01/06/2026
Attention po mga Ka-Barangay 413❗❗❗
Welcome to the OFFICIAL FACEBOOK PAGE of Barangay 413 Zone 42
01/06/2026
Attention po mga Ka-Barangay 413❗❗❗
SanLo Cruzan 2026 ❤️
31/05/2026
Maraming salamat po kina Konsi Kuya Ryan Ponce at Kuya Dok Francis Almiron sa pakikiisa at pagsali sa SanLo Cruzan 2026!
Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong oras, presensya, at walang sawang suporta sa mga gawain at programa ng aming Barangay. Ang inyong patuloy na pakikilahok at pakikipagtulungan ay malaking inspirasyon upang maging matagumpay ang bawat aktibidad na naglalayong pagkaisahin at paunlarin ang ating komunidad.
Muli, maraming salamat po, Konsi Kuya Ryan Ponce at Kuya Dok Francis Almiron! Mabuhay po kayo at ang ating Barangay! 🎉🙏❤️
31/05/2026
Congratulations sa matagumpay na pagdaraos ng SanLo Cruzan 2026! 🎉🙏
Isang taos-pusong pagbati at pasasalamat kina Chairman Oyong Mendoza, Chairman Raymond Ramillano, at Chairman Ella Santiago sa kanilang mahusay na pamumuno at dedikasyon upang maging matagumpay ang pagdiriwang na ito.
Maraming salamat din sa lahat ng mga organizers, volunteers, participants, sponsors, at sa bawat isa na naglaan ng oras, pagod, at suporta para maisakatuparan ang SanLo Cruzan 2026. Ang inyong teamwork, commitment, at malasakit sa komunidad ang naging susi sa tagumpay ng ating selebrasyon.
Muli, congratulations sa lahat ng bumuo at naging bahagi ng SanLo Cruzan 2026! Mabuhay kayong lahat at pagpalain pa kayo ng Diyos sa inyong mga susunod na gawain at proyekto. 🌹✨🎊
Pasasalamat din sa aming Reyna Emperatriz , Ms. Alida Moberg❤️
Reyna Elena, Ms. Erienne Gwen Cao❤️
Ave Marias'❤️
MJ Santos
Dinky Peralta
Bianca Cruz
30/05/2026
🇵🇭 Paghahanda ng Barangay 413 para sa Araw ng Kalayaan 2026 🇵🇭
Bilang pakikiisa sa paggunita ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, nagsagawa ang Barangay 413 ng paglalagay ng mga watawat ng Pilipinas sa iba't ibang bahagi ng barangay bilang simbolo ng pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at paggalang sa ating mga bayani.
Nawa'y magsilbing paalala ito ng kahalagahan ng kalayaang ating tinatamasa ngayon.
Mabuhay ang Barangay 413! Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭
29/05/2026
All smiles ang ating "Senior Citizens May Birthday Celebrants"🎉🎉🎉
Lolo Jayme
Lola Gertrudez
Lola Minda
Lola Christy
Lola Linda
Lolo Sixto
Lola Norma
Lolo Nelson
Lola Lourdes
Lola Imelda
Lolo Francisco
Good Health at God Bless po sa inyong lahat🙏♥️😍
brgy413
29/05/2026
Sa mga nangangailangan ng gamot para sa ating mga chikiting, punta lang po sa Brgy Hall❗❗❗
23/05/2026
All smiles ang mga participants ng Beat the Heat Swimming Activity ng Brgy 413, na ginanap sa Dapitan Sports Complex🏊🏊🏊
Pasasalamat sa pagiging punong abala ng ating Chairman Oyong Mendoza, libre hatid at sundo na, may pa burger pa♥️💪
Maraming Salamat din po kay Konsi Kuya Ryan Ponce sa pagpapahiram ng service para maihatid ng ligtas ang ating constituents♥️More power po💪
God Bless po sa mga sumuporta, Hanggang sa muli❗❗❗
🌊☀️ BEAT THE HEAT 2026 ☀️🌊
🏊♂️ Barangay 413 Summer Swimming Activity 🏊♀️
Bago tuluyang magtapos ang tag-init, nais po ng ating mahal na Chaiman Oyong na mabigyan tayo ng isang masaya, malamig, at makabuluhang bonding kasama ang ating pamilya, kaibigan, at mga kapitbahay. 💙
Kaya naman inaanyayahan po ang lahat sa ating
🏊♀️ “Beat the Heat Swimming Activity ng Brgy 413🏊♂️
🗓️ Kailan: May 23, 2026 (Saturday)
⏰ Oras: 3:00 PM hanggang 8:00 PM
📍 Saan: Dapitan Sports Complex
🚙 First Batch ng sasama sa swimming, aalis ng 2:00 pm, assembly place ay Barangay Hall
✨ Tara na at sabay-sabay nating i-enjoy ang huling hirit ng summer — kwentuhan, tawanan, kulitan, at bonding na siguradong magdadala ng saya sa ating Barangay 413! 🌴💦
📌 Mahahalagang Paalala at Alituntunin:
🚫 Bawal ang batang walang kasamang magulang o guardian
Para sa kaligtasan ng lahat, mahigpit pong ipinagbabawal ang pagpapasok ng minors na walang kasamang responsable at sapat na gulang na guardian.
🎒 Bring Your Own Baon
Maaaring magdala ng sariling pagkain at inumin para mas enjoy ang bonding kasama ang pamilya at barkada.
🩱 Bring Your Own Gamit at Salbabida
Huwag kalimutang magdala ng swimming attire, tuwalya, ekstrang damit, at salbabida lalo na para sa mga bata at hindi gaanong marunong lumangoy.
🍔 At kahit may kanya-kanya tayong baon…
May PA-FREE BURGER pa din si Chairman Oyong para sa mga makikibahagi sa ating summer activity! ❤️
Maraming salamat po sa patuloy na pakikiisa at suporta.
Magkita-kita po tayo para sa isang masaya, ligtas, at mas memorable na huling hirit ngayong tag-init! 🌊☀️
📣Mata ay alagaan tungo sa maliwanag na Kinabukasan📣
Mga Ka- Barangay 413! Inaanyayahan po namin kayo sa ating LIBRENG COMPUTERIZED EYE CHECK-UP at CATARACT SCREENING.
📍 SAAN: Barangay Hall
📅 KAILAN: May 13, 2026
🕗 ORAS: 3:00- 5:00 PM
📢 Libreng Konsultasyon
📢 Libreng Reading Glasses
📢Mura at De-kalidad na Eyeglasses
Kita-kits po tayo mga Ka-Barangay 413 para sa isang malinaw na mata at kinabukasan💛💕
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |