Philippine Ports Authority

Philippine Ports Authority

Share

Official Page of PH Ports Authority, managing and developing ports and harbors nationwide.

04/06/2026

"𝐀𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐦𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐩𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐧𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐩𝐨 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐭𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐩𝐮𝐧𝐭𝐚 𝐩𝐨 𝐝𝐢𝐭𝐨 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬 𝐢𝐬 𝐧𝐚𝐠𝐢𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐟𝐞 𝐩𝐨 '𝐲𝐮𝐧𝐠 𝐭𝐫𝐚𝐯𝐞𝐥."

Narito ang mensahe ng isang estudyanteng biyahero hinggil sa kanyang karanasan sa pantalan ngayong Balik-Eskwela Season.

Ipinapakita nito ang bunga ng patuloy na pagsisikap ng Philippine Ports Authority (PPA) na tiyakin ang maayos, ligtas, at maginhawang paglalakbay ng mga estudyante at iba pang pasahero.

Sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng mga biyahero, patuloy na nagiging katuwang ang mga pantalan sa matagumpay na pagbabalik-eskwela.







“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”

Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:

Photos from Philippine Ports Authority's post 04/06/2026

Bilang pakikiisa sa Brigada Eskwela 2026, nagsagawa ang Port Management Office (PMO) Northern Luzon ng community outreach activity sa Pias-Gaang Elementary School sa Currimao, Ilocos Norte nitong ika-2 ng Hunyo 2026.

Namahagi ang PMO Northern Luzon ng mga school supplies at pintura upang makatulong sa pagpapanatili ng isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran sa pagkatuto para sa mga mag-aaral.

Nakiisa rin ang mga kawani ng tanggapan sa iba't ibang gawaing boluntaryo, kabilang ang paglilinis ng paligid ng paaralan, pagpipintura ng mga pasilidad at kagamitan. Nagkaloob din ng serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng blood pressure monitoring para sa mga g**o at volunteers na kalahok sa aktibidad.

Kinilala ng PMO Northern Luzon ang mahalagang papel ng mga g**o, magulang, at volunteers na patuloy na nagkakaisa upang matiyak ang isang handa at maayos na kapaligiran para sa edukasyon ng mga kabataan.







“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”

Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:

Photos from Philippine Ports Authority's post 04/06/2026

Bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos: Balik Eskwela 2026, aktibong nakiisa ang Port Management Office (PMO) ng Surigao sa mga inisyatibang naglalayong matiyak ang ligtas, maayos, at komportableng pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral at kanilang mga pamilya.

Kasabay ng pakikilahok sa Brigada Eskwela 2026 sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga materyales at suporta sa pagsasaayos ng paaralan, nagsagawa rin ang PMO Surigao ng koordinasyon kasama ang mga miyembro ng Port Facility Security Advisory Council (PFSAC) upang paghandaan ang inaasahang pagdagsa ng mga biyahero sa mga pantalan sa panahon ng balik-eskwela.

Tinalakay sa pulong ang mga hakbang upang mapabuti ang daloy ng mga pasahero, mabawasan ang pagsisikip sa pantalan, at higit pang mapalakas ang seguridad sa mga pantalan sa ilalim ng nasasakupan ng PMO Surigao. Kabilang dito ang pagpapatupad ng mga traffic flow adjustment, pagbubukas ng mga itinalagang exit gate, at pagpapalakas ng koordinasyon sa pagitan ng mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang ligtas at episyenteng paglalakbay ng publiko ngayong panahon ng pagbabalik-eskwela.







“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”

Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:

04/06/2026

"𝐂𝐨𝐧𝐯𝐞𝐧𝐢𝐞𝐧𝐭 𝐬𝐢𝐲𝐚 𝐟𝐨𝐫 𝐮𝐬 𝐧𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐬𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐤𝐚𝐬𝐢 𝐚𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐝𝐢𝐬𝐜𝐨𝐮𝐧𝐭 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐚𝐤𝐚𝐲, 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐮𝐫𝐚 𝐝𝐢𝐧 𝐜𝐨𝐦𝐩𝐚𝐫𝐞𝐝 𝐬𝐚 𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐭𝐫𝐚𝐧𝐬𝐩𝐨."

Narito ang mensahe ng isang estudyanteng biyahero hinggil sa kanyang karanasan sa pantalan ngayong Balik-Eskwela Season.

Ipinapakita nito ang bunga ng patuloy na pagsisikap ng Philippine Ports Authority (PPA) na tiyakin ang maayos, ligtas, at maginhawang paglalakbay ng mga estudyante at iba pang pasahero.

Sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng mga biyahero, patuloy na nagiging katuwang ang mga pantalan sa matagumpay na pagbabalik-eskwela.







“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”

Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:

04/06/2026

𝐓𝐀𝐆-𝐔𝐋𝐀𝐍 𝐍𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀-𝐏𝐀𝐍𝐓𝐀𝐋𝐀𝐍! 🌧️

Ngayong rainy season, siguraduhing handa sa bawat biyahe. Huwag kalimutang magdala ng payong o kapote, waterproof na lalagyan para sa mahahalagang gamit, at iba pang kakailanganin upang maging komportable at ligtas sa paglalakbay.

Ang PPA ay patuloy na nakaantabay upang magbigay ng mga napapanahon at mahahalagang impormasyon para sa mas ligtas at maayos na biyahe ng lahat ng pasahero.

