Barangay UnoBente

Barangay UnoBente

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay UnoBente, Manila.

13/05/2026

Barangay Day Care Center
​Taong Panuruan 2026-2027

​Mahal naming mga Magulang at Guardian,
​Handa na ba ang inyong mga chikiting para sa masaya at makabuluhang pagsisimula ng kanilang pag-aaral?

Bukas na ang pintuan ng ating Barangay Day Care Center para sa mga bagong mag-aaral!

​📋 MGA DETALYE NG ENROLLMENT
​Petsa: Lunes hanggang Biyernes (Simula ngayong Mayo)
​Lugar: Barangay Hall / Day Care Center Office

​🎒 MGA REQUIREMENTS
​Para sa mabilis na proseso, pakidala ang mga sumusunod:
​PSA Birth Certificate
​ECCD Checklist / Health Record (Mula sa Health Center)
​2x2 ID Picture (2 piraso)
Barangay Certificate for Enrollment

​“Sa Day Care, Bata ay Masaya, Kinabukasan ay Sigurado!”
​Huwag palampasin ang pagkakataong mahasa ang talino, talento, at pakikipagkapwa-tao ng inyong mga anak sa isang ligtas at mapagkalingang kapaligiran.
​Para sa mga katanungan, maaari pong makipag-ugnayan sa ating Barangay

​Kitakits, mga kiddo!

Photos from Barangay UnoBente's post 11/05/2026

NARITO ANG LIMANG KABATAAN NG ATING BARANGAY NA NABUNOT VIA (RAFFLE) NA GINANAP SA ATING BARANGAY KASAMA ANG MGA MAGAARAL NA NAGPALISTA, MGA MAGAARAL NA INCOMING 4TH YEAR STUDENT FOR THE SCHOOL YEAR 2026-2027 NG ATING BARANGAY.

ISANG PAGBATI PARA SA ATING MGA ESTUDYANTE!🎓🇵🇭
Mainit na pagbati sa ating mga masisipag na mag-aaral na magiging bahagi ng Educational Assistance na programa ng ating Pangulong Bongbong Marcos (PBBM)
Sa ilalim ng temang "Bawat Barangay Makikinabang Program," sinisiguro ng ating gobyerno na ang Socio-Civic Project Funds ay direktang nakakarating sa ating mga komunidad upang suportahan ang pangarap ng ating mga kabataan.
Layunin ng Programang Ito:
✅ Mabigyan ng sapat na kagamitan at suporta ang mga mag-aaral.
✅ Masiguro na ang bawat barangay ay may boses at benepisyo.
✅ Mapagaan ang gastusin ng mga magulang sa pag-aaral.
Gamitin natin ang pagkakataong ito para sa mas magandang kinabukasan! Mabuhay ang mga kabataang Pilipino! 📝✨

07/05/2026

We are pleased to announce that applications for the Presidential Scholar Program are now officially open! We are looking for dedicated and high-achieving students who are ready to pursue their academic dreams and contribute to the future of our community.

Student must meet the following requirements:

📌Academic Status: Must be a graduating student for the School Year 2026–2027.
📌Residency: Must be a legitimate resident of Barangay 120 (open to both registered voters and non-voters).
📌Academic Performance: Must maintain a General Weighted Average (GWA) between 2.0 and 1.0 (or its equivalent)

Documentary Requirements Please prepare the following documents for your application:

📌Certificate of Enrollment: A valid proof of registration for the current School year.
📌Proof of Residency: any valid ID showing your residential address.

⚠️Deadline of Submission: May 11, 2026
Please submit your application on or before May 11, 2026

Photos from Barangay UnoBente's post 06/05/2026

Flores de Mayo 2026
Mahal naming mga Kabarangay at Deboto,

Kayo ay malugod naming inaanyayahan na makiisa at sumaksi sa pagtatapos ng ating pagdiriwang ng Flores de Mayo. Ito ay isang gabi ng pasasalamat at pagbibigay-pugay sa ating Mahal na Birheng Maria sa pamamagitan ng kagandahan at pananampalataya.

Mga Detalye ng Kaganapan:
Petsa: Ika-23 ng Mayo, 2026 (Sabado)

Oras: 6:00 ng gabi
Mga kalahok: mula 5yrs old hanggang 21 yrs old lamang

Gabi ng Pagkilala
Bilang pagpapahalaga sa inyong dedikasyon at pakikilahok, magkakaroon tayo ng Parangal at Awarding Ceremony sa loob ng programa. Ang lahat ng mga kalahok ay makatatanggap ng:

🏆 Trophy
📜 Certificate of Participation

Mangyare lamang po na magpalista kay Kag. Jasmin Gubatao

Photos from Barangay UnoBente's post 20/04/2026

MAGANDANG ARAW PO MGA KA Barangay UnoBente
ANG MGA SUMUSUNOD NA PANGALAN SA IBABA AY ANG MGA LISTAHAN NG MGA RESIDENTE NG ATING BARANGAY NA HINDI NA BOTANTE O MGA HINDI NAKA BOTO NG NAKARAANG DALAWANG ELEKSYON.
MANGYARI LAMANG PO NA MAGPUNTA SA COMELEC UPANG MAI REACTIVATE ANG INYONG VOTER'S STATUS.
SM MANILA 4TH FLOOR BESIDES JERRY'S GRILL HANGGANG MAY 18,2026 LAMANG PO! MARAMING SALAMAT PO😊

PAALALA NA DIN PO SA MGA HINDI PA NAKAKAPAGPAREHISTRO MGA BAGONG BOTANTE MANGYARI LAMANG PO NA TAYO AY MAGPAREHISTRO NA! MAGDALA LAMANG NG ISANG VALID ID OR BIRTHCERTIFICATE.

07/04/2026

Ang aming taos-pusong pakikiramay sa ating magiting na EX-O Eden Maño Molina Ang kanyang serbisyo bilang tanod ay isang karangalan sa ating barangay. Dalangin namin ang inyong lakas at ang kapayapaan para sa kanyang kaluluwa.
Maraming Salamat sa iyong serbisyo sa ating barangay!
Makakapahinga kna sa piling ng poong may kapal🕊️🕯️

Photos from Barangay UnoBente's post 06/02/2026

In compliance with DILG Memorandum Circular No. 2026-006 and in line with the Anti-Epal Law, Barangay 120 is sharing the new and updated format of the Barangay Certification issued by our office.

This update follows the guidelines of the Department of the Interior and Local Government (DILG) to ensure that all barangay-issued documents remain professional, standardized, and free from unnecessary personalization. The new format promotes transparency and consistency in the delivery of public service.

Effective immediately, all Barangay Certifications issued by Barangay 120 will use this updated format. Residents and concerned individuals are advised to take note of this change for their guidance and reference.

Thank you!

05/01/2026

Panalangin at Pakikiramay para sa yumao nating Barangay Tanod🙏 Hermie the POGI🕯️🕊️
Salamat sa Serbisyo mo sa Barangayan🫡
Paalam at Salamat 🫡🕊️🤍

22/12/2025

P A A N Y A Y A‼️
Inaanyayahan po namin kayo mga ka-Barangay UnoBente na dumalo sa gaganapin na misa mamaya 4:30am sa Simbahan ng San Juan Bosco kung saan tayo po ang Mass Sponsor🙏 Inaasahan po namin ang inyong pagdalo🙏😊
Kita-Kita po tayo mamaya sa simbahan mga ka barangay, Maraming Salamat po!🙏

Photos from Barangay UnoBente's post 18/12/2025

Mula po sa Sangguniang Barangay ng Barangay UnoBente Maraming Salamat po! Yorme Isko Moreno Domagoso 🙏

21/11/2025

MAGANDANG UMAGA PO MGA KA-BARANGAY!
Mamaya po ay magkakaroon po tayo ng interview para sa mga HEAD OF THE FAMILY NG ATING Barangay UnoBente HEAD OF THE FAMILY lamang po! kung botante po at hindi na po dito nakatira wag na po natin ipilit na ipalista. pwede po silang magpalista sa barangay na nakakasakop po sakanila.
Maguumpisa po ito mamayang 1:00 PM at ito po ay per street lamang po!
Amin pong iaanounce mamaya sa barangay hall kung anong kalsada po ang mauuna .
Manatili pong nakaabang sa aming anunsiyo!
Maraming Salamat po!🙏

Want your business to be the top-listed Government Service in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Manila

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm