CITY CLEAN AIR ORDINANCE LALONG PINALAKAS NG SP | City Government of Puerto Princesa Puerto Princesa, Nov.23 CIO - Magkaisang pinagtibay ng Sangguniang Panlungsod ang Resolusyon No. 1334 sa 119th Regular Session ng 14th Sangguniang Panlungsod na pinagbabawalan ang mga driver ng public utility vehicles na manigarilyo habang nagmamaneho ng kanilang sasakyan sa lansangan ng Lungsod ng…
Puerto Princesa City's Persons With Disability - PWD
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Puerto Princesa City's Persons With Disability - PWD, Public & Government Service, Manila.
17/11/2015
118 na opisyales at miyembro ng Person’s with Dissability (PWD) lumahok sa Signing of Integrity Pledge upang isulong ang adbokasiyang hingil sa Commitment of Ethical Practices and Good Governancena isinusulong ng Project I4J-Integrity Circle.
Isang daan at labing walong indibidual ang nakibahagi sa ginanap na signing of Integrity Pledge nitong nakalipas na Nobyembre a-dise sais, taong kasalukuyan sa City Coliseum kasabay ng Symposium for PWD’s bilang kampanya sa pag-papaabot kaalaman sa mga mamamayan ng Lungsod ng Puerto Princesa hingil sa programa at adbokasiyang Project I4J-Integrity Circle (IC). Ang programang ito ng Project I4J-IC ay may layunin na magkaroon ng kamalayan ang bawat mamamayan ng Lungsod sa mga mekanismong isinusulong ngayon ng I4J-IC na kinabibilangan ng Feedbox, I4J On-Air, pagtatayo ng tangapan ng Integrity Circle sa old City Hall at ang palalawiging Business–One–Stop-Shop o BOSS.
Nangako ang labing walong mamamayan ng Lungsod na buong pusong susuporta sa programa at adbokasiyang ito ng Pribadong Sektor at ng Pamahalaan upang lalo pang mapabilis ang mga transaksiyon sa Pamahalaan, maging episyente sa pagbibigay serbisyo at maiwasan ang mga lagay, kotong, padulas at iba pang uri ng anomalya sa mga transaksiyon maging sa pamahalaan o pribadong sektor man. Sa pamamagitan ng kampanyang ito, maipagmamalaki ng mga taga Lungsod ang katapatan, transparensiya at mapagkakatiwalaang mga mamamayan at pamahalaan na siya namang hahatak ng mga imbestor sa Lungsod. Ito naman ang magbibigay hanap-buhay sa mga residente rito at kung saan tiyak na magtataas ng antas ng pamumuhay at mababawasan ang kahirapan ng mga mamamayan.
Layunin ng grupo ng IC na makatulong ang mga pribadong mamamayan sa implementasyon ng integrity mechanism at models of transparency sa lahat ng transaksiyon bilang katuwang ng pamahalaan. Gayundin din ang wastong pagpapatupad ng mga batas at mapanatili ang maayos at matapat na paglilingkod. Maliban pa dito, ang pagpapalakas ng samahan ng public at private sectors. Ito rin ang uri ng pagpapalakad ng pamahalaan na isinusulong ngayon ni Mayor Lucilo Bayron na tinatawag niyang “participatory Government”.
Samantala, Napili ang Lungsod ng Puerto Princesa mula sa siyam (9) na pilot projects ng I4J na maging modelo sa pagpapatupad ng Integrity Mechanism sa walumpung (80) LGU’s sa buong bansa nito lamang nakalipas ng Trainor’s Training na ginanap sa Nobyembre 11-12, 2015. Ito ay matapos na lumabas sa Monitoring and Evaluation na tanging ang lungsod ng Puerto Princesa lamang ang nakapag-patupad ng 100% na Integrity Mechanism na ipiniresenta nina Mayor Lucilo R. Bayron at Engr Josette Cortes, President ng IC sa Lungsod sa ginanap na ASEAN Conference sa Bayleaf Hotel, Intramuros, Manila.
Sa ngayon, nagkaroon pa ng sub-mechanisms ang apat na mekanismong nabangit kabilang na dito ang Signing of Integrity Pledge of different sectors, Project I4J Facebook Awareness Campaign for social media, distribution of I4J Feedbox to Radio Stations and to the office of Senior Citizens and PWD’s. Nakatakda ding isama ang Awareness Campaign sa isasagawang Skultour na taunang isinasagawa ng City Tourim, PPUR Management Office at City Information Department bilang bahagi ng Information Dissemination. (MTVR 11-16-2015)
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Telephone
Website
Address
Manila
5300
