01/05/2026
PHOTOS | Ngayong Araw ng Paggawa, muling nasaksihan ang sama-samang lakas ng uring manggagawa at kabataang patuloy na nananawagan ng nakabubuhay na sahod
Sa mga larawang ito ng sama-samang pagkilos, kung saan nagkakaisa ang mga manggagawa at kabataan sa iisang sigaw, malinaw na naipapakita ang iisang sentimyento: ang mariing pagtutol sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at sa mababang sahod na hindi sapat sa araw-araw na pangangailangan. Ang mga bitbit na plakard, sabayang pagmartsa, at nagkakaisang tinig na sumasalamin sa matagal nang hinaing ng sambayanan, isang panawagang hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling hindi ganap na natutugunan.
Ang bawat larawan ay hindi lamang alaala ng pagkilos, kundi patunay na ang pakikibaka ay nagpapatuloy. Hanggaโt may inaaping manggagawa at kabataang handang lumaban, mananatiling buhay ang diwa ng Mayo Uno bilang araw ng paniningil, pakikibaka, at pag-asa para sa tunay na lipunang tunay na makatarungan at para sa lahat.
MABUHAY ANG MGA URING MANGGAGAWA!
URING MANGGAGAWA, HUKBONG MAPAGPALAYA!
SAHOD, ITAAS! PRESYO, IBABA!
Photo Credits: Nyomi
01/05/2026
TIGNAN | Nakiisa ang Konseho ng Mag-aaral ng CADBE (CADBE SC) sa laksa-laksang iskolar mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) sa laban ng uring manggagawa ngayong Mayo Uno.
Mariin nating pinapanawagan ang โฑ1200 na minimum wage bilang kagyat na tugon sa matagal nang pagkakait ng disenteng pamumuhay sa manggagawa; ang agarang pagpapatigil ng digmaang USโIran na patuloy na nagpapalala ng pandaigdigang krisis at direktang nagpapahirap sa sambayanan; ang pagpasa ng anti-oil deregulation law upang wakasan ang diktadura ng malalaking kompanya ng langis sa presyo at ibalik ang kontrol sa estado para sa interes ng publiko at ang pagpapaalis ng mga dayuhang base militar sa Pilipinas bilang bahagi ng pakikibaka.
Mainit ang araw ngunit mas mainit ang panawagan para sa hustisya sa sahod, trabaho, at karapatan!
Mabuhay ang uring manggagawa! Makibaka, huwag matakot! โ
30/04/2026
๐๐ก๐ก๐ข๐จ๐ก๐๐๐ ๐๐ก๐ง | April 30, 2026
๐ข๐๐ง ๐ข๐ฅ๐๐๐ก๐ง๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ฃ๐ฅ๐-๐ฅ๐๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐ก
[๐๐ข๐ฅ 3๐ฅ๐ ๐ฌ๐๐๐ฅ ๐๐ก๐ 4๐ง๐ ๐ฌ๐๐๐ฅ ๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ง๐จ๐๐๐ก๐ง๐ฆ]
Good day, 3๐ง๐ ๐๐ฃ๐ 4๐ฉ๐ ๐๐๐๐ง ๐พ๐ผ๐ฟ๐ฝ๐ ๐๐ฉ๐ช๐๐๐ฃ๐ฉ๐จ.
This is to inform all students who will be taking their On-the-Job Training (OJT) that they are required to complete the pre-registration for the upcoming OJT Orientation scheduled on ๐๐๐ฎ 16, 2026.
All concerned students are advised to accomplish the registration within the given period to ensure proper documentation and smooth facilitation of the orientation program.
Thank you! Goodluck!
๐ฅ๐๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐ก ๐๐๐ก๐:
https://docs.google.com/.../1FAIpQLSdJK3CwiuH.../viewform...
https://docs.google.com/.../1FAIpQLSdJK3CwiuH.../viewform...
https://docs.google.com/.../1FAIpQLSdJK3CwiuH.../viewform...