Para sa mga travel advisory at iba pang updates, siguraduhing naka-follow sa PPA page bago magtungo sa pantalan.

Ingat sa biyahe at maging handa ngayong tag-ulan, mga Ka-Pantalan!







“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”

Facebook:
X:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:

Photos from Philippine Ports Authority's post 03/06/2026

Humigit-kumulang 165 na kawani ng Port Management Office (PMO) Negros Occidental Bacolod/Banago/Bredco ang sumailalim sa drug testing nitong ika-28 ng Mayo 2026 sa 3rd Floor Multipurpose Hall ng Port Operations Building sa Port of Banago, Brgy. Banago.

Nakiisa sa isinagawang aktibidad ang mga empleyado ng PMO bilang bahagi ng sama-samang pagsisikap na mapanatili ang isang ligtas, maayos, at drug-free na kapaligiran sa lahat ng pantalan na nasasakupan ng tanggapan.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng PMO Negros Occidental Bacolod/Banago/Bredco ng mga programa at patakarang nagtataguyod ng kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng mga empleyado at pasahero, alinsunod sa PPA Drug-Free Workplace Policy.







“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”

Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:

03/06/2026

𝐈𝐍𝐆𝐀𝐓 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆-𝐔𝐋𝐀𝐍, 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀-𝐏𝐀𝐍𝐓𝐀𝐋𝐀𝐍!

Ayon sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), patuloy na magdadala ng pag-ulan ang Habagat sa ilang bahagi ng Luzon at Kanlurang Visayas ngayong araw.

Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang suspensyon ng mga biyahe sa mga pantalan. Nananatiling namang nakaantabay at handa ang mga pantalan ng Philippine Ports Authority (PPA) upang matiyak ang kaligtasan at maayos na paglalakbay ng mga pasahero.

Para sa pinakabagong port updates at advisories, manatiling nakatutok sa opisyal na social media pages ng PPA.







“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”

Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:

Photos from Philippine Ports Authority's post 02/06/2026

𝐊𝐀𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐇𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆-𝐔𝐋𝐀𝐍

Malugod na tinanggap ng Port Management Office (PMO) Agusan ang 1,000 kahon ng Ready-to-Eat Foods (RTEF) mula sa DSWD Caraga Regional Field Office nitong ika-28 ng Mayo, 2026 sa Port Integrated Clearance Office (PICO), Port of Nasipit. Ang mga ito ay magsisilbing dagdag na suplay upang mapalakas ang kahandaan ng pantalan sa pagtugon sa mga sakuna at emerhensiya.

Personal na tinanggap ng mga opisyal at kawani ng PMO Agusan, ang bagong batch ng RTEF at nagpasalamat sa DSWD Caraga para sa patuloy na suporta sa disaster preparedness.

Ang mga RTEF ay nakalaan para sa mga pasaherong maaaring ma-stranded dahil sa masamang panahon, kanselasyon ng biyahe, at iba pang hindi inaasahang pangyayari. Naging matagumpay ang turnover sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon ng DSWD Caraga at PMO Agusan upang matiyak ang kapakanan at kaligtasan ng mga pasahero.







“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”

Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:

Photos from Philippine Ports Authority's post 02/06/2026

Dumaong ang barko ng Japan Maritime Self-Defense Force (JMSDF) na JS Ikazuchi (DD-107) sa Port of Sasa ng Davao City nitong ika-30 ng Mayo, 2026 bilang bahagi ng pagpapatuloy ng maritime cooperation at matatag na ugnayan sa pagitan ng Japan at Pilipinas.

Sa pagdaong ng naturang barko, inaasahang magsasagawa ang delegasyon ng iba't ibang courtesy calls at goodwill activities kasama ang mga kinatawan ng Philippine Navy at iba pang kaugnay na ahensya.

Ang pagbisita ng JS Ikazuchi ay sumasalamin sa patuloy na pagpapalakas ng kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng maritime security, disaster response, at pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Patuloy namang nakikipagtulungan ang mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang maayos at ligtas na pagdaong ng mga dayuhang sasakyang pandagat bilang bahagi ng pagsusulong ng internasyonal na pagkakaisa at kooperasyon sa sektor ng maritime.







“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”

Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:

Photos from Philippine Ports Authority's post 02/06/2026

𝐍𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀𝐓𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆-𝐔𝐋𝐀𝐍

Nakatanggap ang Port Management Office of Zamboanga del Norte ng 700 kahon ng Ready-To-Eat Food (RTEF) packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IX nitong ika-27 ng Mayo, 2026 bilang bahagi ng paghahanda para sa agarang pagtugon sa mga sitwasyong pang-emergency sa pantalan.

Ang mga food packs ay nakalaan para sa mga pasaherong maaaring ma-stranded dulot ng masamang panahon, kalamidad, o iba pang hindi inaasahang pagkaantala sa biyahe.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, pinagtitibay ng DSWD Region IX at PMO Zamboanga del Norte ang kanilang koordinasyon at kahandaan upang matiyak na may agarang tulong na maibibigay sa mga pasahero at iba pang port users sa oras ng pangangailangan.







“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”

Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:

Want your business to be the top-listed Government Service in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Bonifacio Drive, South Harbor, Port Area
Manila
1018

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm