04/09/2026
PASASALAMAT NG PAMUNUAN NG Barangay 594 Zone 59, District VI, Lungsod ng Maynila kay YORME Isko Moreno Domagoso and VICE MAYOR Chi Atienza at sa buong konseho ng MAYNILA.
Ang Pamunuan ng Barangay 594, Zone 59, District VI, Maynila sa pamumuno ni Punong Barangay Anthony Aranda and COUNCILS ay taos-pusong nagpapasalamat sa pagkakaloob ng Award para sa Weekly Clean-Up Drive and Declogging Program.
Ang pagkilalang ito ay isang malaking karangalan at inspirasyon para sa aming buong barangay. Ito ay magsisilbing dagdag na motibasyon upang ipagpatuloy at pag-ibayuhin ang aming mga programa para sa kalinisan, kaayusan, kaligtasan, at pangangalaga sa kapaligiran.
Lubos din ang aming pasasalamat sa lahat ng Barangay Officials, Barangay Workers, volunteers, at mga residente na walang sawang nakikiisa at nagbibigay ng kanilang oras at serbisyo sa bawat lingguhang clean-up drive at declogging activity.
Ang award na ito ay hindi lamang pagkilala sa Pamunuan ng Barangay 594, kundi pagkilala rin sa bayanihan at pagkakaisa ng buong komunidad.
Muli, maraming salamat sa inyong pagkilala at suporta. Patuloy kaming magsisikap upang mapanatili ang isang malinis, maayos, ligtas, at responsableng Barangay 594 Zone 59, District VI, Lungsod ng Maynila
Mabuhay ang Barangay 594!
Mabuhay ang pagkakaisa at bayanihan!
Lubos na nagpapasalamat,
PAMUNUAN NG BARANGAY 594
Zone 59, District VI
Maynila