08/02/2026
๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐!
Sa mga oras na ito ng pagsubok, nananawagan kami ng tulong para sa ating mga kaibigan, kapamilya, at kakilala sa Corcuera na naapektuhan ng sunog. Maraming pamilya ang nawalan ng tahanan, kabuhayan, at mga gamit, ngunit hindi kailanman mawawala ang ating pagkakaisa at malasakit.
Anumang tulong maliit man o malaki, ay malaking ginhawa na para sa kanila. Maaari po kayong magpadala ng inyong donasyon sa GCash na naka-attach sa ibaba. Ang bawat piso ay may katumbas na pag-asa.
Para sa transparency, amin itong i-uupload at i-uupdate ang kabuuang halaga ng mga donasyon at kung paano ito ipapamahagi sa mga biktima.
24/12/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐!
Sa espesyal na panahong ito ng pagmamahalan, pagkakaisa, at pagbibigayan, ang Aksyon Youth Distrito Uno ay taos-pusong bumabati sa bawat isa, sa ating mga lider-kabataan, volunteers, at buong komunidad na patuloy na sumusuporta at nakikibahagi sa ating mga adhikain.
Ang Pasko ay paalala ng pag-asa at liwanag, at ang Bagong Taon ay simbolo ng bagong simula at mas matibay na pangarap. Nawaโy magsilbi itong inspirasyon upang lalo pa nating paigtingin ang ating malasakit sa kapwa at ang ating pagiging aktibong bahagi ng lipunan. Sa bawat hakbang na ating tinatahak, nawaโy dala natin ang diwa ng pagkakaisa at ang hangaring maglingkod nang tapat at buong puso.
27/11/2025
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐!
Isang napakalaking tagumpay ang ipinagdiriwang natin ngayon!Ang matagumpay mong pag-pasa sa Nursing Licensure Examination 2025! Hindi lamang ito simpleng achievement, kundi itoโy bunga ng iyong walang sawang pagsisikap, mahabang oras ng pag-aaral, at matatag na pananalig sa sarili at sa Diyos.
Ang iyong dedikasyon bilang isang SK Chairwoman at ngayon bilang isang ganap na Registered Nurse ay patunay na kapag may pangarap, determinasyon, at puso sa paglilingkod, walang imposibleng makamit.
Nandito lang ang Aksyon Youth Distrito Uno na buong pusong sumusuporta at bumabati saโyo!
26/10/2025
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐!
Isang Malaking Pagbati sa Manila Youth Development and Welfare Bureau!
Lubos ang aming pasasalamat at paghanga sa Manila Youth Development and Welfare Bureau (MYDWB) sa pagkilalang Most Outstanding Local Youth Development Office in the Philippines!
Ang parangal na ito ay patunay ng walang sawang serbisyo, sipag, at dedikasyon ng buong tanggapan sa pagsusulong ng mga programang tunay na nakatutugon sa pangangailangan ng kabataang Manileรฑo. Sa ilalim ng mahusay na pamumuno ni ๐๐ถ๐ฟ๐ฒ๐ฐ๐๐ผ๐ฟ ๐๐ผ๐ต๐ป ๐๐ฎ๐ป๐ถ๐ฒ๐น ๐๐ฎ๐๐ป๐ผ, patuloy na ipinapakita ng MYDWB ang kahalagahan ng tapat, makabago, at makataong pamamahala para sa kabataan.
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang tagumpay ng tanggapan, kundi tagumpay din ng bawat kabataang Manileรฑo na patuloy na nagsisikap, nangangarap, at naglilingkod para sa mas magandang kinabukasan.
Bilang kabahagi ng adbokasiya para sa kabataan, taus-pusong binabati at ipinagmamalaki ng Aksyon Youth Distrito Uno ang inyong natatanging tagumpay. Nawaโy magsilbi itong inspirasyon sa lahat upang ipagpatuloy ang paglilingkod at patuloy na magtaguyod ng pagbabago. ๐โจ
24/10/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐!
Mula sa buong Aksyon Youth Distrito Uno, taus-puso kaming bumabati sa iyong kaarawan, Konsehal Joaquin Domagoso. Isang lingkod-bayan na patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataan ng Unang Distrito ng Maynila, lalo na rito sa Tondo.