*๐ฝ๐๐ก๐ค๐ฌ ๐๐จ ๐ฉ๐๐ ๐๐ ๐๐ค๐๐ ๐๐ค๐ง ๐ฉ๐๐ ๐๐
๐ ๐จ๐ฉ๐ช๐๐๐ฃ๐ฉ ๐ฉ๐ค๐ค๐ก๐ ๐๐ฉ, ๐ฌ๐๐๐๐ ๐๐ค๐ฃ๐ฉ๐๐๐ฃ๐จ ๐๐จ๐จ๐๐ฃ๐ฉ๐๐๐ก ๐๐๐ก๐๐จ ๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐๐ช๐ข๐๐ฃ๐ฉ๐จ ๐ง๐๐ก๐๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐ค ๐ฉ๐๐ ๐๐
๐.
๐๐๐ฎ๐ค๐ช๐ฉ ๐๐ฎ: ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ง๐๐๐๐๐ฃ๐
30/04/2026
๐๐ก๐ก๐ข๐จ๐ก๐๐๐ ๐๐ก๐ง | April 30, 2026
๐๐ค๐ ๐ข๐ฅ๐๐๐ก๐ง๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ฃ๐ฅ๐-๐ฅ๐๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐ก
[๐๐ข๐ฅ ๐๐ก๐๐ข๐ ๐๐ก๐ 3๐ฅ๐ ๐ฌ๐๐๐ฅ ๐๐ฅ๐๐๐ ๐ฆ๐ง๐จ๐๐๐ก๐ง๐ฆ]
Good day, ๐๐ฃ๐๐ค๐ข๐๐ฃ๐ 3๐ง๐ ๐๐๐๐ง ๐ผ๐ง๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฉ๐ช๐ง๐ ๐๐ฉ๐ช๐๐๐ฃ๐ฉ๐จ.
Please be informed that all concerned students are required ๐ฉ๐ค ๐ง๐๐๐๐จ๐ฉ๐๐ง ๐ค๐ฃ ๐ค๐ง ๐๐๐๐ค๐ง๐ ๐๐๐ฎ 12.
Please take note that the registration deadline must be strictly observed, as the submitted parent/guardian names will be finalized and forwarded to the Security Office for clearance and entry on the day of the orientation.
Thank you! Goodluck!
๐ฅ๐๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐ก ๐๐๐ก๐:
https://docs.google.com/.../1AMw6sLt56aocPUbK.../viewform...
https://docs.google.com/.../1AMw6sLt56aocPUbK.../viewform...
https://docs.google.com/.../1AMw6sLt56aocPUbK.../viewform...
๐๐๐ฎ๐ค๐ช๐ฉ ๐๐ฎ: ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ง๐๐๐๐๐ฃ๐
30/04/2026
ALERT | 9TH INFANTRY DIVISION, NAMATAAN SA PUP! MILITAR SA PAMANTASAN, PALAYASIN!
Ngayong araw, namataan ng mga estudyante ng ating pamantasan ang isang sasakyang militar na pagmamay-ari ng 9th Infantry Division ng Philippine Army. Ang infantry unit na ito ay kilala bilang primaryang unit ng Philippine Army sa Bicol Region.
Ayon sa ulat, nang lapitan ng mga estudyante ang mga militar, wala silang maibigay na malinaw na paliwanag at agad na umiwas sa pananagutan.
Hindi pa man naghihilom ang sugat ng mamamayan sa naganap na karahasan sa Toboso, Negros Occidental kung saan 19 ang pinaslangโkabilang ang mga sibilyan, estudyante, mamamahayag, at organisador. Ang Toboso 19 ay patunay ng brutal na mukha ng militarisasyon sa kanayunan at sa mamamayan. Ang ganitong uri ng dahas ay walang puwang sa loob ng ating pamantasan.
