๐ฆ๐ ๐ฃ๐ฒ๐ผ๐ฝ๐น๐ฒ ๐ฃ๐ผ๐๐ฒ๐ฟ ๐ ๐ผ๐ป๐๐บ๐ฒ๐ป๐
11/12/2025
SAMASA PUPโs Leadership Wrapped 2025 is here! ๐ง
This year, your top track is LEADERSHIP, and weโre dropping a training session that hits all the right notes. From room-to-room discussions and organizing to people-centered leadership, letโs look back and lead forward! โ๐ฉ
Join us in our annual year-ender leadership training happening this December at PUP Main. This event is open for ALL aspiring student leaders at Sintang Paaralan! ๐ซ
๐งPhilippine Social Realities | Dec. 12, 1PM (TBA)
๐งActivism and Leadership | Dec. 13, 1PM (TBA)
๐งMass Campaign and Struggle | Dec. 15, 1PM (TBA)
๐ Registration Form: tinyurl.com/sms-leadership-wrapped
26/11/2025
๐จ๐๐๐ก๐๐ฆ ๐ข๐๐ ๐ฆ๐ง๐จ๐๐๐ก๐ง ๐๐๐๐๐๐ฅ๐ฆ! ๐๐๐ก๐๐ฆ ๐ข๐๐ ๐๐๐๐ข๐ ๐๐๐๐จ๐ฌ๐ข๐ง!๐จ
Today, Jacob Baluyot, Spokesperson of Alyansa ng Kabataang Mamamahayag (AKM) PUP and Associate Editor of The Catalyst, received a formal petition for indirect contempt in writing from the Regional Trial Court. The petition was requested by Acting Director PMGen Robert AA Morico II of the Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
The Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan (SAMASA) PUP condemns this continuous and desperate attempt to intimidate a campus journalists and student leaders for simply fulfilling their duty to inform and hold power to account. Instead of weaponizing legal processes to corner and silence critics, the PNP-CIDG should be pursuing officials involved in the corruption and abuse of authority who are still at large.
SAMASA PUP stands in full solidarity with Jacob Baluyot and all campus journalists and student leaders in resisting repression. We call on the PUP community to remain vigilant and defend press freedom and the democratic rights of the people.
21/11/2025
Konsensya ng Bayan, rage against the corrupt system!
Ngayong araw, matagumpay na nakiisa ang mga Konsensya ng bayan sa malawak na hanay ang mga kabataan at estudyanteng nakiisa kontra korapsyon. Mula sa lokal na programa sa Sintang Paaralan hanggang sa tarangkahan ng Mendiola.
Bitbit natin ang panawagan para panagutin at paalisin na sa puwesto sina Marcos at Duterte at itatag ang National Transition Council. Wala ng aasahan ang taumbayan sa gubyernong inuuna lamang ang sariling interes at sariling pakson, habang ang taumbayan ay lubog sa kahirapan at baha, at kapos na pondo sa Sintang Paaralan.
Magkita-kita tayo sa November 30 sa Baha sa Luneta 2.0! Konsensya ng Bayan, tuloy ang laban!
17/11/2025
BUMAHA SA MAYNILA NG KABATAAN LUMALABAN!
Ngayong araw, sama-samang tumungo sa Mendiola ang SAMASA PUP CSSD kabilang ang malawak na hanay ng kabataan upang singilin ang pangunahing kurakot sa Pilipinasโang administrasyong Bongbong Marcos Jr. at Sara Duterte!
Habang ang kaban na bayan ay patuloy na ninanakawan, ang mamamayan ay patuloy na nalulunod! Ang kakarampot na badyet para sa mga State Universities and Colleges (SUCs) ay patunay na hindi prayoridad ng gobyerno ang edukasyon bagkus ang korapsyon. Hanggang ngayon ay napipilitan ang mga Iskolar ng Bayan na manatili sa mga maiinit, maliliit, at bulok na klasrum.
Hindi rito natatapos ang laban ng mga kabataan! Naniniwala ang SAMASA PUP CSSD na ang pag-asa ng bayan ay nasa kamay ng sambayanang lumalaban. Dapat managot ang lahat ng kurakot sa kabila ng patuloy na pagiit ng pasistang estado ang naratibo na inosente ang mga nasa tuktok!
Mga Konsensya ng Bayan, singilin ang rehimeng Marcos-Duterte! Ikulong ang mga kawatan! Pabagsakin ang bulok na sistema na patuloy na nagpapahirap sa masang Pilipino!
