SPARK PUP

Directions Website

SPARK PUP Sumama sa pakikibaka! join.sparkkabataan.org

BUDGET CUT NA NAMAN SA SUC?Ang ipinasang bugdet ng House of Representatives noong nagdaang linggo ay malaking dagok para...
15/10/2026

BUDGET CUT NA NAMAN SA SUC?

Ang ipinasang bugdet ng House of Representatives noong nagdaang linggo ay malaking dagok para sa mga state universities and colleges sa buong bansa.

Higit 40% ng mga SUC ang tatamaan ng budget cut. Ito'y sa kabila ng mga kakulangan sa pasilidad, academic materials, at suporta para sa mga estudyante at g**o sa loob ng mga pamantasan at kolehiyo.

Bakit nga ba budget cut nanaman ang matatamasa ng mga SUC? Ano ang magiging epekto nito sa mga estudyanteng nagdurusa sa ilalim ng patuloy na lumalalang sistema ng edukasyon sa Pilipinas? Ano ang dapat nating gawin para isakatuparan ang libre, de-kalidad, abot-kaya at ligtas na edukasyon para sa bawat estudyante?

Sagutin natin ang mga tanong na ito sa ating Online Educational Discussion sa darating na Sabado, Oktubre 17, 5:00PM onwards via GMeet.

Para mag-rehistro, pumunta sa:
https://forms.gle/gwqwwe21WdEbav5w8
https://forms.gle/gwqwwe21WdEbav5w8
https://forms.gle/gwqwwe21WdEbav5w8

✊ Ipaglaban ang karapatan sa edukasyon:
join.sparkkabataan.org
join.sparkkabataan.org
join.sparkkabataan.org




Sa mga kuko ng KontrataPahayag ng Samahan ng Progresibong Kabataan - PUPSA MGA silid-aralan ng PUP Maynila, madalas na i...
11/10/2026

Sa mga kuko ng Kontrata
Pahayag ng Samahan ng Progresibong Kabataan - PUP

SA MGA silid-aralan ng PUP Maynila, madalas na isang g**o ang nagsasalita sa harap ng higit-singkwentang Iskolar, binabagtas ang buong semestre sa dalawang oras, at inuuwi ang pagod na hindi na kayang tapatan ng sapat na panahon para sa konsultasyon. Ang kakulangan ng mga propesor at instruktor, higit pa sa bilang na nakasulat sa papel, ay danas na laman at buto ng bawat Iskolar ng Bayan na naghahanap ng gabay, at ng bawat g**o na pinapasan ang trabaho ng marami para sa karampot na sahod.

Noong Oktubre 2023, may 1,562 part-time faculty ang PUP Maynila, halos 64% ng kaguruan, samantalang 884 ang regular o full-time. Sa 84,897 na mag-aaral sa Main Campus, katumbas ng 34 na mag-aaral ang isang g**o kung isasama ang mga part-time. At kung regular lang ang bibilangin, nagiging isa sa 96. Sa ilang departamento, tulad ng History, iniulat na umaabot pa ng isang instruktor sa higit-kumulang isang-libong mag-aaral. Sa ganitong ratio, nagiging mabilisang pagtatalakay ang malalim na pag-aaral, at ang konsultasyon ay nagiging pribilehiyo ng iilan.

May mga part-time instructor na binibigyan ng 39 units, katumbas ng labintatlong seksyon, sa isang semestre. Ika nga, sa pangalan (at marahil sahod) ka lang “part-time”, dahil “full-load” naman ang trabaho mo. Garapal na pananamantala ito sa lakas-paggawa ng katiting na kaguruang meron ang pamantasan na pinapangalanan ng disenteng salita. Wala silang seguridad sa trabaho, limitado ang benepisyo, madaling tanggalin, at kadalasan ay walang boses sa mga desisyon ng pamunuan. Ang mga regular na g**o ay nalulunod din sa administratibong gawain, thesis advising, committee meetings, at iba pang tungkulin na, kung tutuusin, ay hindi naman tungkuling sa kanila. Kaya ang resulta ay pagod na g**o, kulang na atensyon, at kabataang natututo sa namamaos na tinig at nagmamadaling talakayan.

Gayunding hindi nasa vacuum ng pamantasan ang mga problema ng pamantasan, kundi laging angkla sa at ekspresyon ng mas malalim na panlipunang sakit. Hindi bago ang kasabihan sa atin: microcosm nga ng Pilipinas ang pamantasan ng PUP.

