UPAC Camanava - United People Against Corruption

Directions

UPAC Camanava - United People Against Corruption UPAC is a formation of individuals who guard public funds and fight corruption in Caloocan, Malabon, Navotas, and Valenzuela.

Ang Flores de Mayo (literal na "Mga Bulaklak ng Mayo") ay isang relihiyoso at kultural na pagdiriwang sa Pilipinas na gi...
01/06/2026

Ang Flores de Mayo (literal na "Mga Bulaklak ng Mayo") ay isang relihiyoso at kultural na pagdiriwang sa Pilipinas na ginaganap tuwing buwan ng Mayo bilang pagpupugay kay Birheng Maria.

Sa CAMANAVA, sa pangunguna ng United People's against Corruption, ginanap ang kauna-unahang tinawag naming "Poorest de Mayo", ang parada ng Marginalized sector (mga sector na nasa laylayan) nitong huling araw ng Mayo 31, 2026. Ang bawat tauhan sa parada ay kumakatawan sa mga sector ng ating lipunan. Pinakita dito ang totoong sitwasyon at mukha na dinaranas ng sambayanan pilipino sa araw-araw. Ang kalagayan ng ating mga Manggagawa, kababaihan, kabataan at kung paano din nakakaranas ng atake ng pasismo ang ating mga sector na naggigiit ng ating mga kagalingan at mga batayang Karapatan.

01/06/2026

𝗦𝗨𝗣π—₯π—˜π— π—˜ 𝗖𝗒𝗨π—₯𝗧 π—£π—œπ—‘π—”π—šπ—¨π—Ÿπ—’ π—”π—‘π—š π——π—˜π—™π—œπ—‘π—œπ—§π—œπ—’π—‘ π—‘π—š "𝗙𝗒π—₯𝗧𝗛π—ͺπ—œπ—§π—›"?

May malinaw na meaning na ang salitang "forthwithβ‚± at internationally accepted pa pero pinagulo pa yata ng Supreme Court. Ano masasabi nyo?




31/03/2026

π—‘π—”π—£π—”π—žπ—”π—•π—œπ—šπ—”π—§ 𝗑𝗔 π—‘π—š π—žπ—”π—Ÿπ—•π—”π—₯𝗬𝗒 π—‘π—š π— π—”π— π—”π— π—”π—¬π—”π—‘π—š π—£π—œπ—Ÿπ—œπ—£π—œπ—‘π—’!

Sobrang pasakit na ang ating nararanasan sa gitna ng krisis sa enerhiya. Wakasan na ang kalbaryo ng mamamayang Pilipino!




π—ͺπ—”π—žπ—”π—¦π—”π—‘ π—”π—‘π—š π—žπ—”π—Ÿπ—•π—”π—₯𝗬𝗒 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗔𝗧 π—žπ—”π—•π—¨π—›π—”π—¬π—”π—‘!Isang linggo bago gunitain ang tradisyon na Mahal na Araw, tinatanghal ng mam...
31/03/2026

π—ͺπ—”π—žπ—”π—¦π—”π—‘ π—”π—‘π—š π—žπ—”π—Ÿπ—•π—”π—₯𝗬𝗒 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗔𝗧 π—žπ—”π—•π—¨π—›π—”π—¬π—”π—‘!

Isang linggo bago gunitain ang tradisyon na Mahal na Araw, tinatanghal ng mamamayan ng Metro Manila ang kanilang sariling Kalbaryo na araw-araw na kinahaharap.

Pasan-na-krus nila Juan at Juana ang epekto ng imperyalistang gera ng Estados Unidos sa pagtaas ng presyo ng langis, pangunahing bilihin, kuryente, tubig at nagbabanta na rin ang pagtaas ng bayarin sa mga ospital. Habang hindi na makaagapay ang P695 na arawang sahod ng mga manggagawa, dagdag pa ang kawalan ng trabaho ng mayorya ng populasyon sa Metro Manila.

Ang payong pagtitipid ng MalacaΓ±ang ay katumbas ng pagpatay sa manggagawa at maralitang sektor sa rehiyon. Ano pa ang ihihigpit ng sinturon ng mamamayan kung wala na ngang makain sa tahanan.

Bukod sa krisis sa ekonomiyang danas ng maralita sa komunidad, lagi rin silang nililigalig ng banta ng demolisyon na tutungo sa dislokasyon ng kanilang kabuhayan. Nandiyan ang banta sa Leona Compound sa Pasig, Panday Creek sa Taguig at Smokey Mountain sa Manila at marami pang lugar sa Metro Manila.

