26/05/2026
๐๐ต๐ฟ๐ผ๐๐ฏ๐ฎ๐ฐ๐ธ to May 15, 2026 โ one of Polisโ most ๐๐ป๐ณ๐ผ๐ฟ๐ด๐ฒ๐๐๐ฎ๐ฏ๐น๐ฒ ๐บ๐ผ๐บ๐ฒ๐ป๐๐ this A.Y.! โค๏ธ๐
The day began with Polisโ last GA, where the organization proudly presented its achievements and milestones throughout the year.
After the GA came one of the most heartwarming parts of the day: the year-ender and ๐จ๐๐ฃ๐๐ค๐๐ ๐ฅ๐๐ง๐ฉ๐ฎ for the graduating seniors๐ซฐ.
The celebration was filled with fun games, endless laughter, good food, and heartfelt messages dedicated to the seniors who inspired the organization through the years.
To the seniors, thank you for the memories and inspiration you left behind. And to the whole Polis family, hereโs to more milestones, stronger bonds, and more moments worth celebrating๐
๐ฅ๐จ๐ฏ๐ ๐ค๐จ โ๐ญ๐จ โจ
11/05/2026
NAGKAKAISANG PAHAYAG NG MGA ORGANISASYON AT KONSEHO NG MGA MAG-AARAL NG KAS
IMPEACH SARA NOW! PANAGUTIN ANG MGA DUTERTE AT MGA KASABWAT NILA SA KORUPSYON AT IMPUNIDAD!
Muling nasaksihan ngayong araw ng sambayanang Pilipino ang isang lantaran na pagtatanghal ng burukratikong sirkus at pampulitikang pakikipagsabwatan sa Senado. Sa gitna ng muling pag-usad ng impeachment laban kay Sara Duterte, mabilis ding kumilos ang bagong pamunuan ng Senado upang tiyakin ang pagbabalik ni Ronald โBatoโ Dela Rosa at ang konsolidasyon ng mga pwersang tahasang naglalayong protektahan ang kampo Duterte laban sa pananagutan. Ang malinaw na mensahe ng mga pangyayaring ito: hindi hustisya ang prayoridad ng bagong liderato ng Senado, kundi ang pagpapanatili ng kapangyarihan at impunidad ng dinastiyang Duterte.
Sa botong 257 pabor, 25 tutol, at 9 abstain, muling pinagtibay ng House of Representatives ang impeachment complaint laban kay Sara Duterteโginagawa siyang kauna-unahang mataas na opisyal sa kasaysayan ng bansa na dalawang beses na na-impeach ng Kamara. Ngunit sa halip na seryosohin ang tungkulin nitong litisin ang kaso, agad namang gumalaw ang Senado upang muling ayusin ang liderato nito sa paraang pabor sa kampo Duterte. Ang pagpapatalsik kay Tito Sotto bilang Senate President, ang pagbabalik ni Bato Dela Rosa, at ang paglipat ng suporta nina Villar, Legarda, at Cayetano ay hindi hiwa-hiwalay na pangyayariโito ay bahagi ng iisang pampulitikang maniobra upang pahinain ang kampo na pabor sa impeachment at tiyakin ang proteksyon ng mga kaalyado ng mga Duterte.
Mas nakikita ang pamumulitikang ito sa kaso ni Bato Dela Rosa. Sa mga nagdaang buwan, sunod-sunod nang lumabas ang mga ulat hinggil sa umanoโy warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng mga krimen laban sa sangkatauhan sa ilalim ng madugong โwar on drugsโ ng rehimeng Duterte. Noong Nobyembre 2025, inihayag mismo ni Ombudsman Boying Remulla na may umiiral nang warrant mula sa International Criminal Court (ICC), habang naghain naman si Dela Rosa ng petisyon sa Korte Suprema upang protektahan ang sarili laban sa posibleng pag-aresto. Nitong ika-11 ng Mayo, mismong si dating Senador Antonio Trillanes IV pa ang nagdala ng dokumento ng ICC warrant sa Senate Hall. Sa kabila nito, sa halip na sumunod sa proseso ng batas, pinili ni Dela Rosa na gawing kublihan ang Senate Hall, habang ang mga ahente ng NBI na nagtangkang ipatupad ang internasyonal batas ay pinatawan ng paghamak ng Senado.
