18/05/2026
| NEGROS AS THE MASSACRE CAPITAL OF HUMAN RIGHTS AND THE INTERNATIONAL HUMANITARIAN LAW
The Toboso 19 massacre was not an isolated case in the island of Negros. There were countless cases of state surveillance, intimidation, and killings—all rooted in land struggle. During the Escalante Massacre in 1985, the hacienda workers were calling for land distribution as it was promised to them by the state. Instead of fulfilling the distribution, the farmers and farmworkers were met with bullets by the Regional Special Action Forces (RSAF). It could be said the same for the Sagay Massacre, Negros 14, Guilhulngan Massacre, and the Siaton Massacre where peasants and peasant advocates were the targets of the state in order to protect the wealthy landlords and the foreign or the transnational mining companies in the island.
The youth refuse to let these cases be buried under the rubble by the state. We call for the government to root the injustice, conflict, and struggle in Negros—as well as the other parts of the country—and heed the call for genuine agrarian reform, free land distribution, and to put an end to the domination of the landlords that continues to put the peasants in a feudal system.
17/05/2026
HETO NA ANG SAMBAYANAN! MANANAGOT ANG LAHAT NG SANGKOT, MULA KAY MARCOS JR. HANGGANG SA IBABA!
Hindi pa man din naibabalik ang patong-patong na ninakaw ng pamilyang Marcos sa kaban ng bayan ay sunod-sunod ang pagsambulat ng kakurakutan ni Sara Duterte. Nitong nakaraang linggo ay nagkaroon ng putukan sa senado dahil sa pagtakbo ni Bato Dela Rosa sa warrant of arrest na inihain sa kanya mula sa International Criminal Court.
Nagkaroon din ng kudeta, na kung saan pinalitan ni Alan Peter Cayetano ang kasalukuyang Senate President na si Vicente Sotto. Mistulang ginagawang laruan ng mga ito ang gubyerno na dapat naninilbihan at tinutugunan ang mga pangangailangan ng Pilipinas.
Ngunit, patuloy pa rin silang naninilbihan sa interes ng mga sakim na dayuhan. Kaya ang tugon ng mga kabataan ay tumungo sa Senado upang kalampagin na ilabas ang puganteng si Bato Dela Rosa, pagulungin ang impeachment trial ni Sara Duterte, patalsikin si Alan Peter Cayetano na pumuprotekta sa mga suwail na opisyales, at tuluyang panagutin si Bongbong Marcos Jr. sa kanyang mga kasalanan sa ating bansa!
Magkita-kita tayo sa Senate of the Philippines, Pasay ng 2 PM! Hindi natin hahayaang patuloy nilang lustayin ang pondo ng mamamayan sa kanilang kahayupan!
13/05/2026
BASAHIN: Pahayag ng kasalukuyang tagapangulo ng League of Filipino Students PUP na si Precious Colambo sa kanyang facebook post tungkol sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte at sa warrant of arrest na inihain ng International Criminal Court (ICC) laban kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.
Nilinaw na hindi dapat ibinabaling ng kampo ni Marcos Jr. ang atensyon ng sambayanang Pilipino palayo sa sariling kasakiman. Ipinagpapanawagan din na nararapat lang na parehong sina Marcos Jr. at Sara Duterte ay litisin at patalsikin sa kanilang mga kasalanan sa sambayanan.
Ang natatanging alternatibo na kaliwa’t kanang kurapsyon ng gubyerno ay ang tuluyang pagpapatalsik sa mga kurap sa opisyales at ang pagbubuo ng gubyerno na kung saan ang interes ng mamamayan ang nakapanguna.
TIGNAN ANG FULL POST DITO: https://www.facebook.com/share/p/1Dw8bEDyLg/?mibextid=wwXIfr
13/05/2026
HARAPIN MO ANG SAMBAYANAN, BATO DELA ROSA! KABATAAN, IPAGLABAN ANG SAMBAYANAN! MAGKITA TAYO SA WELCOME ROTONDA NG 8 PM ❤️🔥✊
02/05/2026
Ugat ng Kahirapan: Imperyalismo! Ibagsak!
