02/10/2026
๐ฉท ๐๐๐๐๐๐๐ก | ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฑ๐๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป, ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป
Noong ika-30 ng Setyembre 2026, nakiisa ang PNU-USC Student Gender and Development Commission, sa pamamagitan ni Comm. Arvyn Grecia, kasalukuyang Secretary-General ng SGDC, sa Pagkakasa ng Press Conference para sa World Teachers' Day, na pinangunahan ng PNU-USC Central Student Council kasama ang iba pang mga organisasyon ng Pamantasang Normal ng Pilipinas.
Sa pahayag, ibinahagi ni Comm. Arvyn ang danas ng SGDC at ng mga kasaping Gender-Based Organizations sa pagsusulong ng isang ligtas at ingklusibong pamantasan, mula sa pagtugon sa gender-based concerns at grievances hanggang sa pangangailangan para sa sapat na espasyo, suporta, at epektibong mekanismo laban sa harassment at pang-aabuso.
Binigyang-diin din na ang usapin ng edukasyon, gender, at kaligtasan ay magkakaugnay. Bilang mga g**o sa hinaharap, hindi lamang sapat ang paggunita sa World Teachersโ Day; mahalaga ring kilalanin at bakahin ang mga hamon na kinahaharap ng mga g**o, estudyante, at mga organisasyong nagsusulong ng kanilang kapakanan.
Sa pagtatapos ng pahayag, iniugnay ni Comm. Arvyn ang panawagan para sa darating na World Teachersโ Day walkout sa mas malawak na panawagan para sa isang sistemang pang-edukasyon na nagbibigay ng sapat na suporta, nagtataguyod ng kaligtasan, kumikilala sa dignidad at karapatan ng bawat isa at higit pa rito ay ang karagdagang pondo sa edukasyon.
Bilang bahagi ng komunidad ng mga g**o sa hinaharap, patuloy na nakikilahok ang mga lider-estudyante sa mga usaping humuhubog sa isang ligtas, ingklusibo, at makatarungang edukasyon para sa lahat.
๐ฃ๐ข๐ก๐๐ข ๐ฆ๐ ๐๐๐จ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก, ๐๐๐ก๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ฃ๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก!
___________________________________________
๐ฉท ๐ฆ๐๐ฎ๐ ๐๐ป๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฒ๐ฑ, ๐ ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น!
๐ Stay connected with usโlike and follow the PNU-USC SGDC page for updates: ๐ฃ๐ก๐จ-๐จ๐ฆ๐ ๐ฆ๐๐๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฒ๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ถ๐ผ๐ป | ๐ฝ๐ป๐.๐๐๐ฐ.๐๐ด๐ฑ๐ฐ
๐ Our office is located at ๐ฅ๐ผ๐ผ๐บ ๐ฎ๐ฌ๐ฏ๐, ๐๐ฒ๐ฟ๐ผ๐ป๐ถ๐บ๐ฎ ๐ง. ๐ฃ๐ฒ๐ฐ๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ๐น๐น, ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ ๐ก๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐น ๐จ๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐๐.
๐ฅ For concerns or complaints, you may access our ๐๐ฟ๐ถ๐ฒ๐๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐๐ผ๐ฟ๐บ through the following link:
| https://forms.gle/NZY4hji32yDsMjSQ6
| https://forms.gle/NZY4hji32yDsMjSQ6
| https://forms.gle/NZY4hji32yDsMjSQ6