23/03/2026
Mula noon hanggang ngayon, ang mga aral mo Vice Mayor Danny Lacuna ang aming baon.
Happy Birthday, Vice Danny!
Happy Birthday, Daddy! Lagi pa rin kitang iniisip at inaalala. We miss you everyday!
Salamat sa mga aral mo— puso na mag lingkod, mag mahal at mag patawad. 💙
11/11/2025
𝐁𝐑𝐄𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐄𝐖𝐒: 𝐃𝐑. 𝐋𝐄𝐈 𝐋𝐀𝐂𝐔𝐍𝐀 𝐑𝐄𝐉𝐄𝐂𝐓𝐒 𝐈𝐋𝐋𝐄𝐆𝐀𝐋 𝐄𝐋𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐈𝐋𝐋𝐄𝐆𝐀𝐋 𝐈𝐍𝐒𝐓𝐀𝐋𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐍𝐄𝐖 𝐁𝐑𝐆𝐘 𝐋𝐈𝐆𝐀 𝐏𝐑𝐄𝐒𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓 𝐈𝐍 𝐌𝐀𝐍𝐈𝐋𝐀
Ako po si Dra. Lei Lacuna, ang lehitimong halal na Pangulo ng Liga ng mga Barangay sa Lungsod ng Maynila. Inihalal ako ng mga kapwa ko punong barangay noong December 15, 2023 na may termino hanggang sa mahalal at makumpirma ng National Liga ang susunod na Liga President sa loob ng dalawang buwan matapos ang synchronized barangay elections.
Sa pamamagitan ng pahayag na ito, mariin kong kinukondena ang ginawang ilegal at walang basehang “special election” noong November 10, 2025 sa San Andres Sports Complex, kung saan diumano ay si Erika Platon ang nahalal bilang bagong Pangulo ng Liga.
Ang halalang ito ay labag sa batas at walang legal na batayan. Ayon mismo sa by-laws ng Liga ng mga Barangay, malinaw ang proseso ng pagtanggal o pag-alis ng opisyal — dapat may pormal na kasong inihahain sa National Liga at mayroong due process o pagkakataon para makapagpaliwanag ang inaakusahan.
Ang tinatawag na “motion to declare vacant” ay hindi ko kinikilala dahil wala itong basehan sa mga alituntunin ng Liga at wala sa mga kapangyarihan ng Liga.
Dagdag pa riyan, ang general assembly na ginanap noong Biyernes, November 7 ay hindi sumunod sa nakatakdang proseso, kaya ang lahat ng kanilang aksyon mula November 7 hanggang sa panunumpa sa mayor at hanggang sa pagkilala sa ilegal na inihalal ay walang bisa.
Bukod dito, walang kinatawan mula sa National Liga ng mga Barangay o sa DILG na dumalo o nagpatunay sa halalang ito. Dahil dito, malinaw na ang ginawang halalan ay ilegal, walang bisa, at isang malinaw na pag-aabuso ng kapangyarihan.
Nakakalungkot isipin na isinagawa ang halalang ito sa gitna ng pananalasa ng bagyo, sa panahong dapat ay abala ang ating mga kapitan at opisyal ng barangay sa pagtulong sa mga mamamayan.
Habang ang iba ay nagtatrabaho para sa kaligtasan ng ating mga kababayan, may ilan namang mas pinili ang pulitika kaysa serbisyo, ambisyon kaysa malasakit, at paghihiganti kaysa pagkakaisa.
Nais ko ring idiin: Walang bakante sa posisyon ng Pangulo ng Liga ng mga Barangay sa Maynila.
Ako pa rin ang lehitimong halal na Pangulo, at patuloy kong gagampanan ang aking tungkulin bilang ex officio member ng Sangguniang Panlungsod, alinsunod sa batas.
Bago kilalanin ang sinuman bilang bagong pinuno ng Liga, dapat sagutin muna ang ilang mahahalagang tanong:
👉 Mayroon bang Certificate of Confirmation mula sa National Liga?
👉 Mayroon bang endorsement mula sa DILG?
👉 At ano ang legal na batayan ng pagkilalang ibinigay sa kanya ng Konseho?
Malalaman ang mga sagot kapag nag-imbestiga na ang DILG.
Sa kabila ng kawalan ng mga dokumentong ito, ngayong araw ay nanumpa sa harap ni Mayor Isko Moreno ang grupo ni Erika Platon at kinilala ng Sangguniang Panlungsod sa sesyong pinamunuan ni Vice Mayor Chi Atienza.
Ang ganitong pagkilala, sa kabila ng kawalan ng due process at dokumento, ay mapanganib na halimbawa na nagpapahina sa ating mga institusyon at sa tiwala ng mga mamamayan sa batas.
Kaya’t ako ay nananawagan sa mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Panlungsod: Huwag kayong magpagamit sa mga hakbang ng mga lumalabag sa batas at umaabuso sa kapangyarihan.
