Philippine Ports Authority

Directions Website Contact the organization

Philippine Ports Authority Official Page of PH Ports Authority, managing and developing ports and harbors nationwide.

Naglabas ng abiso ang International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) hinggil sa pagpapatuloy ng operasyon ng Ma...
07/10/2026

Naglabas ng abiso ang International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) hinggil sa pagpapatuloy ng operasyon ng Manila International Container Terminal (MICT) mula Oktubre 6 hanggang 8, 2026.

Sa naturang mga petsa, mananatiling bukas ang MICT para sa mga terminal transactions, kabilang ang mga nakatakdang container pull-outs, deliveries, at iba pang transaksyon ng mga customer at port users. Patuloy ding nakahanda ang mga tauhan ng ICTSI upang tugunan ang pangangailangan ng mga kliyente at matiyak ang maayos at tuloy-tuloy na daloy ng operasyon.

Hinihikayat ang lahat ng port users at stakeholders na ipabatid ang abisong ito sa kanilang mga team members at kaugnay na personnel para sa wastong impormasyon at koordinasyon.

Para sa karagdagang impormasyon o katanungan, maaaring makipag-ugnayan nang direkta sa ICTSI-MICT Management.







β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”

Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:

07/10/2026

Mula sa buong pamilya ng Philippine Ports Authority, isang mainit na pagbati ng maligayang kaarawan kay General Manager Jay Santiago! πŸŽ‰

Nawa’y maging masaya ang inyong kaarawan, at patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan at tagumpay.

Maligayang kaarawan, GM Jay!







β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”

Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:

π‡π€πππ˜ ππˆπ‘π“π‡πƒπ€π˜, π†πŒ π‰π€π˜! πŸŽ‰πŸŽ‚Through the years, you have shown that good work goes beyond what we accomplish. It is also ab...
06/10/2026

π‡π€πππ˜ ππˆπ‘π“π‡πƒπ€π˜, π†πŒ π‰π€π˜! πŸŽ‰πŸŽ‚

Through the years, you have shown that good work goes beyond what we accomplish. It is also about the people we serve, the lives we touch, and the difference we make every single day.

The Philippine Ports Authority is truly grateful to have a General Manager who leads by example, works with dedication, and continues to serve with genuine commitment to the Filipino people.

Maraming salamat sa walang sawang pagsisilbi, paggabay, at malasakit. Muli, maligayang kaarawan, GM Jay Santiago! May this special day be as meaningful and memorable as the many lives you continue to serve.







β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”

Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:

Isinagawa sa Port Management Office (PMO) Bohol ang on-site engagement para sa Current State Assessment (CSA) mula ika-2...
06/10/2026

Isinagawa sa Port Management Office (PMO) Bohol ang on-site engagement para sa Current State Assessment (CSA) mula ika-28 ng Setyembre hanggang ika-2 ng Oktubre 2026.

Isinagawa ang assessment sa pakikipagtulungan ng Development Academy of the Philippines (DAP), PPA Strategic Task Group Members at Secretariat. Kabilang sa mga isinagawang aktibidad ang serye ng panayam sa mga piling empleyado upang matukoy ang kanilang aktuwal na karanasan, pananaw, at mga mungkahi hinggil sa kasalukuyang organizational structure, manpower complement, work processes, at mga hamong kinakaharap sa kanilang mga tungkulin.

Sinuri rin sa assessment ang epekto ng patuloy na digitalization sa mga proseso at paraan ng pagtatrabaho. Ang mga nakalap na impormasyon, pananaw, at mungkahi mula sa PMO Bohol ay magsisilbing input sa pagsusuri sa kasalukuyang kalagayan ng organisasyon at sa pagbuo ng mga angkop na hakbang para sa planong reorganisasyon ng PPA.







β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”

Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:

π†πŽπŽπƒ π’π€πŒπ€π‘πˆπ“π€π π’ππŽπ“π“π„πƒ!Matagumpay na naibalik sa tunay na may-ari ang isang wallet na narekober sa Passenger Terminal Bu...
06/10/2026

π†πŽπŽπƒ π’π€πŒπ€π‘πˆπ“π€π π’ππŽπ“π“π„πƒ!

Matagumpay na naibalik sa tunay na may-ari ang isang wallet na narekober sa Passenger Terminal Building (PTB) ng Pantalan ng Masbate nitong ika-1 ng Oktubre, 2026.

Napansin ng nakaduty na security guard ang isang itim na wallet na naiwan sa charging station at agad itong ini-turn over sa Port Police Division para sa wastong pag-iingat, inventory, at dokumentasyon. Napag-alamang naglalaman ito ng cash, mga personal na dokumento, at identification cards.

Matapos makumpirma ang pagkakakilanlan, agad itong naibalik sa may-ari. Hinihikayat naman ang mga Ka-Pantalan na ipagbigay-alam sa mga kinauukulang personnel ang anumang nawawala o narekober na gamit para sa wastong paghawak at pagproseso nito.







