Office of the Vice Mayor - City of Manila

Office of the Vice Mayor - City of Manila

Share

Official page of the Vice Mayor of the City of Manila, Chi Atienza

05/06/2026

Nakiisa si VM Chi Atienza sa Flores de Maynila na ginanap sa Sampaloc, Maynila noong Mayo 31. Tampok sa pagdiriwang ang pagsasama ng makukulay na bulaklak ng Dangwa at ang kagandahan, talento, at kumpiyansa ng mga kandidata ng Miss Manila 2026, na sumasalamin sa mayamang kultura at natatanging husay ng mga Manileño.

Patunay ang Flores de Maynila na patuloy na buhay at umuunlad ang mga tradisyong nagbibigay ng pagkakakilanlan sa ating lungsod. Sa pamamagitan ng mga ganitong pagdiriwang, naipapakita ang pagkakaisa ng komunidad at naitatampok ang mga talento at kakayahan ng mga Manileño na dapat ipagmalaki.



Photos from Office of the Vice Mayor - City of Manila's post 04/06/2026

HIGHLIGHTS | Pagdalo ni VM Chi Atienza sa paggunita ng Ika-455 Anibersaryo ng Kagitingan sa Bangkusay sa Bangkusay Memorial sa Plaza Moriones, Tondo, Maynila.

04/06/2026

Bilang kinatawan ni Yorme Isko Moreno Domagoso, nakiisa si VM Chi Atienza sa paggunita ng Ika-455 Anibersaryo ng Kagitingan sa Bangkusay na ginanap sa Bangkusay Memorial sa Plaza Moriones, Tondo, Maynila.

Binigyang-diin din ni VM Chi na ang katapangan at katapatan ay hindi nasusukat sa edad kundi sa puso at sa kahandaang magsilbi sa kapwa. Aniya, bawat isa ay may kakayahang mag-iwan ng makabuluhang legasiya para sa lungsod.

Hinikayat din niya ang mga Manileño, lalo na ang kabataan, na gamitin ang kanilang boses at makilahok sa mga usaping mahalaga sa komunidad sapagkat mahalaga ang bawat tinig.

Patuloy na nagpapaalala ang kasaysayan ng Bangkusay sa kabayanihan ng ating mga ninuno na nagpakita ng tapang, dangal, at pagmamahal sa bayan—mga pagpapahalagang nararapat nating panatilihin at isabuhay sa kasalukuyan.



Photos from Office of the Vice Mayor - City of Manila's post 03/06/2026

HIGHLIGHTS | Meet and Greet ng mahigit 90,000 Batang Maynila Presidential Scholars sa pangunguna nina Pangulong Bongbong Marcos, Yorme Isko, at VM Chi

03/06/2026

Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., Yorme Isko Moreno Domagoso at VM Chi Atienza, ang ginanap na Meet and Greet kasama ang mahigit 90,000 Batang Maynila Presidential Scholars ngayong araw sa Rizal Memorial Coliseum.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na paggabay at pagbibigay-lakas ng pamahalaang lungsod sa mga kabataang Manilenño bilang mga susunod na pinuno ng lungsod. Bukod sa direktang pakikipag-ugnayan sa ating pamahalaan, mahalaga rin ang kanilang gampanin sa pagpapadaloy ng makabagong pag-unlad at paglilingkod sa kani-kanilang mga barangay.



Photos from Office of the Vice Mayor - City of Manila's post 03/06/2026

HIGHLIGHTS | Regular na sesyon ng ika-13 Konseho ng Lungsod ng Maynila ngayong Hunyo 2

03/06/2026

June 3, 2026 | 13th City Council of Manila - Regular Session No. 80

02/06/2026

Opisyal na po nating binubuksan ang page ng 13th City Council of Manila.

Ang page na ito ay magsisilbing opisyal na digital bulletin board para sa mga aprubadong ordinansa at resolusyon ng Sangguniang Panlungsod ng Maynila.

I-follow ang ating page para manatiling updated sa mga bagong batas at hakbangin ng sanggunian para sa bawat Manileño!



Photos from Office of the Vice Mayor - City of Manila's post 02/06/2026

HIGHLIGHTS | Pinasinayaan nina Yorme Isko Moreno Domagoso at VM Chi Atienza ang bagong ayos na Emergency Room ng Ospital ng Maynila.

01/06/2026

Pinangunahan nina Yorme Isko Moreno Domagoso at VM Chi Atienza ang pormal na pagbubukas ng newly renovated Emergency Room ng Ospital ng Maynila sa pamamagitan ng isang ribbon-cutting ceremony.

Layunin ng proyektong ito na mapalakas ang kakayahan ng ospital na magbigay ng mas mabilis, mas ligtas, at mas maayos na serbisyong medikal para sa mga emergency na kaso. Kabilang sa mga isinagawang pagpapabuti ang mas maayos na mga pasilidad para sa mga pasyente, makabagong kagamitan, at mas episyenteng kapaligiran para sa agarang pangangalaga.

Patuloy ang pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na palakasin ang mga serbisyong pangkalusugan para sa kapakanan ng bawat Manileño.



Want your business to be the top-listed Government Service in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Room 210, 2nd Floor, Manila City Hall, Padre Burgos Avenue , Ermita
Manila
1000

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm