BARANGAY 291

Call Directions Contact the organization

BARANGAY 291 Sectretary - MARIELLE SUCGANG
Brgy. Treasurer - MARCOS ALCANTARA

BARANGAY 291 COUNCIL

Punong Barangay - JASMIN ESCOTO

Barangay Kagawads:
SONIA HERBAS
STEVEN BRYLL RELOJ
JONATHAN ANG
KARL VINCENT WONG
CYNTHIA GILLEGO
FERDINAND YAP
JAYSON OLIVERA

Brgy.

Bida ang responsableng fur-parents sa Barangay 291! 🐾🥇Hatid sa atin nina Konsi Tol Zarcal at Kapitana Jasmin Escoto ang ...
21/09/2026

Bida ang responsableng fur-parents sa Barangay 291! 🐾🥇

Hatid sa atin nina Konsi Tol Zarcal at Kapitana Jasmin Escoto ang Libreng Anti-Rabies Vaccine para sa ating mga beloved fur-babies! Safe na sina Bantay at Miming mula sa banta ng rabies.

Maraming salamat po sa ating barangay council at kay Konsi Tol sa laging pag-aalaga sa kapakanan ng ating komunidad at ng ating mga alagang hayop!





🐶🐱 ANTI-RABIES VACCINATIONMga fur parents ng Barangay 291, protektahan natin ang ating mga alagang aso at pusa! 🐾💉Inaany...
17/09/2026

🐶🐱 ANTI-RABIES VACCINATION

Mga fur parents ng Barangay 291, protektahan natin ang ating mga alagang aso at pusa! 🐾💉

Inaanyayahan kayo sa ANTI-RABIES VACCINATION FOR DOGS AND CATS, isang proyekto ni Councilor Tol Zarcal, katuwang ang Veterinary Inspection Board (VIB) at City Government of Manila.

📅 September 21, 2026 (Monday)
⏰ 8:00 A.M. – 11:00 A.M.
📍 Escolta St. corner Yuchengco St., Binondo, Manila
(In front of Barangay 291 Hall)

🐕 Siguraduhing malusog ang inyong alaga sa araw ng vaccination.
🐈 Panatilihing naka-leash ang aso at nasa secure cage/carrier ang pusa habang nasa vaccination area.

💚 Alagang Hayop, Alaga Natin Lahat! Sama-sama nating panatilihing ligtas ang ating mga alaga at komunidad laban sa rabies.

☣️ HAZARDOUS WASTE COLLECTION PROGRAMMakikiisa ang Barangay 291 sa City-wide Voluntary Hazardous Waste Collection Drive ...
17/09/2026

☣️ HAZARDOUS WASTE COLLECTION PROGRAM

Makikiisa ang Barangay 291 sa City-wide Voluntary Hazardous Waste Collection Drive ng Department of Environment and Public Services (DEPS).

📅 September 22, 2026 (Tuesday)
📍 Plaza San Lorenzo Ruiz, Manila

Maaaring dalhin ang mga household hazardous waste tulad ng:

🔋 Used batteries
💡 Light bulbs and tubes
🎨 Paint cans and thinners
🧴 Household chemicals
⚠️ Iba pang harmful household materials

Paalala na ilagay ang mga ito sa maayos at selyadong lalagyan at huwag ihalo sa regular na basura.

♻️ Tamang disposal para sa mas ligtas na komunidad! Makiisa para sa mas malinis, ligtas at maayos na Maynila.

♻️ RECYCLABLES MO, PALIT GROCERY KOMga Kabarangay, may recyclables ba kayo sa bahay? Huwag itapon—ipalit natin sa grocer...
17/09/2026

♻️ RECYCLABLES MO, PALIT GROCERY KO

Mga Kabarangay, may recyclables ba kayo sa bahay? Huwag itapon—ipalit natin sa grocery! ♻️🛒

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa ating MMRF Project: “Recyclables Mo, Palit Grocery Ko” ngayong:

📅 September 29, 2026 (Tuesday)
⏰ 9:00 A.M.
📍 Barangay 291 Hall, 208 Escolta St., Binondo, Manila

♻️ 1 KILO NG RECYCLABLES = 1 POINT

Tumatanggap tayo ng piling plastics, papel, metal at glass bottles. Dalhin lamang ang inyong mga recyclable materials, siguraduhing maayos at naka-segregate, at ipunin ang inyong points upang maipagpalit sa available na grocery items.

🌱 Maliit na hakbang, malaking epekto! Sama-sama tayo para sa mas malinis, maayos at luntiang Barangay 291.

