13/05/2026
Hindi tayo magsasawang tupdin ang tungkuling kaloob sa atin, para sa kapakanan ng kabataan.
This page is intended to post and share informations that will support the Legacy of Jude Natividad
13/05/2026
Hindi tayo magsasawang tupdin ang tungkuling kaloob sa atin, para sa kapakanan ng kabataan.
13/04/2026
2016, nabigyang pagkakataon tayo na maging Resource Speaker sa Tokyo Japan para sa ginanap na Japan Philippines NGO Coalition forum, at dito taas noo nating ipinagmalaki na tayo ay isang batang pinatatag ng lansangan, at hindi batang lansangan lang.
The Life Story of Jude Natividad| I-Listen with Ms. Kara David
06/02/2026
Noong halalan 2023, nag-offer si former SK Chairman Jude Natividad ng serbisyong medyo may kaugnayan dito. Ang punto, ay upang mabawasan ang bilang ng mga Ka-Barangay na nagpupunta pa sa iba't-ibang opisina upang humingi ng kanilang pang-maintainance na gamot na kadalasan ay isang beses lang kada buwan naibibigay. Bakit ko naisip ang ganoong ideya? Simple, dahil kaya nga may Barangay ay upang mas malapit at hindi mahirapan ang mga nasasakupan na makakuha ng serbisyong medikal, alternatibong pamamaraan ng tunay na halimbawa ng serbisyo publiko.
Photo credit to the rightful owner.
"Teaching is the greatest act of sharing love and knowledge."
14/01/2026
"Knowledge shared with the youth is an investment that pays the highest interest: a better world." - KuyaJude
29/05/2025
LATE POST| Warmest congratulations, Former SK Chairman Jude Sta Monica Natividad, on passing the March 2025 Licensure Examination for Teachers! Your dedication and perseverance have truly paid off. Wishing you all the best as you embark on this new chapter as a licensed teacher! 🎉📚👏
Padayon!
25/07/2024
July 23, 2024 (Late upload)
TIGNAN: Sa pakikipag-ugnayan ni SK Chairman Danilo Natividad kay former SK Chairman at ngayon Zone 72 SK Adviser Jude Natividad ay nabigyan ng mga payong na magagamit sa kanilang pagtitinda ang mga vendors ng aming Barangay. Ang mga payong ay nagmula sa ating napakabait at mabilis tumulong Konsehal Charry Ortega.
16/01/2024
January 16, 2024
TIGNAN: Ipinatupad ng tanggapan ng Sangguniang Kabataan of Brgy 666 Z-72 D-V Ermita, Manila, ang Open SK Policy na layuning makipag-ugnayan at tulungan ang iba't-ibang tanggapan ng Sangguniang Kabataan hindi lamang sa buong Ka-Maynilaan, kundi sa buong Pilipinas. Sa inisyatibo ni SK Chairman Danilo Natividad, ay naiparating sa Sangguniang Kabataan of Barangay Duka, Barugo Leyte ang mga donasyong First Aid Kit, at iba pang Medical Supplies. Ang Open SK Policy ay mungkahi ni former SK Chairman Jude Sta Monica Natividad sa kasalukuyang tanggapan ng Sangguniang Kabataan ng aming Barangay at bilang SK Zone 72, Adviser.
Sa mga susunod na panahon, ang aming tanggapan ay nangangarap na mas maraming tanggapan ng Sangguniang Kabataan, Volunteers Organization, at School Base Organization ang aming matutulungan sa abot ng aming makakaya. Dahil sa Open SK Policy, Saan ka man naroon, Kasali ka!
26/08/2023
August 26, 2023
TIGNAN: Isinagawa ngayong araw ang Sponsored Collaboration Feeding Program ni SK Chairman Jude Sta Monica Natividad at Kagawad Alexa Balagtas. Ang nasabing feeding program ay buong kababaang loob na in-sponsoran ni former Kagawad Jaime Canta, kung saan ay kaisa din ang Child Development Teacher na si Teacher Lani Javier at ang mga Non-Partisan Army na tumulong sa pamamahagi.