Bilang kabataan na naniniwala sa tapat at progresibong pamumuno, saludo kami sa iyong malasakit sa mga Manileรฑo, sa iyong dedikasyon sa serbisyo publiko, at sa iyong walang sawang pagtulong upang mapaunlad ang ating komunidad.
Nawaโy patuloy kang pagpalain ng lakas, talino, at inspirasyon upang ipagpatuloy ang iyong adhikain para sa mas progresibo, mas makatao, at mas makulay na Tondo.
24/10/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐! ๐ค๐ป๐
Maligayang Kaarawan sa ating Mahal na Mayor ng Maynila, Hon. Francisco โIsko Morenoโ Domagoso!
Mula sa Aksyon Youth Distrito Uno, kami po ay buong pusong bumabati sa inyo ng isang masaya, mapayapa, at makabuluhang kaarawan!
Bilang isang lider na tunay na nagmula sa masa, kayo po ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa bawat kabataang Manileรฑo. Sa ilalim ng inyong pamumuno, nakita namin kung paanong ang simpleng pangarap para sa isang maayos, malinis, at maipagmamalaking Maynila ay unti-unting naging katotohanan.
Kayo po ay isang huwarang lider na nagpapaalala sa amin na ang tunay na serbisyo publiko ay hindi nasusukat sa kapangyarihan o posisyon, kundi sa puso at dedikasyon sa paglilingkod.
Nawaโy patuloy kayong pagpalain ng Maykapal ng kalusugan, karunungan, at lakas upang maipagpatuloy ninyo ang inyong adbokasiya para sa isang mas maunlad at maipagmamalaking Maynila.
07/10/2025
๐๐๐'๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐!
Isang malaking karangalan ang aming ipinaaabot sa ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐ฌ๐ผ๐๐๐ต ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ช๐ฒ๐น๐ณ๐ฎ๐ฟ๐ฒ ๐๐๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐ (๐ ๐ฌ๐๐ช๐) sa pangunguna ng kanilang masigasig at mahusay na lider, ๐๐ถ๐ฟ๐ฒ๐ฐ๐๐ผ๐ฟ ๐๐ผ๐ต๐ป ๐๐ฎ๐ป๐ถ๐ฒ๐น ๐๐ฎ๐๐ป๐ผ, sa pagkakapili bilang isa sa mga ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐๐๐ ๐ป๐ด ๐ข๐๐๐๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐ฌ๐ผ๐๐๐ต ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ๐ sa darating na ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ ๐ฆ๐ ๐๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ!
Ang pagkilalang ito ay patunay ng inyong walang sawang dedikasyon, malasakit, at serbisyo para sa mga kabataang Manileรฑo. Sa bawat proyekto, programa, at adbokasiyang inyong inilulunsad, malinaw na nakikita ang inyong layuning itaguyod ang kabataan bilang haligi ng pagbabago at pag-asa ng lungsod ng Maynila.
Pagbati mula sa Aksyon Youth - Distrito Uno!
01/10/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐!
Isang mainit na pagbati ng Maligayang Kaarawan sa ๐ป๐ฎ๐ด-๐ถ๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ฆ๐ ๐ฆ๐ฒ๐ฐ๐ฟ๐ฒ๐๐ฎ๐ฟ๐ ng ๐๐ธ๐๐๐ผ๐ป ๐ฌ๐ผ๐๐๐ต ๐๐ถ๐๐๐ฟ๐ถ๐๐ผ ๐จ๐ป๐ผ at kasalukuyang ๐ฃ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ผ๐ฐ๐๐บ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ฟ ng ๐๐ธ๐๐๐ผ๐ป ๐ฌ๐ผ๐๐๐ต ๐๐ถ๐๐๐ฟ๐ถ๐๐ผ ๐จ๐ป๐ผ.
Hindi matatawaran ang iyong dedikasyon at malasakit para sa kapwa kabataan. Sa bawat pagpupulong, proyekto, at gawain ng ating samahan, lagi mong naipapakita ang iyong pagiging masinop, masipag, at mapagkakatiwalaan. Sa likod ng lahat ng larawan, sulatin, at dokumento ng Aksyon Youth Distrito Uno, ikaw ang naging haligi at patunay na ang kabataan ay kayang maging responsable at maaasahan.