Hindi ito simpleng usapin ng parliamentary courtesy o institutional procedure. Ito ay tahasang paggamit ng kapangyarihan ng Senado bilang pananggalang ng mga dinastiyang pulitikal laban sa pananagutan. Nakapagtataka na noon, walang pag-aatubiling ginamit ng estado ang buong pwersa nito upang gipitin at ikulong ang mga kritiko ng administrasyon, gaya nila ngayong Rep. Leila de Lima at dating Sen. Antonio Trillanes. Ngunit ngayong si Bato Dela Rosa na ang nahaharap sa mabigat na kaso, biglang ginagamit ang Senado upang pigilan ang proseso ng hustisya. Maliwanag na may batas para sa ordinaryong mamamayan at oposisyon, ngunit may espesyal na proteksyon para sa mga Duterte at kanilang mga kaalyado.
Ngunit malinaw din sa batas na walang lubos na kaligtasan mula sa pagka-aresto ang mga senador. Ayon sa Artikulo VI, Seksyon 11 ng Konstitusyon ng Pilipinas, limitado lamang ang kanilang pribilehiyo laban sa pag-aresto at hindi ito sumasaklaw sa mabibigat na krimen na may parusang higit anim na taon. Higit pa rito, malinaw sa Rome Statute ng ICC na hindi maaaring gamiting depensa ang opisyal na posisyon upang takasan ang pananagutan sa mga krimen laban sa sangkatauhan. Walang sinumang nasa kapangyarihan ang dapat maging mas mataas kaysa sa batas.
Mariing tinututulan ng mga organisasyon at konseho ng KAS ang anumang pagtatangka na gawing instrumento ang Senado para sa pampulitikang proteksyon at pagpapatuloy ng impunidad. Hindi maaaring takasan ni Bato Dela Rosa ang paniningil sa kanya para sa karahasan na kanyang ipinamalas sa taumbayan noong panahon ng rehimeng Duterte. Ang impeachment laban kay Sara Duterte at ang kaso ni Bato Dela Rosa ay hindi magkahiwalay na usapinโpareho itong bahagi ng mas malawak na laban laban sa Dutertismo, korapsyon, pasismo, at kultura ng kawalang pananagutan sa bansa.
Kaya naman mariin naming ipinapanawagan: agarang buuin at tipunin ang Senate Impeachment Court. Ituloy ang impeachment trial nang walang harang at maniobrang pulitikal. Pairalin ang proseso ng pag-aresto at pagsuko alinsunod sa pambansa at pandaigdigang batas. Tutulan ang paggamit sa Senado bilang depensa ng mga dinastiyang pulitikal at kriminal. Panagutin ang lahat ng sangkot sa korapsyon, paglabag sa karapatang pantao, at pag-abuso sa kapangyarihan.
Sa panahon kung saan ang mga institusyon mismo ng gobyerno ay ginagamit upang protektahan ang mga naghahari at makapangyarihan, mas kailangan ngayon ang malawak na pagkakaisa at pagkilos ng mamamayan. Hindi dapat natin hahayaang manaig ang impunidad at pasismo.
IMPEACH SARA NOW!
BATO, PANAGUTIN!
DUTERTISMO, LABANAN!
HUSTISYA PARA SA MGA BIKTIMA NG DRUG WAR!
ANG TAO, ANG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN!
04/05/2026
๐พ๐ค๐ฃ๐๐ง๐๐ฉ๐ช๐ก๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ๐จ ๐ฉ๐ค ๐๐ซ๐๐ง๐ฎ ๐๐ค๐ก๐๐ฉ๐๐๐๐ก ๐๐๐๐๐ฃ๐๐ ๐จ๐ฉ๐ช๐๐๐ฃ๐ฉ ๐ฌ๐๐ค ๐๐๐ซ๐ ๐ก๐๐๐ ๐ฉ๐ค ๐ฉ๐๐ ๐จ๐ฉ๐ค๐ง๐ฎ ๐ค๐ ๐๐๐ก๐ค๐ข๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฝ๐๐๐ช๐ฃ๐๐๐ฌ๐ ๐๐๐ข๐๐ก๐ฎ!