LAHAT NG KURAKOT, DAPAT MANAGOT!
MARCOS-DUTERTE, ALISIN! ALISIN!
16/11/2025
๐๐ฆ๐๐ข๐๐๐ฅ ๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก, ๐ข๐จ๐ฅ ๐๐จ๐ง๐จ๐ฅ๐ ๐๐ฆ ๐ข๐ก ๐ง๐๐ ๐๐๐ก๐! ๐๐๐๐๐ง ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ก๐ฆ๐ง ๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐จ๐ฃ๐ง๐๐ข๐ก ๐๐ก๐ ๐ง๐ฌ๐ฅ๐๐ก๐ก๐ฌ! ๐ง๐๐๐ ๐๐ข๐ช๐ก ๐ง๐๐ ๐ฅ๐ข๐ง๐ง๐๐ก ๐ฆ๐ฌ๐ฆ๐ง๐๐ !
Sa gitna ng lumalalang krisis at kaguluhan sa gobyernong dapat naglilingkod sa taumbayan, tuluyang nalalantad ang kabulukan ng sistemang pinatatakbo ng iilang makapangyarihan. Araw-araw na binubunyag ng laglagan nina Zaldy Co, Duterte, at mga Pro-Marcos kung paanong inuuna nila ang bulsa at kapangyarihan kaysa sa kapakanan ng mamamayan.
Kaya malinaw ang panawagan ng kabataan: ๐๐๐๐๐ง ๐ก๐ ๐ฆ๐๐ก๐๐๐ข๐ง, ๐๐๐ฃ๐๐ง ๐ ๐๐ก๐๐๐ข๐ง. Hindi natin hahayaang maging normal ang katiwalian at pandarambong sa kinabukasan natin.
Bukas, sa National Day of Action for International Studentsโ Day, ipapakita natin na hindi tayo henerasyong tatahimik habang inaagaw ang ating hinaharap!
SUMAMA SA KILOS-PROTESTA
NATIONAL DAY OF ACTION
NOVEMBER 17
KONDUKTA:
๐ 8:00 AM | Pakat at Production Work @ PUP Main
๐ 2:00 PM โ Assembly @ P. Noval
๐ 3:00 PM โ Main Program @ Mendiola
๐ฆ๐จ๐ ๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐ข๐ข๐ฅ๐๐๐ก๐๐ง๐๐ก๐ ๐๐:
https://m.me/j/AbY1VwAgJlHA4-CW/
Please donate for production work:
09765367374
So***a S.
22/10/2025
IN CASE YOU MISSED IT | CSSD Miting de Avance
The PUP Commission on Elections (COMELEC) successfully held the CSSD Miting de Avance last October 21 at the College of Social Sciences and Development!
The event served as an open platform for student leaders from TINDIG Partylist and Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan (SAMASA) PUP to present their platforms, advocacies, and plans of action before the CSSD community. It became an avenue for dialogue and democratic engagement, where candidates addressed pressing student concerns and laid out their vision for a more participatory and progressive student council.
We remind all Konsensya ng Bayan that the voting precincts are now open until October 26, so exercise your right to vote! You may access the CSSD Official Ballot released by COMELEC here: tinyurl.com/CSSDOfficialBallot2025
21/10/2025
THE RACE TO THE FINAL LAP IS IN SIGHT: VOTE STRAIGHT! VOTE SAMASA PUP CSSD!
Sa gitna ng lumalalang krisis sa edukasyon, kakulangan ng pondo, pagkitil sa akademikong kalayaan, at patuloy na korapsyon sa ilalim ng pabaya at abusadong rehimen ni Marcos Jr., higit kailanman ang pangangailangan para sa mga lider-estudyanteng tunay na kumakatawan sa interes ng masa.
Hindi lamang natin kailangan ng mga konsehong nagpapatupad ng programaโkailangan natin ng mga Konsensya ng Bayan na handang manindigan, kumilos, at lumaban para sa demokratikong karapatan at akademikong kalayaan ng mga Iskolar ng Bayan. Kailangan nating ng konsehong kasama sa ating pagsusulong ng pambansa, siyentipiko, at makamasang edukasyon.
Sa huling yugto ng laban, bumoto, makialam, at pumili ng pamumunong tunay, palaban, at makabayan.
VOTE STRAIGHT! VOTE SAMASA PUP CSSD!