Muli, mula sa buong Aksyon Youth Distrito Uno, isang masigabong pagbati ng Maligayang Kaarawan!
11/08/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐!
Isang makabuluhan at pusong araw ng pagtutulungan at serbisyo ang isinagawa ng Aksyon Youth Distrito Uno sa isinagawang relief operations para sa mga biktima ng sunog sa Brgy. 105, Zone 8, Aroma, Tondo, Manila.
Kasama sina Sk Federation President- Councilor Juliana โYanyanโ Ibay, Sk Federation P.R.O Joey Venancio, Unite for Good - United Chosen President Patrick A. Maรฑez at Johanaville J. Villanueva ng Rotary Club of Pasay
Ang simpleng pagtulong ay may malaking kahulugan sa mga taong nawalanโito ay simbolo ng pag-asa, pagkalinga, at pagkakaisa. Patuloy na ipinapakita ng mga kabataan at mga katuwang na organisasyon na ang tunay na diwa ng bayanihan ay buhay na buhay pa rin, lalo na sa panahong pinaka-kailangan ito.
06/08/2025
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ - ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐'๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐!
Ngayong araw, Agosto 6, 2025, isang napakagandang pagkakataon ang nasaksihan ng sambayanan matapos makita LIVE sa Itโs Showtime si Aksyon Youth - Uno President Norie Sardia Celda!
Sa kanyang mabilisang tv appearance, buong tapang at malasakit na ibinahagi ni Pres. Norie ang tungkol sa isinusulong niyang HIV AWARENESS SEMINAR/ORIENTATION na gaganapin sa mga susunod na araw.
Sa mismong segment, sumuporta rin si Meme Vice Ganda sa layunin ng seminar at nagbigay ng kanyang matapang na pahayag:
"Mahalagang talakayin ang isyu ng HIV lalo naโt ito ang napapanahon. Malaking porsyento ng mga apektado ng HIV ay ang kabataan, kaya kailangan talagang mapalawak ang kaalaman ng kabataan patungkol sa mga aktibidad na may kinalaman sa sakit na โto."
Tunay ngang napakahalaga ng pagbibigay ng tamang impormasyon sa mga kabataan โ hindi upang manakot, kundi upang magmulat, magbigay-babala, at magturo ng wastong pag-iingat.
Isang malaking saludo sa ating Presidente ng Aksyon Youth - Uno, Norie Sardia Celda, sa kanyang paninindigan at matapang na pagsulong ng edukasyong pangkalusugan. Isang huwaran ng bagong henerasyon ng lider kabataan!
30/07/2025
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐!
Ngayong araw, ang Aksyon Youth Distrito Uno katuwang si SK Federation President, Konsehala Yanyan Ibay, ay nag-abot ng relief goods para sa mga biktima ng sunog sa Barangay 93 Zone 8 District 1, Maynila.
Sa panahon ng pangangailangan, ang mga lider-kabataan ay handang umalalay at tumugon. Isa itong patunay na sa gitna ng sakuna, andiyan ang kabataang may malasakit at aksyon para sa kapwa.
25/07/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐!
Maligayang Kaarawan sa aming Zone Leader ng Aksyon Youth Distrito Uno, SK Chairperson Stephanie Claire A. Capili!
Isang dakilang pagbati para sa isang natatanging lider na patuloy na nagsisilbing ilaw at inspirasyon sa kabataan ng Maynila. Hindi matatawaran ang iyong dedikasyon at puso sa paglilingkodโkinilala bilang Most Outstanding SK of Manila 2024 ng SK Federation Manila, at Gawad Husay 2025: Natatanging SK Chairperson sa Lungsod ng Maynila mula sa Manila Youth Bureau / Youth Development and Welfare Bureau.
Nawaโy magpatuloy ka sa pagiging huwaran at tagapagtanggol ng kabataan. Salamat sa iyong malasakit at walang sawang paglilingkod. Ang iyong tagumpay ay tagumpay ng kabataang Manileรฑo.