Mariing nakiisa ang League of Filipino Students–PUP sa malawakang pagkilos ng uring manggagawa, kasama ang nagkakaisang hanay ng kabataang Pilipino, sa laban para sa tunay na kalayaan at hustisyang panlipunan.
Sa gitna ng sunod-sunod na krisis na dinaranas ng mga manggagawa mula sa patuloy na pambabarat sa sahod, kawalan ng sapat na benepisyo, hanggang sa lantaran at sistematikong pagyurak sa karapatang mag-unyon—lalo lamang luminaw ang pangangailangan na paigtingin ang laban kontra sa ugat ng lahat ng ito: ang imperyalismo.
Batid ng manggagawa at kabataang Pilipino na ang tumitinding paghihirap mula sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis at bilihin ay hindi hiwalay sa dominasyon at panghihimasok ng imperyalistang Estados Unidos, na patuloy na pinagsisilbihan ng papet na rehimeng Marcos Jr.
Sa araw na mga manggagawa, muling pinatunayan ng uring manggagawa na sila ang tunay na lakas na magpapalaya sa isang lipunang inalipin ng dayuhan at iilang naghaharing-uri.
Hangga’t nananatiling sunud-sunuran ang rehimeng Marcos Jr. sa dikta ng imperyalistang interes, hindi titigil ang uring manggagawa sa kanilang makatarungang pakikibaka. Sa mga pabrika, lansangan, at komunidad patuloy na mag-aalab ang diwa ng paglaban!
29/04/2026
PAG-ASA NG BAYAN ANG KABATAAN! ❤️🔥
Nakikiisa ang League of Filipino Students PUP kasama ang malawak na hanay ng kabataan ngayong araw bilang bahagi ng paniningil laban sa gera, korapsyon, krisis, at pasismo.
Alam ng kabataan ang kanilang tunay na oryentasyon, at gagap nila ang makatwirang pakikibaka. Habang ang masang Pilipino ay naghihikahos upang pagkasyahin ang kakarampot na sahod, inuuna ng berdugong estado ni Marcos Jr. ang pagsisilbi sa interes ng imperyalistang US.
Habang patuloy na pinapasan ng bawat Pilipino ang hirap dulot ng pagtaas ng presyo ng bilihin at langis dahil sa agresyon ng imperyalistang US, nagpapatuloy rin ang pagiging sunud-sunuran ng rehimen sa pamamagitan ng mga Balikatan exercises. Kasabay nito, ginagamit ang AFP-PNP upang supilin at patayin ang mga kabataang lumalaban, tulad nina Allysa, Mau, Errol, at RJ, habang patuloy ang pagkamkam sa kaban ng bayan.
Mula rito, malinaw na hindi ang masang Pilipino ang pinaglilingkuran ng rehimeng Marcos-Duterte, kundi ang interes ng pasismo.
Sa kabila ng matinding panunupil, ang kabataan, kasama ang malawak na hanay ng masang api, ang siyang magpapabagsak sa rehimeng Marcos-Duterte at magtatayo ng isang lipunang tunay na naglilingkod sa bayan, at hindi sunud-sunuran sa dayuhang kapangyarihan.
26/04/2026
Mga Iskolar ng Bayan, singilin ang estadong pabaya, pasista, at pahirap sa sambayanan!
Ilang beses nang pinatunayan ng estadong ito na hindi ang interes ng taumbayan ang prayoridad nito. Wala itong ibang ginawa kundi mag-anak ng krisis sa bansa o hindi kaya ay mas lalo pang palalain ang mga problemang matagal nang nararanasan ng mamamayan!
Krisis ang kinakain ng mga Pilipino sa araw-araw ng kanilang buhay! Sa patuloy na paglobo ng presyo ng gasolina at mga bilihin, bunsod ng agresyon ng US-Israel sa Iran, patuloy ring nalulugmok sa hirap ang mga Pilipinong barya-barya lang ang sinasahod. Hirap na nga ang mga Pilipino sa epekto ng gyera sa Pilipinas, mukhang nais pa ni Marcos Jr. na dalhin ang gyerang ito sa ating bansa sa pamamagitan ng pagpayag na makapasok dito ang libo-libong US military troops bilang parte ng Balikatan Exercises—bagay na maaaring mag-udyok sa mga kalaban ng US na magsimula rin ng gyera sa ating bansa.
