03/06/2026
Nakiisa ang KWF sa paggunita sa ika-150 anibersaryo ng kapanganakan ng isang huwarang anak ng bayan.
Bisyon
“Wikang Filipino: Wika ng Dangal at Kaunlaran” Uswag Filipino: Kaisahan, Kaunlaran, at Karunungan
Mandato
Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay nilikha upang magsagawa, mag-ugnay, at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika sa Pilipinas. Ang Batas Republika Blg. 7104 ay ang batas na lumikha sa Komisyon sa Wikang Filipino na nagtatakda ng mga kapangyarihan nito, mga tungkulin at mga gawain, naglalaan ng gugulin
03/06/2026
Nakiisa ang KWF sa paggunita sa ika-150 anibersaryo ng kapanganakan ng isang huwarang anak ng bayan.
𝐊𝐖𝐅 𝐚𝐭 𝐁𝐒𝐔, 𝐌𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐍𝐚𝐠𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐞𝐧𝐭𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚 𝐚𝐭 𝐊𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚
Muling pinagtibay ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Benguet State University (BSU) ang kanilang pagtutulungan panibagong lagdaan ng kasunduan para sa Sentro ng Wika at Kultura (SWK) nitong Lunes, 1 Hunyo 2026.
Nanguna sa paglagda para sa KWF si Tagapangulong Atty. Marites A. Barrios-Taran, kasama si Komisyoner Carmelita C. Abdurahman bilang unang panig. Kinatawan naman nina Pangulong Dr. Kenneth A. Laruan at Dr. Janet B. Mede na Tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino ang BSU bilang ikalawang panig.
Saksi sa naturang okasyon si Komisyoner Ruth M. Tindaan, Komisyoner para sa mga Wika ng Kahilagaang Pamayanang Kultural ng KWF.
Layunin ng nasabing hakbang na mas palakasin at ipagpatuloy ang mga programa at gawaing pangwika at pangkultura sa loob ng pamantasan.
Inaasahang magsisilbing gabay ang SWK sa pagpapayaman ng mga katutubong wika at kultura sa rehiyon sa mga darating na proyekto ng dalawang institusyon.
𝐓𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐀𝐭𝐭𝐲. 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐭𝐞𝐬 𝐀. 𝐁𝐚𝐫𝐫𝐢𝐨𝐬-𝐓𝐚𝐫𝐚𝐧, 𝐊𝐢𝐧𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐚𝐰𝐚𝐝 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐏𝐥𝐮𝐦𝐚
Muling napatunayan ang masigasig na serbisyo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) matapos gawaran ang Tagapangulo nito na si Atty. Marites A. Barrios-Taran ng prestihiyosong parangal na “Sulo ng Pagtataguyod ng Wika.”
Ang parangal ay Ipinagkaloob ng Kapisanan ng mga Filipino Awtor at Manunulat sa Pilipinas (KAFAMPI) noong 31 Mayo 2026 sa Hotel Supreme Convention Plaza, Lungsod Baguio, bilang pagkilala sa patuloy na pag-unlad ng mga programa ng komisyon para sa pambansang wika.
Sa kaniyang opisyal na mensahe, ipinahayag ni Atty. Barrios-Taran na ang parangal ay hindi lámang para sa kaniya, kundi isang malaking pagkilala sa kolektibong lakas at dedikasyon ng buong KWF.
Dahil sa pagkakaisa ng buong komisyon, patuloy na naitataguyod ng KWF ang mga pangunahing gawain nito, tulad ng pagpapalathala ng mga de-kalidad na aklat at babasahin, pagsasagawa ng mga seminar at pagsasanay sa wika, at pangangalap ng mga datos sa malalayong pamayanan sa bansa.
Ang “Sulo sa Pagtataguyod ng Wika” ay ang pinakamataas na gawad sa Gawad Pamana ng Pluma ng KAFAMPI na ipinagkakaloob sa mga indibidwal na nagpakita ng bukod-tanging pamumuno, masigasig na paglilingkod, at makabuluhang ambag sa pagsusulong at pagpapalaganap ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa bansa.