Sa madaling salita, bunga ng patuloy na pagbawas ng pondo para sa edukasyon at serbisyong panlipunan ang kahirapan ng kaguruan at sangkaestudyantehan. Mas inuuna ng burgis na estadong pinamumunuan ni Bongbong ang pagbibigay-lugod sa malalaking negosyo sa loob at labas ng bansa, pagpapataba ng militar at pulisya, at pagtulak ng mga proyektong imprastraktura sa gitna ng iskandalo ng flood control allocations, kaya kulang ang plantilla positions at hindi naaayos ang mga kwalipikadong g**o. Ang mga part-time ay pinapasan ang labis na trabaho, ang mga full-time ay nauubos sa dami ng gawain, at ang buong pamantasan ay naghihingalo sa ilalim ng sistemang ayaw maglaan ng sapat na pondo sa hinaharap ng bansa.

Ang problema sa Sinta ay bahagi ng kalagayan ng mga manggagawa sa buong bansa. Sa gitna ng asunta sa karapatang mag-organisa't magdemanda ng mga manggagawa sa pulitikal na antas, bitbit ang kanilang ekonomikong interes, ito ang parehong sistemang nagpapalaganap ng endo at labor-only contracting, pilit na nagpapababa ng sahod ng mga mababa na nga ang sahod, nag-aalis ng benepisyo, at nagpapahina sa unyon at pagbubuklod ng mga manggagawa; ito rin ang sistemang nagpapabaya sa mga ospital, paaralan, kalikasan, maayos na imprastrakturang pang-urban, at iba pang serbisyo-publiko (nangunguna ang pampublikong kalusugan sa budget cuts ng National Expenditure Program of 2027, at ikalawa ang edukasyon). Wage stagnation at kakulangan sa benepisyo ang dinaranas ng mga g**o, nars, drayber, at iba pang manggagawa. Understaffing ang problema sa mga ospital, paaralan, at serbisyo publiko dahil sa patuloy na pagbawas ng budget. Ang mga g**o ay manggagawa, at ang pakikibaka nila para sa plantilla, regularisasyon, sapat na sahod, at karapatang mag-organisa ay pakikibaka ng buong uring-manggagawa. Kapag ipinagkait ang karapatan ng mga g**o, naaapektuhan din ang karapatan ng mga mag-aaral at ng sambayanan sa tunay na edukasyon.

Bilang bahagi ng progresibong kilusang mag-aaral at kasama ng mga g**o at kawani, ang tindig namin ay maka-uri: agad na lumikha ng permanenteng plantilla positions para sa mga g**o at kawani; sapat na pondo para sa PUP system at lahat ng SUC; regularisasyon ng mga part-time at kontraktwal; pagbaba ng student-to-faculty ratio; paglilimita sa class size at teaching load; paggalang sa academic freedom at karapatan sa unyon; at tunay na maka-uring representasyon ng mga mag-aaral, g**o, at kawani sa mga lupon na nagpapasya sa badyet at hiring.

Karapatan ang sapat na g**o at dekalidad na edukasyon. Ang mga g**o ay biktima rin ng sistemang ayaw maglaan ng sapat na pondo at permanenteng trabaho para sa mga manggagawang pantas. Nakikiisa kami sa mga g**o, kawani, at lahat ng manggagawa.

SAPAT NA PONDO SA PUP AT SUCs!
REGULARISASYON PARA SA MGA GURO'T KAWANI!
SAY NO TO BUDGET CUTS!

join.sparkkabataan.org
join.sparkkabataan.org
join.sparkkabataan.org

🗣️ PAANO NA DAGDAG SAHOD NAMIN? 🗣️Lumikha ng kaguluhan ang DOLE nang inilabas ng NCR Regional Wage Board ang Wage Order ...
09/09/2026

🗣️ PAANO NA DAGDAG SAHOD NAMIN? 🗣️

Lumikha ng kaguluhan ang DOLE nang inilabas ng NCR Regional Wage Board ang Wage Order 28 na nagtatakda ng mas mababang 60 pesos na wage increase kung ikukumpara sa 85 pesos na umentong nagmumula sa Wage Order 27.

Gulong-gulo na nga ang mga manggagawa dahil sa panghihimasok ng korte sa usapin ng sahod, dumagdag pa ang inutil na si Francis Tolentino at ang inutil na DOLE.

Ano na ang mangyayari sa sahod sa Metro Manila? Ano na ang mararatnan sa pamilya ng mga manggagawang pinagkaitan ng dagdag sahod? Bakit dapat tayong makialam at makibaka bilang kabataan?