๐๐ณ๐ฐ๐ฎ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ฑ๐ญ๐ข๐ฏ๐ฏ๐ช๐ฏ๐จ ๐ด๐ต๐ข๐จ๐ฆ, ๐ฆ๐น๐ฆ๐ค๐ถ๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ฆ๐ญ๐ช๐ท๐ฆ๐ณ๐ข๐ฃ๐ญ๐ฆ๐ด ๐ฐ๐ง ๐ฆ๐ข๐ค๐ฉ ๐ค๐ฐ๐ฎ๐ฎ๐ช๐ต๐ต๐ฆ๐ฆ, ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ด๐ฉ๐ฐ๐ธ๐ช๐ฏ๐จ ๐ถ๐ฑ ๐ต๐ฐ ๐ฑ๐ณ๐ข๐ค๐ต๐ช๐ค๐ฆ ๐ธ๐ช๐ต๐ฉ ๐ข ๐ด๐ช๐ฏ๐ค๐ฆ๐ณ๐ฆ ๐ฅ๐ฆ๐ต๐ฆ๐ณ๐ฎ๐ช๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ, ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ช๐ด ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ถ๐ฅ ๐ฐ๐ง ๐บ๐ฐ๐ถ!
As SocSciYAW 2026 had brought closer many students who recognize the ills of society, the parting message of the entire experience is to not only recognize these problems but also to stand up against its ill effects towards Filipinos who are entrapped in these abusive systematic relationships.
๐๐ก ๐๐๐ฒ๐๐ง ๐ค๐จ, ๐๐ง๐ ๐จ๐ซ๐๐ฌ ๐๐ฒ ๐ฆ๐๐ฅ๐๐ฉ๐ข๐ญ ๐ง๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฎ๐๐จ๐ฌ, ๐๐๐ง๐ ๐จ๐ง ๐ง๐ โ ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ง๐ ๐จ๐ง ๐๐๐ฒ๐๐ง ๐ค๐จ.
04/05/2026
๐ธ ๐๐ก ๐ฃ๐๐ข๐ง๐ข๐ฆ | ๐ฆ๐ข๐๐ฆ๐๐๐ฌ๐๐ช ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
โ๐๐๐ฎ ๐ฉ๐ช๐ฉ๐ช๐ฉ๐ค๐ก ๐๐ ๐จ๐ ๐ ๐๐จ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐ค?โ
Last April 24, students from the Political Science program performed their play entitled โKasali, Kasapi, Kasosyoโ. It personified a pressing allegory that plagues Philippine society today โ the persistence of the 3 Ills: ๐๐ฎ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ช๐ข๐ญ๐ช๐ด๐ฎ, ๐๐ถ๐ณ๐ฆ๐ข๐ถ๐ค๐ณ๐ข๐ต ๐๐ข๐ฑ๐ช๐ต๐ข๐ญ๐ช๐ด๐ฎ, ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ฆ๐ถ๐ฅ๐ข๐ญ๐ช๐ด๐ฎ.
๐๐๐ฒ๐ฟ๐๐ผ๐ป๐ฒ ๐ด๐ฎ๐๐ฒ ๐๐ต๐ฒ๐ถ๐ฟ ๐ฏ๐ฒ๐๐ ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ, ๐ณ๐ฟ๐ผ๐บ ๐ฑ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ถ๐ป๐ด, ๐ฐ๐ผ๐บ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ฐ ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฒ๐ฟ, ๐ฑ๐ฟ๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐ฐ ๐บ๐ผ๐ป๐ผ๐น๐ผ๐ด๐๐ฒ๐, ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ท๐ฎ๐-๐ฑ๐ฟ๐ผ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ด ๐ธ๐ถ๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฐ๐ฒ๐ป๐ฒ!
๐๐ฉ๐ฆ ๐๐ฐ๐ญ๐ช๐ต๐ช๐ค๐ข๐ญ ๐๐ค๐ช๐ฆ๐ฏ๐ค๐ฆ ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐จ๐ณ๐ข๐ฎ ๐ธ๐ฐ๐ฏ ๐ท๐ข๐ณ๐ช๐ฐ๐ถ๐ด ๐ข๐ธ๐ข๐ณ๐ฅ๐ด, ๐ต๐ณ๐ถ๐ญ๐บ ๐ข ๐ณ๐ฆ๐ค๐ฐ๐จ๐ฏ๐ช๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ฐ๐ง ๐ต๐ฉ๐ฆ๐ช๐ณ ๐ซ๐ฐ๐ช๐ฏ๐ต ๐ฆ๐ง๐ง๐ฐ๐ณ๐ต ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ค๐ฐ๐ญ๐ญ๐ข๐ฃ๐ฐ๐ณ๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ!
