Tondo Medical Center

Directions Website Contact the organization

Tondo Medical Center The Official page of Tondo Medical Center.

2023 International Hospital Federation (IHF) Awards Gold Winner

2024 IHF Awards Honorable Mention Winner

2024 Hospital Management Asia Awards Excellence Winner

PGS Gold Trailblazer Awardee (Initiation, Compliance, Proficiency)

ISO 9001:2015 Certified

WORLD PHYSICAL THERAPHY DAY SA TONDO MED!Layunin ng pagdiriwang na palawakin ang kaalaman tungkol sa mahalagang papel ng...
19/10/2026

WORLD PHYSICAL THERAPHY DAY SA TONDO MED!

Layunin ng pagdiriwang na palawakin ang kaalaman tungkol sa mahalagang papel ng physical therapy sa pagpapabuti ng pagkilos, pag-iwas sa kapansanan, at pagpapanumbalik ng lakas at kakayahang magsagawa ng pang-araw-araw na gawain.

Kinikilala rin natin ang dedikasyon ng ating mga Physical Therapist sa pagtulong sa mga pasyente tungo sa mas aktibo, malaya, at maayos na pamumuhay.

Bawat galaw, hakbang tungo sa mas magandang buhay!


ALAM MO BA, KA TONDO MED? Ang pagbabawas ng pagkain ng karne, lalo na ang processed at matatabang karne, ay maaaring mak...
18/10/2026

ALAM MO BA, KA TONDO MED?

Ang pagbabawas ng pagkain ng karne, lalo na ang processed at matatabang karne, ay maaaring makatulong sa pagpapanatili ng malusog na puso at katawan!

MEATLESS MONDAY NA!

Ngayong Lunes, subukan nating palitan ang karne ng gulay, tokwa, monggo, at iba pang masustansiyang pagkain!

Tandaan! Ang simpleng pagbabago sa ating food choices ay malaking hakbang tungo sa mas malusog na pamumuhay!

Kaya tara na, mga KaTondo Med! Less meat, more veggies, healthier you!


ALAM MO BA KA TONDO MED?Kapag piniprito ang pagkain, sumisipsip ito ng mantika, kaya maaaring tumaas ang dami ng taba at...
15/10/2026

ALAM MO BA KA TONDO MED?

Kapag piniprito ang pagkain, sumisipsip ito ng mantika, kaya maaaring tumaas ang dami ng taba at calories na ating nakakain. Ang madalas na pagkain ng pritong pagkain, lalo na kung mataas sa saturated at trans fat, ay maaaring makasama sa kalusugan ng puso.

Mas mainam na subukan ang pag steam, pagpapakulo, pag-bake, pag grill, o air fry na kaunti lamang ang mantika.

Hindi kailangang tuluyang iwasan ang pritong pagkain, moderation ang susi!

Ngayong No Fry Friday, bawasan ang mantika at piliin ang mas masustansyang paraan ng pagluluto.

Less prito, more healthy!


PROTEKTAHAN ANG PAMILYA SA MALA-TRANGKASONG SAKIT NA MAY KASAMANG UBO AT SIPON O INFLUENZA-LIKE ILLNESSESPatuloy nating ...
15/10/2026

PROTEKTAHAN ANG PAMILYA SA MALA-TRANGKASONG SAKIT NA MAY KASAMANG UBO AT SIPON O INFLUENZA-LIKE ILLNESSES

Patuloy nating bantayan ang kalusugan ng bawat isa laban sa mga mala-trangkasong sakit na may kasamang ubo at sipon o Influenza-like Illnesses (ILIs).

Sa tamang pag-iingat, kaya nating mabawasan ang pagkalat ng ILIs tulad ng trangkaso. Tandaan ang mga sintomas, paraan ng pagkalat, at sundin ang mga simpleng hakbang upang maprotektahan ang iyong sarili, pamilya, at komunidad.

Kapag nakararanas ng sintomas tulad ng ubo, sipon, lagnat, pananakit ng katawan, o panghihina, ugaliing magpahinga, magsuot ng mask kung kinakailangan, panatilihin ang tamang kalinisan, at kumonsulta sa pinakamalapit na health facility kung hindi bumubuti ang pakiramdam.