Sama-sama nating himayin ang isyu na ito sa darating na September 11, 7:00 PM via Google Meet.

Kasama natin sa ating talakayan ang ating guest speaker si Kasamang Gie Relova mula sa BMP - NCRR.

🔑 Upang sumama, at para sa karagdagang detalye, mag-message lamang sa aming page! DM is key :3

Ipatupad ang 85 peso wage increase! Ipaglaban ang karapatan ng mga manggagawa!

Uring manggagawa, hukbong mapagpalaya!

join.sparkkabataan.org
join.sparkkabataan.org
join.sparkkabataan.org

🗣️ PAANO NA DAGDAG SAHOD NAMIN? 🗣️

Lumikha ng kaguluhan ang DOLE nang inilabas ng NCR Regional Wage Board ang Wage Order 28 na nagtatakda ng mas mababang 60 pesos na wage increase kung ikukumpara sa 85 pesos na umentong nagmumula sa Wage Order 27.

Gulong-gulo na nga ang mga manggagawa dahil sa panghihimasok ng korte sa usapin ng sahod, dumagdag pa ang inutil na si Francis Tolentino at ang inutil na DOLE.

Ano na ang mangyayari sa sahod sa Metro Manila? Ano na ang mararatnan sa pamilya ng mga manggagawang pinagkaitan ng dagdag sahod? Bakit dapat tayong makialam at makibaka bilang kabataan?

Sama-sama nating himayin ang isyu na ito sa darating na September 11, 7:00 PM via Google Meet.

🔑 Upang sumama, at para sa karagdagang detalye, mag-message lamang sa aming page! DM is key :3

Ipatupad ang 85 peso wage increase! Ipaglaban ang karapatan ng mga manggagawa!

Uring manggagawa, hukbong mapagpalaya!

join.sparkkabataan.org
join.sparkkabataan.org
join.sparkkabataan.org

ISKOLAR NG BAYAN, KASAMA SA LABAN NG MANGGAGAWA!Kalakhan sa mga PUPians ay mga anak ng manggagawa. Kaya tayo pumasok sa ...
04/09/2026

ISKOLAR NG BAYAN, KASAMA SA LABAN NG MANGGAGAWA!

Kalakhan sa mga PUPians ay mga anak ng manggagawa. Kaya tayo pumasok sa Sintang Paaralan ay dahil sa "libreng" edukasyon na maiibsan sana ang gastusin ng ating mga pamilya.

Pero para saan ba tayo nagaaral? Upang pagkagradweyt ay pumasok sa kumpanyang babaratin lang rin tayo? Upang bayaran ng sahod na di kayang bumuhay? Upang walang bahay o damit sa ating likuran? Upang manahin ang kalunos lunos na kalagayan ng ating mga pamilya?

O para baguhin ang ating kalagayan?

Sa ilalim ng sistemang kapital, ang manggagawa, bagamat kung wala sila ay hindi tatakbo ang lipunan, ay tinuturing lang na piyesa sa makina na maaring palitan pag wala nang pakinabang, maaring baratin para mas magkamal ng tubo.

Dapat nang buwagin at baguhin ang ganitong kalakaran. At dapat mag-ambag ang kabataan sa laban tungo sa pagsasakatuparan ng lipunang malaya sa pagsasamantala.

join.sparkkabataan.org

PUP BUDGET, KULANG NA NAMAN?Higit isang dekada na ang komunidad ng ating pamansatang paulit-ulit na parang sirang plaka....
13/08/2026

PUP BUDGET, KULANG NA NAMAN?

Higit isang dekada na ang komunidad ng ating pamansatang paulit-ulit na parang sirang plaka. Habang dumarami ang estudyante ng PUP, lalong binabarat ang pondo. Matagal na rin tayong mulat na hindi nasa pagdadahilan ang usapan, kundi sa pananadyang desisyon ng gobyerno: unti-unting gutumin at pilipitin ang sangkastudyantehan sa mga pampublikong pamantasan.

“Nakatuon ang budget sa edukasyon, kalusugan, kabuhayan, seguridad at pagpapalakas ng mga komunidad…” Ika ni Press Officer Claire Castro tungkol sa 2027 National Expenditure Program ng DBM. Aba, saang planeta itong badyet na nakatuon sa edukasyon atbp mahahanap?