๐ ๐๐๐ฌ๐ญ ๐๐จ๐ฌ๐ญ๐๐ซ
๐ ๐๐๐ฌ๐ญ ๐๐๐ญ ๐๐๐ฌ๐ข๐ ๐ง
๐ ๐๐๐ฌ๐ญ ๐๐๐ญ๐ซ๐๐ฌ๐ฌ
๐ ๐๐ฏ๐๐ซ๐๐ฅ๐ฅ ๐๐ก๐๐ฆ๐ฉ๐ข๐จ๐ง
๐๐ฒ๐๐ผ๐ป๐ฑ ๐๐ต๐ฒ ๐ฎ๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ๐, ๐๐๐๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐ ๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฒ๐ฑ ๐๐๐ฟ๐ผ๐ป๐ด๐ฒ๐ฟ ๐ฏ๐ผ๐ป๐ฑ๐ ๐ฏ๐ฒ๐๐๐ฒ๐ฒ๐ป ๐ฏ๐ฎ๐๐ฐ๐ต๐ฒ๐ ๐ฑ๐๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐, ๐บ๐ฒ๐บ๐ผ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ ๐ถ๐ป๐๐ฎ๐น๐๐ฎ๐ฏ๐น๐ฒ ๐๐ผ ๐ฒ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ผ๐ป๐ฒ.
04/05/2026
๐ก๐ผ๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฏ๐ฟ๐ถ๐น ๐ฎ๐ฐ, ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด๐ต๐ฎ๐น ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐ฎ๐บ๐ฒ๐ป๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ด๐ต๐ฎ๐บ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐น๐ถ๐ฝ๐๐ป๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐จ๐ฃ๐ ๐ง๐ต๐ฒ๐ฎ๐๐ฒ๐ฟ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฆ๐ผ๐ฐ๐ฆ๐ฐ๐ถ๐ฌ๐๐ชโ๐ฎ๐ฒ. ๐ญ
Binida nila ang ibaโt ibang kuwento at lente sa pagtalakay ng naging tema ng DSS Week: โPagbalikwas at Pagbuo: Kritikal na Agham Panlipunan Para sa Makatarungan, Malaya, at Likas-Kayang Pag-Unladโ.
Napuno ang UPM Theater ng halakhak, sigaw, at nagaalab na mga mensaheng sa bawat pagtatanghal โ nagsisilbing hudyat na mas palalimin pa natin ang kaalaman at kamalayan para sa bayan, alangalang sa bayan.
๐ฝ๐๐ฃ๐๐๐๐ฉ๐ ๐ฃ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ก๐๐๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐ฌ๐๐๐. ๐๐๐ฃ๐ช๐ฅ๐ช๐ง๐ ๐ฃ๐๐ข๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐จ๐๐จ๐๐ ๐๐ฅ ๐ฃ๐ ๐ก๐๐๐๐ฉ ๐จ๐ ๐ฃ๐๐๐ก๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ก๐๐ฎ๐ช๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐ค๐๐๐๐๐๐ผ๐.
Pagbati muli!
01/05/2026
๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ฑ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐บ๐๐๐ป๐น๐ฎ๐ฑโ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐ฎ๐๐ผ ๐๐บ๐๐๐ป๐น๐ฎ๐ฑ ๐ฑ๐ฎ๐ต๐ถ๐น ๐๐ฎ ๐๐ถ๐๐๐ฒ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐๐น๐ถ๐-๐๐น๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐ธ๐๐บ๐ถ๐ธ๐ถ๐๐ถ๐น ๐๐ฎ ๐ฏ๐๐ป๐ด๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ด๐ฎ๐๐ฎ.
At kung kasipagan ang batayan, nararapat na ang uring manggagawa ang pinakamayaman, sapagkat sila ang walang tigil na lumilikha ng yaman ng lipunan, ngunit patuloy na ninanakawan ng dignidad at kinabukasan.
Sa isang bansang sagana sa yaman ngunit lugmok sa kahirapan, malinaw kung saan napupunta ang pinaghirapan ng masa. Habang ang manggagawa ay nagtitipid para mabuhay, may iilang patuloy na nagpapakasasa sa kapangyarihanโnakaupo sa puwesto, protektado ng sistema, at hiwalay sa realidad ng araw-araw na pakikibaka.
๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ธ๐ฎ๐ธ๐๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ฏ๐น๐ฒ๐บ๐ฎ; ๐ถ๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐น๐ฎ.
