17/05/2026
I Love Barangay 186 Manila
Ikatlong Linggo ng Mayo
Nakagisnang kapistahan ng aming Patron San Jose de Gagalangin,
Biyernes, Mayo 15, 2026 ipinagdiwang sa aming barangay ang taunang Misa Nobenaryo sa mga Barangay na pinamunuan ni Reberendo Padre Douglas D. Badong, Kura Paroko.
Kahapon, Sabado Mayo 16, 2026 disperas ng Kapistahan nagenjoy sa pagbi-Bingo ang aming mga residente,
At ngayong araw ng Kapistahan, ay sasalubungin namin ito ng mga Palaro o street games sa hapon kasama ang SK Council, at sa gabi ay yugyugan naman para sa isnag Street Party ng isa sa aming Kagawad Dennisse Loren Esteban.
Sa kabila ng mga kaguluhan sa ating bansa at mga pagtaas ng langis di mapipigilan ang pagdaraos ng isang tradisyon - ang pagdiriwang ng piyesta kung saan ay nagpapasalamat kami sa bawat biyaya na aming tinatanggap sa Poong Maykapal, at paggunita na si San Jose ay isang huwaran o mabuting ehemplo ng isang payak ngunit may dignidad na pamumuhay❤️❤️❤️
Happy Fiesta Barangay 186!!!

15/05/2026
10/05/2026
06/05/2026