07/10/2026
🎉 📚 80 YEARS OF CULTURE, LEARNING, AND SERVICE! 💙 ✨
Sa pagdiriwang ng ating ika-80 Founding Anniversary ngayong buwan ng Oktubre, mas pinasasaya at pinasasigla ng Manila City Library ang selebrasyon sa pamamagitan ng mga programang para sa bawat Manileño! 🥳 📖
🌟 Edukampyon Literacy Caravan – Sama-sama nating ihatid ang saya ng pagbabasa at pagkatuto sa ating mga kabataan!
💻 🛡️ Click with Care: Preventing Cyberbullying – Maging matalino, ligtas, at responsableng digital citizen!
🏘️ 📚 🏘️📚 Pagtatatag ng Barangay Reading Center – Ilapit ang serbisyo ng aklatan sa bawat komunidad sa pamamagitan ng pagtatatag ng reading center sa mga barangay, upang mas maraming Manileño ang magkaroon ng mas madaling access sa mga aklat, kaalaman, at mga pagkakataong matuto. ( Barangay 407 Zone 42 District 4 )
🚀 💙 “Serving with Honor, Delivering with Speed” – Patuloy nating pinauunlad ang ating mga kawani upang makapaghatid ng mas mahusay, mabilis, at makabuluhang serbisyo.
🎊 80 taon na tayong naglilingkod at mas marami pang kuwento, kaalaman, at pangarap ang ating bubuuin!
Halina’t makilahok, matuto, magbasa, at makiisa sa mga makabuluhang gawain ng Manila City Library! 📚✨
Tara, Manileño! Sama-sama nating ipagdiwang ang 80 taon ng kultura at pagkatuto! 💙