Mahigit 106,500 estudyante ang inaasahang papasok sa mga kampus ng PUP sa buong bansa. Ngayong 2027, ₱3.5 bilyon lamang ang inilaan ng DBM para sa buong PUP System. Samantala, ang hinihiling at pinaglalaban nating mga Iskolar sa klasrum at lansangan ay ₱15.7 bilyon. Ang depisit na ₱12.2 bilyon ay mas mababa pa ng ₱300 milyon kumpara sa nakaraang taon, at kung susuriin, halos ₱32,000 lamang ang nakalaan para sa bawat estudyante sa loob ng isang taon—kulang na kulang para sa maayos na silid, sapat na g**o, pasahod sa mga manggagawa ng pamantasan, disenteng pasilidad, atbp.

Eh sa bumaba ng ₱1.3 trilyon ang kabuuang badyet para sa edukasyon kumpara sa nakaraang taon!

Isko, dapat alam mong sadya ito. Alam nilang PUP ang unibersidad ng mga anak ng manggagawa, ng mga pamilyang hindi kayang magbayad ng mataas na tuition, ng mga estudyanteng umaasa sa pampublikong edukasyon bilang tanging daan pataas. PUP, ika nga, ang pamantasan ng mga pinaka-hireable, o sa ibang salita, ang pabrika ng mga mapagsasamantalahang kabataan at manggagawa.

Hindi na kailangang ipaliwanag pa kung gaano kahirap ang araw-araw sa PUP. Alam na natin iyon dahil danas natin iyon. Nakikita ito sa mga silid na umaapaw, sa mga g**ong pagod, sa mga pasilidad na hindi sapat, sa desperasyon ng admin para sa NPU, at sa mga estudyanteng pilit pa ring lumalaban kahit kulang ang lahat.

Ang isyung ito ay hindi lamang usapin ng PUP at iba pang pampublikong pamantasan, ‘pagkat kasabay ito ng malawakang budget cuts sa bawat batayang sektor tulad ng pampublikong kalusugan at agrikultura. Samantala, itinutulak ng 2027 NEP ang mas makapal na investment sa flood control projects ng DPWH na walang kaakibat na pananagutan o paninigurado. Kaakibat ng kabulastugang ito ang harapang atake ng DOLE ni Tolentino sa karapatan ng mga manggagawa sa nakabubuhay na sahod. Usapin ito ng kung sino ang pinahahalagahan ng estado nila Marcos–Duterte at kung sino ang laging iniiwan.

Sa harap ng iba't-ibang anggulo ng mga buwaya iisa lang ang sagot. Walang hihingi ng awa; Maniningil tayo ng dapat ay sa atin noon pa man.

join.sparkkabataan.org
join.sparkkabataan.org
join.sparkkabataan.org

CALL FOR SOLIDARITYSa gitna ng sunod-sunod na ulan at baha dulot ng mga bagyo at habagat, hinihingi ng panahon ang ating...
12/08/2026

CALL FOR SOLIDARITY

Sa gitna ng sunod-sunod na ulan at baha dulot ng mga bagyo at habagat, hinihingi ng panahon ang ating pakikiisa sa mga apektadong kababayan.

Tuloy ang repacking at relief operations para sa mga nasalanta sa iba't ibang panig ng bansa sa pangunguna ng Bulig Pilipinas.

Maaaring idirekta ang mga kontribusyon sa pamamagitan ng:

GCash
Nenita Cruzat (09171374885)

Western Union
Nenita Cruzat (09171374885)

Swift Code
BOPIPHMM

Bangko (BPI)
1999 0111 33

o sa pag-drop off ng in-kind donations sa 23-B Marunong St., Brgy. Central, Quezon City

Para sa higit pang detalye, mag-message sa page ng SPARK o sa Bulig Pilipinas.


TINGNAN | Nilusob ng mga miyembro ng SPARK ang opisina ng R-II Builders sa Malakas, Quezon City ngayong umaga.Dasurb ng ...
11/08/2026

TINGNAN | Nilusob ng mga miyembro ng SPARK ang opisina ng R-II Builders sa Malakas, Quezon City ngayong umaga.

Dasurb ng kumpanyang ito ang pagkamuhi ng taumbayan gayong di lang nila pinagkaitan ng dagdag sahod ang sariling empleyado kundi lahat ng manggagawa sa NCR sa pag-file nito ng injuction sa Pasig RTC para i-TRO ang region-wide salary increase.

Kung hindi niya kayang paswelduhin ang kanyang mga empleyado, huwag siyang magnegosyo, wala siyang karapatan magnegosyo. Walang pumipilit sa kanya at lalong huwag niyang idamay ang pamilya ng milyong manggagawa na umaasa.

R-II BUILDERS, GANID! KALABAN NG MANGGAGAWA!

join.sparkkabataan.org

BUKAS NA LIHAM PARA SA MGA ISKOLAR NG BAYANMga kapwa Iskolar ng Bayan,Sa bawat araw na pumapasok tayo sa PUP, hindi na b...
26/07/2026

BUKAS NA LIHAM PARA SA MGA ISKOLAR NG BAYAN

Mga kapwa Iskolar ng Bayan,

Sa bawat araw na pumapasok tayo sa PUP, hindi na bago sa atin ang kakulangan sa mga silid-aralan, pasilidad, kagamitan, at sapat na bilang ng mga regular na g**o. Habang patuloy na lumalala ang mga hamong kinakaharap ng pampublikong edukasyon, tayo rin ang direktang nakararanas ng epekto ng tumataas na presyo ng pagkain, pamasahe, kuryente, tubig, at iba pang pangunahing pangangailangan. Ang mga ito ay hindi magkakahiwalay na suliranin, dahil bahagi lamang sila ng mas malawak na krisis na nararanasan ng sambayanang Pilipino.

Sa kabila nito, isa na namang taon ng mga napako at bigong pangako ang ipinamalas ng kasalukuyang administrasyon ni Marcos Jr. Nananatiling malaya ang mga kurakot at mapang-abusong pulitiko, habang ang bangayan ng mga nasa kapangyarihan ay hindi nagreresulta sa tunay na pananagutan. Bilang iskolar ng bayan, nararapat lamang na igiit ang pananagutan ng lahat ng opisyal na inaakusahan ng pang-aabuso sa kapangyarihan, kabilang sina Sara Duterte at Bongbong Marcos Jr., alinsunod sa umiiral na mga prosesong demokratiko at konstitusyonal.

Kasabay nito, patuloy ding isinusulong ang mga patakarang pinaniniwalaang higit na nagsisilbi sa interes ng dayuhang kapital kaysa sa kapakanan ng mamamayan. Sa usapin ng Pax Silica, marami ang nagpapahayag ng pangamba na maaari itong magbukas ng mas malawak na pagmimina, dislokasyon ng mga komunidad, pagsasamantala sa lakas-paggawa, at higit pang pagdepende sa dayuhang interes.

Bilang mga Iskolar ng Bayan, naniniwala tayong may tungkulin tayong makilahok sa mga demokratikong espasyo upang ipahayag ang ating mga paninindigan. Ang SONA ng Sambayanan ay isa sa mga pagkakataong maiparating ang panawagan para sa sapat na pondo sa pampublikong edukasyon, pananagutan ng mga nasa kapangyarihan, at mga polisiyang tunay na inuuna ang kapakanan ng mamamayan.

Kaya naman inaanyayahan namin ang bawat Iskolar ng Bayan na makiisa at makilahok.

📍 Assembly Point: CHED, C.P. Garcia cor. University Ave., Quezon City
🕤 Assembly Time: 9:30 A.M. | July 27 (Magsuot ng P**a!)

Ang pagbabago ay hindi lamang hinihintay, ito ay sama-samang ipinaglalaban.

Para sa PUP. Para sa Tunay na Libre at Aksisableng Edukasyon. Para sa Sambayanan.

Convict Sara Now! Pax Silica, Ibasura! Dagdagan ang pondo sa pampublikong edukasyon! Baguhin ang sistema!

join.sparkkabataan.org
join.sparkkabataan.org
join.sparkkabataan.org

26/07/2026
ENSURE STRONG SAFEGUARDS IN THE NPU BILL TO PROTECT THE PUP COMMUNITY!Dapat tiyakin na ang mga probisyon hinggil sa part...
19/06/2026

ENSURE STRONG SAFEGUARDS IN THE NPU BILL TO PROTECT THE PUP COMMUNITY!

Dapat tiyakin na ang mga probisyon hinggil sa partnerships, joint ventures, outsourcing, at pamamahala ng mga ari-arian ng unibersidad ay hindi magreresulta sa pagtaas ng gastos para sa mga mag-aaral, pagbaba ng kalidad ng serbisyo, paglabag sa karapatan ng mga manggagawa, o paghina ng demokratikong partisipasyon ng mga sektor ng pamantasan.

Ang anumang kasunduan na makaaapekto sa komunidad ng PUP ay dapat dumaan sa malawak at makabuluhang konsultasyon sa mga mag-aaral, g**o, at kawani.

Address

Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SPARK PUP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share