20/09/2026
KABATAAN, BAHAIN MULI NG PROTESTA ANG LANSANGAN!
Limampu't apat na taon na ang lumipas mula nang ideklara ni Marcos Sr. ang batas militar. Walang pinagkaiba ang kanyang anak na si Marcos Jr. Pareho lamang sila diktador, korap, at pahirap sa masa, habang patuloy na nagpapakatuta sa Estados Unidos.
Sa mas tumitinding krisis sa lipunan, ramdam ng kabataang estudyante ang kakulangan ng badyet para sa edukasyon, korapsyon, at kapabayaan ng administrasyong Marcos Jr. Sa Taft Avenue, patuloy na lumulubog sa baha ang mga tahanan at paaralan habang kinakaharap ng masa ang kakulangan sa batayang serbisyo.
Kaya naman, higit na kinakailangan ang pagtindig ng mga kabataan kasama ang malawak ng hanay ng sambayanan!
Sama-sama tayo lumabas sa apat na sulok ng ating mga paaralan at magkita kita sa lansangan upang panagutin lahat ng kurakot!
ONE TAFT PROGRAM
1:30 PM Program at Pedro Gil
2:20 PM One TAFT convergence at Finance Road
3:00 PM Liwasang Bonifacio
4:30 PM March to Mendiola
Mga kabataang estudyante ng Taft Avenue, tumindig at makibaka!