Barangay 376 Zone 38

Barangay 376 Zone 38

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay 376 Zone 38, Government Organization, Aurora, P. Guevarra, Manila.

10/04/2026

🏆 SANGGUNIANG KABATAAN INTER-COLOR BASKETBALL LEAGUE 2026 🏆

Ang pinakahihintay nating pasiklaban sa hardcourt ay nandito na! 🔥 Handa na ba kayong ilabas ang inyong galing, pusong palaban, at pride para sa inyong kulay? Sino ang mag-uuwi ng korona ngayong taon?! 🔴🔵🟢🟡

Expect thrilling match-ups, and an afternoon full of community spirit as our teamsrepresenting different colors battle it out for the championship title!

Let us come together to support our young athletes. Wear your team's color and be part of the action! For registration and team requirements, please visit or message this page directly.

Target for Opening
🗓 Date: April 24, 2026

Photos from DILG Philippines's post 10/04/2026
04/02/2026

📢 MAHALAGANG ANUNSYO: PAGPAPALAWIG NG DEADLINE PARA SA BUSINESS PERMIT RENEWAL 📢

​Ipinababatid sa lahat ng mga negosyante at may-ari ng establisimyento sa ating barangay na pinalawig ang takdang panahon para sa paghahain at pagbabayad ng Renewal of Business Permits para sa Taong 2026.

​Narito ang mga mahahalagang detalye na dapat tandaan:
​Huling araw ng pagbabayad: Pebrero 13, 2026.
​Surcharge: Ang mga hindi makakapagbayad sa itinakdang petsa ay papatawan ng 25% surcharge sa kanilang business permit, buwis, at iba pang regulatory fees.

​Interes: Magkakaroon din ng karagdagang 2% na interes kada buwan hanggang sa mabayaran ang kabuuang halaga.

​Hinihikayat ang lahat na ayusin ang inyong Statement of Account (SOA) at magbayad bago ang deadline upang maiwasan ang mga penalties.

​Maraming salamat sa inyong pakikiisa!

12/01/2026

📢 ANUNSYO SA LAHAT NG NEGOSYANTE 📢
Tungkol sa Pagbabayad ng Business Permit Taxes para sa Taong 2026

Ipinapaalam po sa lahat ng may-ari ng negosyo sa ating barangay na simula Enero 2026, bukas na ang Renewal ng Business Permit Taxes para sa taong 2026 alinsunod sa abiso ng Manila Barangay Bureau at Bureau of Permits.

📌 PAALALA:
✅ May 10% DISCOUNT sa business permit taxes para sa mga maagang magbabayad
🗓️ Valid lamang hanggang ika-20 ng Enero 2026

Hinihikayat po ang lahat ng negosyante na mag-renew at magbayad sa takdang panahon upang makaiwas sa multa at iba pang abala.
Para sa karagdagang detalye, mangyaring hintayin ang opisyal na anunsyo ng Bureau of Permits o makipag-ugnayan sa inyong Barangay Office.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at patuloy na kooperasyon.
— Pamunuan ng Barangay

31/12/2025

Isang mainit at taos-pusong pagbati mula sa Pamunuan ng Barangay 376, sa pangunguna ng ating Punong Barangay Sony Mangalindan , kasama ang buong Sangguniang Barangay at Sangguniang kabataan.

Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa patuloy na pagkakaisa, pakikiisa, at suporta ng bawat kabarangay. Nawa’y manatili ang ating bayanihan, disiplina, at malasakit sa isa’t isa tungo sa mas maayos, ligtas, at mas progresibong Barangay 376.

Patuloy po kaming maglilingkod nang tapat at buong puso para sa kapakanan ng ating komunidad.

Mabuhay ang Barangay 376! 💙🤍

24/12/2025

Maligayang Pasko sa ating mga minamahal na kabarangay ng Barangay 376 Zone 38 🎄✨

Sa ngalan ng pamumunuan ng Barangay 376 Zone 38, sa pangunguna ng ating Punong Barangay Sony Mangalindan, Kagawad Rizaldo Bernandino Kagawad Nina Rojo Kagawad Rap's Sanjose Kagawad Rosie Bais Fleras Kagawad Celia Bernandino Kagawad Bing Dela Cruz at Kagawad Sergio Paolo Nadonga, kami po ay taus-pusong bumabati sa inyong lahat ng isang mapayapa, masaya, at pinagpalang Pasko.

Nawa’y maging panahon ito ng pagmamahalan, pagkakaisa, at pag-asa sa bawat pamilya. Maraming salamat po sa inyong patuloy na tiwala, pakikiisa, at suporta sa mga programa at adhikain ng ating barangay. Dahil sa inyo, mas nagiging matatag at maunlad ang ating komunidad.

Dalangin namin na ang kapaskuhang ito ay maghatid ng kalusugan, kapayapaan, at masaganang biyaya sa bawat tahanan ng Barangay 376 Zone 38.

Muli, Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa ating lahat! 🎁❤️

09/11/2025
Photos from Barangay 376 Zone 38's post 08/11/2025

⚠️ MAGHANDA! BAGYONG UWAN AY PAPARATING! ⚠️

Ang Paghahanda ang Susi sa Kaligtasan.
​Inaasahan ang pagdating ng Bagyong Uwan. Huwag maging kampante!

​📌 Mga Dapat Gawin BAGO DUMATING ANG BAGYO:

​Ligtas na Imbakan: Itago o ilipat sa mataas na lugar ang mga ari-arian at mahahalagang dokumento.

​Emergency Kit: Ihanda ang Go Bag na may pagkain, inuming tubig, gamot, flashlight, power bank, radyo, at damit.

​Balita at Babala: Manatiling nakatutok sa mga opisyal na ulat at babala mula sa PAGASA at LGU.

​Patibayin: Ayusin ang bubong, bintana, at iba pang bahagi ng bahay na posibleng masira ng malakas na hangin o ulan.

​TANDAAN: Bukas ang Ating Daycare Center at gagamiting evacuation center para sa mga apektado ng pagbaha.

08/11/2025

EMERGENCY NUMBERS TO TAKE NOTE 📝🚨

Here are the emergency contact numbers you may need amid the severe weather conditions caused by Severe Tropical Storm .

08/11/2025

PUBLIC SERVICE ADVISORY:

In preparation for the coming of Super Typhoon Uwan, our malls will open our parking areas for those who wish to seek a safe space for your vehicles.

Overnight parking charges will be waived tomorrow, November 8, and on Sunday, November 9, 2025.

Want your business to be the top-listed Government Service in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Aurora, P. Guevarra
Manila
02