Maging maingat. Maging handa. Sama-sama nating protektahan ang kalusugan ng bawat pamilya.






đź’š ALAY NA BUHAY: KAALAMAN, PAG-UNAWA AT PAG-ASA đź’šOne decision. One gift. Countless lives touched. đź«¶Did you know that one...
15/10/2026

đź’š ALAY NA BUHAY: KAALAMAN, PAG-UNAWA AT PAG-ASA đź’š

One decision. One gift. Countless lives touched. đź«¶

Did you know that one organ donor can save up to eight lives? Through organ donation, the gift of life can continue, bringing hope and a second chance to those in need.

The Tondo Medical Center – Department of Surgery, in collaboration with the National Kidney and Transplant Institute – Human Organ Preservation Effort (NKTI-HOPE), warmly invites everyone to a Virtual Lay Forum on Deceased Organ Donation.

🩺 “Alay na Buhay: Kaalaman, Pag-unawa at Pag-asa”

Deceased Organ Donation: Breaking Misconceptions, Building Awareness & Giving Hope

đź“… October 26, 2026 (Monday)
đź•™ 10:00 AM
📍 Via Facebook Live

Join us as we raise awareness, address common misconceptions, and share valuable information about deceased organ donation—its importance, its process, and how it can transform lives.

Together, let us build a community that understands the value of organ donation and recognizes the power of giving hope even beyond one's lifetime.

đź’š Dahil sa bawat organong naibabahagi, may buhay na muling nabibigyan ng pag-asa.

📣 Everyone is welcome! We encourage our patients, healthcare workers, families, and communities to tune in, participate, and share this invitation.

Be informed. Be inspired. Be an advocate for organ donation. đź’š

ALAM MO BA KA TONDO MED?Walang iisang “best time” para kumain ng prutas. Puwede itong kainin anumang oras sa buong araw....
14/10/2026

ALAM MO BA KA TONDO MED?

Walang iisang “best time” para kumain ng prutas. Puwede itong kainin anumang oras sa buong araw. Mas mahalaga ang regular na pagkain ng whole fruits kaysa sa eksaktong oras.

Hindi kailangang hintayin ang dessert, gawing bahagi ng almusal at healthy snacks ang prutas sa buong araw.


Tondo Medical Center has issued the following Awards of Contract, Purchase Order and Notice to Proceed as of 12 October ...
14/10/2026

Tondo Medical Center has issued the following Awards of Contract, Purchase Order and Notice to Proceed as of 12 October 2026.

1. Procurement of Medical Supplies
2. Procurement of Urine Strips or Reagents
3. Procurement of Office Chair and Customized Laminated Office Table
4. Procurement of Hemoglobin Cuvettes
5. Procurement of Wireless Video Transmitter & Receiver Dual-Band
Transmission System
6. Procurement of Medical Social Service Department Office Supplies under SVP-26-128
7. Procurement of Venue and Accommodation for Training on Medical Forensic Assessment and Examination of Victim-Survivors of Violence Against Women and Children

For more details and opportunities, please visit the Tondo Medical Center's website:
https://tmc.doh.gov.ph
or the PhilGEPS website:
https://notices.philgeps.gov.ph/

14/10/2026

ELDERLY FILIPINO WEEK!

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week, hinihikayat ng Tondo Medical Center ang ating mga minamahal na senior citizen na sumali sa GranPa and GranMa Wellness Circle!

Layunin ng programang ito na itaguyod ang malusog at aktibong pagtanda, palawakin ang kaalaman sa pangangalaga sa kalusugan, at palakasin ang samahan at emosyonal na kagalingan ng ating mga nakatatanda.

Mga Lolo at Lola, tara na at maging bahagi ng aming Wellness Circle! Sama-sama tayong matuto, makipagkaibigan, at alagaan ang ating kalusugan.

Dahil sa Tondo Med, mahalaga kayo sa bawat henerasyon!


Address

Balut Tondo Manila
Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tondo Medical Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Tondo Medical Center:

Shortcuts

Share