10/02/2026
Deputy Chief of Coast Guard Staff for Marine Environmental Protection, CG-9
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Deputy Chief of Coast Guard Staff for Marine Environmental Protection, CG-9, Government Organization, NHQ-PCG, 139 25th Street , Port Area, Manila.
10/02/2026
03/02/2026
πππ. πππππ ππ πππππ ππππ, πππππππππππ ππ πππππππ ππ ππππππππ πππ πππππππππ ππ πππππππ ππ πππππ ππ πππππππ
Nagpaabot ng lubos na pakikiramay si Secretary Banoy Lopez at ang buong Department of Transportation sa pamilya ni Seaman First Class (SN1) Alkhaizar Q Hadjail ng Philippine Coast Guard (PCG), na kasama sa mga nasawi sa paglubog ng MV Trisha Kerstin 3 kamakailan.
βSaludo ako at ang buong DOTr family sa ipinakitang kabayahinan ni SN1 Hadjail, na hindi nag-atubiling tumulong sa kapwa kahit sa gitna ng panganib. Lubos ang aming pakikiramay sa kanyang pamilya, pati na sa buong hanay ng PCG,β ani Secretary Lopez.
Ayon sa kwento ng mga survivors, matapang na sinuong ng 30-anyos na si SN1 Hadjail ang tubig dagat at inuna munang isalba ang ibang mga pasahero bago ang kanyang sarili.
βMananatiling inspirasyon ang kanyang kabayanihan at katapangan hindi lamang sa PCG, kundi sa buong sambayanang Pilipino. We will honor his memory by doing our utmost to prevent these maritime incidents from happening again,β dagdag pa ng Kalihim.
Natagpuan ang labi ni SN1 Hadjail sa tulong ng pinaigting na search and rescue operations ng PCG. Sa huling tala, umabot na sa 42 ang namatay sa insidente, habang 316 naman ang nailigtas.
βLubos din po ang aming pakikiramay sa mga pamilya ng lahat ng mga nasawi sa trahedyang ito,β saad ni Sec. Lopez. # # #
π΅π
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
NHQ-PCG, 139 25th Street , Port Area
Manila
1002