Sa kabilang banda, habang lubog sa hirap ang sambayanang Pilipino, patuloy namang nagpapakasarap sa kapangyarihan ang mga naghaharing-uri, sa pangunguna ni Marcos Jr. at Sara Duterte. Habang araw-araw na kailangang magtiis ng mga ordinaryong mamamayan, nagpapakasasa pa rin sa pera ng taumbayan ang mga kurakot sa gobyerno na hanggang ngayon ay hindi pa rin nananagot.
Imbis na nailalaan sa mga batayang serbisyong panlipunan ang pera ng taumbayan, napupunta ito sa sariling bulsa ng mga politiko at makakapangyarihan. Bukod dito, pinopondohan din ng mapanupil na rehimen ang pamamasismo sa bansa. Patuloy ang pagpondo sa NTF-ELCAC na kilala sa panre-redtag sa mga mamamayang lumalaban. Patuloy ring ang paglaki ng pondo para sa AFP-PNP na kilala sa pagiging numero unong yumuyurak sa karapatang pantao ng sambayanan. Manipestasyon nito ang masaker na ginawa ng 79th Infantry Battalion sa 19 na indibidwal sa Negros Occidental. Kabilang dito ang lider-estudyante ng University of the Philippines na si Alyssa Alano, ang cultural worker at peasant organizer na si Errol Wendel, ang mamamahayag at youth leader na si RJ Ledesma, at peasant organizer at UP teacher Maureen Santuyo.
Malinaw mula rito na walang ibang mukha ang estadong ito kundi pagpapabaya, pamamasismo, at pagpapahirap sa sambayanan. Imbis na tugunan ang pangangailangan ng taumbayan sa mga batayang karapatan nito—ang mga kabataang estudyante sa maayos, aksisable, at libreng edukasyon, ang mga manggagawa sa maayos at nakabubuhay na sahod, ang mga magsasaka sa tunay na reporma sa lupa, at iba pang pangangailangan ng mamamayan upang mabuhay nang maayos—nananatiling gumagana ang gobyerno, hindi para sa kapakanan ng mga Pilipino kundi para sa ganansya ng mga naghaharing-uri na naririto.
Kaya naman, mga Iskolar ng Bayan, maniningil tayo! Sa panahon kung kailan nagbibingi-bingihan ang estado, higit na dapat tayong mag-ingay. Ngayon ang panahon upang higit na padagundungin ang lansangan, bitbit ang ating galit at paniningil. Sa panahon kung saan sinusupil ng pasistang estadong ito ang boses ng mga mamamayang lumalaban at nakikibaka, higit dapat tayong magpalakas at magpalawak!
DUMALO AT MAGPADALO:
April 28, 2026
3:00 PM
P. Noval
24/04/2026
ISKOLAR NG BAYAN, TULOY-TULOY ANG LABAN! HUSTISYA PARA SA TOBOSO 19!
TINGNAN | Nagsagawa ng indignation rally ang mga progresibong grupo sa loob ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, kasama ang League of Filipino Students–PUP, upang pagpugayan ang kabayanihan nina Alyssa, RJ, Mau, at Errol.
Maaaring nawala ang kanilang mga katawang lupa at tangkain mang dungisan ng AFP-PNP ang kanilang mga pangalan, nananatiling nakataas ang kamao ng mga iskolar ng bayan sa pagbibigay-pugay sa kanilang buhay at pakikibaka.
Ang mismong mga komunidad sa Negros ang saksi kung paano pinili ng mga bayaning ito ang buhay sa kanayunan upang tunay na maglingkod sa sambayanan.
Maaaring patahimikin ng berdugong militar ang mga lumalaban, ngunit krisis mismo ng lipunan, ang magluluwal ng mga bagong henerasyon na tutungo sa kanayunan, makikipamuhay sa masa, at tunay na pagsisilbihan ang sambayanan.