Sa gitna ng lahat ng kahirapang ito, hayahay naman ang buhay ng mga burukrata kapitalistang hinuhuthot ang yaman ng bansa sa pamamagitan ng pagnakaw sa buwis na ambag ng mamamayan. Walang kongkretong ginagawa ang papet na rehimeng Bongbong Marcos para makaalwan sa krisis ang sambayanang Pilipino.

Nasa pagkakaisa ang lakas! Nasa pagkakaisa ang tagumpay!

Ang ating mga panawagan:
β€’Magdeklara ng NATIONAL CLIMATE EMERGENCY!
β€’Wakasan ang Imperyalistang Gera ng US-Israel!
β€’Tanggalin ang VAT at Excise Tax!
β€’Ibasura ang Oil Deregulation Law!
β€’Ipaglaban ang P1200 Living Wage!
β€’Ibigay ang P200 immediate relief wage sa mga manggagawa!
β€’Presyo ibaba!
β€’Tutulan at labanan ang demolisyon sa mga komunidad! Ipaglaban ang karapatan sa katiyakan sa paninirahan!



30/03/2026

HOLY WEEK REFLECTIONS: Mateo 27:22-25

BAKIT HANGGANG NGAYON AY MGA MAGNANAKAW ANG
PINIPILI NG MARAMI SA ATIN?

Noon si Barabas ang pinili at pinalaya tapos ngayon mga magnanakaw pa rin ang kinakampihan? Ganun ba talaga?



KALBARYO NG MAMAMAYAN NG CAMANAVA WAKASAN, OIL PRICE HIKE TUTULAN!Taun-taon ay ginugunita natin ang Mahal na Araw (Holy ...
24/03/2026

KALBARYO NG MAMAMAYAN NG CAMANAVA WAKASAN, OIL PRICE HIKE TUTULAN!

Taun-taon ay ginugunita natin ang Mahal na Araw (Holy Week), upang alalahanin ang naging dakilang sakripisyo ng isang rebulosyonaryo at Panginoong si Hesukristo para sa buong sansinukob. Ang Kanyang dakilang misyon para iligtas ang tao mula sa matinding kasalanan sa pamamagitan nang pag-alay ng Kanyang buhay ang pinaka-dakilang anyo ng pagmamahal, at wala nang hihigit pa rito. Si Kristo, bilang totoong tao at Diyos, ay pagpapakita ng isang halimbawa para ating sundin para sa kapakanan ng isa’t isa, at ang Krus na Kanyang binuhat ay isang simbolo nang pagpasan ng kasalanan ng tao na kanyang napag-tagumpayan mula sa Kanyang pagpapakasakit, kamatayan, at muling pagkabuhay.

Sa kasalukuyang kalagayan ng mamamayang Pilipino, nabubuhay ito sa isang sistema na araw-araw ay bumubuhat ng krus mula sa pagsasamantala sa kapwa ⎯ kagutuman, kawalan ng katiyakan sa kabuhayan, pagkasira ng kalikasan, korapsyon, pagpaslang, at iba pang kasalanan sa kapwa ay ilan lamang sa mga mabibigat na pasanin ng masang Pilipino dulot ng kasakiman ng tao sa tao. Ang kasakiman ay isa sa mga dahilan kung bakit tayo ay nalalayo sa isang maliwanag na kinabukasan, isang lipunan na malaya sa pagsasamantala at lahat ay nakikinabang.

Pero ang isang mabigat na bagay ay guma-gagaan kapag nag-tulong-tulong ang mga tao upang buhatin ito. Ang sama-samang pagkilos upang ipaglaban ang karapatan at wakasan ang pagsasamantala ay isang halimbawa na itinuturo sa atin ng Panginoon, ang paglilingkod sa kapwa katulad ng ginawa N’yang paghuhugas ng paa sa mga Apostoles noong huling hapunan at pag-alay ng buhay sa Krus, at katulad din ng maningning na pagkabuhay ni Kristo matapos ang tatlong araw ng Kanyang kamatayan, ang hinaharap para sa isang magandang bukas na malaya sa pagsasamantala at kaapihan para sa lahat ng mamamayang Pilipino na makakamit sa pagkakaisa at kolektibong pagkilos ay siyang pag-asa na ating tinatanaw matapos ang kalbaryo na ating pinagdadaanan.

