16/10/2025
๐ข ๐๐๐๐๐๐๐ | Walang Saysay ang Salita Kung Walang Gawa
Sa mga nagdaang araw, nabulabog ang diwa ng demokrasya sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) matapos umatras sa halalan ang ilang independent na kandidato sa PUP Halalan 2025 dahil sa mga bantang natanggap sa pamamagitan ng email mula sa hindi kilalang nagpadala:
โMagwithdraw ka na kasi alam ko address mo diyan...โ
โHINDI KA LIGTAS ALAM NAMIN LAHAT NA INUUWIAN MOโ
Ang halalan na dapat ay pagkakataon ng malayang pagpili at ideolohikal na pagtatalo ay naging larawan ng takot at pangamba. Ang pangyayaring ito ay hindi lamang usapin ng seguridad ng isang kandidato, kundi ng kredibilidad at kaligtasan ng mismong demokratikong proseso sa loob ng unibersidad.
Kasuklam-suklam na kahit buhay na buhay ang kultura ng aktibismo sa unibersidad, tila salungat sa mga ipinaglalaban ng mga rally at walk-out ang mga pangyayari sa loob. Ano ang kredibilidad ng mga sigaw ng pagkondena sa mga salot ng lipunan kung ang mga sumisigaw nito ay walang pinagkaiba sa mga taong kanilang tinutuligsa.
Bagamaโt kapuri-puri at mahalaga ang mga hakbang ng PUP SC COMELEC at ICTO, walang patutunguhan ang mga salita kung hindi ito magbubunga ng pananagutan. Ang pagkondenang walang kasamang katarungan ay katahimikang nagbabalatkayong kabutihan.
Ipaglaban natin ang bukas at malayang pagpapahayag ng posisyong politikal sa unibersidad at ipagtanggol ang lahat ng alternatibong pananaw mula sa panunupil.
22/09/2025
๐ข๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | The Asian Spring and the 'Trillion Peso March'
Yesterday, we Filipinos have shown that the spirit of true unity and peaceful collective expression is very much alive and well. Ipinakita natin ang tunay na Pilipino, galit sa magnanakaw, kurap, sinungaling, at mandurugas.
Kasabay ng ating pagpapamalas ng pakikibaka, inalala natin ang panahong pinagkaitan tayo ng karapatan at kalayaan. Hindi tayo nakalimot, at hindi tayo papayag muli. Pero hindi nga ba?
Sa kabila ng mga panawagan ng pagbabago sa nagdaang mga taon, paulit-ulit lamang ang mga pangyayari. Mayroong iilan sa atin na sumasali lamang sa mga demonstrasyon upang maghasik ng gulo, ang iba naman nais lamang isulong ang mga iniidolo nila. Ilang isyu pa ba ang kailangan ma-bulgar, ilang protesta pa ba ang kailangan nating idaos, at ilang taon pa ba tayong magtitiis upang magising sa katotohanan ang lahat at magkaroon ng tunay na pagbabago?
Fellow countrymen, let's end the cycle now. Simulan na natin ngayon ang pagbabagong ilang taon na nating isinisigaw, na may sinseridad at paninindigan. Reject the thieves, vandals, liars, and swindlers.
Huwag na tayong papaloko, pasisilaw, at paaapi sa mga personalidad, ideolohiya, at kasinungalingan.
Hindi natatapos ang laban sa protesta. NAGSISIMULA PA LAMANG TAYO.
โ๐๐ข๐ณ๐ข๐ญ๐ถ๐ฎ๐ข๐ฏ
19/09/2025
๐ฃ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ | Moderator Reveal
Meet the Moderator in our event with Project Empathy PH! Find out more in the shared post below.
MEET OUR MODERATOR
Billy Gene Balsamo is our Moderator for Nonviolent Reform: A Conversation with Jo Berry and PUP Lunsuran.
Billy is a decorated adjudicator who competed in both local and international debate tournaments. He has an MA in Political Economy specializing in international relations and development from UA&P, where he is currently studying law. He is a co-founder and the Head of Public Discourse of Collegium Perulae Orientis (Collegium PH)
Learn about how to successfully fight for nonviolent reform by registering for our webinar here: https://forms.gle/4WmHEe3SXDCdoV8R6
See you on September 21, 2025 at 5:00 PM!
19/09/2025
๐ฃ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ | Resource Speaker Reveal
Meet the second Resource Speaker in our event with Project Empathy PH! Find out more in the shared post below.