Sa araw na ating ipinagdiriwang ang uring manggagawa, ito rin ang araw ng paniningilโ paniningil sa mga nasa posisyon na nagpapakasasa sa pinaghirapan ng ating mga manggagawa, sa mga opisyal na inuuna ang interes ng iilan kaysa sa nakararami, sa mga gumagawa ng polisiyang pumapabor sa kapital kaysa sa paggawa, at sa lahat ng patuloy na binabalewala ang hinaing ng uring nagpapagalaw sa lipunan.
Sa bawat hindi pagtataas ng sahod, sa bawat pagharang sa karapatan sa pag-uunyon, sa bawat kawalang-aksiyon sa gitna ng krisisโ ito ay malinaw na anyo ng kawalang-hustisya.
Kaya ngayon, hindi lang tayo nagdiriwangโ naniningil at nananawagan tayo.
Nananawagan tayo para sa nakabubuhay na sahod.
Nananawagan tayo para sa disenteng trabaho at seguridad.
Nananawagan tayo para sa tunay na representasyon at pananagutan ng mga naghaharing-uri.
Nananawagan para sa hustisya.
Hindi sapat ang papuri. Hindi sapat ang pangako. Aksyon ang ating kailangan.
Nakikiisa ang UP POLIS sa uring manggagawa sa kanilang laban para sa nakabubuhay na sahod, disenteng trabaho, at makatarungang lipunan. Kaisa ang organisasyon sa paniningil, sa pagkilos, at sa patuloy na pakikibaka para sa hustisya.
Kung sila ay patuloy na magbubulag-bulagan, tayo ang magpapaalala. Kung sila ay patuloy na mananahimik, tayo ang sisigaw. At kung patuloy nilang ipagkakait ang hustisyaโ tayo ang kikilos upang itoโy makamit.
Ang uring manggagawa ang tunay na lakas ng bayan. At kapag ang lakas na ito ay nagkaisa, walang sistemang mapang-api ang hindi matitinag.
๐ ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ, ๐บ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ถ๐๐ฎ. ๐๐๐บ๐ถ๐น๐ผ๐ ๐ฎ๐ ๐น๐๐บ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป.
๐ ๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ!
23/04/2026
Kasabay ng taos-pusong pakikiisa ng UP Political Science Society (UP POLIS) sa pakikipagluksa at pakikiramay sa naging pagpaslang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kay UP Diliman University Student Council (UPD USC) councilor Alyssa Alano ang buong-tindig din nitong pagkondena sa naganap na panlulusob ng militar nitong Abril 19 sa Negros Occidental.
Isa lamang si Alyssa sa 19 pang buhay na walang-awang kinitil ng 79th Infantry Battalion ng AFP, kasama ang mahigit 600 na residente ng Barangay Salamanca, Toboso na nawalan naman ng tirahan matapos ang sapilitang pamamakwit bunsod ng pananalakay at pagpapaulan ng bala ng armadong pwersa.
Matagal nang biktima ang kanayunan ng kaliwaโt kanang banta ng militarisasyon. Hindi malayo sa naging mga pananambang ng AFP sa Mindoro ang pang-aatakeng kanilang ginawa sa Negros Occidental. Mas pinaigting pa ito ng ipinairal na Memorandum Order 32 noong taong 2018 na nagpanukala sa probinsyaโkasabay ang Negros Oriental, Samar, at ang rehiyon ng Bicolโna pumailalim sa โstate of lawless violence.โ Sa ganitong hakbangin, mas napalalawak ng estado ang kanilang opresibong makinarya na siyang nagpapalakas ng awtoritaryang paghahari-harian.
Naniniwala ang UP POLIS na hindi kailanman maituturing na tagumpay ang pagkaubos ng mga buhay ng mga sibilyaโt aktibistang walang pag-aatubiling lumulubog sa mapait na realidad na dinaranas ng masaโlalo paโt ito ay nag-uugat sa kapalpakan at pansariling interes ng estado. Higit sa lahat, walang kung anumang uri ng ipinoposturang kapayapaan ang may kakayahang pangatwiranan ang pagdanak ng inosenteng dugo at pagsupil sa panlipunang pakikibaka.
Kung kaya, taas-kamaong pagpupugay ang iniaalay ng samahan sa naging kasikhayan ni Alyssa hindi lamang bilang lider-estudyante, kundi maging isang lingkod-bayang piniling pagsilbihan ang obhetibong interes ng masang-api. Sa pakikiramay ng organisasyon sa sinapit nina Alyssa at ng kaniyang mga kasama sa Negros, mahigpit na tangan ng UP POLIS ang patuloy na pagpapalaganap ng katotohanang hindi mahahapo ng kung anumang uri ng pagkalipol.