Upang muli nating alalahanin ang naging dakilang sakripisyo, pagpapakasakit, kamatayan, at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo at mailapat ito sa kasalukuyang kinakaharap ng sambayanang Pilipino, atin pong isagawa ang Estasyon ng Krus: Kalbaryo ng Mamamayan ng CAMANAVA wakasan, OIL PRICE HIKE tutulan

Estasyon ng Krus: Kalbaryo ng Mamamayan ng CAMANAVA wakasan, OIL PRICE HIKE tutulan

Ang Kalbaryo ng Maralita ay isang mobilisasyon tuwing papalapit o sa mga araw ng Mahal na Araw upang ipakita ang pagpasan ng krus ng kalbaryo ng maralita na siyang nagpapahirap sa mga ito. Pinapasan ng masa ang krus na naglalaman ng mga kanilang kalbaryo at pagkatapos ay magkakaroon ng programa upang ipahayag ng maralita ang kanilang mga hinaing at kasalukuyang problema na kanilang pinagdadaanan.

Sa taong ito, ang tema ng Kalbaryo ng Mamamayan ay ESTASYON NG KRUS bilang pagtugon sa kasalukuyang krisis na kinakaharap ng mamamayan ng buong mundo dahil sa nagaganap na digmaan sa pagitan ng US-Israel-Iran. Libu-libong Overseas Filipino Workers (OFWs) ang kasalukuyang nagtatrabaho sa Iran, Lebanon, Abu Dhabi, Israel, at mga karatig na bansa sa Middle East ang kasalukuyang naaapektuhan ng gera na inilulunsad ng US-Israel laban sa Iran. Mga inosenteng buhay ang kapalit sa gerang agresyon ng US-Israel. Sa Pilipinas, bukod sa nalalagay sa panganib ang mga OFW, nakaamba din ang muling pagsirit ng presyo ng langis dahil sa gera. Tinataya na aabot sa Php. 90.00/litro ng Diesel at Gasolina ang magiging presyo sa mga susunod na linggo kung magpapatuloy ang gera sa Middle East. Tiyak na malaking pasanin ito sa mamamayang Pilipino dahil bukod sa presyo ng gasoline ay magtataas din ang presyo ng mga pangunahing gastusin tulad ng pagkain, kuryente, tubig, pamasahe, at iba pa.

Kung gayon, sa darating na mga Mahal na Araw, ating alalahanin ang mga buong mundo sa nangyayaring gera sa buong daigdig (Middle East, Palestine, Ukraine, at iba pa). Ating suportahan ang panawagan ng mahal na Santo Papa Leon XIV ang pagtigil sa gera at solusyonan ang sigalot ng mga bansa sa pamamagitan ng mapayapang dayalogo. Atin ding ipanawagan ang pag-suspinde sa E-VAT at pagtanggal sa VAT na mga pangunahing nagdadagdag sa presyo ng gastusin ng ordinaryong Pilipino. Nanawagan tayo sa ating pamahalaan na agad na tulungan ang mga Pinoy na kasalukuyang apektado ng gera at mailigtas sila sa pinakakagyat upang muli silang makauwi sa kanilang mga pamilyang nag-aantay dito sa bansa. Sa huli, nananawagan tayo sa sambayanan ng Diyos ng patuloy na panalangin, pagkakaisa, pagkalinga, pagtutulungan, at paglaban sa gera at isulong ang kapayapaan batay sa katarungan.

Kaya sa darating na Marso 29, 2026, malugod po namin kayong iniimbitahan na makiisa sa aming aktibidad. Gaganapin po ito sa Monumento sa ganap na 11:30 ng umaga. Ating wakasan KALBARYO NG MAMAMAYAN NG CAMANAVA!

Kahapon nakapagpulong ang United People's Against Corruption - CAMANAVA kaugnay sa gagawing aktibidad para sa "Kalbaryo ...
13/03/2026

Kahapon nakapagpulong ang United People's Against Corruption - CAMANAVA kaugnay sa gagawing aktibidad para sa "Kalbaryo ng Mamamayan" sa darating na Marso 29.
Noong nakaraan taon sumabog ang galit ng taumbayan sa mga anomalya ng flood control project. Pinagsasamantalahan ang kaban ng bayan. Pinagpipyestahan ang buwis ng mamamayan, imbes ilagay sa libre at batayang serbisyo ay napupunta lang sa mga luho at bisyo ng mga buwaya at buwitre sa gobyerno.

Samantala, pinangunahan ng UPAC camanava ang maikling protesta at programa hinggil sa pagkondena sa sunod sunod na pagtaas ng presyo ng langis, nitong martes ang ika siyam na beses na pagtaas nito. Ang Oil Price Hike ay kongkretong anyo ng pagpapakapapet ng rehimeng Marcos sa imperyalistang US. Kaya ang panawagan ng mamamayan, hindi pagsuspendi kundi tuluyang tanggalin ang VAT at excise tax sa langis.

Oil Deregulation Law, Ibasura!
Sahod itaas, presyo ibaba!
Presyo ng langis, ibaba i roll back!

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UPAC Camanava - United People Against Corruption posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share