MEET OUR RESOURCE SPEAKERS
Our second resource speaker for Nonviolent Reform: A Conversation with Jo Berry and PUP Lunsuran is Francis Jebel Nocum of PUP Lunsuran. Francis is the Co-Founder of PUP Lunsuran also known as Lunsuran Youth for Pragmatic Leadership. An advocate for non-violent reform, Francis founded Lunsuran as an organization to institutionalize his and his co-foundersโ belief in progressive centrism, a principle built on pragmatic reformist leadership.
In Lunsuran, Francis and his co-founders seek to spread the truth in an objective lens, providing their insight and perspective on the issues relevant to our society where politics is dominated by revolutionaries and recreationaries. Since its inception, the goal of Lunsuran has been to seek true unity, and reintroduce peaceful and civil discourse to support democracy in the Philippines and across the world.
In addition to being the co-founder of Lunsuran, Francis also boasts academic credentials such as graduating With Honours from the Pasig City Science High School in 2024 and being accepted into the BS Computer Science program of the Polytechnic University of the Philippines where he studied for one semester. Currently, he is pursuing studies in Humanities and Liberal Arts in New Burnswick, Canada.
Find out more about Francis and PUP Lunsuran's story by registering for our webinar here: https://forms.gle/4WmHEe3SXDCdoV8R6
See you on September 21, 2025 at 5:00 PM!
12/09/2025
โ๏ธ๐๐๐๐๐๐๐๐ | I-Snooze o Hindi i-Snooze?
Sa muling pagbukas ng klase, bumabalik tayo sa pagsisimula ng ating araw sa paggising sa tunog ng alarm clock. Pagkarinig ng alarm, bumabangon ba tayo mula sa ating pagtulog at sinisimulan ang ating araw? O mag-snooze para makasingit pa ng ilang minuto ng pagtulog?
Araw-araw, nagigising din tayo na nasasaksihan ang isang sistemang panlipunan ng mga maling gawi at kawalan ng katarungan. Binibigyang-diin ito sa mga k**akailang kaganapan kasunod ng paglalantad ng sistematikong korapsyon sa buong bansa sa mga proyekto na dapat napapakinabangan ng mamamayan, kung saan ang korapsyon na ito ay nagdulot ng malawakang pinsala. Kailangang kondenahin ang ganitong mga aksyon at panagutin ang mga opisyal na may sala. Gayunpaman, hindi natin dapat kalimutan natin na magnilay-nilay din sa ating mga sarili.
Sa kabiguan, madaling sisihin ang iba o ang mga panlabas na salik. Normal lang na makaranas ng mga bagay na hindi natin kontrolado, ngunit nagiging problema kapag agad tayong naghahanap ng dahilan kapag may mali. Nagiging problema ito kapag nakakalimutan nating tanungin ang ating sarili kung ano ang mali nating ginawa at kung paano natin masisiguro na hindi na muling mangyayari ang pagkabigong ito. Lalo itong nagiging problema kapag masyado tayong nakatuon sa pagbuo ng dahilan, sa pagmamanipula sa mga tao para isipin na wala tayong nagawang mali, kahit may pagkukulang tayo.
Sa ganitong uri ng pag-uugali, gaano ba tayo kaiba sa mga tiwaling opisyal na nais nating masibak? Walang silbi ang pagtanggal sa mga tiwaling opisyal kung mas pinipili ng kanilang kapalit ang pagpapabango sa sariling pangalan kaysa sa katapatan.
Tuwing umaga, nasa atin kung agad tayong babangon o maghahanap ng dahilan para manatili sa k**a. Gayunpaman, bilang mga lider sa sarili nating paraan, alam natin kung ano ang posible, alam natin ang mga panganib, at tanging tayo lang ang nakakaalam kung paano malalampasan ang mga panganib na iyon. Nasa atin na kung ilalapag natin ang ating mga paa sa lupa at hindi magpapalamon sa paghahangad ng isang mabango na imahe.
Nagigising ba tayo sa katotohanan at harapin nang buong tapang ang ating mga kahinaan? O paulit-ulit ba nating pipindutin ang SNOOZE button at magtatago sa likod ng ating mga dahilan?
Tayo ang pipili kung tatapusin natin o ipagpapatuloy natin ang siklo.
โ๐๐จ๐ถ๐ด๐ต๐ช๐ฏ
24/08/2025
Introducing our upcoming webinar in collaboration with Project Empathy PH
NONVIOLENT REFORM: A CONVERSATION WITH JO BERRY AND LUNSURAN
September 21, 2025 - 5PM
This webinar will feature the world renowned peace and reconciliation expert, Jo Berry CBE of Building Bridges for Peace as well as a representative from PUP Lunsuran, a non-violent reformist student organization founded by students from the Polytechnic University of the Philippines.