Ang mga taga-Maynila ay nararapat lamang sa mga lider na inuuna ang katotohanan, batas, at tunay na serbisyo sa tao, hindi ang pansariling interes o pulitika. Ang tunay na liderato ay nasusubok hindi sa panahon ng kaginhawaan kundi sa gitna ng hamon. At sa harap ng lahat ng ito, pipiliin kong tumindig para sa tama at para sa prinsipyo.
Ang bagyo ay lilipas, ngunit ang katotohanan ay mananatili.
At sa huli, ang tama ang magwawagi. (END)
𝐒𝐓𝐀𝐓𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐁𝐘 𝐃𝐑. 𝐋𝐄𝐈𝐋𝐀𝐍𝐈 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐄 𝐇. 𝐋𝐀𝐂𝐔𝐍𝐀 | 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭, 𝐋𝐢𝐠𝐚 𝐧𝐠 𝐌𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 | 𝐄𝐱-𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐢𝐨 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫, 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 𝐨𝐟 𝐌𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚
13/08/2025
Ngayong araw, inaalala at ginugunita ng Asenso Manileño ang ika-2 anibersaryo ng pagpanaw ni dating Bise Alkalde Danilo "Danny" Lacuna, isang tunay na lingkod-bayan at haligi ng Asenso Manileño.
Si Boss Danny ay naglingkod nang buong puso at may malasakit sa kapwa. Ang kanyang pamana ng tapat at makataong pamumuno ay patuloy naming isinasabuhay sa bawat hakbang tungo sa mas maunlad na Maynila.
Sa kanyang pamilya, lalo na kay dating Alkalde Dra. Honey Lacuna, ipinaaabot namin ang aming panalangin at pakikiisa.
Maraming salamat, Vice Mayor Danny Lacuna. Hindi ka namin malilimutan!
30/07/2025
Malaking Tiwala, Mabigat na Tungkulin!
na po! Ako muli ang uupong Chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability 🙌
Salamat sa pinatibay na tiwala para pamunuan muli ang Blue Ribbon Committee. Lalo nitong pinatibay ang aking paninindigan na ipaglaban ang malinis na pamahalaan at tapat na serbisyo para sa bawat Pilipino 💙
29/07/2025
Patuloy na isinusulong nina Congressman Benny Abante, Congressman Joel Chua, at Congressman Rolan Valeriano ang makabuluhang pagbabago sa Kamara bilang mga committee chairperson.
Sa kanilang pamumuno, katuwang ang taumbayan, titiyakin nilang ang mga batas ay magsisilbi sa kapakanan ng bawat Pilipino. 🇵🇭
HOUSE COMMITTEE CHAIRMANSHIPS
Inihalal ang ilang kongresista para pamunuan ang mga komite sa Kamara sa 20th Congress.
Davao de Oro 1st District Rep. Maria Carmen Zamora
• Accounts
Nueva Ecija 1st District Rep. Mikaela Suansing
• Appropriations
Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores
• Dangerous Drugs
Manila 3rd District Rep. Joel Chua
• Good Government and Public Accountability
Manila 6th District Rep. Benny Abante
• Human Rights
Cagayan de Oro 1st District Rep. Lordan Suan
• Public Information
Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano
• Public Order and Safety
Marikina 2nd District Rep. Miro Quimbo
• Ways and Means
29/06/2025
Ang aming taos-pusong pasasalamat sa ating mga mahal na kasama sa Asenso Manileño na buong puso at walang sawang naglilingkod ng tapat at totoo para sa kapakanan ng bawat Manileño.
Ang inyong dedikasyon, sipag, at malasakit ay tunay na inspirasyon sa ating lahat.
Salamat sa inyong walang kapantay na suporta at pagkakaisa. Dahil sa inyo, patuloy na naisasakatuparan ang pangarap nating isang mas maayos, mas maunlad, at mas makatarungang Maynila para sa lahat.
Mabuhay ang Asenso Manileño!
Mabuhay ang bawat Manileño!
10/05/2025
HULING ARAW NG KAMPANYA NG BUONG TEAM ASENSO MANILEÑO – DISTRITO 6!
Buong puso naming ipinapakita ang aming panata sa Serbisyong Tapat at Totoo, Serbisyong Walang Pinipiling Panahon! Serbisyong Abante!
Ngayong Mayo 12, 2025, sama-sama nating ipakita ang ating paninindigan, WALANG ATRASAN, WALANG URUNGAN at WALANG IWANAN, ABANTE LANG!
IBOTO ang buong Team Asenso Manileño Distrito 6:
• ** #5 Mayor Honey Lacuna**
• ** #3 Vice Mayor Yul Servo Nieto**
• ** #1 Congressman Benny Abante**
Para sa Konsehal ng Distrito 6:
• ** #1 Fog Abante**
• ** #5 Philip Lacuna**
• ** #7 Lito Linis**
• ** #10 Francis Olaso**
• ** #13 Martin Romualdez**