01/09/2026
: Very Unhealthy Air Quality Report in the City of Manila | September 1, 2026, 6:00 AM
Sa ngayong umaga, nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga Manileรฑo hinggil sa mabilis na paglala ng kalidad ng hangin sa lungsod dulot ng transboundary haze mula sa patuloy na mga forest at land fire sa Kalimantan, Indonesia.
Ayon kay Domagoso, nakapagtala ng nakababahalang antas ng polusyon ang mga air quality monitoring machine na pinatatakbo ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila bandang alas-6:00 ng umaga.
Tatlong monitoring station sa Puregold Tayuman, Anda Circle, at San Sebastian Residences ang nagtala ng โVery Unhealthyโ na Air Quality Index (AQI), habang dalawang istasyon naman sa Sta. Ana Hospital at Rajah Sulayman Park ang nakapagtala ng โUnhealthy for Sensitive Groups.โ
Ang mga naturang datos ay naaayon din sa monitoring ng Department of Environment and Natural ResourcesโEnvironmental Management Bureau (DENR-EMB).
Sa real-time monitoring station ng DENR-EMB sa Mehan Garden, Manila City, umabot sa 231 ang AQI na inuri bilang โAcutely Unhealthy,โ dahilan upang mapasama ang Maynila sa mga lungsod sa Metro Manila na pinakaapektado ng polusyon sa hangin.
Dahil dito, hinimok ni Domagoso ang lahat ng Manileรฑo, partikular ang mga may dati nang karamdaman, senior citizen, buntis, at mga estudyante, na magsuot ng face mask tuwing lalabas ng bahay.
Mariin din niyang inirekomenda ang pagsusuot ng dalawang face mask dahil sa tindi ng polusyon sa hangin.
โImportanteng-importante na gumamit tayo ng mask, at hangga't maaari, ito ay doblehin ninyo dahil hindi po maganda ang hangin na ating malalanghap sa mga darating na oras,โ ani Domagoso.
Pinayuhan din ni Domagoso ang mga residenteng walang mahalagang kailangang gawin sa labas na manatili muna sa loob ng kanilang mga tahanan at panatilihing nakasara ang mga bintana upang maiwasang makapasok ang maruming hangin at maapektuhan ang kanilang respiratory system.
โKung kayo'y may mga pre-condition at kung wala naman po kayong mahalagang gagawin sa labas, stay indoors. Hangga't maaari, isara natin ang ating mga bintana sapagkat maaari pong maapektuhan ang ating respiratory system,โ pahayag ng alkalde.
Samantala, tiniyak ni Domagoso na naka-full alert ang Manila Health Department (MHD) at ang pitong district hospital ng lungsod bilang paghahanda sa posibleng pagdami ng mga pasyenteng maaaring maapektuhan ng masamang kalidad ng hangin.
โRest assured that the Manila Health Department and our hospitals are on alert. Inaabayanan na namin, baka magkaroon ng bulusok o biglang pagdami ng mga pasyenteng maaaring naapektuhan nitong masamang hangin,โ ani Domagoso.