Kaugnay nito, mariing iginigiit ng PUP CADBE Student Council na ibalik at ipatupad ang PUP-DND Accord! Hindi dapat pahintulutan ang presensya ng AFP, PNP, at CAFGU sa alinmang kampus ng PUP nang walang pahintulot at abiso. Walang puwang ang pakikialam, paniniktik, at panggigipit sa mapayapang pagkilos ng mga Iskolar ng Bayan.
Mariing kinokondena ng PUP CADBE Student Council at buong komunidad ng CADBE ang pagpasok ng militar sa ating pamantasan. Ipinanawagan natin ang PUP Administration na huwag pahintulutan ang malayang pagpasok ng militar sa loob ng unibersidadโtungkulin nilang tiyakin na ligtas at malaya ang ating Sintang Paaralan mula sa banta ng karahasan at paniniktik.
Sa harap ng ganitong panghihimasok, mas lalo tayong tumitindig. Hindi dapat manaig ang takotโpalalakasin natin ang ating tinig at paiigtingin ang panawagan para sa hustisya at tunay na kapayapaan.
Iskolar ng Bayan, tumindig tayo! Sama-sama nating ipagtanggol ang ating pamantasan laban sa militarisasyon, panunupil, at pang-aabuso. Hanggaโt may bantang dulot ng presensya ng militar sa ating paaralan, hindi tayo titigil sa paglaban.
Photo credit: Sofia Taรฑedo
27/04/2026
LOOK | The PUP CADBE Student Council attended the All Leaders' Meeting convened by the PUP Office of the Student Regent, together with the PUP Sentral na Konseho ng Mag-aaral (SKM) Manila, uniting student leaders from across the PUP System.
The discussions highlighted both college-level and system-wide plans to align initiatives across campuses in preparation for the upcoming Mayo Uno. These efforts aim to ensure a coordinated and collective mobilization that reflects the unified call for workersโ rights, just wages, and humane working conditions.
Grounded in the lived realities of the masses, the discussion served as a space to consolidate action points, strengthen inter-campus coordination, and advance a people-centered response that situates the role of Iskolar ng Bayan within the broader struggle of the working class.
26/04/2026
Mga Iskolar ng Bayan, singilin ang estadong pabaya, pasista, at pahirap sa sambayanan!
Ilang beses nang pinatunayan ng estadong ito na hindi ang interes ng taumbayan ang prayoridad nito. Wala itong ibang ginawa kundi mag-anak ng krisis sa bansa o hindi kaya ay mas lalo pang palalain ang mga problemang matagal nang nararanasan ng mamamayan!
Krisis ang kinakain ng mga Pilipino sa araw-araw ng kanilang buhay! Sa patuloy na paglobo ng presyo ng gasolina at mga bilihin, bunsod ng agresyon ng US-Israel sa Iran, patuloy ring nalulugmok sa hirap ang mga Pilipinong barya-barya lang ang sinasahod. Hirap na nga ang mga Pilipino sa epekto ng gyera sa Pilipinas, mukhang nais pa ni Marcos Jr. na dalhin ang gyerang ito sa ating bansa sa pamamagitan ng pagpayag na makapasok dito ang libo-libong US military troops bilang parte ng Balikatan Exercisesโbagay na maaaring mag-udyok sa mga kalaban ng US na magsimula rin ng gyera sa ating bansa.
Sa kabilang banda, habang lubog sa hirap ang sambayanang Pilipino, patuloy namang nagpapakasarap sa kapangyarihan ang mga naghaharing-uri, sa pangunguna ni Marcos Jr. at Sara Duterte. Habang araw-araw na kailangang magtiis ng mga ordinaryong mamamayan, nagpapakasasa pa rin sa pera ng taumbayan ang mga kurakot sa gobyerno na hanggang ngayon ay hindi pa rin nananagot.
