M-41 IN Action

M-41 IN Action

Share

Usap ay tapos na, aksyon na ang sagot. 😎

03/06/2026

Saglit lang naman ako naka-park…

Isa ito sa mga madalas na dahilan ng trapiko at paglabag sa batas. Alamin kung bakit. Panoorin ang video! 👇

Photos from M-41 IN Action's post 02/06/2026

Matapos mag-viral sa social media ang larawan ng isang traffic enforcer na naka angkas sa isang motorsiklo nang walang helmet, agad na umaksyon ang pamunuan ng MTPB at naglabas ng suspension order. 🪖🚦

Isang malinaw na mensahe na ang disiplina at pagsunod sa batas ay para sa lahat.

Silinyador-PH nais lang po ipaalam ng MTPB - Manila Traffic and Parking Bureau na naaksyunan na po ang viral post niyo. Maraming salamat po sa pagpapaabot nito sa amin.

Photos from M-41 IN Action's post 02/06/2026

MTPB Motorcycle Unit, nagsagawa ng clearing operation sa 2nd Street, San Miguel Yamamura, at Mel Lopez Boulevard. 🏍️

Ilang sasakyan ang naisyuhan ng tiket dahil sa paglabag sa umiiral na batas trapiko at obstruksiyon sa kalsada.

Paalala sa lahat ng motorista at may-ari ng sasakyan, ugaliing sumunod sa mga batas trapiko upang mapanatiling ligtas at maayos ang daloy ng sasakyan sa ating lungsod.

Katuwang ang MTPB Motorcycle Unit sa pagpapanatili ng kaayusan, tungo sa pagbabago at patuloy na pag-unlad ng Maynila sa pamumuno ni Yorme Isko Moreno Domagoso☝🏼💙

01/06/2026

📢 May reklamo o concern sa inyong lugar?

Marami ang nagme-message sa amin tungkol sa illegal parking, road obstructions, at iba pang traffic concerns. Para mas mabilis na makarating sa tamang tanggapan ang inyong reklamo, gamitin ang Bilis Kilos Action Center QR Code at mga opisyal na contact details ng MTPB na nasa larawan.

✅ Traffic Concerns
✅ Illegal Parking
✅ Road Obstructions
✅ Iba pang kaugnay na usapin

Ang inyong sumbong ay maaaring maging solusyon sa problema ng inyong komunidad. 🚦🇵🇭

31/05/2026

GOOD MORNING, MANILA!

Ang kaligtasan sa kalsada ay responsibilidad ng bawat isa. Maging disiplinado, maging responsable, at laging unahin ang kaligtasan.

Ligtas na biyahe para sa lahat! 🛵🚦

Katuwang ang MTPB–Motorcycle Unit sa pagpapanatili ng kaayusan, tungo sa pagbabago at patuloy na pag-unlad ng Maynila sa pamumuno ni Yorme Isko Moreno Domagoso☝🏼💙

30/05/2026

Tol, nandyan nanaman sila!!

MTPB Motorcycle Unit x MMDA with Sir Gabriel Go 😎

30/05/2026

Akala ng iba pwede nang iwan habang-buhay sa kalsada. Nagkamali sila. May gobyerno na sa Maynila, at ang mga abandonadong CHASSIS NG TRUCK ay may nakatakdang hantungan.

Ika nga ni Yorme Isko Moreno Domagoso, May gobyerno na pong muli ang Maynila.

Photos from M-41 IN Action's post 30/05/2026

Hindi titigil ang MTPB Motorcycle Unit at MMDA kasama si Sir Gabriel Go sa paglilinis ng mga complain area sa Maynila gaya ng Moriones at Inocencio St.🚔

May mga naticketan, may mga na-tow, pero ang tunay na layunin ay kaayusan at kaligtasan ng bawat motorista at mamamayan.

Katuwang ang MTPB–Motorcycle Unit sa pagpapanatili ng kaayusan, tungo sa pagbabago at patuloy na pag-unlad ng Maynila sa pamumuno ni Yorme Isko Moreno Domagoso☝🏼💙

29/05/2026

May ina-cetylene nanaman na chassis! Aray ko🤣

28/05/2026

Aray ko! naunahan tayo sir Gabriel Go 🤣

Maluwag naman pala Idol MOTO 😅

Want your business to be the top-listed Government Service in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Manila