22/08/2026
𝗖𝗔𝗡’𝗧 𝗔𝗟𝗪𝗔𝗬𝗦 𝗕𝗘 𝗜𝗡 𝗟𝗔, 𝗦𝗢𝗠𝗘𝗢𝗡𝗘 𝗛𝗔𝗦 𝗧𝗢 𝗛𝗢𝗟𝗗 𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗡𝗦𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡, 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗞𝗔𝗛𝗔𝗡, 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗡𝗧𝗔𝗦𝗔𝗡!
Mapagpalayang pagbabalik at pagsalubong, mga Iskolar ng Bayan! Sa panibagong pagsibol ng taong-panuruan, makiisa at maging bahagi sa nag-aalab na pagkilos para sa ating uring magsasaka at sa ating sintang paaralan!
Hanggang ngayon, patuloy pa ring nilalapastangan at sinusupil ng naghaharing uri ang mga karapatan ng ating mga magsasaka. Laganap pa rin ang mala-pyudal na sistema sa bawat sakahan. Habang nagpapatuloy ang ganitong kalagayan, mahalagang maging kaisa tayo sa kanilang pakikibaka. Pangalagaan natin ang pangunahing pundasyon ng ating ekonomiya, ang sektor ng agrikultura, at ang ating mga magsasaka.
Kasabay nito ang walang humpay na pagkakait sa ating pamantasan ng sapat na pondo at espasyo. Hindi pa man nagsisimula ang unang semestre, muli na namang binawasan ang badyet ng ating paaralan. Sa inilabas na National Expenditure Program ng Department of Budget and Management (DBM), ₱3.5 bilyon lamang ang inilaan na badyet para sa Fiscal Year 2027. ₱300 milyon itong mas mababa kumpara sa kasalukuyang pondo, at malayong-malayo ito sa ₱15 bilyong hiling na badyet ng ating pamantasan.
Kulang na kulang ang pondong ito para sa mahigit 106,500 estudyante ng PUP System. Dagdag pa rito ang niraratsadang NPU Bill. Isang bogus na modernisasyon sa ating pamantasan, batas na higit pang maglalagay sa ating edukasyon sa panganib ng pagsasapribado, komersyalisasyon, at pagkakait ng karapatan sa dekalidad at abot-kayang edukasyon.
Habang hikahos ang pondo para sa edukasyon at laganap pa rin ang mala-pyudal na sistema sa bawat sakahan, walang humpay naman ang paglulustay sa kaban ng bayan sa mga walang-katuturang proyekto ng gobyerno, tulad na lamang ng Pax Silica. Kaya naman, makiisa tayo sa pagtindig at dalhin ang mga panawagan ng mga Iskolar ng Bayan na hindi magpapatinag sa maalipustang sistemang patuloy na nagpapalaganap ng represyon. 𝗗𝗮𝗵𝗶𝗹 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗻𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗻𝘀𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻, 𝘀𝗮 𝘀𝗮𝗸𝗮𝗵𝗮𝗻, 𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗮𝘀𝗮𝗻.
Buwagin ang huwad at pasakit na sistema!
Pondo sa edukasyon, hindi sa korapsyon!
𝗦𝗨𝗠𝗔𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗙𝗜𝗥𝗦𝗧 𝗗𝗔𝗬 𝗙𝗜𝗚𝗛𝗧!
📆AUGUST 22, 2026
CALL TIME: 9:00 AM
START OF SATELLITE CAMPUSES’ PROGRAM: 10:00 AM
FDF MAIN CAMPUS PROGRAM: 10:20 AM- 11:20 AM
________
✊ Sumali sa NNARA Youth - PUP!
📝 Sign-up:
https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP
https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP
https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP
𝗠𝗔𝗞𝗜𝗣𝗔𝗠𝗨𝗛𝗔𝗬, 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗕𝗔𝗞𝗔!