Imbis na nailalaan sa mga batayang serbisyong panlipunan ang pera ng taumbayan, napupunta ito sa sariling bulsa ng mga politiko at makakapangyarihan. Bukod dito, pinopondohan din ng mapanupil na rehimen ang pamamasismo sa bansa. Patuloy ang pagpondo sa NTF-ELCAC na kilala sa panre-redtag sa mga mamamayang lumalaban. Patuloy ring ang paglaki ng pondo para sa AFP-PNP na kilala sa pagiging numero unong yumuyurak sa karapatang pantao ng sambayanan. Manipestasyon nito ang masaker na ginawa ng 79th Infantry Battalion sa 19 na indibidwal sa Negros Occidental. Kabilang dito ang lider-estudyante ng University of the Philippines na si Alyssa Alano, ang cultural worker at peasant organizer na si Errol Wendel, ang mamamahayag at youth leader na si RJ Ledesma, at peasant organizer at UP teacher Maureen Santuyo.
Malinaw mula rito na walang ibang mukha ang estadong ito kundi pagpapabaya, pamamasismo, at pagpapahirap sa sambayanan. Imbis na tugunan ang pangangailangan ng taumbayan sa mga batayang karapatan nitoโang mga kabataang estudyante sa maayos, aksisable, at libreng edukasyon, ang mga manggagawa sa maayos at nakabubuhay na sahod, ang mga magsasaka sa tunay na reporma sa lupa, at iba pang pangangailangan ng mamamayan upang mabuhay nang maayosโnananatiling gumagana ang gobyerno, hindi para sa kapakanan ng mga Pilipino kundi para sa ganansya ng mga naghaharing-uri na naririto.
Kaya naman, mga Iskolar ng Bayan, maniningil tayo! Sa panahon kung kailan nagbibingi-bingihan ang estado, higit na dapat tayong mag-ingay. Ngayon ang panahon upang higit na padagundungin ang lansangan, bitbit ang ating galit at paniningil. Sa panahon kung saan sinusupil ng pasistang estadong ito ang boses ng mga mamamayang lumalaban at nakikibaka, higit dapat tayong magpalakas at magpalawak!
DUMALO AT MAGPADALO:
April 28, 2026
3:00 PM
P. Noval
25/04/2026
๐๐๐๐ ๐
๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฃ๐ฃ๐ฃ
We are currently conducting a research study and are looking for ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ฆ๐๐ผ. ๐ก๐ถรฑ๐ผ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐, ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐๐ to participate in our survey.
Your experiences living in ๐ต๐ถ๐ด๐ต-๐ฟ๐ถ๐๐ฒ (๐ณโ๐ฒ๐ฌ ๐๐๐ผ๐ฟ๐ฒ๐๐) or ๐น๐ผ๐-๐ฟ๐ถ๐๐ฒ (๐ญโ๐ฒ ๐๐๐ผ๐ฟ๐ฒ๐๐) housing matter and can help us better understand urban residential environments.
โ
๐๐ค๐ช ๐๐๐ฃ ๐ฅ๐๐ง๐ฉ๐๐๐๐ฅ๐๐ฉ๐ ๐๐ ๐ฎ๐ค๐ช ๐๐ง๐:
โข A resident of ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ฆ๐๐ผ. ๐ก๐ถรฑ๐ผ (๐ต๐ถ๐ด๐ต-๐ฟ๐ถ๐๐ฒ ๐ต๐ผ๐๐๐ถ๐ป๐ด) ๐ผ๐ฟ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ (๐น๐ผ๐-๐ฟ๐ถ๐๐ฒ ๐ต๐ผ๐๐๐ถ๐ป๐ด)
โข Have lived in the barangay for ๐ฎ๐ ๐น๐ฒ๐ฎ๐๐ ๐ผ๐ป๐ฒ (๐ญ) ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ
๐ฌ๐ผ๐ ๐บ๐ฎ๐ ๐๐ฐ๐ฎ๐ป ๐๐ต๐ฒ ๐ค๐ฅ ๐ฐ๐ผ๐ฑ๐ฒ ๐ผ๐ฟ ๐ฐ๐น๐ถ๐ฐ๐ธ ๐๐ต๐ฒ ๐๐๐ฟ๐๐ฒ๐ ๐น๐ถ๐ป๐ธ ๐ฏ๐ฒ๐น๐ผ๐ ๐๐ผ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐๐ฒ.