Iginagawad ang parangal na ito sa mga lider at tagapagtaguyod ng wika na naging huwaran sa pagpapaunlad ng mga programang pangwika, pagpapatibay ng mga institusyong naglilingkod sa wika at kultura, at pagpapalawak ng mga inisyatibang naglalayong mapanatili, mapagyaman, at maitaguyod ang pambansang identidad sa pamamagitan ng wika.
Kinikilala rin ng parangal na ito ang mahalagang gampanin ng administratibong pamumuno at pampublikong paglilingkod sa paghubog ng mga polisiyang pangwika, pagpapalakas sa ugnayan ng mga institusyong akademiko at pangkultura, at pagsusulong ng ingklusibo at makabayang paggamit ng Filipino at mga katutubong wika tungo sa pambansang kaunlaran.
02/06/2026
𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐑𝐀 𝐍𝐀! 𝐔𝐒𝐀𝐏𝐀𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀, 𝐒𝐈𝐆𝐋𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀
Makakasama natin sa Episode 9, Season 1, ng Tara na! Usapang Wika, Sigla ng Bansa sa 4 Hunyo 2026 sina G. Arman P. Ople, Librarian II, at Hannah V. Salera, Senior Editor at Tagapag-ugnay ng Proyekto, upang ibahagi ang mahahalagang impormasyon hinggil sa mga layunin, programa, at inisyatiba ng KWF sa pamamagitan ng KWF Aklat ng Bayan at Aklatang Balmaseda para sa higit na pagpapalawak ng akses ng publiko sa mga publikasyon at sanggunian g pangwika at pangkultura.
Ngayong Huwebes, alamin kung paano inilalathala at ibinabahagi sa publiko sa pamamagitan ng KWF Aklat ng Bayan ang mahahalagang akdang pangwika, pampanitikan, at pangkultura, at kung paano nagsisilbi ang Aklatang Balmaseda bílang sentro ng mga sanggunian at babasahin para sa mga mananaliksik, g**o, mag-aaral, at iba pang nagtataguyod ng mga wika ng Pilipinas.
Tara na, pag-usapan natin ang mga programa, aktibidad, at proyekto ng KWF para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng wikang Filipino at iba pang wika ng Pilipinas! Tutok na sa Radyo Magasin 1278 kHz, The Capital FM 104.3, at sa opisyal na Facebook ng KWF sa ganap na 1:00 ng hapon tuwing Huwebes!
02/06/2026
𝐁𝐀𝐇𝐀𝐘-𝐖𝐈𝐊𝐀, 𝐊𝐀𝐍𝐋𝐔𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐍𝐀
Ang ating mga wika ay kabilang sa mga di-materyal na pamana. Taglay nito ang yamang kultura, karunungan, at pagkakakilanlan na mula pa sa ating mga ninuno.
Ano ang mangyayari kapag naglaho ang wika?
Maaaring mawala rin ang kayamanang taglay nito at hindi na matamasa ng mga susunod na henerasyon.
Bilang tugon sa panganib ng pagkawala ng mga katutubong wika, itinatag ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang programang “Bahay-Wika.” Sa loob ng Bahay-Wika, natututuhan ng mga batang nasa gulang na 2–4 ang katutubong wika sa pamamagitan ng inter-aksiyon sa mga katutubong tagapagsalita nito na kadalasan ay mga elder.
Nililinang dito ang kasanayan ng mga bata sa pag-unawa ng mga sinasabi sa kanila (receptive skills) at pagpapahayag ng kanilang mga naiisip o nararamdaman gámit ang katutubong wika (expressive skills). Kasabay nito, nililinang din sa Bahay-w
Wika ang kanilang personal at pangkulturang pagkakakilanlan sa mga gawain tulad ng pananalangin sa katutubong paraan, pagkanta ng katutubong awitin, pagsayaw ng katutubong sayaw, at pakikinig sa kuwento ng mga elder tungkol sa katutubong gawain at paniniwala sa komunidad.
Para sa higit na mabisang pagkatuto ng kabataan sa katutubong wika, kasabay ring isinasagawa ang programang Master-Apprentice Language Learning Program (MALLP). Sa hiwalay na sesyon para dito, sinasanay rin ng mga tagapagsalita (master) sa paggamit ng katutubong wika ang mga staff na naglilingkod (apprentice) sa Bahay-Wika. Sa ganitong paraan, muling napasisigla, naipapasa sa kabataan, at naililigtas sa panganib ng pagkawala ang mga katutubong wika at kultura.
Sinimulan ang unang Bahay-Wika noong 2017 sa Brgy. Bangkal, Abucay, Bataan para sa wikang Áyta Magbukún. Mula 2018 hanggang 2025, siyamanapu’t isa (91) batang Áyta Magbukún na ang nakapagtapos ng programang Bahay-Wika at 31 Apprentice na ang nakapagtapos ng MALLP.
Itinatag ang pangalawang Bahay-Wika para sa wikang Inatá sa Sityo Manara, Brgy. Celestino Villacin Cadiz, Negros Occidental na kung saan, noong 2025, 20 batang Atá ang nakapagtapos ng programang Bahay-Wika at 6 na Apprentice na ang nakapagtapos ng MALLP.
Itinatag naman ang pangatlong Bahay-Wika para sa wikang Álta sa Brgy. Diteki, San Luis, Aurora, kung saan, 6 na Apprentice ang nakapagtapos para sa MALLP.
Bukod pa rito, pinaplano rin ang pagkakaroon ng pang-apat na Bahay-Wika sa komunidad ng mga Manobo Dulangan sa Senator Ninoy Aquino sa Sultan Kudarat bilang patuluyang proyekto ng Sentro ng Wika at Kultura sa University of Southern Mindanao.
Naitatag ang mga Bahay-Wika sa tulong ng mga Lokal na Yunit ng Pamahalaan (LGU). Nilalayon ding maging ganap na programa ito ng mga LGU sapagkat sila ang pinakamalapit na yunit ng pamahalaan na makapagbibigay ng agarang tugon at aksiyon sa mga pangangailangan ng komunidad, tulad ng pinansiyal na aspekto ng programa, pagbuo ng mga polisiya sa pangangalaga ng mga katutubong wika sa kaniláng bayan at lalawigan, at mobilisasyon para sa implementasyon programa.
Sa kasalukuyan, 40 na sa 135 na wika ng Pilipinas ang nanganganib ang kalagayan. Mas umiigting ang pangangailangan na magkaroon ng marami pang bahay-wika sa pagpapanatili ng mga katutubong pamana na dumadaloy sa ating mga wika.
01/06/2026
𝐓𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠𝐮𝐥𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐖𝐅 𝐧𝐚 𝐬𝐢 𝐀𝐭𝐭𝐲. 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐭𝐞𝐬 𝐀. 𝐁𝐚𝐫𝐫𝐢𝐨𝐬-𝐓𝐚𝐫𝐚𝐧, 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠 “𝐒𝐮𝐥𝐨 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐲𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚”
Binigyang-pugay ang dedikasyon at natatanging pamumuno ni Atty. Marites A. Barrios-Taran, Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), sa paggawad sa kanya ng prestihiyosong “Sulo ng Pagtataguyod ng Wika.”
Ipinagkaloob ang parangal sa kaniya ng Kapisanan ng mga Filipino Awtor at Manunulat sa Pilipinas (KAFAMPI), Assett of the Philippines, Inc., at M.E. Publications sa ginanap na Ikalawang Gawad Pamana ng Pluma International noong 31 Mayo 2026 sa Hotel Supreme Convention Plaza, Lungsod Baguio.
Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni Atty. Barrios-Taran ang kahalagahan ng pagkakaisa at sama-samang pagkilos sa pagsusulong ng pambansang wika.
“Walang pinuno ang makapagtataas ng sulo nang mag-isa nang hindi napapagod,” aniya. “Ang liwanag ng sulong ito na hawak ko ngayon ay nagmumula sa kolektibong lakas, talino, sipag, at dedikasyon ng ating Lupon ng mga Komisyoner, mga mananaliksik, at bawat kawani ng KWF. Sila ang mga tahimik ngunit masisigasig na manggagawa na gabi’t araw na nagsisikap upang makapagpalathala ng mga aklat, makapagdaos ng mga seminar, makarating sa mga pamayanang malalayo, makapangalap ng datos, at makapaghatid ng pagmamahal sa wika sa iba’t ibang panig ng bansa. Ang parangal na ito ay pagkilala sa ating nagkakaisang layunin at tagumpay.”
Hindi rin nakalimot si Atty. Barrios-Taran na ialay ang tagumpay sa kanyang pamilya na nagsisilbing inspirasyon at katuwang sa kaniyang mga gampanin sa komisyon.
“Iniaalay ko rin ang Gawad na ito sa aking pamilya na buong puso at walang pag-iimbot na sumusuporta sa aking mga gampanin at mga adhikain para sa Komisyon,” dagdag pa niya. “Kung narito ang aking mga magulang at kapatid, tiyak na matutuwa sila sa aking natanggap.”
Ang Sulo sa Pagtataguyod ng Wika ay pinakamataas na pagkilalang iginagawad ng Gawad Pamana ng Pluma mula sa Kapisanan ng mga Filipino Awtor at Manunulat sa Pilipinas (KAFAMPI), na ipinagkakaloob sa mga natatanging indibidwal na nagpakita ng bukod-tanging pamumuno, masigasig na paglilingkod, at makabuluhang ambag sa pagsusulong at pagpapalaganap ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa bansa.
Iginagawad ang parangal na ito sa mga lider at tagapagtaguyod ng wika na naging huwaran sa pagpapaunlad ng mga programang pangwika, pagpapatibay ng mga institusyong naglilingkod sa wika at kultura, at pagpapalawak ng mga inisyatibang naglalayong mapanatili, mapagyaman, at maitaguyod ang pambansang identidad sa pamamagitan ng wika.
Kinikilala rin ng parangal na ito ang mahalagang gampanin ng administratibong pamumuno at pampublikong paglilingkod sa paghubog ng mga polisiyang pangwika, pagpapalakas ng ugnayan ng mga institusyong akademiko at pangkultura, at pagsusulong ng inklusibo at makabayang paggamit ng Filipino at mga katutubong wika tungo sa pambansang kaunlaran.
01/06/2026
𝐊𝐚𝐬𝐮𝐧𝐝𝐮𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐞𝐧𝐭𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚 𝐚𝐭 𝐊𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚
Pormal na nilagdaan ngayong 1 Hunyo 2026 ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at ng Benguet State University (BSU) ang pagpapanibago ng kanilang kasunduan para sa pagpapatuloy at pagpapalakas ng mga programa at gawain ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK) sa unibersidad.
Kumakatawan sa KWF bilang unang panig si Atty. Marites A. Barrios-Taran, Tagapangulo ng KWF, kasama si Komisyoner Carmelita C. Abdurahman.
Samantala, kumakatawan naman sa BSU bilang ikalawang panig sina Dr. Kenneth A. Laruan, Pangulo ng BSU, at Dr. Janet B. Mede, Tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino.
Dumadalo rin sa nasabing gawain si Komisyoner Ruth M. Tindaan, Komisyoner para sa mga Wika ng Kahilagaang Pamayanang Kultural ng KWF.
31/05/2026
Nais mo bang magsagawa ng pagmamapang pangkultura sa inyong lugar? Basahin ang ilang mahalagang impormasyon tungkol sa Batas Republika 11961 dito.
30/05/2026
Ipagmalaki ang pamanang bayan ng Pilipinas!
Maligayang Buwan ng Pamana sa lahat!
30/05/2026
Ilagay sa comment ang mga sagot mo.
Alamin natin mamayang 3nh ang mga tamang sagot.
Maligayang Buwan ng Pamana sa lahat!
| Monday | 9am - 4am |
| Tuesday | 9am - 4am |
| Wednesday | 9am - 4am |
| Thursday | 9am - 4am |
| Friday | 9am - 4am |