Hindi matatapos kay Alyssa ang laban ng lipunan at ang laban ng kabataan.
Hindi rin mabubusalan ng kung gaano pa mang karaming mga bala at bomba ang mga boses na laging pinipili ang mula at para sa bayan.
Anoโt anuman, hanggaโt may presensya ng mersenaryong pwersa sa kanayunan, hanggaโt nananatili ang pagnanakaw sa lupain ng mga mamamayan, at hanggaโt walang pagpapanagot sa mga salot sa pamayanan, muliโt muling titindig ang militanteng diwa ng masa, katuwang ang lumalabang pwersa ng kabataan.
22/04/2026
"Kasal, Kasapi, Kasosyo"
โAng kasalan ay panghabambuhay na tambalanโฆโ
Kaya naman, patugtugin na ang dambana at tawagin ang mga bisita! Ikakasal na ang unica hija ng pamilyang Bagundiwa na si Filomena. Ngunit, saan patungo ang kasalang ito kung hindi pag-ibig ang nangingibabaw?
Kung iba ang sinisigaw ng puso, anong kahingian ang mananaig? Ano ang kayang isakripisyo ni Filomena sa ngalan ng pag-ibig? Sasapat ba ito para sa pag-unlad na kanyang ninanais?
Sundan ang kasal ni Filomena na punong-puno ng kasakiman, agawan, at huwad na pagmamahalan. Saksihan ang kasalang yayanig sa buong angkan dahil hindi lang isa o dalawa, kundi tatlo ang nais magmay-ari sa puso ni Filomena.
Umindak, mamulat, at umibig sa muling pagbabalik ng Agham Pampulitika sa tanghalan ngayong SocSciYaw 2026, handog ang isang campy comedy musical na magtuturo sa atin kung ano nga ba ang tunay na pagmamahal.
Kaya ang tanong ng BA Political Science: May tututol ba sa kasalang ito?
Narito na ang Kasal, Kasapi, Kasosyo.
Political Science:
"Kasal, Kasapi, Kasosyo"
โAng kasalan ay panghabambuhay na tambalanโฆโ
Kaya naman, patugtugin na ang dambana at tawagin ang mga bisita! Ikakasal na ang unica hija ng pamilyang Bagundiwa na si Filomena. Ngunit, saan patungo ang kasalang ito kung hindi pag-ibig ang nangingibabaw?
Kung iba ang sinisigaw ng puso, anong kahingian ang mananaig? Ano ang kayang isakripisyo ni Filomena sa ngalan ng pag-ibig? Sasapat ba ito para sa pag-unlad na kanyang ninanais?
Sundan ang kasal ni Filomena na punong-puno ng kasakiman, agawan, at huwad na pagmamahalan. Saksihan ang kasalang yayanig sa buong angkan dahil hindi lang isa o dalawa, kundi tatlo ang nais magmay-ari sa puso ni Filomena.
Umindak, mamulat, at umibig sa muling pagbabalik ng Agham Pampulitika sa tanghalan ngayong SocSciYaw 2026, handog ang isang campy comedy musical na magtuturo sa atin kung ano nga ba ang tunay na pagmamahal.
Kaya ang tanong ng BA Political Science: May tututol ba sa kasalang ito?
Narito na ang Kasal, Kasapi, Kasosyo.
17/04/2026
Sa gitna ng laganap na korapsyon, paano mapapanagot ang mga nasa kapangyarihan?
Ngayong Lunes, Abril 20, sa pagdidiriwang ng Social Sciences Week, makakasama natin sa webinar na โHolding Power to Account: Confronting Corruption and Defining Good Governanceโ sina Sonny Africa ng IBON Foundation, Teddy Casiรฑo Kilusang Bayan Kontra Kurakot, at dating ACT Teachers Party-List Rep. France Castro ng MAKABAYAN upang talakayin kung paano haharapin at lalabanan ang korapsyon ng mulat at aktibong mamamayan, at mga alternatibong hakbang tungo sa makabuluhang pagbabago.
Ang webinar na ito ay sa pangunguna ng klase ng Political Science 14 MBC, Philippine Government and Politics, katuwang ang UP Polis.
Makinig. Makialam. Manindigan. Panahon nang singilin ang mga nasa kapangyarihan at igiit ang pamamahalang may tunay na pananagutan.
KAILAN : Abril 20, 2026 (Lunes, 8:30 - 11:30 AM)
SAAN: Online (Zoom)