Learn how non-violent reform can be realistically applied in Philippine society through this webinar and get the chance to win amazing prizes from our raffle!
Registration for this webinar is for free and will be opened soon!
Like and follow our page for more details on this event.
Introducing our upcoming webinar in collaboration with PUP Lunsuran
NONVIOLENT REFORM: A CONVERSATION WITH JO BERRY AND PUP LUNSURAN
September 21, 2025 - 5PM
This webinar will feature the world renowned peace and reconciliation expert, Jo Berry CBE of Building Bridges for Peace as well as a representative from PUP Lunsuran, a non-violent reformist student organization in the Polytechnic University of the Philippines.
Learn how non-violent reform can be realistically applied in Philippine society through this webinar and get the chance to win amazing prizes from our raffle!
Registration for this webinar is for free and will be opened soon!
Like our page for more details on this event.
20/06/2025
๐๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐๐ง๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐ฌ๐ฎ๐ซ๐๐ง โ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐๐ญ ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ข๐ญ๐จ, ๐๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐ฅ๐๐ฅ๐๐๐๐ง!
Ang kahulugan ng Lunsuran ay sentro o gitna, angkop sa mithiin ng organisasyon na talakayin ang mga isyung nagaganap sa ating lipunan nang walang bahid ng pagkiling sa ideolohiyang kaliwa o kanan. Bagkus, pag-usapan ang mga isyu mula sa sentrong k**alayan, na kung saan ginagamit ang makatwirang konsensya at pag-iisip, na pawang mula sa impormasyong makatotohanan at walang paligoy-ligoy.
11/05/2025
STATEMENT ON THE 2025 MIDTERM ELECTIONS
On Monday, we Filipinos will be exercising our most powerful way of changing our country for the better. Bilang isang demokratikong bansa, ang nagkakaisang tinig natin ang susi upang makamtan ang matagal nating ninanais na pagbabago.
Bago tayo pumasok sa presinto at simulan ang proseso ng pagboto sa Mayo 12, pagnilayan natin at suriin ang ating mga prinsipyo. Ipaglaban natin kung ano ang tama at nararapat, hindi lang para sa isa o iilan sa atin, kundi para sa buong sambayanang Pilipino.
The spirit of democracy is the civilized and peaceful demonstration of the people's will. Pairalin natin ang pagkakaisa at kapayapaan, piliin ang may tunay na paninindigan, at huwag magpasilaw sa salapi o pasayaw-sayaw. Tandaan natin na ang mga inihahalal natin ay sumasalamin sa ating ipinaglalaban at pinahahalagahan bilang mga Pilipino.
Kinabukasan natin ang nakataya sa bawat boto, kung kaya't gamitin natin ito sa pinak**akabuluhang paraan.
29/03/2025
MANIFESTO FOR NON-VIOLENT REFORM
Lunsuran, a centrist advocacy founded by PUPians stands with the call for non-violence and peaceful, genuine reform.
We reject the idea of armed conflict as the solution to the plight of the Filipino people.
Ang pagpapamalas ng progresibong k**alayan sa pamamagitan ng pagboses laban sa karahasan, mula man sa rebeldeโ o estado, ang ating kailangan.
Kailangan natin maging kritikal sa mga ideolohiyang nagmumula sa kaliwa at kanan at ipairal ang malayang pag-iisip.
Kailangan din natin matutunan ang paggamit sa mismong sistema ng estado para ipalaganap ang makatotohanan at praktikal na reporma.
Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ay dapat manatiling isang espasyo kung saan ang magkakaibang pananaw, mapa-progresibo, konserbatibo, o kung ikaw man ay katulad namin na walang kinikilingang ideolohiyaโay malaya para ipamalas ang iyong paninindigan.
Walang iskolar ng bayan ang dapat makaranas ng pang-aapi dahil lang sa kanilang panawagan para sa mapayapa at pragmatikong pagbabago.
Kami ay naninindigan para sa repormang tunay at maka-Pilipino. Mariin naming tinututulan ang walang katuturang laban ng mga ideolohiya.
Sumama sa lumalawak na kilusan ng mga iskolar ng bayan na lumalaban para sa makatao at makatotohanang repormang bayan!
Reject violence! We need real, solution-driven reforms!