📢 PAALALA SA LAHAT NG TODA / TRICYCLE OPERATORSAyon sa memo ng Manila Traffic & Parking Bureau (MTPB), muling ipatutupad...
08/09/2026

📢 PAALALA SA LAHAT NG TODA / TRICYCLE OPERATORS

Ayon sa memo ng Manila Traffic & Parking Bureau (MTPB), muling ipatutupad ang No Contact Apprehension Program (NCAP) sa Maynila.

🚦 Paalala sa lahat ng tricycle drivers/operators:

Dapat malinaw at madaling mabasa ang plate number.

Huwag itong takpan ng cover, sticker, accessories o anumang bagay.

Tiyaking maayos at visible ang plate number bago bumiyahe.

Ang hindi pagsunod ay maaaring magresulta sa kaukulang enforcement action at penalty.

Mangyaring ipagbigay-alam sa lahat ng miyembro ng TODA.

Maraming salamat sa pakikiisa para sa ligtas at disiplinadong pagbiyahe sa Maynila. 🚦🙏

07/09/2026

🧹🌿 WEEKLY CLEAN-UP DRIVE | BARANGAY 291 🌿🧹
Sama-sama nating panatilihing malinis, maayos, at ligtas ang ating barangay! 💚
Maraming salamat sa ating mga barangay volunteers at kabarangay na patuloy na nakikiisa. 🤝
Malinis na Barangay 291, sama-samang responsibilidad! 💚🏘️

WEEKLY CLEAN-UP DRIVE NG BARANGAY 291:  🧹Ang malinis, ligtas, at baha-free na Barangay 291 ay nagsisimula sa ating saril...
07/09/2026

WEEKLY CLEAN-UP DRIVE NG BARANGAY 291: 🧹

Ang malinis, ligtas, at baha-free na Barangay 291 ay nagsisimula sa ating sarili! Muli tayong magsama-sama—mga kapitbahay, kabataan, at barangay officials—para magwalis, mag-ayos, at maglinis ng ating kapaligiran tuwing darating ng sabado.

Kailan: Tuwing Sabado
Oras: 8:00AM]📍
Tagpuan: Barangay 291 Hall

🎒 Ano ang dadalhin: Walis tingting/tambo, dustpan, basurahan o sako, at sariling tubig.Iwas-bara sa mga kanal, iwas-sakit sa pamilya! Konting oras at pagod lang para sa mas magandang komunidad. Kita-kita tayo, kapitbahay!

💪💚

SUCCESSFUL CASH EXAMINATION BY COA!!
03/09/2026

SUCCESSFUL CASH EXAMINATION BY COA!!

🏆 PARANGAL PARA SA BARANGAY 291!Ikinagagalak naming ibahagi na ang Barangay 291 ay nakatanggap ng pagkilala dahil sa 100...
03/09/2026

🏆 PARANGAL PARA SA BARANGAY 291!

Ikinagagalak naming ibahagi na ang Barangay 291 ay nakatanggap ng pagkilala dahil sa 100% compliance sa Weekly Community Cleanup and Declogging Drive Program.

Ang parangal na ito ay bunga ng pagkakaisa, dedikasyon, at aktibong pakikiisa ng aming mga opisyal, kawani, at residente sa pagpapanatili ng malinis, ligtas, at maayos na komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa! 💚♻️

♻️ SUCCESSFUL CONDUCT | MOBILE MATERIALS RECOVERY FACILITY (MMRF) ♻️Matagumpay na naisagawa ngayong Agosto 27, 2026 ang ...
27/08/2026

♻️ SUCCESSFUL CONDUCT | MOBILE MATERIALS RECOVERY FACILITY (MMRF) ♻️

Matagumpay na naisagawa ngayong Agosto 27, 2026 ang Launching ng Mobile Materials Recovery Facility (MMRF) na may temang “Recyclables Mo, Palit Grocery Ko”, sa pamamagitan ng pagtutulungan ng MMDA, Department of Environment and Public Services - Manila(DEPS), at BARANGAY 291.

Maraming salamat sa lahat ng residenteng nakiisa at nagbigay ng suporta sa ating adhikain para sa mas malinis, maayos, at luntiang komunidad. 🌱

Sama-sama para sa Malinis na Barangay 291! ♻️

Recycle ngayon, para sa mas magandang bukas!

Address

208 Escolta Street Cor Yuchengco St. Barangay 291 Zone 27 District III Binondo
Manila
1006

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+63285243841

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BARANGAY 291 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BARANGAY 291:

Shortcuts

Share