β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”

Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:

𝐏𝐏𝐀, 𝐏𝐀𝐍𝐓𝐀𝐋𝐀𝐍, ππˆπ‹π€π†πƒπ€π€π 𝐀𝐍𝐆 πŸ—π“π‡ π‚πŽπ‹π‹π„π‚π“πˆπ•π„ ππ„π†πŽπ“πˆπ€π“πˆπŽπ π€π†π‘π„π„πŒπ„ππ“Nilagdaan na ang 9th Collective Negotiation Agreement (...
05/10/2026

𝐏𝐏𝐀, 𝐏𝐀𝐍𝐓𝐀𝐋𝐀𝐍, ππˆπ‹π€π†πƒπ€π€π 𝐀𝐍𝐆 πŸ—π“π‡ π‚πŽπ‹π‹π„π‚π“πˆπ•π„ ππ„π†πŽπ“πˆπ€π“πˆπŽπ π€π†π‘π„π„πŒπ„ππ“

Nilagdaan na ang 9th Collective Negotiation Agreement (CNA) sa pagitan ng Philippine Ports Authority (PPA) Management at ng Pambansang Tinig at Lakas sa Pantalan (PANTALAN), ang kinikilalang opisyal na samahan ng mga manggagawa ng ahensya ngayong ika-5 ng Oktubre 2026 sa PPA Head Office.

Pinangunahan nina PPA General Manager Jay Santiago at PANTALAN National Executive President at Chairperson Israel Cambi ang ceremonial signing, kasama sina Assistant General Manager for Finance, Legal and Administration (AGMFLA) Atty. Elmer Nonnatus Cadano, Assistant General Manager for Operations (AGMO) Atty. Mark Jon Palomar, Assistant General Manager for Engineering (AGME) Engr. James Gantalao, at iba pang kinatawan ng PPA at PANTALAN.

Nakapaloob sa CNA ang mga benepisyo at programang naglalayong suportahan ang kapakanan at patuloy na pag-unlad ng mga kawani, kabilang ang mga oportunidad para sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman at kasanayan.

Patuloy ang PPA sa pagbibigay ng mga programang makatutulong sa paghubog ng kakayahan at pag-unlad ng mga kawani, bilang pagkilala sa mahalagang papel nila sa paghahatid ng mahusay at episyenteng serbisyo publiko.







β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”

Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:

05/10/2026

π‘πŽππƒπ€ 𝐏𝐀𝐍𝐓𝐀𝐋𝐀𝐍 π„ππˆπ’πŽπƒπ„ πŸπŸ’πŸ“

Narito ang mga balitang nakalap ng Ronda Pantalan sa buong linggo mula Luzon, Visayas, at Mindanao.

Sa ulo ng mga nagbabagang Port Balita:

PMO SURIGAO, TOP 3 FINALIST SA 2026 INTERNATIONAL ASSOCIATION OF PORTS HARBOR SUSTAINABILITY AWARDS

MICT, NAGHIGPIT SA PAGGAMIT NG AWTORISADONG PLAKA NG MGA TRAK

CSC 3RD QUARTER CLUSTER MEETING, ISINAGAWA SA PPA HEAD OFFICE

PPA HEAD OFFICE AT 25 PORT MANAGEMENT OFFICES, NAKIISA SA 3RD QUARTER NATIONAL SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL

PPA AT PANTALAN, NILAGDAAN ANG 9TH COLLECTIVE NEGOTIATION AGREEMENT







β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”

Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:

𝐏𝐏𝐀, 𝐏𝐀𝐍𝐓𝐀𝐋𝐀𝐍 π“πŽ 𝐒𝐓𝐑𝐄𝐍𝐆𝐓𝐇𝐄𝐍 π„πŒππ‹πŽπ˜π„π„ 𝐖𝐄𝐋𝐅𝐀𝐑𝐄05 OCTOBER 2026 – The Philippine Ports Authority (PPA) and the Pambansang Ti...
05/10/2026

𝐏𝐏𝐀, 𝐏𝐀𝐍𝐓𝐀𝐋𝐀𝐍 π“πŽ 𝐒𝐓𝐑𝐄𝐍𝐆𝐓𝐇𝐄𝐍 π„πŒππ‹πŽπ˜π„π„ 𝐖𝐄𝐋𝐅𝐀𝐑𝐄

05 OCTOBER 2026 – The Philippine Ports Authority (PPA) and the Pambansang Tinig at Lakas sa Pantalan (PANTALAN) signed the 9th Collective Negotiation Agreement (CNA) for 2026-2029 today at the PPA Head Office. The agreement reaffirms their shared commitment to employee welfare, harmonious labor-management relations, and a more productive public service.