๐๐๐ช๐ง๐ซ๐๐ฎ ๐๐๐ฃ๐ : https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSc2IDm95_t5qyEzC3qrXrokpI5KxQA7xYW0X1456ZshWGiaEA/viewform
๐ Your responses will greatly help our research.
Thank you for being part of this study!
22/04/2026
HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO!
Pahayag ng Pagkondena ng PUP CADBE Student Council sa Pagpaslang kay Alyssa Alano
Noong Abril 19, walang habas at walang pakundangang pinaulanan ng bala ng 79th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental. Sa naganap na brutal na operasyong militar, hindi bababa sa 168 na pamilya at 653 na indibidwal ang sapilitang napalayas sa kanilang mga tahananโiniwan ang kanilang kabuhayan, seguridad, at dignidad sa gitna ng takot at dahas na dulot ng mismong institusyong dapat sanaโy nagtatanggol sa kanila.
Mas lalong nakakagalit at nakapangingilabot ang balitang isa sa mga nasawi ay ang ating kapwa Iskolar ng Bayan na si USC Councilor Alyssa Alano, ayon sa ulat ng UP Diliman University Student Council. Ang kanyang pagkamatay ay malinaw na patunay ng patuloy na pasistang atake at walang habas na panunupil ng militar sa mga sibilyan, lalo na sa mga komunidad sa kanayunan.
Mariing kinukundena ng PUP CADBE Student Council ang karumal-dumal na pagpaslang na ito. Walang anumang katwiran ang maaaring magbigay-linaw sa pagkitil ng buhay ng isang inosenteng sibilyanโisang kabataang lider na nagsisilbi sa bayan. Ang ganitong klase ng karahasan ay hindi lamang paglabag sa karapatang pantao, kundi isang tahasang pagyurak sa hustisya at demokrasya.
Hindi kami mananahimik. Hindi kami papayag na gawing normal ang ganitong uri ng estado ng karahasan. Ang militarisasyon sa mga komunidad, ang pananakot, at ang pagpaslang sa mga sibilyan ay malinaw na patunay ng abusong kapangyarihan na dapat agad na papanagutin.
Kaisa ang PUP CADBE Student Council at ang komunidad ng CADBE sa paninindigan: ipaglaban ang karapatan, igiit ang hustisya, at labanan ang anumang anyo ng pasismo at pang-aabuso. Sa harap ng takot at dahas, mas lalong titindig ang kabataan, mas lalakas ang aming tinig, at mas paiigtingin ang laban para sa tunay na kapayapaan at katarungan.
Iskolar ng Bayan, ipagpatuloy natin ang militanteng diwa ni Alyssa Alano!
Tumindig tayo, kasama ang bawat Iskolar ng Bayan at buong komunidad ng PUP, laban sa karahasan, panunupil, at militarisasyon na patuloy na kumikitil sa buhay at karapatan ng mamamayan. Hanggaโt walang hustisya, hindi matatapos ang laban.
Hustisya para kay Alyssa Alano!
Uphold International Humanitarian Law!
Militar sa kanayunan, palayasin!
22/04/2026
Today we celebrate the birthday of our hardworking VCS Secretary Officer, Jaz!๐๐ฅณ Your dedication and reliability never go unnoticed, especially in how you help keep everything organized and running seamlessly behind the scenes. Your effort, creativity, and positive energy truly contribute so much to the student council and every event we accomplish.
Thank you for always stepping up, giving your best and making a real difference in the council. Wishing you a day filled with happiness and a year full of achievements ahead! โ From your CADBE SC family โจโค๏ธ