07/10/2026
📚✨ MATAGUMPAY NA NAILUNSAD ANG EDUKAMPYON LITERACY CARAVAN! ✨📚
Isang araw na puno ng saya, pagkatuto, at inspirasyon ang naging bahagi ng matagumpay na pagsasagawa ng Edukampyon Literacy Caravan sa Rosauro Almario Elementary School (RAES)! 🎉📖
Ang programa ay isinagawa ng Manila City Library (MCL), katuwang ang Rex Educational Foundation, Inc. (REFI), sa suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, sa pangunguna ni Mayor Isko Moreno Domagoso.
🌟 Tampok sa caravan ang iba’t ibang literacy activities, learning booths, storytelling, film showing, games, puppet show, at interactive learning experiences na nagbigay sa mga bata ng pagkakataong matuto habang nagsasaya.
🤝 Naging posible ang makabuluhang gawaing ito sa pakikipagtulungan ng ating mga katuwang at partner organizations, kabilang ang Abenson & W&J Lim Foundation, JAC Liner, Smile Train Philippines, Rescue Kabataan, First Eduspec, Inc. (FEI), at iba pang mga organisasyong patuloy na nakikiisa sa pagsusulong ng edukasyon at literacy.
🚍📚 Tampok din ang Little Explorers Learning Hub, ang mobile library bus ng JAC Liner, katuwang ng REFI, na nagdadala ng mga aklat, digital resources, at makabagong teknolohiya upang mas mailapit sa mga bata ang pagbabasa, pagkatuto, at digital literacy.
💙 Sa unang yugto ng Edukampyon Literacy Caravan, nakasama rin natin si Councilor Joaquin Domagoso, Chairman ng Committee on Education, na nakiisa sa pagsusulong ng mga programang naglalayong palakasin ang edukasyon at literacy sa Maynila.
📖✨ Hindi lamang tayo, naghahatid ng mga aklat. Naghahatid tayo ng pagkakataon, kaalaman, teknolohiya, inspirasyon, at pag-asa para sa bawat batang Manileño.
🚍💙 EDUKAMPYON: Sama-sama nating ihatid ang saya ng pagbabasa, pagkatuto, at pangarap!