PPA General Manager Jay Santiago led the PPA management delegation during the signing. During the negotiations, PPA and PANTALAN reached an agreement on the terms of the new CNA. The agreement provides a framework for the exercise of employees’ rights to self-organization and collective negotiation. It also promotes shared responsibility between management and employees on matters concerning their rights, benefits, and welfare.

The 2026-2029 CNA seeks to uphold fair, humane, reasonable, and equitable working conditions while supporting productivity, discipline, and positive employer-employee relations.

Among its provisions are the continued grant of applicable economic benefits and CNA incentives. It also covers employee training and career development, recognition and rewards, and programs that promote health, safety, and physical and mental well-being.

β€œNagpapasalamat po tayo sa management, sa kanilang time, sa professionalism, sa openness. Binigay po nila yung mga kahilingan ng unyon at malaking bagay po para sa ating mga empleyado. Gayundin po, iisa naman po ang ating adhikain, β€˜yung makatulong po sa ating mga empleyado na mag-benefit po sila para sa negotiation na ito,” PANTALAN Chairperson Israel Cambi expressed his appreciation to PPA management for its support throughout the collective negotiation process.

PPA assured its employees and PANTALAN of its continued commitment to faithfully implement the provisions of the agreement. The agency also reaffirmed its commitment to sustaining a work environment where employee welfare and organizational goals are advanced together.

A joint CNA Steering Committee and Monitoring Committees will oversee the implementation of the agreement. They will also address concerns that may arise during its implementation.

# # #

π‚πŽππ†π‘π€π“π”π‹π€π“πˆπŽππ’, 𝐏𝐌𝐎 π’π”π‘πˆπ†π€πŽ!Kinilala bilang TOP 3 FINALIST ang Port Management Office (PMO) Surigao sa International As...
05/10/2026

π‚πŽππ†π‘π€π“π”π‹π€π“πˆπŽππ’, 𝐏𝐌𝐎 π’π”π‘πˆπ†π€πŽ!

Kinilala bilang TOP 3 FINALIST ang Port Management Office (PMO) Surigao sa International Association of Ports and Harbors 2026 Sustainability Awards ng World Ports Sustainability Program (WPSP) para sa makabagong proyektong β€œWater from the Air” gamit ang Atmospheric Water Generation (AWG) technology.

Sa pamamagitan ng teknolohiyang ito, kumukuha ng moisture mula sa hangin at ginagawa itong ligtas at maiinom na tubig, na nakapagbibigay ng humigit-kumulang 300 na litro ng drinking water kada araw para sa mga port users at komunidad.

Nabuo ang proyekto bilang tugon sa mga hamon na dulot ng Typhoon Odette noong 2021 at sa tumitinding epekto ng El NiΓ±o, na naglalayong makatulong sa pagkakaroon ng accessible at sustainable na suplay ng tubig sa pantalan.

Isang makabuluhang pagkilala ito sa patuloy na pagsusulong ng sustainable, innovative, at resilient port operations ng PPA, gamit ang mga makabagong solusyon para sa pangangailangan ng pantalan at komunidad.







β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”

Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:

Nakikiisa ang Philippine Ports Authority (PPA) sa paggunita ng Elderly Filipino Week 2026 mula Oktubre 1 hanggang 7, na ...
05/10/2026

Nakikiisa ang Philippine Ports Authority (PPA) sa paggunita ng Elderly Filipino Week 2026 mula Oktubre 1 hanggang 7, na may temang β€œNakatatandang Pilipino: May Halaga at Karapatan, May Boses at Ambag sa Bayan.” Sa pamamagitan nito, kinikilala ang mahalagang gampanin, karunungan, at mga ambag ng ating mga nakatatanda sa paghubog at pag-unlad ng lipunan.

Bilang pangunahing tagapag-ugnay ng mga isla at komunidad sa bansa, patuloy na nagsusulong ang PPA ng mga pantalang ligtas, maayos, at angkop para sa lahat ng manlalakbay, kabilang ang mga senior citizen. Tinitiyak din ng ahensya na ang mga pasilidad at serbisyong pantalan ay madaling ma-access at nakatutugon sa kanilang pangangailangan upang maging mas komportable at ligtas ang kanilang paglalakbay.

Higit pa sa isang linggong pagdiriwang, ang Elderly Filipino Week ay nagsisilbing paalala sa bawat isa na igalang at pahalagahan ang dignidad, karapatan, at kakayahan ng mga nakatatanda. Patuloy nating kilalanin ang kanilang mga karanasan, karunungan, at kontribusyon na nagsisilbing inspirasyon at matibay na ugnayan sa pagitan ng nakaraan, kasalukuyan, at susunod na mga henerasyon.







β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”

Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:

Address

Bonifacio Drive, South Harbor, Port Area
Manila
1018

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Philippine Ports Authority posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Philippine Ports Authority:

Shortcuts

Share